“There are times when we wish why couldn’t we just stop the time and choose the period where everything is perfect just the way they are.

But we must accept the fact that time is independent from us or from anything. It moves on with or without us. It doesn’t need anyone’s permission to roll along taking its course. And because we don’t control time and we will never be able to (unless you invent a time machine out of let’s say a bath tub), we just have to roll with it.

We are on borrowed existence. And sooner or later we will have to return it. Let us enjoy the moment NOW, because the difference of life and death is just a tick of a second.

We start our own death march the moment we are born.” ~ Timangkey

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Hiniram ko itong iyong sinabi  Mr. Timangkey mula sa iyong komento sa akda ni Kaye na “Because time and growing up can’t be rewound” noong August 16, 2010. Salamat Mr. Timangkey.

Naalala ko ito dahil sa pagmuni-muni ko sa isang nakakalungkot na kaganapan sa ating bansa na kung saan ilang inosenteng buhay ang nadamay.

At sakto ang iyong sinabi na…

“We are on borrowed existence. And sooner or later we will have to return it. Let us enjoy the moment NOW, because the difference of life and death is just a tick of a second.

We start our own death march the moment we are born.”

Binigyan nito ang linaw sa mga katanungang di maintindihan mula sa isang malungkot na pangyayari.

Advertisements

18 thoughts on “Quote #002 from Timangkey

  1. Naalala ko when a friend asked me kung bakit daw parang hindi ko sineseryoso kapag may problema ako. Sabi ko na lang na, kapag seseryosohin ko yung problema, hindi ko maeenjoy yung ibang mga pangyayari na masasaya. Syempre, kapag ay problema, I make sure naman to look for solutions, pero I don’t let myself suffer from it. Life is too short to get sad and upset!

    1. Tama yung sinabi mo Ishna. Di kailangang mag stop tayo sa pagtahak ng buhay kung may problema…Life must go on. May solusyon lahat ng problema at may karapatan tayo na ma- enjoy ang kaloob na buhay na ito sa kabila ng mga pagsubok.

      At yun talaga ang mensahe para ma di matakot na i–enjoy ang buhay na ito sa pangkasalukuyan….Life is too short …kaya namnamin every moments nito.

      Salamat sa pagbisita Ishna & God Bless!

  2. Society is so self absorbed, but if you take a second and step back, you realize that all we have are moments.

    Yan ang sabi sa kantang Never Knows ni Jack Johnson.

    1. Ayun…kaya nosebleed ako ng konti Salbe.

      Lahat talaga ng buhay natin ay binubuo ng mga moments…kaya yang mga moments na iyan ay di sayangin…maging makabuluhan sana….24/7 ika nga.

      Maraming salamat sa pagbisita Miss Salbe. God Bless!

  3. Madami na akong nabasang mga post about po sa nangyari superlo, madami ng panlalait galit, kutya, inis ang naibato sa atin. Samahan pa ng sisihan sa magkabilang panig.

    Sabi ko sa mga naunang koment ko sa isyung kinasasangkutan natin ngayon bilang bansa, mas gugustuhin ko at pipiliin kong maging kabahagi ng paggaling at paghilom. I will not add anymore injury sa sugat na meron tayo ngayon. Sumasamo ng kapatawaran at muling pagbangon natin bilang Pilipino at mamamayan ng mundo.

    salamat po superlo.

    1. @pong,ang tinutukoy ni super lolo ay ang nangyaring medikal mal praktis nang tinuli ni mang islaw ang grupo ng kabataan sa pukpok nuong nagdaang tag-araw.

      ok…nagpapatawa lang ako.ahihi!

      1. Haha pinatawa mo rin ako Duking…kaya pala nasabi mo yung tinuli…”paggaling at paghilom. I will not add anymore injury sa sugat na meron tayo ngayon. “

    2. Walang anuman Pong at salamat sa pagbisita.

      Nakakalungkot talaga ang mga pangyayari. Lalo na kapag inilalagay natin ang sarili sa mga taong nawalang ng mga mahal sa buhay na ang intensyon lamang ay namnamin ang masasayang oras sa kanilang pamilya sa bansa natin.

