Pag-Ibig

Kapansin-pansin na napakabilis magpasalamat sa pagpapala ng Diyos lalo na kung nadarama ang kasaganahan at kagaanan sa pang araw-araw na buhay.

Ngunit kung dumarating na ang mga pagsubok at dagok ng buhay ay naitatanong na ganito ba ang pagmamahal ng Diyos sa atin?

Ang sa akin ay pasasalamat sa pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagsubok at dagok ng buhay upang dito tayo matuto, mapagtagumpayan, at maging maligaya ang buhay sa mundong ito.

Salamat Po Panginoong Diyos!

Sa mga problema na parang bang ang hirap mabuhay sapagkat dito pala makikita na may solusyon ang mga ito at nagpapaligaya upang maging makabuluhan ang buhay.

Sa paminsan-minsan na kalungkutan upang maramdaman namin ang tunay na kaligayahan.

Sa kahinaan upang maramdaman na hindi kayang mabuhay ng nag-iisa lamang.

Sa mga takot upang makita na may kapangyarihan kami upang ang mga ito ay mapagtagumpayan.

Sa mga pag-aalinlangan upang mapag-aralan at makita ang katotohanan.

Sa paminsan-minsan na karamdaman ng aming katawan upang makita na hindi kami naandito sa mundo ng habang-buhay.

Ang Diyos ay Pag-Ibig

Sa bawat takbo ng buhay ng tao ay tunay ngang andun lagi ang pagmamahal ng Panginoong Diyos. Maaaring marami dito ay naka-balatkayo ng isang problema, kalungkutan at pagsubok. Ngunit patuloy lang tanggapin ng may pasasalamat ang lahat ng dumarating sa buhay ng may pagtitiwala at pananampalataya sapagkat dito tayo hinuhubog ng Diyos upang iparamdam Niya ang kanyang tunay na pag-ibig. Ang pag-ibig din na ating ipapalaganap sa lahat ng mga taong ating makakasalimuha sa mundong ito habang tayo ay nabubuhay.

69 comments on “Pag-Ibig

  1. -=cuteberl=- says:

    base. ganda ng post. GOD bless to your entry.

    • Maraming Salamat Cuteberl at beys ka pa.

      I-add pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita. Nakikita rin kita na madalas sa bahay ng aking Kaberkie Jkulisap.

      Ingat lagi & God Bless

  2. timangkey says:

    base! God is Love! (wala lang in english ko lang)🙂

    • Maraming salamat din Timangkey…medyo 2nd beys kasi naipit sa Pending yung kay kaibigang Cuteberl.

      Oo tama ka ‘God is Love’….malawak itong topic na ito pero ayun napilit ko lang na mapahapyawan para sa pakontes ni Kaberking JKulisap.

      Maraming salamat din sa pagbisita & God Bless!

  3. salbehe says:

    Seryoso ang post na ito, hindi ko kaya ang ganito kaseryoso. I mean hindi ko kayang balahurain. =)

    “Nice post” na lang. =)

    • superlolo says:

      Maraming Salamat Salbe.

      Sa totoo lang eh nung sinimulan ko ito di ko alam na dun pala babaling sa ‘God is Love’.

      Kaya yung title di ko na nabago o nadagdagan dahil yun lang Pag-ibig ang iniisip ko tapos ayun dun na nagkatapos sa seryusohan.

      Pero sa isang banda kung natatandaan mo yung entry na K/k dun sa huling pakontes ni Kaberkie…eh sinulat ko iyon at talagang namang lugmok ako sa pagsubok ng Panginoong Diyos…kaya eto pa rin ako sapagkat Siya pa rin at ang Kanyang pag-ibig ang nagpalakas sa akin upang ipagpatuloy ang buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. jongskie721 says:

    tama ka🙂
    hindi naman tayo binibigyan ng pagsubok ng Diyos kung alam niyang hindi natin kaya…

    • Maraming salamat sa pagbisita Jongskie. Amen sa sinabi mo at talagang tunay na pag-ibig ng Diyos ang pagtuturo sa ating buhay…sapagkat tunay na alam Niya na nararapat lang na maranasan natin ang tunay na kaligayahan na kaloob ng ating Maykapal.

      I-add pala kita sa blogroll ko para patuloy akong makabisita sa iyong bloghay.

      Ingat lagi & God Bless!

