Free Chicago Vacation

My all FREE Chicago vacation.

Libreng tiket sa eroplano.

Libreng matutuluyan sa loob ng limang araw.

Libreng pagkain.

Libreng pamamasyal sa siyudad ng Chicago.

Libreng pasyal.

Libreng pasyal sa magagandang shorelines ng Chicago.

Libreng makita ang mga lumang ‘stain-glass windows’ sa isang maliit na museum.

Libreng City tour.

Libreng nakita ang dating  ‘the tallest building(black) in the world’.

Libreng party dito dahil sa imbitasyon mula sa isang Pinoy.

Ito ang number one ang libreng kasayahan at pakikipagkaibigan sa mga dating kaeskuwela nung hayskul 37 years ago.

Ang mga libreng nabanggit ay nagmula sa puso ng mga mabubuting tao. Na aking pinagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa kanilang kabutihan upang madama ng isang simpleng tao na katulad ko.

Lord marami pong salamat…alam ko sa Inyo po nagmula ang mga blessings na ito at ang mga ito ay nakiraan lamang sa kabutihan ng aking mga kaibigan at mahal sa buhay.

28 comments on “Free Chicago Vacation

  1. taribong says:

    Lord, parati niyo pong patnubayan si Tatay Jem, ang kanyang mga kaklase, kaibigan, kakilala, at ang kanilang mga pamilya. Upang patuloy silang manatiling masaya, malakas, masigla, at parating nasa mabuting kalagayan. Upang sa gayon, amin ding matunghayan, sa pamamagitan ng posts na katulad nito, kung paano ang mabuting pakikipagkaibigan at pakikitungo sa kapwa, ang ganda ng mga tanawin at mga likha ng tao, atbp. bilang tanda ng inyong dakila at libreng pagmamahal. Siya Nawa. Amen.

    • superlolo says:

      Amen & Amen Tars.

      Di ko nga akalain na posibleng mangyari lahat ang aking na experience…at ang lahat ay nagmula dun sa iyong sinabi na:

      “mabuting pakikipagkaibigan at pakikitungo sa kapwa”

      At ito ang bunga ang umaatikabong libre sa ating buhay.

      Maraming salamat sa iyong panalangin Tars at talagang isang pagpupuri at pasasalamat itong poste na ito para sa ating Maykapal.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. Pong says:

    Huwaw naman superlo
    ang Libreng yan ay dapat naman talagang ipagpasalamat sa Diyos!

    Sana may manlibre din sa akin!

    Ang saya nito superlo parang nag-tour na rin ako sa Chicago!

    Be blessed po!

    • Ay super totoo ang sinabi mo Pong. Ang lahat na dumarating sa ating buhay na nagbibigay sa atin ng kaligayahan ay talagang pinasasalamatan ang Diyos.

      Ako man ay parang batang nakatakas sa aming bayan sa California at nakatawid sa ibang siyudad. Namangha at ikinatuwa ang mga ibang ayos ng lugar ng Chicago.

      Pero malaking parte ng aking baskasyon ay ginugol sa oras ng pagbabalik kuwentuhan sa aking mga dating kaeskuwela. Tagumpay namn ang bonding.

      Dumarating naman sa buhay natin ang may nanlilibre…kaya lang in different packages.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. taray says:

    wow naman lahat libre!

    Saan ka pa?
    Iba talaga ang nagagawa ng tunay at matibay na samahan/pagkakaibigan…
    Pinagpapala ka talaga ni Lord, kasi alam ko isa kang napakabait na tao bilang ama, anak,asawa at kaibigan….

    • Ay sakto Miss Taray. Naipunla ang bonding ng pagkakaibigan nung pang 41 years ago sa aming eskuwelahan. At nagbunga naman kabutihan ng lahat na nadama namin sa pangkasalukuyan pagtitipon.

      Ang sarap talaga ng feeling….biro mo naman after 37 years.

      Talagang yang pagpapala ng Diyos comes in different packages lalo na sa kanyang mga tagasunod.

      Ingat lagi dyan & God Bless!

  4. toni says:

    talagang nakasalalay sa atin kung paano gamitin upang pakinabangan ng lubusan na naaayon sa Maylikha ang mga pahiram na bagay.

    Tay sigurado halos maiyak ka sa tuwa nong magkita kita kayong magkakaibigan, higit sa mga magagandang bagay na dulot ng rangya sa buhay.

    • Ang ganda ng iyong sinabi Mtoni. Pero yung maiyak ay nangyari nung pauwi na ako at naghiwa-hiwalay na kami. Parang binanot ba ako ng kalungkutan. Biro mo naman ang dalang makakuha ng kaibigan dito sa Amerika at naito ang mga dati kong kaibigan at nag-super bonding pa sa loob ng limang araw. Parang mga mahalagang bagay na mahirap iwanan muli.

