Inspired by DB

Inspirasyon ito mula sa sinulat ni Dorm Boy na ‘My JBB Lesson‘.

Ang daming realizations/lessons ni Dorm Boy sa mga pangyayari sa buhay niya na naramdaman ko na nahahawig din sa takbo ng pangkasalukuyang buhay ko.

“Jogging…Never buy a pair of running shoes if you will not run.”~ Dorm Boy

Simula ng pumasok ang summer dito sa lugar namin ay nagsimula na rin ako mag-jogging. Parte na ito ng regular exercise ko(good for the heart and health) at dahil ibinili na rin ako ng bagong jogging shoes ng anak ko kaya ayun talagang ginamit ko na. Tama ka Dorm Boy.

“Time is important (how many times we heard this one) and every time we sit on our comfortable couch, we waste our time which will never be earned back.”~ Dorm Boy

Kung hihingan man ako ng mensahe sa buhay-buhay ay ito malamang ang di mawawala. Inabot ko na ang idad na ito at ayoko ng sayangin ang aking mga oras.  Sabagay iba-iba naman ang nagpapaligaya sa ating buhay pero may mga bagay kasi na nalilibang tayo sa ngayon ngunit nakakaligtaan naman na may mga mas mahalagang mga bagay na dapat unahin lalo na ang may mga kinalaman sa relasyon sa mga mahal sa buhay at sarili. Ito na yata ang isang napakalaking challenge sa mga pangkasalukuyang mga tao, ang umiwas sa kaabalahan na ibinigay ng bagong teknolohiya at media.

Naito ang isa sa aking ginagawa para ma-enjoy ko ang pangkasalukuyan at bawat sandali sa aking buhay(sa akin lang naman ito at puwede maiba sa ibang tao):

Bawas oras sa TV at Sapat na oras para sa paggamit ng computer .

Ginagamit lang namin ang TV(di kami nag-subscribe sa cable TV company) minsan kung may papanoorin ang buong pamilya na makabuluhang palabas katulad ng movie mula sa DVD. Tingin ko mas makabuluhan ang inter-action ng buhay sa isang tao kaysa sa isang TV(‘idiot box’). Kaya kung may pagkakataon ay magkaroon ng masayang oras para sa bawat miyembro ng pamilya at di na lang pabayaan lalo na ang mga bata sa harap ng TV at computer.

Kadalasan ay nagba-browse lang ako sandali sa mga balita sa Internet. Kaya sa loob ng limang minuto ay nakita ko na ang mga gusto kong makitang balita.

Di naman ako mahilig sa mga ‘reality shows’, drama, at mga balita sa buhay ng mga artista. Puwede pa sa akin ang mga comedy shows, ayun ang hinahanap ko ang sumaya at ngumiti.

At sa paggamit naman ng computer. Talagang ito ay nakakalibang lalo na dun sa mahilig magpaikot-ikot sa Internet lalo na yung may mga Facebook(wala akong Pisbuk), e-mails, at mag-chat. Kaya nagbibigay lang ako ng sapat na oras para sa mga ito.

Ano ang ipinapalit ko para sa na-save kong oras  sa mga nabanggit ko sa itaas? Marami naman.

-Quality time para sa pamilya.(Happy Living)

-Nagbabasa ako ng mga libro na hinihiram ko sa library. Kasama na ang mga ‘spiritual books’.( Good for the brain & soul)

-Nag-aaral ako ng mga bagay-bagay na gusto kong matutunan sa mga bagong teknolohiya lalo na sa computer.(Iwas Alzheimer)

-Yung pagsusulat sa blog at pagbabasa sa ibang blogs.(Being creative)

-Mag exercise at jogging. Minsan ay kaya pang mag basketball. Puwede rin ang mag-meditate paminsan-minsan.(Good for the heart & health)

-Mag garden.(Loving Nature)

-Mag DIY(do-it-yourself) sa mga maintenance ng computers, bahay, at sasakyan.(Being Active)

-Boluntaryong tumugtog sa isang ‘Senior’s Home’.(Volunteering)

-Mag simulang magsulat ng isang ebook(planning stage pa).(Being Creative)

-At mga planong maging active sa pagpapatibay ng pananampalataya.(Faith formation)

-Just being yourself at the end of the day.(Happiness & Simplicity)

“I do believe in life we don’t have list of tamang ginawa at maling ginawa. We live life to commit mistake and we continue living to correct the mistakes we made.”~ Dorm Boy

Ang aking sinusunod sa buhay ay ‘to live one day at a time’. Sa mga bawat ginagawa ko sa bawat araw, maging maliit man ito o malaki kapag natapos, ay sinasabi kong ito ay isang tagumpay…’success’ ika nga. Kasi pinagpapasalamat ko lahat sa Diyos na nagawa ko ang bagay na iyon na may gabay at basbas ang Panginoong Diyos.

