Libre

Ang sabi nga ‘The Best Things in Life are Free’.

Ang sarap isipin ang mga bagay na libre sa ating buhay at sa isang iglap ay mapupuno tayo ng pasasalamat sa nagkalaoob nito sa ating buhay.

Madalas ay nakakalimutan natin mapansin ang mga ito dahil sa kaabalahan sa akala natin ang mga materyal na bagay ang tunay na magpapaligaya sa buhay.

Nagmuni-muni ako at ito ang mga pumasok sa aking isipan.

1. Hangin

2. Tubig

3. Sikat ng araw

4. Mga puno at ibon

5. Kalangitan

6. Panahon(Dati ay dalawa lang ang aking alam na panahon, ngayon ay apat na dito).

7. Ang pagtubo ng halaman mula sa isang buto.

8. Ang kagandahan ng paligid(bundok, dagat, puno,…)

9. Ang mga damo(Ang sarap maglakad ng yapak sa mga damo).

10. Pagpapatawad

11. Pagtawa

12. Pakikipag-usap

13. Pakikipag-kaibigan

14. Musika

15. Ehersisyo

16. Pag-iisip

17. Talento

18. Magbasa ng mga libro(sa library)

19. Pagiging Ama(or Nanay)

20. Sumayaw

21. Tumakbo

22. Maglakad

23. Lumangoy

24. Mag bisekleta

25. Paghawak sa kamay

26. Magmahal

27. Kumain

28. Ang yapusin ang mahal na anak

29. Pagsikat at paglubog ng araw

30. Kumanta

31. Ang makita ang pag-anak sa isang sanggol

32. Sanggol

33. Humawak ng sanggol

34. Makatanggap ng regalo

35. Ngiti

36. Ang magpasalamat

37. Umaga at gabi

38. Magagandang alaala

39. Ang matuto

40. Ang mag-solve ng problema

41. Mangatwiran

42. Magtanong at sumagot

43. Maghanap at makakuha

44. Kalayaan

45. Magbago(para sa kabutihan at kasaganahan)

46. Ang mahalin

47. Mangarap

48. Gumawa ng tula at kanta

49. Magsulat

50. Ang mga tala sa langit

51. Inspirasyon

52. Ang ating ispiritu

53. Mag pinta o mag-drawing

54. Magpalipad ng saranggola

55. Tumulong sa kapuwa

56. Ang paggamit ng kamay

57. Maglaro

58. Ang pagiging creative

59. Magtampisaw sa dagat

60. Lakas ng katawan

61. Rainbow

62. Ulap

63. Ulan

64. Salita

Ummmm mukhang marami pa. Ano pa ba ang mga libre na nagpapasaya sa iyo kaibigan?

–  – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Maraming salamat po sa pagbisita. Pansamantalang magbabakasyon po ang inyong Lolo sa malayong lugar at baka di ko po masagot agad ang inyong mga komento. Pero pipilitin ko pong makahagilap ng paraan upang makasagot sa inyong mga komento sa aking pupuntahan. At sa susunod na poste ko ay ang kuwento ng aking pagbabakasyon(libre).

Maraming salamat po at God Bless you all always!

31 comments on “Libre

  1. taribong says:

    Ang pagkakaibigan at pagiging isang pamilya sa blogosperyo, ang pagdalaw at dalawin sa kani-kanyang blogposts, ang papuri, pasasalamat, pagmamahal na kusa at di pinilit, atbp. Maraming salamat muli, Tats! Pagpalain parati kayo ng Dakilang Lumikha!!

    haha naalala ko lang may notebook ako noong grade 5 na may nakasulat ^the best things in life are free^ at ang larawan ay isang malawak na kagubatan hehe. Asan na kayo yun. Tyak wala na hehe. Hanggang sa muli po…

    • Maraming salamat din Tars. Oo nga ang WordPress ay isang FREE kaya salamat pala…at dito dumaan ang ating pakikipagkaibigan at lahat-lahat na na sabi mo.

      Marami talaga tayong dapat ipagpasalamat sa araw-araw dahil available lagi ang mga bagay na maganda sa ating buhay.

      Salamat sa pagbisita at God Bless din!

    • alkapon says:

      Mga lireng pagkain po lolo..

      pinaka masarap ang kumain na hindi man lang nabawasan ang pera sa bulsa.. hek hek hek joke!

      sabi nga ng isang kumag na mahilig kumain ng libre..

      burrrrp. (busog, sabay hipo sa malaking tiyan).. haay! salamat sa diyos, nabusog na walang gastos.. burrp!

      • Haha Pinoy na Pinoy ang dating ng iyong ‘FREE FOOD’.

        Tama ka iba ang feeling ng nakakain ka ng libre lalo na at ‘eat all you can’ pa….hehe.

        Parang naalala ko tuloy ang ‘Piyestahan Blues’ namin nung bata pa.

        Salamat sa muling pagbabalik. God Bless!