      Yun ang isa ikinatutuwa ko Mtoni…ganun pala yun katulad ng sinabi mo:

      —“higit sa mga magagandang bagay na dulot ng rangya sa buhay.”

      Sa kabila na tingin ko ay super milyonaryo na sila sa Pesos sa kanilang katayuan. Aba dun ko nakita ang kababaang loob ng lahat ng aking mga kaibigan. Di pinag-uusapan ang estado ng buhay kundi ang kagandahan at kalinisan ng mga puso na nagpatibay ng pagkakaibigan.

      Ang sarap na ekspiriens lalo na sa mga ktulad naming half-way of our life na.

      Maraming salamat sa pagbisita & God Bless!

  5. duking says:

    ang sarap talaga nung ganyang pakiramdam.nakakasama ulit yung dating mga kaibigan at kaeskwela.everytime na sumasama ako sa katulad ng ganyang pagtitipon,pakiramdam ko,bumabata ulit ako dahil sa mga ala-alang binabalikan namin.

    mas pamilyar ako sa mga kanta ng chicago na banda kaysa dun sa lugar.pinakapaborito ko yung colour my world.maikli lang pero napakaganda.

    natutuwa ako para sa panibagong masayang nangyari sa’yo superlolo!

    salamat sa muling pag si share!

    • superlolo says:

      Isang pasasalamat talaga ang lahat ng mga ito Duking sa ating Panginoong Diyos.

      Totoo yung sinabi mo na:

      —“bumabata ulit ako dahil sa mga ala-alang binabalikan namin.”

      Ang nangyari talaga sa loob ng limang araw ay napagdugsong namin ang 37 years na di namin pagkikita at talaga namang isang kasiyahan na balik-balikan ang aming matitino at kalokohan nung kami’y nasa hayskul pa.

      Panahon namin yang banda ng Chicago…super fan ako ng lahat ng songs nila mula pa nung 70’s. At yung nabanggit mong song….yan ang pinapatugtog namin sa JukeBox nung araw.

      Sinamantala ko na maka-attend sa reunion kasi di na maibabalik ang panahon at kasayahan kapag pinalampas ko ito. Ay super saya talaga Duking ang lahat ng pangyayari lalo na at nasa 50++ na kaming lahat…wala ng pigil sa biro at asaran…matitibay na ang dibdib.

      Talagang masasabi ko ngayon na iba talaga ang ‘Hayskul Life’ na sinasabi…matindi ang pinagsamahan.

      Isang kaligayahan ko na maishare ang isang napakagandang mga blessings sa aking buhay.

      Salamat din Duking sa pagbisita & God Bless!

  6. Len says:

    una sa lahat, Lo, salamat po sa mensahe sa anniv. ng blog ko at sa gift na fan sign.. hehehe

    sarap ng mga food, lahat pinoy food?? hehe

    • superlolo says:

      Naku walang anuman Len. Fan mo naman talaga ako at kapamilya at kapuso dito sa blogosperyo.

      Haha…super sarap lahat….food & bonding with old classmates. Pinoy na kasayahan sa Merika.

      Kaya pagdating ng araw ay wag mong palagpasin ang mga ganitong reunion sa iyong buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. salbehe says:

    Lord, magpapakabait na din po ako makakuha lang ng ganitong libreng blessing shit. Thank you.

    =)

    • superlolo says:

      Darating naman lahat yan Salbe…madalas talaga di naman kailangang hingiin at madalas maraming nagmamagandang loob. Maaring ganun na nga yung rewards ng mga maliliit na kabutihan at pakikipagkaibigan ay inaani sa bandang huli.

      Yung susunod nga na balak eh….cruise daw…wow…magsisimula na akong mag-ipon…at sabi nung mga mababait kong klasmets…basta tutulungan yung kulang ang pamasahe…matuloy lang at magkasama-sama muli.

      Salamat sa pagbisita Salbe & God Bless!

  8. Nortehanon says:

    What a really great vacation! Libre lahat, Lolo Jem! Tinitingnan ko mabuti ang mga picture. Ikaw po ba yung naka-long sleeves na polo na kulay yellow at saka yung naka-pink na polo sa isa pang litrato? hahaha

    Nakakatuwang may communication pa kayo at ng mga kaklase mo sa high school after all these years.

    Salamat sa muling pagpasyal sa amin dyan sa Amerika, this time sa Chicago. Hmn, I wonder kung saan mo naman kami ipapasyal sa susunod?🙂

    • superlolo says:

      Naku Miss N…salamat kung ako yun ang akala mo…maraming salamat…maisasama kita sa susunod na biyahe ko. Sa totoo lang siya yung kaeskwela namin namin na artistahin ang kutis at mukha. Todo kantyaw ko nga na siya ang mga killers ng chicks nung hayskul…na kapag kasama niya kami ay di na kami mapapansin…hehe.