“Remove all the doubts when making decision. Lahat naman ng pipiliin natin is not yet a clear street. Same with billiards, we still need to exert effort to pocket our chosen balls. And at the end of the game, we all settle for the 8- Ball, our happiness our fulfillment in life.”~ Dorm Boy

Ang sa akin naman ay walang ‘fear when making decisions’…yung may tiwala sa sarili na nababalot naman ng pagpapakumbaba.  Dito na kasi pumapasok ang mga experiences sa buhay, mabilis at walang takot kung mag desisyon. Di naman masamang magtanong, humingi ng gabay at pag-aralan ang isang bago sa buhay…para maiwasan ang di maayos na pangyayari. And I always pray to God  for everything in my life.

Parang sa pagmamaneho ng sasakyan, di mo kailangang tumigil sa gitna ng kalye para mag-isip ng susunod na gagawin, kailangan gawin ang pinaka ‘the best’ sa bawat sitwasyon habang tumatakbo.

At ito ang magdadala sa nais nating marating na buhay…masaya at tagumpay na buhay.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Maraming salamat Dorm Boy sa inspirasyon para maisulat ko ang poste na ito.–Superlolo


44 comments on “Inspired by DB

    • busyokology says:

      ang galing naman ng inspirasyon na nakuha nyo kay dorm boy.

      at maganda po at nakakatuwa ang mga pinanggamitan nyo ng mga natipid na oras. sana magawa ko rin kahit ilan lang sa mga ito🙂

      • superlolo says:

        Yehey beys ka Eli at salamat.

        Kapag talagang umabot na sa ganitong idad, nais ko ay maging makabuluhan na ang mga bagay-bagay sa buhay. Siyempre ay hangad ko lagi maayos at masayang buhay na naaayon sa turo ng ating Maykapal.

        Mga simpleng gawain lang ito Eli na alam ko na bawat may nais ma-enjoy ang bawat sandali ng buhay ay magkakaroon ng tamang mga oras para sa lahat ng bagay na makakapagpaligaya sa sarili at mga mahal sa buhay.

        Ingat lagi & God Bless!

  1. orville says:

    wow po.. galing din po ako kahapon sa blog ni dorm boy at nabasa ko ang mga yan… napaka practical po at kung susundan nga po natin ay talagang magbubunga ng mabuti…

    nagbabalik po ako lolo

    • Maraming salamat Orville sa pagbisita. Pasensiya ka na rin at napabagal ako sa pagbisita sa iyo at ibang kabloggers.

      Yan na lang talaga ang punto ng buhay ko ngayon Orville ang magkaroon ng panahon sa mga mahahalagang bagay sa buhay. Ang bilis kasi ng panahon pero nasa sa atin naman para mapabagal ito sa tamang paggamit ng oras na pinagkakaloob sa atin ng Maykapal.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. chevybo says:

    Hello Po Lo!

    Magandang Hapon po diyan!

    Naglalaro parin ho pala kayo ng basketball, naalala ko tuloy nung niyaya ako ni Tatay na magbasketball kasi hindi daw nae-exercise yung katawan ko. Hehehe. SIya rin pala ang nagruto sa’ken kung paano tugtugin sa gitara ang kanta ng Asin na “Kapaligiran”. Kasi po, natugtug po kayo. Kaya naalala ko ulit. Hehehe.

    Magaganda ang mga kinowt niyong mga salita galing kay Kuya Dorm Boy. Ang ang sarili ninyong pananaw sa bawat kowt. Ang galing. Hehehe..

    Happy Father’s Day po pala Lo!

    Ingat lage at Godbless!

    • superlolo says:

      Hello din Chevs dyan sa atin at gud afternoon na dyan ngayon. Katatapos lang namin na manood ng NBA…talo ako kasi Boston ako.

      Isang accomplishment nga sa akin na makapaglaro pa ako ng basketball, dati shooting lang, pero nakipagtatluhan kami, kalaro mga Kano, pero maayos pa naman ang shooting at assist ko. At 53 sa iba baka sumakit na ang dibdib.

