Moments in Life

There are moments in life when you miss someone so much
that you just want to pick them from your dreams and hug them for real!

When the door of happiness closes, another opens;
But often times we look so long at the closed door that we don’t see the one,
Which has been opened for us.

Don’t go for looks; they can deceive.
Don’t go for wealth; even that fades away.
Go for someone who makes you smile,
Because it takes only a smile to make a dark day seem bright.
Find the one that makes your heart smile.

Dream what you want to dream;
Go where you want to go;
Be what you want to be,
Because you have only one life and one chance to do all the things you want to do.

May you have enough happiness to make you sweet
Enough trials to make you strong,
Enough sorrow to keep you human and
Enough hope to make you happy.

The happiest of people don’t necessarily be the best of everything;
They just make the most of everything that comes along their way.

The brightest future will always be based on a forgotten past;
You can’t go forward in life until you let go of your past failures and heartaches.

When you were born, you were crying and everyone around you was smiling.
Live your life so at the end,
You’re the one who is smiling and everyone around you is crying.

Don’t count the years – count the memories!

From Author Unknown

– o –

Sa pagsasalin naman ito ni Taribong sa ating wika.

Mga Sandali Sa Ating Buhay

May mga pagkakataon sa buhay na sobrang nangungulila ka sa isang tao na gusto mo lang siyang kunin mula sa iyong mga panaginip at mayakap silang muli nang totoo!

Kung magsasara ang pinto ng kasiyahan, may isang magbubukas;
Ngunit madalas nakatitig lang tayo sa pintong nakasara na hindi natin nakikita,
Ang pintong nakabukas lang para sa atin.

Huwag kang tumingin sa itsura, ito’y nakakapanlinlang;
Huwag kang tumingin sa yaman, pati yon nauubos din;
Tumingin ka nang isang magpapangiti sa iyo,
Dahil isang ngiti lang ang magbibigay liwanag sa araw na mapanglaw.
Hanapin mo ang taong magbibigay ngiti sa iyong puso.

Mangarap ka ng anumang nais mong pangarapin;
Pumunta ka sa anumang gusto mong puntahan;
Maging kung ano man ang nais mong maging,
Dahil iisa lang ang buhay mo at siyang tanging pagkakataon para magawa ang lahat ng nais mong gawin.

Sana ay magtaglay ka ng sapat na ligaya upang ikaw ay maging kasiya-siya
Sapat na pagsubok para ikaw ay maging matatag,
Sapat na lumbay upang manatiling tao at
Sapat na pag-asa upang ikaw ay maging masaya.

Ang pinakamasayang mga tao ay hindi kinakailangang pinakamainam sa lahat ng bagay;
Sila iyung kayang gawing pinakamainam ang lahat ng bagay na dumarating sa kanila.

Ang pinakamaliwanag na hinaharap ay palaging nakabatay sa isang nakalimutang lumipas;
Hindi ka makakausad sa buhay hanggang hindi mo napapakawalan ang mga nagdaang pagkakamali at kabiguan.

Nang ipinanganak ka, ikaw ay umiiyak at ang lahat sa paligid mo ay nakangiti.
Mabuhay ka na sa bandang huli,
Ikaw ang nakangiti at ang lahat sa paligid mo ang umiiyak.

Huwag mong bilangin ang mga taon—sa halip bilangin mo ang mga alaala!

Ang ganda Taribong….maraming salamat!

25 comments on “Moments in Life

  1. -=cuteberl=- says:

    base. basa mode muna.

  2. taribong says:

    Sinubukan ko pong isalin ang napakagandang akda sa ating sariling wika, sana’y magustuhan po ninyo. (at nawa’y nagawa ko nang tama ang pagsasalin. Salamat po.)

    May mga pagkakataon sa buhay na sobrang nangungulila ka sa isang tao na gusto mo lang siyang kunin mula sa iyong mga panaginip at mayakap silang muli nang totoo!

