Lovin’ You

Lovin’ You by Minnie Riperton

Di na yata mawawala sa puso ko ang kantang ito na unang narinig sa mga radyo nung 1975. Nasa second year college ako at girlfriend ko na ang aking naging Misis nuon.

Wala na si Misis…anim na taon na ang nakakalipas pero andun parin ang lambing at tamis ng dating ng kantang ito sa akin. Biglang nanunumbalik ang magagandang alaala na para bang tunay na walang kamatayang pag-ibig.

Pasensiya na kayo at mangungusap lang ako sa aking Misis sandali sa pamamagitan ng kantang ito. Malay ninyo baka may Internet siya sa kanyang kinalalagyan ngayon. (Isang pag-alala ko sa kanya ito sa buwan ng kayang paglisan sa mundong ito…anim na taon na ang nakakalipas.)

Makin’ love with you is all i wanna do
Lovin’ you is more than just a dream come true

Sobrang salamat Mommy sa iyong dakilang pagmamahal na ipinadama sa akin. Alam ko sinabi mo nuon sa akin ilang buwan bago ka lumisan na mag-asawa akong muli. Pero hanggang ngayon ay di ko magawa dahil wala pang makakapalit sa aking pagmamahal sa iyo.

And everything that i do is out of lovin’ you

Ang dami-dami talaga akong napagtagumpayan at natupad na pangarap dahil nakasama kita sa aking buhay. Kaya ko nakakaya ang buhay na ito sa ngayon ay dahil parte pa rin ito ng ating mga pangarap.

No one else can make me feel
The colors that you bring

Kapag tinatanong ako kung bakit wala pang pumapalit sa iyo Mommy sa aking puso ay ito ang aking nagiging kasagutan.

Stay with me while we grow old

Alam ko ang daming pangarap natin nuon at kasama ito. At alam ko di ito matutupad sa mundong ito ngayon pero pinuno mo naman ako Mommy ng pagmamahal kaya kasama pa rin kita sa aking puso hanggang ngayon…sa aking pagtanda.

And we will live each day in springtime
Cause lovin’ you has made my life so beautiful
And every day my life is filled with lovin’ you

Lovin’ you i see your soul come shinin’ through
And every time that we oooooh
I’m more in love with you

Someday and somewhere Mommy siguro magkikita tayong muli at matutupad ang mga ito.

I love you Mommy…

Sana magustuhan din ninyo ang kantang ito. Salamat.

Lovin’ You – Minnie Riperton

Lovin’ you is easy cause you’re beautiful
Makin’ love with you is all i wanna do
Lovin’ you is more than just a dream come true
And everything that i do is out of lovin’ you
La la la la la la la… do do do do do

No one else can make me feel
The colors that you bring
Stay with me while we grow old

And we will live each day in springtime
Cause lovin’ you has made my life so beautiful
And every day my life is filled with lovin’ you

Lovin’ you i see your soul come shinin’ through
And every time that we oooooh
I’m more in love with you
La la la la la la la… do do do do do

23 comments on “Lovin’ You

  1. taribong says:

    Base! Magandang araw po Tats.

    sobrang saludo po ako sa inyo!
    lalo na sa inyong dakilang pag-ibig kay Nans… (sana di po kayo magagalit sa palayaw na binigay ko short for Nanay hehehe)

    1975 po ako pinanganak. magkasing-edad pala kami ng kanta. hehe pakinggan ko po mamaya. salamat po!

    • Magandang araw din sa iyo Tars at beys ka pa. Miss ko na yata ang beys contest ah…hehe.

      Maraming salamat at okay lang ang Nans…cool na cool. Tama ka anak…kaya siguro talagang wala akong maipalit kay Nans ay dahil sa dakilang pagmamahalan namin…sa kabila na anim na taon ng wala siya.

      Alam ko buhay na buhay pa ang kantang iyan sa mga radyo sa atin kasi tunay na love song ito of the 70’s.