      Musikero kasi din nung araw ang Tatay ko…drummer, pero pinag-aral niya ako ng piyano, inspirasyon ko rin siya. Gusto ko ang mga kanta ng Asin, temang good sa environment. Salamat.

      Maraming kayong magaling magsulat dito sa blogosperyo at lahat kayo ay nakukuhanan ko ng inspirasyon…lalo na sa pagpapatuloy na magsulat. Simpleng pagpapahayag lang ng aking dinadaanan sa buhay ang nais kong maiparating sa mga katulad ninyong halos mga anak at apo ko na rin.

      Naalala ko tuloy ang kanta ni Florante na ‘Handog’…”tatanda at lilipas rin ako ngunit may awiting iiwanan sa inyo”. Yun lang ang gusto kong maiwan ang mga simpleng buhay na dinaanan ko na maaring kapulutan ng konting aral sa buhay ng iba.

      Salamat sa pagbati at Masayang selebrasyon din sa iyo with your Father & family sa Linggo.

      God Bless din!

      • chevybo says:

        Magandang Umaga po diyan Lo!

        Hindi ko po napanuod ang game7 ng Lakers at Celtics eh. Hehehe. Apat daw lamang sabe ng mga opismates ko. Hehehe.

        Waw, Lo! 53 yrs old na kayo? ang galing naman. Biruin niyo yun, nakaksabay kayo sa henerasyon. Galing! Ang cool niyo kasi Lo! Hehehe. Gusto ko rin ang kanta ng Asin, kasi hindi lang sila puro musika. Kasabay nang kanilang tugtugan ang pag-gising sa kamalayan ng bawat Pilipino. Kung puwede nga silang sumali sa pasiklaban ni Kuya Jkul. Naku! Baka sila na ang nanalo. Hehehe.

        Kayo po Lo, Hindi Kayo gagawa ng lahok? Hehehe. Isa kasi kayo sa mga inaabangan ko. Hehehe.

        Naks naman po Lo, na tats naman daw ako dun sa sinabe niyo. Mananatili kaming anak at apo niyo dito sa buladas at kayo naman ang magsisilbi naming gabay at tagasubaybay. Nakanaman!

        Maraming Salamat po sa pagbubukas ng pahina nang inyong buhay!

        Ingat lage at Godbless!

    • Haha walang anuman Chevs at salamat din sa iyo.

      Kala ko nga Boston na ang mananalo…pero talagang ganun bilog ang bola…hehe.

      Nabanggit mo ang paglahok kay Kaberkie ko. Talagang nais kong makilahok, baka makahabol ako sa last 2 minutes. Wala pa kasing pumapasok sa utak ko ngayon.

      Sana magkita tayo dyan kapag nakauwi ako at makapag pisbol sa kanto.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. duking says:

    no doubt na napakaganda nung mga self reflection mo sir dun sa mga sinulat ni dorm boy.bibisitahin ko nga rin pala sya para mabasa ko ng buo yung intresanteng akda niya.

    salamat at magandang araw sa pagbabahagi.

    • superlolo says:

      Maraming salamat Duking.

      Ang simpleng buhay ko lang ang nais kong mai-share sa inyong lahat…na sana ay kapulutan ng konting aral. Isang pagpapahayag ng pasasalamat ito sa Maykapal…sa lahat ng bagay lalo na sa kaloob na buhay.

      Walang anuman Duking & God Bless!

  4. J. Kulisap says:

    Ako’y may tanong pano kung ang buhay ng tao ay nagsisimula sa pagtanda at nagtatapos sa pagiging tamod niya?

    Magbabago ba ang takbo ng buhay natin Kaberkie?

    Iba ba?

    Well, ikaw ay isang inspirasyon.

    • Maraming salamat sa pagbisita Kaberkie.

      Napaisip tuloy ako sa iyong tanong na iyan. Maraming movies na halos naging ganyan ang tema. May batang…biglang pinatanda pero umayaw din siya gusto pa rin nilang bumalik sa normal.( Big by Tom Hanks). May isa naman si Robin Williams ang bida(Jack yata ang title)…nag graduate siya ng haiskul pero mukhang 50 yirs old na siya…isang karamdaman totoo.

      Sa tingin maganda yung tema mo kasi may pag-asa pa ulit na maipanganak kung magsisimula sa matanda papunta at babalik ulit sa ‘sperm bank’…pero mahirap pa rin ito kasi may mga napamahal ka na rin na iiwan na magiging masakit…maaring di na rin naisin na bumalik sa pagkabata… Pero ayos na ako Kaberkie sa normal na proseso na plano ng Maykapal. Just giving my best act everyday…sa afterlife ko na kukunin ang FAMAS award.

