Pasiklaban Ng Mga Lolo

Wala itong kinalaman sa matagumpay na pakontes ni G. J.Kulisap.

Pasiklaban talaga ang nasaksihan ko nung Linggo. Pasilklaban ng mga lumang sasakyan ng mga Lolo dun sa pali-paligid sa aming lugar.

Masasabi ko na itong aking mga nakita ang mga Lolo ng mga makabagong sasakyan.

Nagbibigay din ng pagkamangha dahil ang mga sasakyan na aking mga nakita ay nagmula pang nagawa nung pumapasok pa lamang ang ’19th century’ pero dahil sa magaling na pag-aalaga ng mga Lolo ay tumatakbo na parang mga bago.

Naito ang mga kuhang larawan mula sa ‘Classic Car Show 2010’.


















Pero sabi nga nung isang Pinoy…wala yan sa Lolo ko.

Ummm baka may Sarao na antik ang lolo niya.

26 comments on “Pasiklaban Ng Mga Lolo

  1. toni says:

    beys muna ko Tatay.

  2. toni says:

    me mga nakikita ako non sa pinas na mga type owner jitney style inspired tulad nong metallic red and gray.

    talagang pasiklaban dating nyan Tatay dahil antigo at talagang mahal na halaga ng mga yan.
    problema lang karaniwan sa classic car malalakas kumunsomo ng gasolina.

    meron din kami nakikita dito bibili sila tas mimomodify na lang.

    • Buena mano…beys ka talaga Mtoni.

      Tama yung sabi mo, magaling gumaya ang mga Pinoy lalo na dun sa mukha ng mga owner, pwede ngang gawing mukhang Mercedez Benz.

      Yung narinig ko nga parang halaga na ng isang bahay ang halaga nung isang sasakyan, yun yatang nasa pinaka-unang picture sa itaas, yun yung tingin ko na pinakaluma…pinaka-antik….1915 na Ford. Bago yata lumabas yan ay yung 4-wheel na hatak lang ng mga kabayo…parang kalesa pa.

      Yung iba rin modified…pero mas marami ang restored to original lang…parang mahal talaga ang value.

      Oo yung mga american cars lalo na yung mga mukhang sasakyan ng mga Mafia…ayun malalaki ang makina nun kaya talagang malalakas sa gasolina. Parang yung naka-display sa Fort Santiago…yun sinakyan nung panahon ng mga hapon, parang trak ang mga makina pero kotse lang.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  3. kaye says:

    second base ako, tay!

  4. kaye says:

    hahaha! pinakapanalo ang sarao, kung meron man. hahaha! wala talaga sila sa lolo ko!

    pero ang gaganda ng mga sasakyan, magkano na kaya ang halaga nila ngayon, tay?

    • Ay mabuti naman at napabisita ka Kaye, Yehey 2nd beys(praktis na tayo at baka magpalaro na si Father)…salamat.

      Ito na yung libangan dito ng mga 50++ years old…ang ‘Toys for the Big (old)Boys’.

      Kung kasing halaga ng isang ordinaryong bahay…palagay ko less than 100K(triple ng mga bago) ang mga iyon…kasi mga collector’s items na ang mga iba sa classic cars.

      Yung talagang mga original jeeps(Sarao) natin ay galing sa mga antik na jeeps ng mga Merkano nung giyera. At alam ko meron sa atin na nagtatago ng ganun sa bahay. Original jeeps talaga…restored to original US military jeep.. Kaya nung araw inabot ko pa iyon sa Maynila nung mga 60’s…mga maiikling jeepney ang bumibiyahe parang tatluhan lang ang magkabilang upuan sa likod ng jeep…kasi modified lang from US army jeep.

      Siguro sana pagdating ng araw makakuha pa ako ng magandang VolksWagen na Beetle…gusto kong magrestore balang araw dyan sa atin.

      God Bless!

  5. jason says:

    lolo gusto ko sumakay dyan… sakay mo ko lolo

    yung car sa photo # 8 ang aken.

    oo aken inaangkin ko na po. hahah

    • superlolo says:

      Haha nakakatuwa ka naman Jason.

      Yung #8 coming na Jason…isang die cast lang muna…haha

      Ako man gusto kong sumakay sa mga iyan…kaya lang habang naka-display ay ‘No Touch’ daw.

      Mahilig akong mag koleksyon noon ng mga classic cars pero yun lang mga maliit na die cast…yung mura lang na nabibili sa SM.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  6. sows says:

    danda nung maroon lo!! prang tinitingnan nia ko at sinasabing, take me home!!😆

  7. Sphere says:

    Wow! hang kikintab tay mukhang mga bago lng ahahaha yan yata ang mga nirerentahan sa movie pag classic ung gagawing eksena…

    natawa ako don sa sarao na antik🙂

    Yngat ka jan lagi tay:-)

    • superlolo says:

      Haha dun sa atin Anne eh yung mga vintage/old cars ay pang renta sa movie or minsan sa mga kasal.