      Tama ka Pong kapag may mga nakakalungkot na ganitong pangyayari ay talagang ang pagkakaisa ang kailangan. At pinagmumuni-munihan dapat na kung ano ba ang mensahe at aral sa mga pangyayari na itinuturo.

      Sana lamang na kapag wala na ang usok sa pangyayari na ito ay magkakaroon ng matibay at malawak na pananaw ang bawat opisyales at Pinoy na di na muli makitaan ng kahinaan at pangkukulang ang bawat isa sa hinihingi ng sinumpaan tungkulin para protektahan ang kahit sinong mamayan.

      At hinahangan ko nga pala ang statement ni Jackie Chan sa mga pangyayari na nagbibigay ng kahinahunan para sa lahat.

      Ipagdasal natin mabuti na mangiral ang kapayapaan na ninanais ng ating Panginoong Diyos sa bawat Niyang nilalang.

      Ingat lagi & God Bless Pong.

  4. napakaganda ng tinurang salita ni timangkey.

    sa anggulo ng pagiging filipino,ito ay isa na namang dagok na handang ibaon sa limot (huwag naman sana) o tuluyang gawing napakagandang aral tungo sa malawakang pagbabago sa kapulisan at personal na paraan ng bawat isa sa paglutas ng mga problema at dagok sa pang araw araw na buhay mapa trabaho man o pamilya o indibidwal na suliranin.

    ako,bilang bahagi ng lipunan,ay aamin na lang ng aking pagkukulang at patuloy na hahanapin ang kahulugan ng buhay sa paraang walang masasaktan hanggat maaari.

    yun lang po.napakgandang pagninilay ulit,superlo.

    mabuhay ka!

      1. katawan ko lang ang hinde.

        major major oras sa gym at sandamakmak na soya milk ang kailangan ko.bwahaha!

        o kaya steroid sna kaso biogesic lang ang kasya sa budget ko.

    1. Salamat Duking sa pagbisita.

      At tunay ang sinabi mo sa sinabi ni Timangkey.

      Dadagdagan ko na lamang ang sasabihin ko dahil nasabi ko na rin ang saloobin ko kay Pong sa itaas.

      Kung sa isang anggulo natin titingnan ang simula ng pangyayari ay mukhang sa isang problema lamang ni Mendoza nagsimula ang lahat na di napagtuunang mabuti ng mga kinaukulang at mga taong nakapaligid at nagmamahal kay Mendoza. Nais ko lang puntuhin na kung sana ay nabigyan ng magandang gabay at pagpapaliwanag habang dumadaan siya sa malungkot na sanhi ng pagkakatanggal sa trabaho ay maaring dahan-dahan niyang natanggap ang isang pangyayari na may solusyon pa naman na di kailangang maging marahas.

      Nangyayari naman ang problema at kalungkutan ni Mendoza sa bawat sulok ng mundo….Yun nga lang mukhang di nakita ang kapangyarihan ng Diyos sa maliit niyang problema…sayang….sayang.

      Sa kabila ng lahat pairalin ang kapayapaan at pagmamahalan na laging ninanais ng Diyos sa ating buhay.

      Ingat lagi & God Bless Duking.

    1. Hello Kaberkie.

      Salamat sa pangangamusta sa kabila ng iyong VL. Ok lang ako dito…medyo masaya dahil pinapawis na ang kilikili…sinasamantala ang pagtatapos ng summer.

      I hope na you are enjoying your VL. Ingat lagi & God Bless!

    1. Maraming salamat po Father sa pagbisita.

      Naalala ko tuloy yung movie na ito mula sa inyong sinabi.

      Napakaganda ng mensahe. Palagay ko napanood na po ninyo ito.

      “As a time travelers tale of the people and places he bumps into along the way, the loves he loses and finds, the joys of life and the sadness of death, and what lasts beyond time.”

      God bless po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s