      Ingat lagi & God Bless!

      • taribong says:

        Haha oo nga po, popular pa rin po ang kanta. Pupungas-pungas pa po kasi ako kaninang umaga, hindi nag-sink in agad sa akin yung kanta. Hayst kailangan na talagang makahanap ng may ka-“Lovin’ you” hehhehehe

  2. kaye says:

    awww…alam ko po ang mawalan ng minamahal sa buhay…last month naman ang 12th death anniversary ng aking kapatid. dinaan ko na rin sa kanta ang pag-alala ko sa kanya…

    hugs, tay.

    • Talagang naging parte ng ating buhay ang mga magagandang awitin…lalo na ang mga love songs na katulad nito. Biglang nagbabalik ang mga alaala ng mga mahal sa buhay dahil naging parte rin sila ng mga awiting ginusto natin nung nabubuhay pa sila.

      May kurot talaga lalo na kapag dumarating ang buwan ng lumisan ang mga mahal natin sa buhay.

      Maraming salamat Kaye….hugs…hugs…sa inyo ni Bong. God Bless!

  3. Nortehanon says:

    Sending you hugs, Lolo Jem. Sigurado pong masaya ang misis ninyo saan man siya naroon. At kahit sa blogging lang po tayo magkakilala, I know that you are a good person. Kaya po alam kong naging happy misis ang wife mo with you.

    Hmn, noong 1975 po ay di pa nag-i-exist si Miss N🙂

  4. @ Super Lolo..!
    how sweet naman po..!
    medyo…
    teary eye na ako…
    bandang huli..!
    she must be…
    a really special woman..!
    anyway…
    si minnie riperton pala…
    ang umawit nito..!
    actually..,
    i grew up…
    hearing this song..!
    1975 po ako ipinanganak..!
    pero…
    ang mas…
    naaalala kong…
    kumanta nito is…
    si…
    lanie misalucha na..!
    and oo nga po pala…
    sa original music video…
    meron pala talagang…
    lovebird..!
    that explains…
    the chirpings..!
    hahahahahahha..!😆

    p.s.

    Super Lolo..!
    ihihingi ko po…
    nang paalam…
    na kayo po ay…
    aking ililista…
    sa aking..:
    BIBLIOGRAPHY..!
    maaari po ba..?😉

    • Maraming salamat sa pagbisita Daniel at ikinagagalak ko na maisama mo ako sa iyong Bibliography…ako man ay isasama kita sa blogroll para mabisita rin kita. Salamat.

      Oo Daniel ganito yata kapag sobra ang pagmamalan ang hirap basta malimutan at yun nga yang kanta ni Minnie ay talagang may kurot sa puso ko kasi madalas kapag may party nuon ay dyan ko kasayaw si Misis.

      Nag-iisa lamang siya na singer na nakakagawa ng ganyang kataas na nota sa kanta na parang ibon…kaya ang tawag sa kanya nuon ay parang anghel. Kaya lang maaga rin siya kinuha ni Lord sa idad na 31.

      Yang 1975 ang kasagaran namin nuon sa mga party at ang kantang iyan ang isa sa ginagamit namin.

      At oo fan din ako ni Lani.

      Ingat lagi & God Bless!

      • @ Super Lolo..!
        ang sad naman..!
        ang bata pa niya nung…
        kunin siya sa inyo..!
        she should be…
        37 now..!
        sorry po for asking ha…
        pero…
        was the recovery…
        really hard..?
        what helped you…
        get over pain..?😦

      • superlolo says:

        Oopss Sorry Daniel….Yung singer na si Minnie Riperton ay 31 nung kinuha ni Lord….yung Misis ko naman ay 45.

        Ummm napakaganda na tanong yan ‘about recovery’ and ‘get over the pain’. Naisip ko Daniel eh isulat ang sagot ko sa isang poste para makapulutan din ng araw sa iba.

