Iskilar

Sinulat ko ito bilang isang pamamaalam na liham sa aking ama nung siya ay pumanaw(Enero 29, 2008). Di na kami nagkita sa kanyang mga huling sandali at hanggang siya ay mailibing. Binasa ito sa huling gabi ng kanyang burol sa Amerika.

Bilang pag-alala ito sa aking minamahal na ama para sa darating na Father’s Day.

Salamat Tatay Gerry…I love you!!!– January 29, 2008


Iskilar..suklay..gunting

Diyan umikot ang isang parte ng buhay ni Tatay..

Tandang tanda ko pupunta ako sa barberya at dudukot siya sa bulsa..ayun may baon na ako..minsan pambili ng chocnut at goya Nakakatuwa kasi sa trabaho niya lagi siyang may pera kapag may gupit…

Nakakatuwa lahat na yata ay kaibigan ni Tatay..kasi sa trabaho niya kasama ang kuwento..

“Tao po…Ma Gerry!” yan ang pangkaraniwan na maririnig mo sa bahay lalo na sa hapon kapag medyo napapaidlip siya sa balkon namin….siyempre tatawagin ko siya ….”Tay may magpapagupit!”Masipag si Tatay wala siyang tinatanggihan…hanggang gabi tuloy ang gupit.

Noong nagbaboy kami sa likod ng bahay…gupit..kuha ng kaning baboy…magpakain ng baboy ..maglinis ng banlat…magluto ng kaning baboy ang naging pangkaraniwang araw ni Tatay..at hindi lang yan nang sumabay pa ang maliit na manukan…ay siya rin ang nagpapatuka…ito yung panahon na nag-aaral na kami lahat…may haiskul at may college pa…hayy salamat Tay!

Musika…Plaka…Turntable…Stereo…

Yan din ang mga nagpaligaya sa buhay ni Tatay…kasabay iyan sa trabaho niya habang nagggugupit…Frank Sinatra..Prez Prado..Pilita..Trio los Panchos..Glenn Miller..Mabuhay Singers..Ruben Tagalog..Nat King Cole..cha-cha..waltz..big band..at marami pa…hay salamat Tay kasi naipamana mo rin sa amin ang mga bagay na iyan…ang musika..at alam namin tay umabot ka pa sa high tech na gamit..ang isang katerba mo na Ipod…ibang klase ka Tay..by group of singers ang iyong mga Ipod.

Habang sinusulat ko nga ito ngayon lang hindi ako bumili ng CD para sa iyo..para ipadala sayo.. at nakakalungkot kasi simulat-simula kahit nuon pa lagi  may bilin  ka na Plaka..tapos naging CD…tapos naging MP3…o kahit wala kangbilin..maghahanap ako ng gusto mo na CD…hay salamat Tay sa Musika mo..pinasaya mo kami sa musika mo..

Linggo na…Sisimba na…

Yan ang hindi puwedeng mawala sa aming pamilya…sama-sama sa pagsimba…tama ka Tay..kailangan maayos ang bihis kasi haharap tayo sa Diyos…lalong lalo na kung Pasko..Mahal na Araw..Bagong Taon…mahigpit sa oras si Tatay..kaya bilisan sa pagbibihis kasi maiiwan…hay salamat Tay inilapit mo kami sa Pananampalataya…sa Diyos.

Basketbol

Yan ang isang paboritong sport na gustong panoorin ni Tatay..Black and White pa ang TV namin..yun MICAA…hanggang PBA.. parang fans siya ni Jaworski..kung san nanduon si Jawo yun ang team niya..alam ko Toyota tapos naging Ginebra ang team ni Tatay..fans din siya ng Meralco Team nuong araw kasi anduon si Jawo at Reynoso

Siyempre nuong nasa SF na siya ..Golden State Warriors na siya.

Hayy salamat Tay kasi kami man ay naging paborito mo na Team sa basketbol..salamat Tay!

