Simple lang

Habang nagmumuni-muni ako sa mga pagbabagong aking tinatahak ngayon.

Ninais kong gabayan ako ng mga paboritong kong mga kasabihan upang mapagtagumpayan ko ang ninanais na pagbabago sa isang parte ng aking buhay….ang mabuhay ng simple.

“Be Content with what you have; rejoice in the way things are. When you realize there is nothing lacking, the whole world belongs to you.” – Lao Tzu

“Fear less, hope more; eat less, chew more; whine less, breathe more; talk less, say more; love more, and all good things will be yours.” – Swedish proverb

“The secret of happiness, you see, is not found in seeking more, but in developing the capacity to enjoy less.” – Socrates

“Nature does not hurry, yet everything is accomplished.” – Lao Tzu

“The simplest things are often the truest.” – Richard Bach

“He who is contented is rich.” – Lao Tzu

“When you are content to be simply yourself and don’t compare or compete, everybody will respect you.” – Lao Tzu

“… in all the things, the supreme excellence is simplicity.” – Henry Wadsworth Longfellow

“Great acts are made up of small deeds.” – Lao Tzu

“The ability to simplify means to eliminate the unnecessary so that the necessary may speak.” – Hans Hofmann

“Simplicity is the final achievement. After one has played a vast quantity of notes and more notes, it is simplicity that emerges as the crowning reward of art.” – Frederic Chopin

“Our life is frittered away by detail… Simplify, simplify, simplify! … Simplicity of life and elevation of purpose.” – Henry David Thoreau

“Life is really simple, but we insist on making it complicated.” – Confucius

– – – – – – – – – –
Naisip ko lang ito.Kaya pala yung mga problema sa matematika laging ang pinapagawa. “Solve and Simplify your answer.”

Wala naman sinasabing “Solve and Complicate your answer.” Ummmm parang Math pala ang Life. Kaya pala may Math ang Life.

Ah basta…i-simplify ko ang life ko.

43 comments on “Simple lang

  1. salbehe says:

    Ang gaganda ng quotes, parang gusto ko tumigil muna sandali sa trabaho ko at mag muni muni.

    • superlolo says:

      Maraming salamat Miss Salbe sa pagbisita.

      Medyo napupuno na tayo kasi ng kaabalahan sa buhay kaya ang sarap alalahanin ang mga magagandang kasabihan na ito na puwedeng maging tunay na gabay upang magkaroon ng kapayapaan sa pagtahak natin sa buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. -=cuteberl=- says:

    wow. parehas po tayo. i want to l ive a simple life…

  3. toni says:

    sabi nga ng nanay ko dati Tay, wala sa dami ng kinikita kundi kung paano gagamitin ang pera.

    mahalagang alam kung ano ang kailangan at hindi ung gusto.

    • superlolo says:

      Naku Toni salamat sa pagbisita…mukhang na-miss ko ang iyong pagdaan dito. Galing ka ba sa Pinas?

      Nasa puso ika nga ang kaligayahan at di sa mga palamuting panglabas ng pangkasalukuyang buhay.

      Nais kong dahan-dahan na ang topic na ito ang aking pupuntuhin sa mga susunod na poste.

      At maganda ang iyong sinabi…

      “mahalagang alam kung ano ang kailangan at hindi ung gusto.”

      Hayyy mainit dito ngayon Toni…ayaw pang bumitaw ng summer…hehe.

      Ingat lagi & God bless!

      • toni says:

        buti pa senyo Tay at mainit pa eh dito samen pagtungtong lang ng september nagsimula na mangulontoy mga tanim.
        buti pala nakapamigay ako ng mga gulay at karamihan ng kamatis bago magsimula ang frost.

        ung mga bulaklak na halaman halos kasibulan ng pamumukadkad pero ung iba namatay na rin.

        palamig ng palamig ang panahon dito Tay kaya maraming lumilipat sa vancouver.
        kumusta naman po!

      • superlolo says:

        Naku sobrang init ngayon dito Toni…ang tawag daw dito ay Indian Summer(ewan ko kung bakit). Talagang na miss ko tuloy ang Pinas. Ang temp sa loob ng bahay ay 90F. Pero dahil Pinoy naman tayo eh kayang kaya lang ito…yung mga puti siyempre mareklamo sa init.

        Naiisip ko na nga rin ang paglamig sana…kasi ang hirap din matulog sa gabi…humid din kasi.

        Oo kawawa talaga ang mga halaman sa sobrang lamig. Siguro ang hinihintay na namin ay ang pag-iiba ng kulay ng mga dahon. Natutuwa ako kapg nakikita ang mga ibat-ibang kulay ng dahon na dating berde.

        Yan rin ang naisip ko mas gusto ko na rin ang klima dito kahit may sumpong na lamig…talagang yoko rin ng malamig…hehe.

        Okay na okay naman dito ako Toni. Salamat.

        God Bless!

  4. taribong says:

    Maraming salamat po sa post ninyong ito. Lalo na sa pagkakataong napapaisip ako kung sapat ba ang aking mga ginagawa., sa gitna ng marami pa akong gustong gawin, at tapusin sa lalong madaling panahon. Ambilis ng mga araw, mabilis ang takbo ng buhay, bumibilis ang pintig ng puso…

    … sinusubukan ko pong i-simplify ang sagot, i-reduce to lowest terms, pero sadya yatang mahirap, parang improper fractions lang…

    pero, promise Tats, kakayanin ko po ito!

    • superlolo says:

      Walang anuman Tars at salamat sa pagbisita.