      Maraming salamat sa pagkakasabi mo na “ako’y isang inspirasyon”. Wala kasi ako yaman na materyal na maibabahagi…ito lang simpleng buhay ko ang aking pinagbubuti napuwedeng maiwan ko sa mga puso ng aking mga iiwan sa mundong ito. At patuloy na puna-aaralan na pagbutihin ang buhay na ito habang may lakas pa.

      Ikaw man ngayon ay tinitingala ng ating mga kaibigan sa blogosperyo. Magkasama tayo para palawigin ang mga magagandang pakikipagkaibigan dito sa mundo ng blogosperyo. Tayo ang mga bagong Misyonero ika nga dahil nararating natin at nabibigyan ng kahulugan ang magkaroon ng magandang buhay ang iba sa pamamagitan ng pag-share ng ating mga ekspiriensya sa buhay-buhay.

      Salamat muli Kaberkie. God Bless!

  5. Pong says:

    Ang ganda ng self-reflection/life realization niyo po superlo.

    Be blessed po!

  6. toni says:

    happy fathers day Superlo.

    maraming salamat po sa lahat ng mga paalala.

    • Naku maraming salamat Toni sa pagbati.

      Walang anuman Toni. Mga simpleng paalala lang naman iyan mula sa aking nagpapakasimpleng buhay.

      Mukhang may pinagkakaabalahan ka dyan sa inyo dahil ngayon ka lang muli nagawi dito.

      Ingat lagi & God Bless!

      • toni says:

        mas me edad pa pala tatay ko kaya mula ngaun tatay na rin itatawag ko senyo.

        malalaki na po mga tanim ko at namumulaklak na iba kaya me dagdag ako pinagkakaabalahan, tulad ngaun 2 beses magcut ng damo sa loob ng 1 linggo dahil parati naulan kaya mabilis lumago at ubod daming lamok.
        tatay musta naman po mga alaga at tanim nyo jan?

    • Haha salamat anak at ikinatutuwa ko ang pagtawag mo sa akin Toni ng Tatay.

      Ummm buti ka pa at tuloy-tuloy ang iyong gardening….yung sa akin ay natigil na pansamantala kasi marming snails at di maganda ang lupa. i-skedyul ko ulit ang pag-aayos ng garden. Medyo mainit na dito, kaya kapag sinipag ay masimulan na ulit ang pag-garden.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. taribong says:

    Good morning po, Tats!

    Happy father’s day!

    May you always continue to be strong, healthy, and happy! God bless you always!!

    Tats, thank you and thank you for your posts… You really inspire and move me… Sometimes, it truly hits the spot that i refrain from making comments which i feel are inadequate. Often, i backread your posts and they continue to be beautiful as they were the first time i read them. Thank you very much!

    Again, happy father’s day!😀

    • superlolo says:

      Good Evening dyan Tars sa atin. At super maraming salamat sa pagbati & prayers.

      Walang anuman at Kayo rin ang mga inspirasyon ko para magpatuloy sa pagbibigay ng mga simpleng paalala sa buhay. Someday kasi yun din ang dalangin ko sa inyo na maging maayos ang pagiging magulang sa inyong pamilya.

      Ibang feeling itong ating relasyon sa blogosperyo Tars. Hinahanap-hanap ko kayo madalas at ikinatutuwa ko ang inyong presensiya dito. Dalangin ko na bigyan tayo ng pagkakataon ng magkita sa darating na panahon.

      Wala na ang mga dati kong mga kaibigan sa Pilipinas na halos napakatagal kong nakasama…na minsa’y hinihintay ko ang pangangamusta. Ngunit marunong ang Diyos dahil kayo ang kanyang ipinadala sa aking buhay upang mapunuan ang kadalasang lungkot na dumarating sa buhay. Salamat anak.

      Sa iyong pamilya…nawa’y nagkaroon din kayo ng isang espesyal na selebrasyon.

      Ingat lagi & God Bless!

  8. Ax says:

    SuperLolo, happy father’s day.

    Tsk. Di ko na rin kaya ielaborate. Nandyan na po yung core message ng greetings!

    Happy father’s day sa lahat ng daddy, papa, tatay, ama, itay, dad, papsy o anuman ang tawag sa kanila!

    • superlolo says:

      Maraming salamat Ax sa pagbati.