  2. Nortehanon says:

    ang mga aso, pusa, at iba pang mga hayop, ang mga magulang at kapatid, ang pagligo sa ulan, pagsakay sa kariton na hila ng kalabaw, ang lagaslas ng talon, ang huni ng mga ibon…….too many to mention, Lolo Jem.

    sadyang maraming magagandang bagay sa mundo ang libre at nakapagpapasaya—mga bagay na madalas ay nati-take for granted natin.

    • Ay talaga at tumpak ang sinabi mo Miss N…too many to mention…pero ewan ko ba kung bakit madalas ay parang nababalot ng kalungkutan ang mga tao…we so blessed na na-expreience natin ang kagandahang kaloob ng Maykapal sa ating buhay…FREE!

      Salamat sa pagbisita at God Bless!

  3. duking says:

    lagi akong napapadalaw dito sa isang dahilan-heart warming yung mga naka post.

    being thankful sa napakaraming libre,sana lang hindi kalimutan ng tao ang responsibilidad na kaakibat ng napakaraming libre.hindi na ko magbabanggit pero magdadagdag ako ng isa.

    -libre ang magbasa ng blog ni superlolo.nakakapag pagaan ng loob at nakakapagbukas ng isip.-

    • Naku maraming salamat din Duking. Talagang ito ang nais ko na in my own little way ay magbigay ng mga konting paalaala sa kagandahan ng ating buhay na tinatamasa. Madalas kasi yung mga tao ay namamali ng focus sa buhay ay talagang nakakaligtaan ang mga libreng kaloob ng ating Maykapal.

      Oo isa yun ang magbasa ng libre mula sa Internet at mga blogs. Tama ka at sa katulad mo rin patuloy na nagbibigay ng mga magagandang kahulugan ng buhay sa iyong blog. Libreng mag-share ng talents na kaloob sa atin ng Maykapal. FREE!

      Maraming salamat Duking at God Bless!

    • Maidagdag ko nga Duking yung sabi na:

      “Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart.”

      AND

      “Love people ang Use things…..NOT Love things ang Use people.”

      Enjoy Life! God Bless muli!

  4. toni says:

    nasabi na lahat sa taas ung mga bagay na libre.

    saken dito nagsimula ang lahat…..pangarap.

    Tay nasa bakasyon ka pala ngaun, sana binitbit mo ako.
    sige hintayin namin mga kwento at larawan ninyo. ingat!

    • superlolo says:

      Oo Mtoni…ang ating buhay ay nagsimula sa mga pangarap ng ating mga magulang. Kaya ang daming magagandang bunga ang pangarap na masasabing isang libre sa buhay ng tao.

      Dito lang sa tabi-tabi ang aking libreng bakasyon…tawid lupa lang…di pa tawid dagat…hehe.

      Salamat Mtoni & God Bless!

  5. salbehe says:

    Napaisip ako sa listahan ng mga libre. Pinapatos ko lang kasi na libre ay yung mga libreng sakay, free movie pass, et cetera. Hindi ko namamalayan na mas madami pang libre sa buhay na pinapalampas ko lang. Ayan seryoso ang koment ko sa iyo ngayon Lolo! =)

    • superlolo says:

      Haha oo Salbe naalala ko rin yung ‘free-taste’ sa mga grocery, ‘free-sample’ na mga gamot, free movie dati nuon sa bayan namin, free pulutan sa mga birhaus….free ride sa lrt at mrt.

      Ang dami talaga tayong blessings kay Lord na madalas ay di napapansin pero nakakapagpaligaya at parte pa talaga ang mga iyon sa ating buhay.

      Naku oks na oks ka Salbe natutuwa ako sa mga komento mo lalo na kapag andun at kaharutan mo ang aking Kaberkie…si Jkul.

      Maraming salamat sa pagbisita. Umabot pa ang reply ko kasi mamya ay talagang papunta na ako sa libreng bakasyon.

      God Bless!

  6. J. Kulisap says:

    Kaberkie, nasa bakasyon ka pa? Libre ba yan? yan ang da bes.

    Maraming libre, ang mahalaga ‘yong kagustuhan at kasiyahan na nakukuha sa mga simpleng pangyayari o bagay..ito ang nagpapanatili ng kapayakan pero masaya at maaliwalas na buhay

    • Oo Kaberkie…Em Bak! Libre na Free pa!

      —-“ito ang nagpapanatili ng kapayakan pero masaya at maaliwalas na buhay”

      Grabe nga kaberkie ang realization ko sa biyahe na ito…ayan katulad ng sinabi mo sa itaas. Ang tindi ng tama sa puso ko…sa simple kong pagkatao.

      Pahapyaw lang muna:

      -37 years kong di nakita itong mga kaibigan ko

      -mayayaman na sila(milyonaryo sa Peso) kung titingnan pero di ko naramdaman na pinagmamalaki ang estado ng buhay nila, di yun pinag-uusapan

      – mas malalim pala ang pag-sasamahan talaga ng mga nagkasama-sama nung haiskul. Sobra pa sa isang kapatid na ako ay itinuring.

      – Hayyy yan muna ang sarap ng feeling ko after..eto nga yung nabasa ko….

