Si Lola at Si Apo

DEMENTIA

Naito yung unang akda ko sa ganitong tema nung isang taon.

https://superlolongpinoy.wordpress.com/2009/09/13/alzeimers-o-ulyanin/

Muli akong sumulat upang bigyan ng paalala muli ang bawat miyembro ng pamilya sa puwedeng mangyari sa isang mahal sa buhay.

Realidad ito ng buhay at talagang nakita ko na nangyayari ito sa aking mga nakilala sa aking buhay.

Bago maging huli ang lahat nais kong paalalahanan sa pamamagitan ng bidyo na ito na ipagkaloob ang lubos na pagmamahal sa bawat araw sa lahat ng ating mga mahal sa buhay. Maging Lolo, Lola, Anak, o Apo ka pa man.

Ito yung nasusulat na istatistika sa hulihan ng bidyo.

THERE IS A NEW CASE OF DEMENTIA EVERY 7 SECONDS IN THE WORLD.

ALZHEIMER’S DISEASE IS THE MOST COMMON CAUSE OF DEMENTIA AND IS NOT PART OF NORMAL AGING.

THERE ARE CURRENTLY NO PREVENTION OR CURE FOR IT.

Thank you very much Singapore Polytechnic for this video.

24 comments on “Si Lola at Si Apo

  1. kayedee says:

    ay nku minsan. iniicp q n baka magkaroon aq pagtnda q kc nman sobra kong ulyanin ngyung ang bata bata ko pa. ehehe. mahirap magkroon ng kapamilya na may gnyang kramdaman😦

    • Oo Kayedee mahirap talaga lalo na kung mahal mo pa sa buhay ang magkakaroon nito kaya maging healthy at manalangin na sana ay di dumapo ang karamdaman na ito sa atin at sa mga mahal natin sa buhay.

      Personal kong nakita ang mga may Alzhiemers dun sa Seniors homes kaya nakakalungkot lalo na kung kalakasan pa ng katawan ng mga may karamdaman nito.

      Love…love…love natin ang mga parents at grandparents natin habang nasa maganda pa silang kalusugan.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. bongkito says:

    hi tay! yup it does happens, di lang natin alam kung sino ang tatamaan. ako nga may case of being forgetful but di naman madalas. let’s just hope it doesn’t happen too soon for most of us.

    kumusta po? sorry ngayon lang ulit nakadalaw.

    • Hello Bong…eto mabuti naman dito at okay lang kung ngayon ka lang nakabisita….basta alam ko na okay naman kayo diyan.

      Walang may gusto nitong mangyari kahit kanino at sana nga di na ito dumating sa buhay natin o sa mga mahal natin sa buhay.

      Kawawa nga yung mga may ganyan dito kasi talaga di na inaalagaan ng pamilya…dun na sila sa Senior’s Home …pinapaalagaan na lang.

      Ingat lagi & God Bless!

      Ingat lagi & God Bless!

  3. toni says:

    nakakaawa lalo Tay ung makita mo tao nginig na sa lamig during winter time dahil di na matandaan lugar na uuwian.
    meron pa dati nakatulala lang sa tabi ng lake at ung isa naman nakahalang sasakyan sa lawn ng iba at ng tinanong ano ginagawa don sagot di rin nya alam.

    kaya ung iba naglalagay ng tag at sinusulat ung address para alam san ihahatid ang tao.

    sana manaig ang unawa at awa sa mga taong me ganitong karamdaman.

    • Tama ka Mtoni na sana talagang intindihin ang kalagayan ng mga taong may ganitong karamdaman…sobrang patience at pagmamahal dahil di nila ginusto ang nangyari sa kanila.

      Napakahirap isipin ng karamdaman na ito…lalo na yung talagang nabura na ang mga memorya s buhay.

      Kaya mahalin natin ang mga parents at grandparents natin hanggat malinaw pa ang kanilang isipan…love…love…love

      Ingat lagi & God Bless!

  4. Nortehanon says:

    I have been blessed because my grandparents, both side, died in their 90s yet parang di ko naman po nakita sa kanila yung nagkaroon sila ng dementia. And if ever they had it, slight lang siguro that I didn’t notice it.

    Sabi ng ilang doctors, pwede naman maiwasan, ma-delay, or mabawasan ang alzheimer. Isang paraan daw is to exercise the mind—read, engage in discussions, write, learn a new language, etc.

    May Alzheimer man o wala, I agree na dapat nating pahalagahan ang mga nakatatanda.

    • Hello Miss N. Salamat sa pagbisita.

      Naku buti at talaga palang na-enjoy mo ang iyong Lolos & Lolas. Palagay ko rin talagang healthy sila at maganda ang kanilang mga disposisyon sa buhay kaya yung pagka ulyanin ay di umepekto sa kanila.

      Tama yung sinabi mo Miss N kung paano maiiwasan o ma-delay ang alzheimer ay kailangang ‘to-the-max’ pa rin ang gamit ng isipan kahit matanda…at totoo ang lahat na iyong sinabi na magandang exercise ng ating brain.

      At yun talaga ang nararapat…ang ibigay ng todo ang lahat sa ating mga mahal sa buhay everyday…dumating man o hindi ang sakit na ito ay na-enjoy natin ang mga mahal sa buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. ishna says:

    I was able to watch the video on facebook. I got teary eyed, kase wala na akong lola.😦 The video suddenly made me miss my Lola. My parents are working abroad so she was the one who raised us.

