The Big C

Isang akda ko ito sa isang patimpalak noon ni kaibigang J.Kulisap na ang titulo ay K/k. Ngayon ko lang ito ipinoste dito sa aking bloghay…’The Big C’.

Dumating ka sa sa amin ng walang kaabog-abog. Hindi ka namin naramdaman. Unti-unti ka na palang naninira sa aming mga pangarap.

Isang napakasaya at nagmamahalang pamilya ang iyong pinasok. Pinaiyak at binalot ng takot ang lahat sa bawat araw ng iyong pamamalagi.

Naging matapang ang lahat upang ikaw ay harapin. Nagkaisa ang lahat at nagtulong-tulong upang ikaw ay igupo. Taglay ang mga lakas at dalangin na ipinagkaloob ng Maykapal.

Biglaang kang lumisan. Nagbunyi ang lahat dahil naramdaman ang tagumpay sa pinagkaisang lakas at pananampalataya. Nagkaroon ng pagbubunyi at pasasalamat ang lahat. Nakamit namin ang kapayapaan at muling nangarap.

Hindi pa natatapos ang pagtagpi-tagpi ng mga pangarap ay muli kang nanumbalik. Nanumbalik ka ng buong tapang at lakas. Ipinagpatuloy mo ang paninira at pagbalot ng takot. Matindi at masakit ang iyong pananalasa.

Muli kaming lumaban, hindi na kami nababalot ng takot dahil alam namin na nasa piling namin ang Diyos sa bawat galaw upang ikaw ay harapin. Pinatibay na ng Diyos ang aming isipan at puso.

Hindi ka pa nakuntento sa iyong pananalasa ngunit unti-unti mo mo nang hinahatak ang natitirang lakas ng iyong biktima. Masakit dahil isa siya sa pinakamalapit sa aming puso. Hindi na ako makikiusap na ikaw lumisan dahil si Kristo na ang aming sandigan.

Hiningi ko na sa huling sandali na gawaran ng buong kagalingan ang iyong biktima mula sa Maykapal…na buong pagmamahal na ihatid na siya sa kanyang Kaharian na punong-puno ng kapayapaan at kung saan walang nang sakit, lungkot,  at paghihirap.

Maaaring iginupo mo ang isang katawang lupa ngunit patuloy mong pinalakas at pinatibay ang aming pananampalataya kay Kristo upang harapin pa ang bawat  unos na darating sa aming buhay.

–   – – – –

Totoo ang mga pangyayari. Isang sakit na kanser ang nanalasa. Ngunit isang Malaking K ang nagwagi…si Kristo ang ‘The Big Christ’.

23 comments on “The Big C

  1. salbehe says:

    Hindi po ako makarelate, pasensya na. =(

    • superlolo says:

      Ang pagbisita mo Miss Salbe ay kaligayahan ko na. Maraming salamat.

      Isang pagsubok itong dumaan sa aking buhay…Nagpatatag at nanampalataya na ipagpatuloy ang buhay.

      Naalala ko itong iposte….nung isulat ni Taribong ang ’85’ ang kaniyang akda sa kanyang bloghay. Nalungkot ako sa kanyang akda dahil nasa kalusugan ng buhay ay napag-tripan na kitilin ng ganun na lamang. Habang kami’y lumaban dito upang maibalik ang buhay.

      Basta samalat Miss Salbe. Masaya ako sa pagdaan mo dito. God Bless!

  2. Frankie says:

    Wow! Aus to na poste huh… Akala ko kung anong “C” ang nananalasa Kanser pala… Hirap magkakanser kaya tayo dpat ingatin natin ang ating mga katawan… Balanse lng na pagkain at ehersisyo.. Yan lng… Aw naging doktor pa ako dito…😀

    • superlolo says:

      Isang maikling kuwento ito ng pagsubok na aming dinaanan Frankie.

      Tama ang iyong paalala Dr. Frankie at salamat. Ingatan ang katawang pahiram ng Maykapal.