Big Band..Lawrence Welk..New Mistrels..Mabuhay Singers..Pilita..Ruben Tagalog…

Sila ang mga vitamins ni Tatay sa araw araw sa kanyang buhay…sa buong buhay niya ay yan ang gustong gusto niyang pakinggan..pagkuwentuhan…

Si Nanay..Ang mga anak at asawa…at mga apo

Kami lahat ang number 1 sa puso ni Tatay…lalo na si Nanay…

Maraming masasayang kuwento sa aming buhay… saan man na lugar kami andun, Pilipinas man o Amerika…pero talagang ganyan parang isang kanta…may simula at may katapusan…isa kang napakagandang musika sa aming buhay…Salamat Tay…Paalam…

I love you!

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

34 comments on “Iskilar

  1. Chevy says:

    Base! yahoooo! mamaya na yung komento Lo ha. MAg aawt na kasi ako. Ingat at GOdlbess!

  2. sows says:

    aw. namiss ko po bigla tatay ko. hapi tatay day po sa inyo Lo at sa milyun milyong tao sa buong bansa at sa ibang ibayo ng mundo o lupa man…~,~

    • superlolo says:

      Maraming salamat Sows. Adbayns Hapi Tatay Day din sa iyo.

      Talagang miss ko ang Tatay ko lalo na yun di na kami nakapagpaalaman sa huling sandali niya sa mundo. Nagpapasalamat ako sa Diyos at siya ang aking naging Tatay.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. toni says:

    ang agang tribute para ke tatay.
    kaysarap naman pong pakinggan ang mga papuri at pasasalamat ninyo sa inyong ama, patunay ng isang ulirang relasyon.

    • Chevy says:

      Hi Ate Toni!

      Hindi ko na narereplayan yung komento mo sa pag-iinarteng poste ko. Gusto ko lamang po magpasalamat!

      Ingat po kayo lage at Godbless!

    • superlolo says:

      Salamat Mtoni. Advance Hapi Tatay Day din sa father mo.

      Oo Mtoni iyon ang pinagpapasalamat ko sa Diyos…ang simpleng pagganap bilang ama sa amin ni Tatay.

      Ang ganda naman ng word na ginamit mo…”ulirang relasyon”. Totoong-totoo yun. Salamat.

      Sana i-enjoy natin every moments with our fathers habang andito at malakas pa sila.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. Chevy says:

    Magandang Umaga po Lo! ang Cool naman ni Tatay Gerry daming iPod. Mapalad kayo Lolo at nagkaroon kayo ng isang ulirang Ama. Kung nasan man si Tatay Gerry ngayon, sana’y mapayapa at maging masaya siya. Isipin na lamang natin na, nadagdagan nanaman ang anghel na nagbabantay sa atin.

    Mag-iingat po kayo lage at Godlbess Lo!

    • superlolo says:

      Good Morning din Chevs. Haha oo daming iPod. Kasi ayaw na niyang magpipindot sa iPod kaya gusto niya yung gusto niyang klase ng tugtog ay may kanya-kanyang iPod…on lang at suksok ng earphone ay ok na. Yung lang ang bisyo niya ang musika.

      Salamat at oo miss ko ang aking napaka-simpleng ulirang ama pero sabi mo nga andun siya sa Itaas at nagbabantay sa atin. At yun ang inaasam-asam ko ang makita ko siya dun sa itaas…palagay ko mas hi-tek ang iPod niya dun…hehe.

      Ingat ka rin & God Bless!

      • Chevy says:

        Magandang Hapon Lo!

        Lahat naman tayo dun ang punta eh. Pero wak naman muna ngayon, Lo naman eh. hehehehe..

        Ou nga no, mas hi-tek kaya mga gadgets dun sa itaas? hehehe

        Ingat po at Godlbess!

        P.S. Adbans Happy Tatay’s Day po Lo! Tiyak naman babatiin ko din kayo sa mismong araw na yun. Pero siempre buti nang seyp. hehehe

    • superlolo says:

      Dito na ako nag-reply sa tanong mo Chevs dun sa ibaba.

      Iba ang iskilar sa razor Chevs….ang razor ay labaho or pag-ahit sa atin.

      Okay lang ako dito…medyo may pagkabisi-bisihan lang.

      Ingat din & God Bless!

  5. Pong says:

    Tumulo ang luha ko dito superlo, maaga din pumanaw si tatay ko. 1st year college palang ako.
    basta hindi ako masyadong makapagkoment.

    Advance Blessed Father’s Day po sa iyo!

    Be blessed po always!