      —-“In everyone’s life, at some time, our inner fire goes out. It is then burst into flame by an encounter with another human being. We should all be thankful for those people who rekindle the inner spirit.” ~Albert Schweitzer

      Ingat lagi & God Bless! Salamat!

  7. taribong says:

    Wow! Libreng bakasyon??!?

    Sama po ako hehehehhe…. Puwede???!?!
    😀

    • Haha oo Tars….super libre…parang tumama sa Lotto.

      At ang di mababayaran ay ang napulot ng puso ko sa mga taong aking nakasalimuha….da bes!

      Kuwento to follow Tars.

      God Bless!

  8. kayedee says:

    ammmm.. ano ba? ehehe.. libreng lablyf! ahaha lolz.. at libreng cash.ahaha. meron b nun? ehehe..

    enjoy ur vacation lo…en salamat po sa gift… mwaaahugz!

    • Meron yata niyang sinabi mo Kayedee…parang na experience ko yan ah. secret muna…haha

      Salamat…at eto super enjoy ako….may hang-oover pa.
      Kuwento to follow.

      Walang anuman Kayedee….mwaahugz din!

      God Bless

  9. Len says:

    hello lolo, ang dami.. hehhe

    bakit nga ba ang free ay the best?? hehehe

    God Bless po!

    • Oo free ay da bes Len. Alam kasi ni Lord ang puso natin at buhay….siya ang may design sa atin.

      Dun pa lang sa mga free ay mabubuhay na tayo dito sa mundong ito.

      Salamat at God Bless din!

  10. Pong says:

    ako din suki ng free taste ahahaha

    oo nga po lo ang mga bagay na kalimitan ay simple at libre ang hindi natin napapansin

    siguro libre ang mag-appreciate kaya yun appreciation sa lahat ng bagay ay importante.

    be blessed po sa bakasyon

    • Naku sa totoo lang…kapag di mahilig sa free ay abnormal Pong.

      Yan ang da bes na dapat gawin…ang gratefulness sa lahat ng bagay sa ating buhay. Magiging mapagbigay din tayo ng free sa ibang tao.

      Maraming salamat at em bak na sa blogosperyo.

      Sobrang hang-over pa ako sa aking bakasyon. Kuwento to follow.

      Ingat lagi & God Bless!

  11. ferdz says:

    65. Yakap

    Lo, musta. Nawala na ako sa blogosperyo pero nadadalaw pa naman.

    Yakap libre lang iyan. Napakasarap makaramdam nang kahit na konting pagmamahal.

    sabi ng ang itchyworms

    Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
    Hindi naman ako milyonaryo
    Basta’t araw-araw yakap mo ko
    Feeling ko ang yaman yaman ko

    Magandang Araw sa inyo, sana ay patuloy kayong biyayaan ng Panginoon.

    • Salamat sa pagbisita Ferdie. Maiintindihan ko ang iyong kaabalahan. Napapasilip pa rin naman ako sa iyong bahay. At alam ko ang huling kaabalahan mo ay ang pagpababa ng iyong timbang sa pamamagitan ng pagtakbo.

      Hayyyyy da bes ang YAKAP.

      Grabe yan sa aking huling bakasyon. Ang init ng mga yakap ng aking mga kaibigan na di ko nakita ng 37 years. Tagos sa puso at ang super sarap ng feeling….dahil super libre yan.

      Wow dabes yang line ng itchyworms….feeling ko ang yaman yaman ko…totoo ito.

      Kuwento to follow sa susunod kong poste.

      Salamat sa iyong dalangin. God Bless din Ferdie!

  12. taray says:

    “the best things in life are free”

    Aba syempre!
    Kasi nakuha mo ang gusto mo ng libre!

    Ung bagang, you get some pleasures from it na hindi mo na kinakailangan pang magpakahirap o magbayad..

    Ay naku, napakaming libre sa mundong ito…
    pero pinaka pinagpapasalamat ko ay ang pagkakaroon ko ng libreng pamilya at kaibigan na kagaya mo…

    • Hello Taray. Salamat sa pagbisita dito.

      Pasensiya na ngayon lang ako nasuot dito sa aking blog…may hang-over pa ako sa aking bakasyon.

      At ano pa talaga…yung bakasyon ko rin ay libre…aba super saya ang libre….lalo na at epekto nito ay super saya sa puso.

      Da Bes yan …libreng pamilya….di yan kayang bayaran at bilhin….and yung kaibigan….very rare yan….kaya kailangang ingatan…

      Salamat sa pagbisita dito…dahan-dahan at makabalik din ako sa normal kong buhay para aking mga kaibigan.

      Salamat din sa iyong libreng pakikipagkaibigan.

      Ingat lagi dyan & God Bless Miss Taray!

  13. joyce says:

    Bakit sa’kin ang lovelife ndi libre?

    Pati nga pakikipagkaibigan ndi rin libre e?

  14. superlolo says:

    Salamat po sa libreng musika. Paborito ko yan pero dun sa original na babae ang kumanta.

    Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s