        Hamo Daniel….salamat at magiging isang poste ang sagot ko sa susunod.

        Sa kubuuan naman eh ang lahat ay ipinasa-ilalim ko sa Diyos ang aking buhay kaya pakiramdam ko ay naging magaan ang lahat.

        Salamat Daniel…Ingat lagi & God Bless!

  5. bonistation says:

    naisama ko na po sya sa aking mga dasal..

    God Bless superlo, nakakainspire naman ang iyong pagmamahal..

    • Maraming salamat Bons.

      Nagpapasalamat nga ako sa Diyos at ipinahiram Niya sa akin ang aking Misis. At kung bibigyan ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon ay siya pa rin ang aking pakakasalan…kahit ganun pa rin ang dadanan naming buhay.

      Ingat lagi & God Bless Bons!

  6. Pong says:

    alam ko po sa sarili ko na ang inyong samahan ay talaga namang punong-puno ng pagmamahal

    gaya ng awiting Loving You!

    be blessed po superlo!

  7. Sphere says:

    Whaaa tay, naiyak ako ng bonggang bongga😦

    naririnig ko yan sa nanay ko yang kantang yan ganda pala ni Nanay sana may ipahiram din sakin si Papa Jesus na katulad mo Tay!

    Stay Healthy tatay!🙂

    • superlolo says:

      Hayyy pasensiya ka na anak at napaiyak kita.

      Nang narinig ko kasi ang kantang iyan at di ko na rin napigil ang aking pagsulat at konting emo.

      Dalangin ko na dumating din ang Prinsipe ng iyong puso Anne.

      Salamat at God Bless!

  8. J. Kulisap says:

    Kaberkie.

    Sa buhay natin, may mga taong darating at aalis, pero ang alaala gaya ng hindi matawarang pagmamahal- ‘yon na mismo ang magpapatatag sa paglisan.

    Ang tindi ng pag-ibig mo kay Mommy mo Kaberkie.

    Saludo

    • superlolo says:

      Maraming salamat Kaberkie.

      Oo tama ka…ang sabi nga ang pag-ibig daw ay parang Airport….may arrival at departure. Yung ‘at’ ang kabuuan ng pagmamahalan.

      Salamat kaberkie….God Bless!

  9. Nortehanon says:

    Dumaan lang uli, Lolo Jem, para bumati ng isang magandang Lunes sa iyo dyan.

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbisita Miss N. Kumusta rin sa iyo. Okay lang ang Lolo dito…holiday ngayon dito sa bayan ni ankel Sam….labor day. Medyo mainit ang klima…patapos na ang summer at naghahanda na kami sa pagpasok ng lamig…Fall na…malalagas na ang mga dahon…Ingat lagi & God Bless!

  10. duking says:

    sir super…naiwan sa’yo ang awit at ala-ala ng pag-ibig.sana po manatili kang masaya sa kabila nang paghihintay.

    o kaya,tingin tingin sa paligid.hehehe!

    • Maraming salamat sa iyong dalangin Duking.

      Tunay ang sinabi mo…”manatili kang masaya sa kabila nang paghihintay.”

      Iyan talaga ang ninanamnam ko sa ating buhay ngayon…ang mga “moments” sa pangkasalukuyang buhay. Ang sarap tanggapin at magpasalamat sa buhay na kaloob ng ating Diyos. Hayyy ang sarap mabuhay talaga Duking.

      At tama rin adbays mo…”tingin tingin sa paligid”….ang sarap talagang magtingin sa kagandahan ng paligid…hehe…at yung ibig mong sabihin ay di ko rin nakakalimutan…malay natin para di makalampas ang padala ni Lord na magandang bagay sa ating buhay.

      Salamat…Ingat & God Bless Duking!

  11. ana_banana says:

    Awwww…. I feel you Lolo Jem, I know she’s happy and at peace kung nasan man sya.
    Love the song!
    Sweet ni Lolo Jem oh! hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s