    Kung magsasara ang pinto ng kasiyahan, may isang magbubukas;
    Ngunit madalas nakatitig lang tayo sa pintong nakasara na hindi natin nakikita,
    Ang pintong nakabukas lang para sa atin.

    Huwag kang tumingin sa itsura, ito’y nakakapanlinlang;
    Huwag kang tumingin sa yaman, pati yon nauubos din;
    Tumingin ka nang isang magpapangiti sa iyo,
    Dahil isang ngiti lang ang magbibigay liwanag sa araw na mapanglaw.
    Hanapin mo ang taong magbibigay ngiti sa iyong puso.

    Mangarap ka ng anumang nais mong pangarapin;
    Pumunta ka sa anumang gusto mong puntahan;
    Maging kung ano man ang nais mong maging,
    Dahil iisa lang ang buhay mo at siyang tanging pagkakataon para magawa ang lahat ng nais mong gawin.

    Sana ay magtaglay ka ng sapat na ligaya upang ikaw ay maging kasiya-siya
    Sapat na pagsubok para ikaw ay maging matatag,
    Sapat na lumbay upang manatiling tao at
    Sapat na pag-asa upang ikaw ay maging masaya.

    Ang pinakamasayang mga tao ay hindi kinakailangang pinakamainam sa lahat ng bagay;
    Sila iyung kayang gawing pinakamainam ang lahat ng bagay na dumarating sa kanila.

    Ang pinakamaliwanag na hinaharap ay palaging nakabatay sa isang nakalimutang lumipas;
    Hindi ka makakausad sa buhay hanggang hindi mo napapakawalan ang mga nagdaang pagkakamali at kabiguan.

    Nang ipinanganak ka, ikaw ay umiiyak at ang lahat sa paligid mo ay nakangiti.
    Mabuhay ka na sa bandang huli,
    Ikaw ang nakangiti at ang lahat sa paligid mo ang umiiyak.

    Huwag mong bilangin ang mga taon—sa halip bilangin mo ang mga alaala!

    • Sobrang salamat sa iyo Taribong. Napakaganda at salamat sa pagbibigay mo ng oras at panahon sa pagsasalin sa ating wika.

      Isinama ko na siya sa poste sa itaas.

      Magre-reply ulit ako…God Bless!

      • Arnie says:

        wow galing mo kuya taribong….lolo inspiring ang iyong post…

        siguro nga minsan hindi nabibigyan ng importansya ang mga simpleng bagay na nakakapagpaligaya o di ito napagtutuunan ng pansin..

        mas pinagtutuunan natin minsan ng pansin ang mga bagay na walang halaga kesa sa mga bagay na nagbibigay sa atin ng lubos na kaligayahan…

      • Maraming salamat Arnie.

        Malaman talaga ang tula na ito at talagang napakaganda ng mensahe para sa ating simpleng buhay.

        At gusto ko talaga ang pagkakasalin ni Taribong…talagang naging makahalugan ang dating para sa ating mga Pinoy lalo na ito…

        —“Mabuhay ka na sa bandang huli,
        Ikaw ang nakangiti at ang lahat sa paligid mo ang umiiyak.”

        Ang sarap magmuni-muni sa linya na ito dahil ito talaga ang naisin natin sa pagsasabuhay ng napakaganda sa mundong ito…na kung saan ang lahat ay nalulungkot sa oras ng paglisan…kapag namuhay ka ng napakabuti sa mata ng mga tao….iyun ay ang pag-iiwan natin ng mga magagandang alaala sa mga taong ating nakahulabilo sa mundong ito.

        Ingat lagi & God Bless Arnie!

  3. J. Kulisap says:

    The poem made my day Kaberkie.

    pero ang nakakatuwa ay isinalin ito ni Tarbie sa wikang alam ng aking puso.

    ano pa ba? Mabuhay ang gumawa ng tulang iyan

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaberkie. Mula ito sa mga koleksyon ko na mga paboritong mga tula.