    • Maraming salamat Pong sa pagbati at pagbisita.

      Nakakalungkot nga ang ending ng aking relasyon sa aking Tatay, di ko na siya nasilayan sa huling sandali. Isang tao pa naman siya na napakahalaga sa aking buhay. Isa talaga sa nagppapursigi sa akin para makarating ng Amerika ay para makasama ang aking Ama dahil madalang lang kaming magkita sa loob ng huling 20 yirs niya dahil magkalayo kami.

      Palagay ko sa aking buhay ay 90% ay makikita ang kanyang pag-uugali…isang bagay na ipinapapasalamat ko sa Diyos dahil siya ang aking naging ama.

      Alam mo Pong itong isang yugto sa buhay namin ni Tatay na di ko makalimutan…nung tinuruan niya akong magbisikleta. Talagang ginabayan niya ako hanggang matuto kahit nagkasugat-sugat ako sa pagsemplang ko sa bisikleta. Naalala ko tuloy lagi ang relasyon natin sa Diyos na ganun din…di Niya tayo iiwan sa buhay at itinuturo Niya lagi na di matakot sa pagsemplang dahil parte ito para matuto sa buhay.

      Salamat Pong, ingat ka lagi & God Bless!

  6. busyokology says:

    kaka-touch naman po ito.
    namiss ko rin ang tatay ko. sa ngayon, mga alaala nalang niya ang kasakasama ko. wala narin kase siya😦

    • Maraming salamat sa pagbisita Eli.

      Oo Eli nakakamiss talaga, minsan ok lang na di kayo nagkikita nung andyan lang sila pero kahit papaano alam natin na magkikita pa rin pero kapag wala na sila…ayun ang maraming sana…sana…sana…nakakalungkot dahil alaala na lang nila ang ating kapiling.

      Still we thank God for giving us great fathers.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. J. Kulisap says:

    Kaberks, paumanhin.

    Pakipaliwanag sa aking ang Iskilar.

    Magandang musika, bawat hagod ay kapanatagan at kapayapaan ang hatid ng amang itinakda para sa isang gawain. Ang maging tagahubog.

  8. kaye says:

    maganda ang mga iniwang alaala sa inyo ng inyong tatay, tay. sayang lamang at di na kayo nagkita…nasa pilipinas pa po kayo nung pumanaw siya?

    anyway, saan man siya naroroon ngayon, alam kong masaya siya kapiling ni Lord.

    happy father’s day din po, tay!

    • superlolo says:

      Hello Kaye at salamat nakabisita ka dito.

      Oo Kaye nasa Pilipinas ako nung pumanaw si Tatay. Nag-aayos na kami ng papeles noon para lumipat na sa US. Yun di na kami nag-abot, umaasa pa naman kami na magkikita-kita pa rin sa aming pagdating.

      Simple lang ang buhay ni Tatay…yung di niya nakamit sa buhay niya ay pinangarap niya na maibigay sa amin.

      Maraming salamat sa pagbati Kaye. Pa-advance na rin ng pagbati kay Bong.

      God Bless!

      PS. Paki kumusta na lang din si Father Fiel diyan sa atin. Salamat.

  9. Sphere says:

    Naiyak ako d2 wala kc akong tatay na nakagisnan tlga pero naging super close ako kay Lolo Tasyo bisitahin nyo po ung post ko about sa kanya…

    Happy Father’s Day sayo Tay! kung anjan lng ako malapit sayo libre kita burger🙂

    • Hello Anne…salamat sa pagbisita at pagbati.

      Talagang may kurot ang paghihiwalay namin ni Tatay. Isa siyang mahalaga sa aking buhay na pinangarap makasama sa pagtawid namin sa Amerika.

      Naku may kurot din pala ang kuwento ko sa iyo…sige bibisitain ko ang kuwento mo kay Lolo Tasyo.

      Maraming salamat anak sa burger…Pinoy na pinoy. Naalala ko tuloy yung komersyal ng Jollibee yung isang Lolo na may kasamang apo na si Karen…ummm sarap ng Jollibee…salamat!

      Ingat lagi diyan & God Bless!

  10. very touching naman po!🙂

    Happy Father’s Day po sa inyo Lo. Godbless.😀

    • superlolo says:

      Maraming salamat Ronneth at salamat sa pagbisita.