      Pinasaya ninyo ako sa inyong pagbati. Umaga ngayon ng Father’s Day. Tahimik pa dito sa bahay, tulog pa ang mga anak ko. Ngunit sabi ko nga kay Tars sa itaas, may ibang feeling ang ating relasyon dito sa blogosperyo…ganun pala yun.

      Haha…tama ka sa mga tawag na iyan…nadinig ko na ang mga iyan sa aking buhay. Salamat.

      Dalangin ko Ax na someday ay magkaroon din tayo ng pagkakataon na makita ang isat-isa. Dahil ikaw ay madalas nagbibiyahe…malay mo dito pa tayo magkita.

      Nawa’y nagkaroon din kayo ng masayang selebrasyon sa inyong pamilya ngayon araw na ito.

      Ingat lagi & God Bless!

  9. “And this is my prayer: that your love may abound more and more in knowledge and depth of insight, so that you may be able to discern what is best and may be pure and blameless until the day of Christ.” (Philippians 1:9-10)

    good morning superlolo! i’m back! group hug sa lahat ng nandito!

    • superlolo says:

      Amen po. Maraming salamat po sa prayers na ito Father.

      Parang blessing na rin ninyo ang prayers na iyan sa bloghay na ito kasi po almost 1 year na po ang ‘Blog ni Lolo’. Salamat po.

      Group hugs po!

  10. Nortehanon says:

    kahapon po ay sinubukan kong bumisita sa bahay mo several times, Lolo Jem. Pero, tuwing bibisita ako, may nakikita akong notice sa harap nitong bahay mo. Ang nakalagay, parang this blog has been removed/suspended due to violations of wordpress.com TOS, to that effect po. Nagtaka nga ako eh. Salamat naman at today ay bukas ang pinto ng bahay mo🙂 Happy ako.

    Have a great day, Lolo Jem!

    • superlolo says:

      Naku maraming salamat Miss N sa inyong pagbisita(at napataon pa na na-suspend ng WP kahapon). Ayaw daw nila na may link ang blog na ito sa paid2blog[dat]com…bawal daw…kaya ayun siyempre masunurin kaming libre sa WP…hehe.

      Yes salamat ulit at napadaan ka dito.

      Ingat lagi & God Bless!

  11. yiN says:

    Lo, anong instrumento tinutugtog mo po? Tsaka susulat kang e-book? Hiyes! Paano gumawa nun? =p

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbisita yiN.

      Haha medyo mini ebook lang muna siguro. Matagal na kasi ang ebook pero parang praktikal na siyang gawin ngayon(di katulad dati parang haytek pa). Siguro sisimulan ko ang ebook sa mga compilation ng mga inspirational stories mula sa aking experience & family. Praktikal ang ebook kasi mababasa siya sa mga itouch & ipad. Yung mga mahilig magbasa puwede magbasa kapag na-download na & puwede i-share sa iba.

      Meron na akong isang trial copy…teka pero dun ko ipadala sa iyong email ha.

      Sa keyboard ako nung may banda pa ako, pero mga simpleng tipa lang ako…hehe. Isang pangarap na natupad ang pagtugtog ko kasi yung banda namin ay tumutugtog sa mga okasyon at dahil disco ang tugtog namin…ayun napapasayaw namin ang mga tao at nakapagbgay ng kasiyahan.

      Ingat lagi & God Bless!

  12. sows says:

    wow, lo pangarap ko ring maging kapaki-pakinabang ang oras ko..

    sna magawa ko rin yan! :p

    • superlolo says:

      Maraming salamat Sows sa pagbisita.

      Kung iisipin natin siguro na “everyday is our last day”…mabilis gawing kapaki-pakinabang ang bawat araw.

      Meron akong sinusunod na kung paano ko ma-prioritize ang aking mga activities at oras. Sa ganitong order.

      Para kay God muna.
      Para sa Family ko.
      3rd priority na ang Others.

      Kapag dumarating sa pagkakaton na magkakasabay-sabay ang aking mga activities…ayan mabilis na akong mag-desisyon.

      Sa aking experience nagiging smooth naman lahat kasi kapag inuna si Lord…may basbas na lahat ng activities at ayun nagagawa naman ng maayos…happy si God..happy ang family…happy din mga others sa buhay.

      Kung Kaya nating i-simplify ang buhay natin ayun magagawa natin ang mga ‘what matters most in our lives’.

      Ingat lagi & God Bless!