      • jongskie721 says:

        salamat superlolo🙂 oo hindi Niya hahayaan na nakalugmok tayo sa kahirapan o mga pgdurusa kung alam Niyang tayo ay nagsusumikap sa ating buhay…

  5. alkapon says:

    Pukiramdam ko, este! pakiramdam ko pala….ay hindi ako nababagay sa mga post na ganito… ubod ng seryosong usapan.. alam nyo naman lolo, kelanman hindi ko sinesoryo ang kahit anong usapan d2 sa blogsperyo.. at saka mas sanay ako sa mga kwetong kahibangan at kalibugan.,

    • superlolo says:

      Okay lang at Maraming salamat sa pagbisita Al.

      Ganito talaga na ang mundo ng iyong Lolo ang panghawakan ang kapangyarihan ng tunay na nakatataas
      sa ating buhay. Sa katulad kong dumanas ng mga pagsubok sa buhay ay talagang tanging Diyos lamang ang aking pinanghawakan upang maging makabuluhan ang aking buhay bilang pasasalamat sa patuloy na pagmamahal ng Maykapal.

      Ingat lagi & God Bless!

  6. J. Kulisap says:

    Kailanman, ang balakid ay isa na lamang panaginip kung ang pagmamahal ng Poong Maykapal ang matibay na sandata.

    Kaberkie..mwah

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaberkie. Ayun natumbok mo:

      —“ang balakid ay isa na lamang panaginip kung ang pagmamahal ng Poong Maykapal ang matibay na sandata.”…Ang sarap naman na ulit-ulitin Kaberkie.

      Naku ramdam ang iyong pagmamahal Kaberkie at may kis pa ako….maraming salamat.

      God Bless!

  7. kaye says:

    maganda po ang inyong mga sinabi, tay. na ang pagmamahal ni Lord ay dapat ngang makita natin sa mga bagay na nagdudulot din ng kalungkutan o kahirapan dahil sa mga iyon nadarama natin ang pangangailangan Natin sa Kanya

    • superlolo says:

      Amen Kaye. Talagang pinupuno tayo ng pagtuturo ng Maykapal dahil tunay na mahal Niya tayo…at upang di tayo makalimot at malayo sa ating Maykapal kaya may kurot minsan ang ating buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  8. Lambing says:

    napagandang post po super lolo

    tunay na ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapatibay sa atin.. katulad ng isang magulang na kapag nagkamali itinutuwid dahil tayo ay mahal nya..

    • Maraming salamat Lambing.

      Ang lahat ng ating poste ay napakagaganda at napakasarap basahin dahil nagmula sa puso.

      Amen at alam ng Maykapal ang ating tatahaking buhay sa mundong ito ay punong-puno ng mga pagsubok kaya patuloy Niya tayong inihahanda…at tunay ang iyong sinabi….Mahal Niya tayo…super na mahal.

      I-add pala kita Lambing sa blogroll upang makabisita ulit ako sa iyong bloghay.

      Salamat…Ingat lagi & God Bless!

  9. Arnie says:

    ayun buti me bagong feature ang WP…pwede na maglike…🙂

    sadyang ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan…

    Salamat lolo sa iyong post🙂

    • Maraming Salamat din sa iyo Arnie.

      Amen Arnie…ang pag-ibig ng Diyos ang ating tinutularan upang makamit ang tunay na pagmamahal.

      I-add pala kita Arnie sa aking blogroll para mabisita ulit kita.

      Ingat lagi & God Bless!

  10. kayedee says:

    uu lolo, xa ang true love ko wala ng iba pa!!

    nice post lo…

  11. sows says:

    ang GANDAAAA!

    pag-ibig.😉

  12. Nortehanon says:

    Lolo Jem, kung minsan naman baliktad and tao. Naaalala lang tumawag sa Diyos kapag may pagsubok. Kung lubus-lubos naman ang biyaya, hindi na maalala ang pag-ibig ng Diyos at hindi na makuhang magpasalamat.

    • superlolo says:

      Salamat sa pagbisita Mis N.

      Buti na lang talaga mabait si Lord…kasi yung pag-ibig Niya ay unconditional…di siya nagsasawang tumawag at magparamdam.

      Ingat lagi & God Bless!

  13. […] 1. Superlolo, Amerika             2. JC Cheese, Lungsod Quezon  […]

  14. J. Kulisap says:

    Diwatang Gala, si Kaberkie Jem.