      Sa kalusugan ng katawan ay magiging masaya ang buhay natin sa mundong ito lalo na kung naaayon sa Diyos ang ating mga gawain.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. 4th base!
    magaling po.
    maaaring mamatay angkatawang lupa biktima ngunit dahil sa nasa kanya na si Kristo mamumuhay ito ng walang hanggan sa kalangitan kasama ng mga anghel.

    • Maraming salamat sa pagbisita PTacio.

      Amen at Amen sa iyong sinabi. Naniniwala ako na isang kaharian pa ang naghihintay sa atin pagkatapos ng mga unos at pagsubok sa mundong ito.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. Nortehanon says:

    Lolo Jem, hinangaan ko kung paano mo hinabi sa iyong mga salita ang ugnayan ng isang nakalulungkot na C at isang mapagpalaya at mapagmahal na C😉 Kahit pareho silang Big C, ang huli ay mas malaki pa rin at mas makapangyarihan kesa sa nauna.

    God bless po!

  5. Nakuha po ako sa entry ninyong ito…

    “Hiningi ko na sa huling sandali na gawaran ng buong kagalingan ang iyong biktima mula sa Maykapal…na buong pagmamahal na ihatid na siya sa kanyang Kaharian na punong-puno ng kapayapaan at kung saan walang nang sakit, lungkot, at paghihirap.”

    Napakaganda ng inyong mga salita…

    I am reading your love and your full surrender… And through it all, your finding of that silver lining, with faith and hope intact…

    Lolo Jem, today I am blessed by reading your entry…🙂

    • I meant “Naluha”…. Talagang naluha ako, namali kasi ang spelling… Magkatabi po ang “k” at “l”…🙂

      • Maraming salamat Mark.

        Mahirap maiintindihan at matanggap ang mga ganitong pangyayari sa buhay. Ngunit nagiging malinaw at punong-puno ng pananampalataya ang lahat kapag ipinagkakatiwala sa Maykapal. Katulad ng sabi mo ito nga ang aking naramdaman noon…

        “Love and your full surrender… And through it all, your finding of that silver lining, with faith and hope intact…”

        Naalala ko tuloy yung movie na “My Sister’s Keeper”. Na dito ay ipinakita na may hangganan ang buhay…na kailangang matanggap ng buong pamilya na ang buhay ay natatapos…Masakit man at malungkot ngunit may pag-asa na may isa pang buhay tayong pupuntahan pagkatapos dito sa ating katawang lupa.

        Ingat lagi & God Bless Mark.

  6. Pong says:

    ikaw pala yun superlo!
    basta isa ito sa mga pinakagusto kong entry nun.

    yes walang panalo ang k kay Kristo!

    be blessed superlo

    • Oo Pong at naalala ko pa ang iyong napakagandang komento dun sa bloghay ni Kaberkie. Salamat.

      Amen…”walang panalo ang k kay Kristo!”

      Tunay na tunay itong iyong sinabi Pong. Ang lalim ng kinasadlakan ko at tindi ng pagkaka lugmok…pero tunay si Kristo di Niya ako pinabayaan at dininig ang mga dalangin…ganun Siya sa ating lahat.

      SA kabila ng lahat ay patuloy ako at ng aking pamilya na nagpupuri at umaawit sa ating Maykapal.

      Ingat lagi & God Bless Pong!

    • Bumoto na pala ako Pong sa iyo sa PEBA at patutuloy na boboto at mangangampanya. May isang pahina ako para sa iyong kampanya. God Bless!

      • Pong says:

        superlo tuwang tuwa po ako sa panganagmpanya niyo
        salamat po sa inyong suporta at tinuring niyo po akong kapamilya dito sa blog wolrd.
        mula po sa aking puso maraming salamat po.

        pagpapala po ng ating Panginoon ang sumainyo at sa inyong buong sambahayan!

  7. kaye says:

    tunay nga pong si Christ ang ating Big C. at nakakahanga po ang inyong pananampalataya sa ating Panginoon…

  8. J. Kulisap says:

    Hi Kaberkie.

    Kinaya na, kaya nandito na itong posteng ito.

    Dahil sa Big C.

    Ingat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s