      Minsan parang naiisip ko nga parang di pa pumanaw si Tatay kasi di ko siya nakita sa huling sandali niya…pakiramdam ko nga parang nagpunta lang siya sa isang lugar.

      Ingat lagi diyan & God Bless din.

  11. chevybo says:

    Hello Lo! Kamusta na po?

    Advance Happy Father’s Day po!

    Ingat at GOdbless!

  12. Dorm Boy says:

    I am sure proud sau father mo now! You become a better man or even a great man like him! Happy Father’s Day sa Tatay mo at sa lahat ng mga Tatay!

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbati Dorm Boy.

      Oo totoo yang sinabi mo…di ko man nabigyan ng karangyaan sa buhay ang aking ama…ngunit dahil sa simpleng buhay niya ay maligaya na siyang makita ako at aking mga kapatid na natupad ang kanyang mga pangarap sa amin.

      Kung isang ama ka Happy Father’s din sa iyo pero kung isang anak ay bumabati rin ako sa iyong ama ng Happy Father’s Day!

      God Bless!

  13. Len says:

    Lo! musta kanapo?! tagal kona palang hindi nakabisita ditu.. senxa napo,🙂

    • superlolo says:

      Hello Len, mabuti naman ang Lolo dito, maganda na ang panahon dito kasi summer na at puwede ng summer attire.
      Salamat at nakabisita ka Ineng(ganyan yata ang tawag ng Lolo sa mga dalaga sa atin…hehe). Okay lang kung ngayon ka lang nakabisita…ako rin medyo bumagal din sa pagbisita sa mga frens natin.

      Pero nakasilip na ako sa bago mong poste…wow at may hapi EB ka pala…yan ang tunay na friendship sa blogging nagiging realidad.

      At eto nga ako umiikot ang isip sa susunod kong poste…parang hangin ang laman ng utak ko yata…hehe.

      Ingat lagi diyan & God Bless!

  14. joyce says:

    Lolo, Sa mga binasa kon pong mga blogs nyo, ito nakaantig ng aking damdamin… ito ang nakapagpaluha sa akin.
    Napakaswerte ko dahil lumaki ako ng mayroong dalawang tatay…
    ang aking lolo at ang aking tatay talaga.
    Kagaya nyo lumaki rin po ako sa musika na nagbigay ng kulay sa aking buhay..
    stereo, gitara, at turntable (na hanggang ngayon ay natitira pa).
    Ang mga kantang makabayan ng aking lolo (freddie aguilar, coritha,asin) at ang mga banyagang kanta ng aking tatay (beatles,stylistics).
    Na-miss ko tuloy ang aking lolo, at ang kanyang mga awitin…
    Sana lang mas nakasama ko pa siya ng masmatagal pa..
    At sa aking tatay naman, hanggang ngayon, masaya kaming magkajammin’ sa pagbuo ng musika.
    Siya sa gitara at ako naman sa kahon. Hindi man maganda ang aming mga tinig sa pandinig ng iba, pero sa puso namin ito ang pinakamagandang musika.

    Marami pong salamat sa blog na ito….

  15. taray says:

    Isa ito sa mga pinakagusto ko sa mga blogs nyo…

    Napakaswete ko na lumaki ako na parang dalawa ang tatay..
    ung ay ang aking Lolo (tatay ng tatay ko) at ang tatay ko talaga..
    Gaya nyo lumaki rin ako MUSIKA..
    stereo… plaka…at turntable (na hanggang ngayon ay natitira)
    Lumaki ako sa mga makabayang tugtugin ng aking Lolo, mga awit ni Freddie Aguilar, Coritha, Asin…
    Lumaki rin ako sa mga banyagang musika ng aking Tatay gaya ng Beatles at Stylistics…
    Kaya kahit anong generation ata ng musika, naappreciate ko.. hehehe

    Salamat sa Musika na ipinakilala nila.
    Hanggang ngayon magkajammin kami ni Tatay sa pagkanta, siya sa gitara at ako sa kahon..
    Salamat sa musika…

    Napakaswerte ko at may Lolo ako na nagsilbing tatay ko na rin at napakabait at mapagmahal na tatay…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s