    Sir, Entry Number 1 po ito.

    Ikaw pala ang nauna.

    • Nauna ako kasi pangako kong makiisa sa iyong patimpalak Kaberkie. Nagpakiramdaman lang kaya ayun…sunod-sunod na. Salamat.

    • Salamat pala sa iyong matagumpay na patimpalak Kaberkie.

      Nung una iniisip ko yung paghuhurado…pero na gets ko na maganda nga palang maghurado…kasi makikita yung mga kalidad ng mga sumulat at matututo sa mga istayl ng mga maayos at epektibong pagsusulat.

      Salamat Kaberkie sa oportunidad na maging parte ng iyong malawak na patimpalak at sa iyong pakikipagkaibigan dito sa blogosperyo.

      God Bless!

  15. geylii says:

    taamaa !🙂 minsan nga po kapag anjan na ang mga suliranin, sa kabila ng mga pagpapala na nuon natin natamasa mabilis natin itong makakalimutan kasabay ng paglimot sa pagmamahala sa atin ni Kristo🙂

    hi lowlow (slang ako haha)

    • Haha salamat pow Geylii.

      Talagang katulad mo rin masaya na ako na makapag-sumite ng entry kay kaibigang Jkulisap. At naging isang pasasalamat pa sa mga blessings ni Lord…sa lahat…sa masasaya at ganun din sa mga pagsubok.

      Kumusta ka na pala. Nabasa ko minsan na nakagat ka ng aso kaya lang di na ako nakapagkomento. Hope na okay na okay ka na.

      Salamat kabayan sa pagbisita. Ingat lagi & God Bless!

      • geylii says:

        hahaha . ok pa naman po ako, at ok parin naman po ang aking aso, isang patunay lamang na masustansya ang inihahain na pagkain sa amin ng aking ina, pareho kaming walang rabies haha! (pareho kasi kami pagkain ng aso namin) hahahaha! para tipid😀

        masaya po ako at muli kitang nakausap.(naka type pala) haha

      • superlolo says:

        Mabuti naman at okay ka na at ng iyong aso.

        Haha nakakatuwa ka naman talagang magkuwento. Nakikita ko ang isang masayahing Geylii.

        Hamo at sisilip ulit ako sa bloghay mo…medyo bisi lang ng konti ngayon ang Lolo…hehe.

        God Bless!

      • geylii says:

        ahaha . owkei lang fow akow . haha
        (sarap ng slang nuh lo? haha)


        ok lng po . take ur time po lo^^

  16. Unni says:

    ang ganda po ng entry nyo..
    To God be the Glory po~

    • Maraming salamat Unni.

      At lahat naman ng entry ay napakagaganda ng mga istayl at tema ng akda kasama na run ang sa iyo ang ‘Siya at Ikaw’.

      Dito na ako magkokomento para sa iyo…dalangin ko matibay na pagmamahalan ng iyong minamahal. Palagi lang ilagay si Kristo sa gitna ng inyong pag-ibig.

      Ang ganda ng iyong sinabi….”sa huling pagpikit ng aking mga mata at aking makakasama hanggang sa aking huling hininga.”…Ito lahat ang dalangin ng mga dakilang nagmamahalan.

      To God Be the Glory!

      Teka i-add pala kita sa blogroll ko para makabisita ulit sa iyo. Salamat.

      • Unni says:

        salamat po add din po kita sa blogroll para maupdate din ako sa mga new post~
        Di ko naman po talga hanggad manalo sa kontest na ito ang sa akin lang maishare ko aking pananaw sa pag-ibig at aking karanasan…

        Salamat po ng marami ulit at have a blessed Sunday~

      • Naku walang anuman Unni.

        Ako man ay nais ko rin lang mai-share ‘on my own little way’ ang simple kong buhay…na may halong pagpupuri na rin sa ating Maykapal.

        Oo nga pala Sunday na dyan sa atin…dito ay hapon pa lang ng Saturday. Salamat

        Have a blessed Sunday talaga rin. God Bless!