  13. sows says:

    ebook? huwaw! pengeng legit copy pag nagkataon po ha?!😉

  14. ana_banana says:

    I love your post Lolo Jem… It’s true, learn to value our time Wag natin sayangin ang oras natin sa mga bagay na pwede naman wala sa buhay natin … I’m not surprised when Times chose Farmville as one of the worst invention, (sorry sa mga naglalaro) daming nasasayang na oras. Try to do the things as suggested by Lolo Jems… Thanks for sharing🙂

    • Maraming salamat Ana.

      Yan talaga ang mahirap sa new generation…ang daming tukso sa buhay…na umaagaw sa oras para sa mahahalagang bagay sa tunay at makabuluhang buhay para sa tao.

      Ang dami-dami talagang ibinigay sa atin si Lord…yung paligid lang natin na isang paraiso sa kasaganahan at ang mga mahal natin sa buhay…ay kung bibigyan natin ng panahon ay sobrang malaking kaligayahan na upang sila ang maunang pag-ukulan.

      Hamo medyo madadalas ang aking paalaala sa ganitong tema. Salamat sa pag-appreciate.

      Muli maraming salamat sa pagbisita.
      Ingat lagi & God Bless!

  15. very inspiring post, superlolo and dorm boy.

    madami ako natutunan. as for me, hindi na din ako bata. im trying to live the life i want. kahit paunti unti muna. mahirap kasi pag me regrets. time lost can never be taken back. make each day count.

    magandang araw po, superlolo. super ka talaga🙂

    • Maraming salamat Miss GBP at gandang araw din.

      At mas lalong di na ako bata, lapit ng maging senior citizen Miss GBP kaya Ayun eksakto ang sabi mo… “time lost can never be taken back. make each day count.”

      Ikaw rin ay alam kong maximizing your time & energy para sa love na love mong mga adventures lalo na sa nature & yung biking mo pa.

      Sana yan ang maituro natin sa new generation na di magkulong sa bahay at humarap na lang sa computer. Yung i-enjoy ang masayang buhay sa tunay na mga creations ni Lord.

      Maraming salamat muli sa iyong pagbisita. God Bless!

  16. Sphere says:

    Tay, dalawang beses kong inulit na basahin ang post nyo po napakasimple at tahimik na buhay ganyan din gusto ko ayaw ko ng masyadong bonggang buhay🙂

    salamat po sa pagshare ng mga xperience kapupulutan ng aral:-)

    Yngat ka po lagi jan Tay!🙂

    • Hello Annne at walang anuman. Ganito na talaga yata Anne kapag nasa halfway na ng buhay ang maging masinop na sa mga bawat araw na regalo ni Lord.

      At yun sinabi mo na…”ayaw ko ng masyadong bonggang buhay”…ang ganda kasi yan ang buod na makikita natin yung mga tunay na mahahalaga at magpapasaya sa ating buhay. Yung sabi nga ni GreenBellPaper ay “time lost can never be taken back. make each day count.”

      Napadaan pala ako last time sa bahay mo pero di ako nakapagkomento sa malungkot na nangyari sa lovelife ng iyong kaibigan. I hope na okay na siya ngayon.

      Ingat ka rin lagi at keep on drumming…Yehey! God Bless!

  17. Dorm Boy says:

    Supergranny nakapasyal ka na po ba sa bohol? Pag di pa me kwento ako about sa Bohol sa blog ko! Check it out po!

  18. bonistation says:

    inspiring na naman po ito, salamat po! isang magandang simula ito para sa mga readers.

    napagisip ako ng husto sa mga nasayang kong oras..
    gusto ko ang buhay mo lo.. ang ayos, ang gaan, sobrang simple pero ang saya!

    God bless you more!

    • Walang anuman Bons at maraming salamat din sa pagbisita.

      Oo Bons isang paalaala ito mula sa katulad ko na talagang palapit na sa ika-anim na dekada sa mundong ito.

      Very exciting itong 20th century lalo na kung titingnan natin ang mga bagong teknolohiya pero ang para sa akin ay sana di maagaw ng mga ito ang mga tunay na mahalaga at magpapasaya sa ating buhay. Sana di natin makalimutan na ang mundong ito ay isa ng paraiso na ginawang perpekto ni Lord…i-enjoy sana natin ito at magiwan ng marka(magandang memories) sa mga taong makakasama natin kasi ang ating buhay ay one-way lang…at natatapos pa.

      Maraming salamat muli at God Bless din Bons!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s