    • Hi Ishna at salamat sa pagbisita.

      Ay totoo rin sa akin ang epekto ng bidyo na iyan…may kurot sa puso at nung inilagay ko ang sarili ko dun sa Lola ay talagang tumulo rin ang luha ko.

      Naku at talagang mami-miss mo talaga ang Lola mo ngayon at wala pala ang iyong mga parents. Kaya kahit sino ang kasama natin sa ngayon ay i-enjoy natin ang presence nila sa buhay natin…mahirap ng ibalik ang panahong nakalipas.

      I-add pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      Ingat lagi & God Bless!

  6. Sphere says:

    Whaaa!!! naalala ko si Lolo Tacio ko nakalimutan nya na lahat pwera sakin niloloko ako nong mga pinsan ko yung name ko na lng daw kc ang nsa memory ni Lolo Tacio, naalala ko pa 5 times ko sya paliguan kc nakakalimutan nyang naligo na sya tpos pag sinabi mong tapos na sya maligo iiyak sya na parang baka nakakaiyak pero parang may reward akong natanggap sa pagaalaga sa kanya🙂 pwera nong anting anting ahahaha joke lng po:-)

    • superlolo says:

      Naku naka ekspiriyens ka pala Anne na mag alaga ng iyong Lolo na may memory gap na. Pero ang lahat talaga ng oras ay namnamin habang kapiling ang mga mahal sa buhay. Mga aral talaga ito upang pahalagahan ang buhay natin habang nasa kalakasan pa.

      Ingat lagi & God Bless Anne.

  7. taray says:

    naalala ko tuloy ang aking lolo at lola…:(
    nung una kong napanood yang video na yan, it made me cry…
    i love my lolo and lola so much..

    • superlolo says:

      Oo Miss Taray may kurot talaga ang bidyo na ito lalo na kung ilalagay mo ang sarili dun sa mga characters ng Lola at apo.

      Talagang love them hanggat malakas sila at lalo na kung nagkakaproblema na sila sa kanilang normal na buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  8. Pong says:

    wala na din akong mga grand parents both sides and thank God hindi nila nadanasan iyan. But it’s reality that it happens.

    Again thanks for the reminder.
    Siguro blessed ang Pinoy dahil sa close family ties na meron tayo at we really take good care of our love ones!

    • superlolo says:

      Nakakalungkot talaga ang sakit na ito Pong kung ang mahal sa buhay ang magkakaroon kasi para bang nawalan na ng saysay ang buhay kapag tuluyang nabura ang memorya nila. At ako man ay nanalangin na di ma ikspiriyensa ng aking pamilya.

      May mga paraan naman para maiwasan o mapagal ang dementia katulad ng mga sinabi ni Miss N…

      —–“Sabi ng ilang doctors, pwede naman maiwasan, ma-delay, or mabawasan ang alzheimer. Isang paraan daw is to exercise the mind—read, engage in discussions, write, learn a new language, etc.”

      Ingat lagi & God Bless!

  9. “My soul finds rest in God alone: My salvation comes from Him.” (Psalms 62:1)

    group hug!!!

    kumusta na po kayo lolo!

    ako nagsusulat ako sa aking diary. araw araw may nilalagay akong entry para pag ulyanin na ako, pwde kong basahin ang sarili kong buhay ala-nobela. lol.

    • Dorm Boy says:

      Fr. Fiel you’re back! hehhe! Unsa latest Fr. Fiel?

    • superlolo says:

      Group HUG muna Father. Salamat po sa pagbisita.

      Mabuti naman ang Lolo dito po…medyo summer pa kami dito….kaya puwedeng pa tshirt-tshirt lang po.

      Teka mukhang gagawin ko na rin yan Father ang mag diary.

      Naku ang ganda naman ng verse na sinabi ninyo. Nakaka relieve naman ng agam-agam sa pangkasalukuyang buhay. Salamat po.

      God Bless po!….hugs po uli!

  10. Dorm Boy says:

    It’s a wonderful video informing us about Dementia. Naalala ko tuloy erpats ko who sometimes forget things. Eto na siguro ang isa sa pinakamahirap isipin ang mawalan ka ng alaala.

    • superlolo says:

      Ay talagang nakakalungkot itong sakit na ito…Yung malakas pa ang katawan pero nabura o dahan-dahang nabubura ang memorya…nakita ko ito talaga dun sa pinupuntahan kong Senior’s Home.

      Di ko maisip itong sakit…. lalo na kung malilimutan mo kung sino ang mga mahal mo sa buhay…hmmm.

      Salamat sa pagbisita DB…God Bless!

  11. busyokology says:

    lolo, nakakatakot namang dapuan ng ganyang sakit.

    • Oo Eli…walang pinipili ang sakit na iyan…mayaman man o mahirap…di naman sa bata pero mas lamang ang matatanda. May mga paraan naman para mapabagal daw ang sakit ng dementia. Maging healthy sa katawan at lagi ding ginagamit ng maayos ang isipan hanggang kahit tumanda upang makaiwas o mapabagal ang pag epekto ng sakit na ito.

      Salamat sa pagbisita Eli & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s