      Ako po Mis N yung naka checkered na polo…2nd from left.

      Isang pagpapasalamat din itong kaligayahan ko sa ating Maykapal na drea come true ika nga.

      Walang anuman…katulad mo rin ako na laging nagsi-share na iyong mga magagandang travels.

      Ingat lagi & God Bless!

  9. J. Kulisap says:

    Kaberkie, naglaway ako..wala na tuloy akong masabi.

    Sarap, sagad to the bones ang libre.

    • superlolo says:

      Di ko rin akalain itong bakasyon grande ko na ito Kaberkie.

      Pinagpapasalamat ko ang lahat sa aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan…at siyempre isang answered prayer ito mula kay Lord na makasama ako.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  10. kaye says:

    awww…blessing galore talaga, tay! ang galing galing!

    ang sarap ng bakasyon! sino sino po silang nagimbita sa inyo?

    • superlolo says:

      Tama ang sabi mo Kaye…isang blessing talaga.

      Ang mga klasmeyts ko nung hayskul ang nag-imbita at 1st time na pagkikita namin ito after 37 years. Medyo nakakaluwag na sila sa buhay dito sa Amerika dahil matagal na sila dito. Nakakatuwa dahil para sa spirit ng pagkikita at kasayahan ay di pinag-uusapan ang mga gastusin.

      Tunay na blessing from the Lord.

      Ingat lagi & God Bless!

  11. Sphere says:

    tay, astig yong black na building gusto ko sya makita ng personal sana may manglibre din sakin ahahhaa

    tay, kamusta kapo? yngat po lagi jan:-)

    • superlolo says:

      Yan Anne ang dating Sears Tower(tallest na building in the world dati)…Willis Tower na ang pangalan ngayon. Isang land mark ng Chicago…lalo na nung the tallest building siya.

      Darating din yan panahon na yan sa iyo…malay mo pag dating ng panahon ay may mga klasmeyts ka rin dito sa Amerika. Di ko nga akalain na makakarating ako sa Chicago na isang reunion pa with my high school classmates…kaeskuwela 37 years ago.

      Wag kang mag-alala kung makakatawid ka dito sa San FRancisco, California ay ako naman ang maglilibre sa iyo. Tiis lang sa aming bahay kubo dito.

      Mabuti naman ako at Salamat sa pagbisita & God Bless!

  12. wow ang saya saya naman, superlolo!!. im sure walang humpay ang tawanan, kainan, kwentuhan. tapos libre pa! the best vacation po talaga yan..

    the best things in life can never be bought..

    im happy for you, superlolo. tama po yan. relax relax lang po para laging looking at feeling young🙂

    • superlolo says:

      Ay sakto ang sinabi mo Mis AtGBP kulang ang 24 na oras per day para sa kuwentuhan, kainan, asaran…kaya laging puyat…pero sulit naman.

      Ay talagang totoo ang sinabi mo…di mabibili ang mga magagandang pangyayari sa buhay. Di ko nga akalain ito kasi kung iisipin kasi eh magastos pero ayun nga makakaraos naman pala…sa daming sponsors at siyempre blessings from the Lord.

      Salamat Mis AtGBP..haha relax ralax talaga katulad mo rin nage-enjoy sa magagandang places na puwedeng marating…haha nakakabata nga daw…enjoy Life!

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  13. kayedee says:

    waw ang saya! sa susunod d2 nman sa vegas lo ha… pero hnd libre! poor lng aq e! ahhahha…. lo tnx sa gift u uli ehehee..

    • superlolo says:

      Salamat Kayedee sa imbitasyon…ako din nangungumbida dito pero tiis din lang sa baha kubo namin.

      Walang anuman sa gift….kapamilya at kapuso ka rin sa blogosperyo.

      Ingat lagi & God Bless!

  14. anabanana says:

    Wow! totoo nga ang kasabihang “The Best Things in Life are Free” hehehe… mukhang naenjoy mo ng husto ang inyong get together. Stay happy po🙂

    • Hello Ana at maraming salamat.

      Oo Ana…maraming free sa ating buhay at ang masasabi ko ay ang mga ito ay parte rin ng mga blessings ni Lord sa ating buhay…na talagang nagpapasaya sa ating buhay at lalo na nga kung magiging grateful tayo sa nagkakaloob ng mga blessings na ito sa ating buhay.

      Ay totoo super-enjoy talaga ang aking bakasyon…get together after 37 years.

      Ingat lagi ang God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s