      Aba panlaban naman talaga sa atin ang Sarao…antik na rin ang mga iyon…hehe.

      Salamat at God Bless!

  8. Nortehanon says:

    Salamat naman Lolo Jem at ok na talaga itong blog mo. Nung ilang araw na nakaraan ang sabi ay archived na raw ito for violation of TOS ng wordpress.

    Anyway, napaisip lang ako, kung sa inyo sa Liliw magpapasiklaban ang mga lolo, ano kaya ang pagpapasiklaban nila? Sapatos po kaya, Lolo Jem?😀😀😀

    • superlolo says:

      Ummm napaisip ako Miss N sa puwedeng magpasiklaban ang mga Lolo sa Liliw.

      —paggawa ng mga tsinelas/sapatos
      —pagakyat sa puno ng Niyog at magpatawid-tawid sa mga Niyog(pagkuha ng gagawing suka at lambanog)
      —palakasan sa pag-inom ng lambanog…ito palagay ang isang magaling dun ang mga Lolo…hehe.

      Salamat sa pagbisita Miss N & God Bless!

  9. chevybo says:

    Hello Lo! Magandang Araw po Diyan? Kamusta na po kayo? Ang tagal kong hindi nakadalaw, hehehe.

    Huwaw, ambangis at ang-gagara ng mga sasakyan. Parang mga bombang naiwan ng mga Hapon nuon. Vintage! Hehehe. Akalain mo yun, sa tinagal-tagal ng panahon, ang kikintab paren ng mga kulay nila. Gusto ko yung Chevrolet. Hehehe. Siempre “Chevy”. Ingat po at Godbless!

    • superlolo says:

      Okay naman ang Lolo dito Chevs…medyo mainit na dito…summer na.

      Haha..oo nga Chevrolet…Chevy.

      Naalala ko tuloy yung mga anak nung kapitbahay namin noon dahil mahilig sa mga sasakyan yung Tatay ang ipinangalan niya ay from the mga sikat na name ng cars(totoo ito).

      —Panganay Lalake- Vedi(sikat yata ito sa Europe noon)

      —2nd Lalake – Ford

      —3rd Babae – Mercedez

      —4th Babae – Chevy

      Salamat at God Bless!

  10. duking says:

    pinaka astig yung unang unang pic.

    ang ganda rin talaga ng pagpapahalaga ng mga americans sa culture nila.much like tayo,mahilig din magtago ng mga luma basta may sentimental value.

    salamat ulit sa pag si-share sir!

    • superlolo says:

      Haha tama yung sinabi mo Duking.

      Yun ang mga istorya ng mga sasakyan na iyan na nabasa ko. Yung may pagka sentimental value sa kanila. Parang marami dun eh unang sasakyan pa ng mga original na pamilya kaya ayun inalagaan nila para sa memories ng kanilang mga mahal sa buhay.

      Pero may magaling naman na project din sa Pinas…ang mag restore ng old houses…na makikita sa Bataan…nakita ko na sa website(lascasasfilipinas.com yata) at ang gaganda ng mga na-restored na old houses…isang pagpapahalaga rin sa kulturang Pinoy.

      Walang anuman at salamat din sa pagbisita…God Bless!

  11. Len says:

    hello lolo, musta na? ang gaganda ng mga car… shaks!!😉

  12. Len says:

    classic na classic peru ang ganda padin sa paningin.. asan yung car mo lolo jan??

    • superlolo says:

      Hi Len. Haha oo ang gaganda ganyan din ang tawag sa aming mga Lolo…oldies but goodies..hehe.

      Sa ngayon ay di ko balak gawing libangan ang mag-alaga ng lumang sasakyan. Siguro pag umabot na ako ng 70. Sa ngayon ay mayron akong ginagamit na 20 years old na Toyota Corolla. Balak ko na paabutin pa siya ng another 20…ummm 40. Pagdating nung panahon na yun ay classic na rin siya.

      Maraming salamat sa pagbisita Len. Ingat lagi dyan & God Bless!

  13. orville says:

    wow lolo ang gaganda po ng mga sasakyan.. naku ang mamahal sigurado po ng mga yan..🙂

  14. J. Kulisap says:

    Wala nga ‘yan sa lolo ko..ahahahha.

    Sarao. Buhay pa ba ang Sarao?

    Kamusta ka na Kaberkie?

    • Haha palagay ko may mga buhay pang mga Sarao Kaberkie…kasi sa atin naman eh hanggat buhay pa yung body eh pinapalitan lang ng engine. Pero sa isang banda pinalitan na rin ang design ng mga jeep at lugi na ang driver sa sukat ng Sarao…ang design yata sa atin eh sampuan bawat side na…o may more ten pa yata…truck na yata yun…hehe.

      Ok lang at salamat sa pangangamusta Kaberkie.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s