  17. Joyo says:

    true… madaling magpasalamat sa lahat ng pagpapala na binibuhos niya sa atin ngunit sa mga panahong humaharurut ang kalungkutan at problema parang ang bigat para sa atin ang pasalamatan siya… ako inaamin ko sa pinakahuling nasalo kong problema tinanong ko siya kung ganon ba siya magmahal… ang dami kong tanong pero sino nga ba ako para kumwestyon ako na nga ang minamahal… walang saysay ang buhay kung hindi tayo makakaranas ng mga bahagyang unos.. di tayo makakaramdam ng kaginwahaan kung di tayo dumaan ng hirap… di natin mahahawakan ang kasiyahan kung hindi tayo nabunggo sa problema at ilang kalungkutan… i love your blog superlolo!

    • Maraming salamat at Amen Joyo.

      Sa kabila ng mga pagsubok ko rin sa buhay ay patuloy din ako sa pananalig at pananampalataya sa ating Maykapal.
      Na Siyang nagbibigay ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

      I-add pala kita Joyo sa blogroll para mabisita rin kita. Salamat.

      God Bless!

  18. Tubi says:

    pananalig + pag-ibig = napakatibay na sandata
    🙂 napadaan lng po.

    magandang araw!

    • Maraming salamat Tubi sa pagbisita.

      Tama Tubi….Kung wala na talagang masandalan dahil sa mga pagsubok ng buhay ay siguradong ang…pananalig at pag-ibig sa Diyos ang magbibigay lakas upang malampasan ang mga pgsubok sa ating buhay.

      I-add pala kita sa blogroll ko Tubi para mabisita rin kita.

      Salamat & God Bless!

  19. Pong says:

    alam mo po superlo
    noong nag-aaral pa ako sa missions akala ko mahal ko ang Diyos pero sa madaming pagkakataon ay hindi pala. Akala ko ako ang unang nagmahal sa kanya mali pala ako, siya pala ang unang umibig sa akin at tunay nga na kung ang pag-ibig ng Diyos ang aarukin isa itong “Stubborn Love”

    mahal tayo ng Diyos at siya ang may-akda ng Pag-ibig!
    kung pwede nga lang virus ang love, para mabilis kumalat at ang lahat ay mamumuhay ng payapa, at may katiwasayan sa buhay!

    be blessed po!

    • Maraming salamat Pong.

      Amen at Amen Pong. Dun na talaga masasabi na nasa lupa na ang Heaven…kapag kumalat ang Love Virus para sa puso ng lahat ng tao sa mundo. Palagay ko perpekto na ang ating mundo.

      Ingat lagi & God Bless Pong!

  20. lipadlaya says:

    Ang pag-ibig niya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Dapat ibigay lang sa kanya ang papuri at pasasalamat. Hanga ako sa yo, naibabalik mo ito sa kanya sa iyong mga blog….

    • Maraming salamat Lipadlaya.

      Totoo ang iyong sinabi. At dito sa pamamagitan ng aking simpleng blog ay nais ko talagang ‘in my own little way’ ay maibalik ang papuri sa ating Panginoong Diyos…para rin makita ito at mapaalalahanan ang mga kaabalahan ng mga tao sa modernong mundo.

      Salamat talaga sa iyo…sabi ko nga nuon na kahit isang tao lang ang magustuhan ang aking sinulat para sa ating Maykapal ay masaya na ako na naabot ko ang puso ng bumabasa.

      I-add pala kita Lipadlaya sa blogroll ko para mabisita rin kita. Salamat.

      Ingat lagi & God Bless!

  21. toni says:

    gusto ko ang mga bagay na binanggit mo Tay sa ilalim ng ‘Salamat Po Panginoong Diyos!”.

    paulit ulit ko ring sasabihin na di dapat ipagkaloob lahat ng mithiin ng ating puso dahil ang iba don ay magsisilbing patibong ng ating pagkalunod.

    • Hello Mtoni…Long time no hear…salamat sa pagbisita.

      Marami pa yang salamat na portion kaya lang limited lang sa haba ang entry.

      At oo dapat talaga maingat sa mga mithiin ng puso…ngunit kung may gabay ng Diyos ang mga mithiin ay alam naman ng Maykapal ang nararapat sa ating buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  22. jongskie721 says:

    padaan ulit.. nagbabasa ulit… mas maganda ata eto basahin bukasdahil Linggo, araw ng pagsisimba…

  23. Sphere says:

    Tay, napakaganda ng iyong post bago ako ng post nong sakin binalikan ko ung pagmamahal ng Diyos satin kung pano nya inumpisahan na likhain lahat ng pangangailangan ska nya ginawa ang tao napakabuti nya po tlga🙂
    🙂

    • Maraming salamat Anne. Ako nung nagsisimula akala ko yung pag-ibig ko rin ang isusulat ko…eh nung nagsimula na at natapos na eh kay Lord napunta…naging pagpupuri na rin sa kanyang tunay na pagmamahal sa atin. Marami pa sana maisusulat kaya lang may limit kasi.