      Ako man ay kinilig sa pagkakasalin ni Taribs at talagang sakto ang dating sa pusong Pinoy.

      Wala rin akong masabi…para ito sa ating hangarin na simple at masayang buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. busyokology says:

    Super lolo, nakakainspire po uli ito. gustong gusto ko yong part na sinabi mo na dream what you want to dream. ako kase, kumbaga, produkto lang ako ng dream.hehe.

    naalala ko tuloy, sabi nila,..hindi naman yan sa kung gaano ka katagal nabuhay. ito ay sa kung anu ang ginawa mo sa buhay mo.

    salamat po sa pagdalaw sa blog ko. salamat sa suporta. God bless🙂

    • superlolo says:

      Salamat din Eli at walang anuman. Galing itong tula na ito sa mga koleksyon ko na mga tula mula sa ibat-ibang tao.

      Sakto ang iyong sinabi Eli…na tayo talagang lahat ay produkto ng mga pangarap at patuloy na nabubuhay sa pagtahak sa ating mga pangarap…at nagiging inspirasyon sa susunod na mga henerasyon mula sa ating simple at masayang buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. Pong says:

    ang galing superlo and kuya tarbs.

    simple reminder for all of us that we tend to count the falling leaves instead of the leaves itself at sa mga flowers.

    salamat po dito be blessed po!

    • superlolo says:

      Maraming salamat Pong.

      Maraming paalaala na naman itong tula na ito…napakasarap namnamin lalo na kung hanap natin ang kaligayahan at makabuluhang buhay sa mundong ito.

      Ingat lagi & God Bless!

  6. Joyo says:

    wow naman punong-puno ng palaman na inspirasyon… sa mga ganitong tag-ulan sa buhay ko, kailangan ko ang mga ganito…

  7. duking says:

    napakaganda ulit,sir!

    the best ang pagkakasalin ni taribong.tamang tama para sa buwan ng wika.

    as usual,parang life reflection ulit ng mga bagay na hindi natin napapansin at nabibigyang halaga sa araw-araw.

    sarap namnamin sa sariling wika.mas madaling i-digest.

    magandang araw,super lo!

    • superlolo says:

      Oo Duking sakto ang mga katagang ginamit ni Tarbs sa pusong Pinoy.

      At paalala talaga sa atin ang tula na ito lalo na kung nais natin ang lubos na kaligayahan at makabuluhang buhay sa mundong ito.

      Magandang araw din Duking & God Bless!

  8. toni says:

    maganda at maliwanag ang mensahe Tay kaya mangungumusta na lang po ako.

  9. kaye says:

    very nice words…masarap ihabilin sa mga anak…🙂

    • Totoo ang sinabi mo Kaye.

      Kung nabasa mo rin yung Desiderata…eh parang pinaikli na version naman ito at sapul din ang pusong Pinoy.

      Masarap ihabilin sa anak at masarap ipaalala sa mga magulang.

      Ingat lagi & God Bless!

  10. Frankie says:

    Wow aus ang poem na to ah.. Maganda tong ihabilin sa mga bata sa ngaun.. Pra nman malaman nila ang mga important lessons sa life..

    Nakikiraan lng Superlolo.. Aus ang pagkasalin sa tagalog.

    Esali mo nman ako sa friend list mo…😀 Xa nga pla naisali na kita sa friends list ko…😀 Slamat dito…

    • Maraming salamat sa pagbisita Frankie.

      Simpleng paalala ito sa buhay na tatahakin at tinatahak lalo na nga sa mga kabataan…ito’y magiging matibay na gabay.

      Tunay na napakanda ng pagkakasalin sa ating wika…Pusong Pinoy ang dating.

      Salamat at i-add din kita sa blogroll ko para mabisita rin kita. God Bless!

  11. nhix says:

    wow.. very inspiring.. lalo na nung naisalin sa tagalog.. ang galing po..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s