      Lahat ng entry ay magaganda dahil mula sa puso. Natutuwa ako kasi marami rin akong natutunan sa istayl ng pagsusulat mula sa ating mga kaibigang bloggers.

      Ingat lagi & God Bless!

  24. taga-bundok says:

    siyang tunay…
    madalas akong magpasalamat sa Kanya lalo pa’t may biyayang ipinagkakaluob sa akin at sa aking pamilya. pero nung dumating ang panahong salat na kami sa lahat ng bagay… mas ipinakilala ng Diyos ang pag-ibig niya sa amin.

    Papuri sa Dakilang Lumikha at sa nyo po G. S.L.Pinoy. :]

  25. Benh says:

    nagbasa at nagbigay ng puntos. :)) Mabuhay po kayo!

  26. etchosera says:

    Maaaring marami dito ay naka-balatkayo ng isang problema, kalungkutan at pagsubok. Ngunit patuloy lang tanggapin ng may pasasalamat ang lahat ng dumarating sa buhay ng may pagtitiwala at pananampalataya sapagkat dito tayo hinuhubog ng Diyos upang iparamdam Niya ang kanyang tunay na pag-ibig.

    <<< dahil sa mga pagsubok tau ay tumatatag at isa ito sa paraan upang lalo tayong kumapit sa ating panginoon.

    • Tunay nga Etchosera na ang pagsubok ay naglalapit sa ating mapagmahal na Panginoon…na kung saan ang tunay na kaligayahan ay nasa piling ng ating Maykapal habang tayo’y nabubuhay at magpakailanman.

      Maraming salamat sa pagbisita & God Bless!

  27. tunay na mapagmahal ang diyos. ang diyos ay ang pag ibig. maraming salamat sa entry mo.

  28. Len says:

    hello Lolo, musta napo?? I heart u po!😉

  29. ito ang number 1 sa listahan na dapat na gawin ng tao dito sa mundo – ang mahalin ang Dios

    ang mga pagsubok sa buhay ay laging andyan para hubugin tayo bilang tao at dapat maintindihan naten ito…

    …at yun ay di ko pa naiintindihan hehe.

    simple lang ang mensahe ng pitak mo pero solid😀

    [calculating points]

  30. duking says:

    naalala ko yung kwento ni job.kung paano sya sinubok.kung paano nawala sa kanya ang lahat.kung paanong sa tindi ng kawalan,nanatili ang kanyang pananampalataya.

    ang layo ko kay job.ni sa kulangot ni job,hindi ako pwedeng ikumpara.

    napa ka humble mo talaga super lo.kagaya mo sana ang lahat ng tao.laging humble.

    • Maraming salamat Duking.

      Tunay na mahal tayo ng Diyos at ayaw Niya tayo lasapin ang dinaanan ni Job ngunit dahil sa masalimuot na buhay sa mundo ay tinuturuan tayo ni Lord na magtaglay ng pananampalataya ni Job sa ating buhay.

      Salamat sa nabanggit mo sa humility. Tunay din na isang pagpupuri ang ating buhay…ang mga maliit na kindness sa ating buhay ay balang araw ay magiging malaki rin sa mata ng ating Diyos at nawa’y lumaganap sa mga puso ng mga taong ating madaraanan sa ating simpleng buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  31. yiN says:

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    Super Lolo ko kumusta na po, hehehe. ano pa nga po ba ang kasingkahulugan ng pag-ibig kundi ang Panginoon, di po ba. padaan po.

    • Maraming salamat yiN.

      Mabuti naman ang Lolo dito Yues.

      Dahil ang Diyos ang nag disenyo sa tao…tunay na alam-alam Niya ang kahawigan sa Kanyang buhay ang magpapaligaya sa buhay ng tao lalo na ang sa punto ng pag-ibig.

      Ingat lagi & God Bless!

  32. J. Kulisap says:

    Kaberkie. Salamat sa iyong puntos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s