      Naisip kong i-share itong aking paglalayag sa kasimplehan ng buhay…upang maipakita rin na kaya rin palang gawin. At tunay na masarap isabuhay itong kasimplehan ng buhay upang makita kung ano talaga ang mga mahahalaga sa buhay na makakamit pa rin ang tunay na kaligayahan.

      Kaya natin ito! God Bless!

  5. duking says:

    simpleng mga totoong kasabihan na madaling maintindihan.

    ang sarap ng simpleng mga bagay lalo pa’t nagsimula nating ma appreciate yung kahalagahan nila. mainit na kanin at tuyo kapag umuulan, OPM na paborito bago matulog. maiinit na kape pag gising. Ngiti ng mga kaibigan at kapamilya lalo na ng isang estranghero. ang dami pa pero kadalasan, naka pokus tayo sa komplikadong mga bagay.

    buti na lang may mga gaya mo na nagpapaalala sa bawat isa na tignan ang buhay sa mas simpleng pananaw.

    salamat ng marami.

    • superlolo says:

      Tama Duking ang sarap namnamin sa buhay ang tunay na kaligayahan lalo na at nagmula sa kasimplehan ng buhay.

      At super korek ka nalilibang sa mga abubot ng buhay ang mga tao lalo na yung mga komplikado…kaya di masumpungan ang tunay ng kaligayahan.

      Walang anuman Duking…patuloy itong akong pag-papaalala para makamit nating lahat ang tunay kaligayahan ng buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  6. Pong says:

    ito ang mga kailangan natin to spice up our lives
    mga simple lang.

    sarap ng mag ito superlo

    kailangan ko niyan

    salamat po!

    • superlolo says:

      Walang anuman Pong at salamat sa pagbisita.

      Go na ako upang ipagpatuloy ito sa aking buhay. At patuloy din akong mag-share sa aking mga ekspiriensya upang lahat tayo ay makamit ang tunay na kaligayahan mula sa tunay na mahalaga sa buhay…ang simpleng buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. bonistation says:

    tatandaan ko po ang lahat ng mga yan superlo!!
    at tulad mo, pagdating ng panahon,, makakagawa din ako ng isang entry ng mga paborito kong kasabihan at duon aalalahanin kita nasaan ka man! =) hihi!

    GOD BLESS po!!

    • superlolo says:

      Maraming salamat Bons.

      Pauna ko muna ang mga magagandang kasabihan na ito at sa susunod kong mga akda ay nais kong i-share ang mga ekspiriensya ko sa paglalayag ko sa simpleng buhay.

      Ingat lagi & God Bless Bons!

  8. Nortehanon says:

    Living life simply and celebrating its simplicity has been my blog’s advocacy. I have written about it explicitly at my About section, because I have always believed that simple things are what matter at maraming beses ko nang naranasan sa buhay ang katotohanang ito.

    God bless, Lolo Jem!

    • superlolo says:

      Sasama ako sa iyong journey sa simple living Miss N.

      Nakakatuwa nga dito ko pa sa bayan ni Ankel Sam iyan natutunan. Marami at malawak na pala dito ang may pananaw na di sumunod sa buhay noon ng mga kano.

      Ako man noon dyan sa atin ay nagsimula na ng kasimplehan ng buhay pero dito ko talaga natutunan ang kahalagahan nito sa buhay.

      God Bless din!

  9. Sphere says:

    napakaganda ng mga quotes napakasimple parang buhay lng tayo lng naman ang gumagawa para maging complikado ito…

    Simplicity is beauty🙂

    Tay, musta ka po jan? yngat kapo lagi & Stay Healthy🙂

    • superlolo says:

      Oo Anne talagang itong mga quotes na ito na mula sa mga magigiting at simpleng tao ay aking pinaniniwalaan dahil nadaanan nila ang kanilang sinabi sa kanilang buhay.

      Tunay ang iyong sinabi “Simplicity is beauty”

      Pero siyempre kanya-kanyang pananaw ang pagiging simple…basta maligaya ang isang tao sa pagiging simple ay napakalaking bagay ito na makita ang mahahalagang bagay sa isang tao at paligid.

      Mabuti naman ako dito anak. Medyo patapos na ang summer at excited na sa pagpasok ng fall…medyo konting lamig na darating na rin. Salamat.

      Ingat lagi & God Bless Anne!

  10. busyok says:

    daming quotes at ang gaganda. .

  11. tacio says:

    hang gandA naman p0 ng qu0te collecti0ns ny0. sarap basahin.

  12. DeejSpeaks says:

    Ang cool nio pong lolo.🙂 First time ko tumapak sa blog nio at asahan ang aking pagbabalik paminsan-minsan.

    Tinamaan ako dito: He who is contented is rich.

    Pero madami pa din ang hindi matuto tutong makuntento. Ang tanong, meron ba?

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbisita DJ.

      Oo yun nga ang problema sa pangkasalukuyang buhay lalo na sa iba…ang matutong makuntento…ummm pero basta ako ito na ang tatahakin kong buhay….upang makamit ang tunay na kaligayahan at ang mga mahahalaga sa buhay. Patuloy kong isusulat ang mga aspeto ng simpleng pamumuhay ko.

      Sige pablik ka lang DJ. Ako man ay bibisita sa iyong bloghay. At iadd na rin kita sa blogroll para makabisita rin ako sa iyo.

      Ingat lagi & God Bless!

  13. keko says:

    TAMAAA🙂 hehe. masyadong maganda ang buhay para gawing komplikado🙂

    • superlolo says:

      Salamat Keko sa pagbisita.

      At Maraming bagay ang makakapagpaligaya sa atin kung maisasabuhay ang simpleng buhay.

      Bibisita rin ako sa iyong bloghay Keko. God Bless!

  14. gerald says:

    ako rin lo, gusto ko talaga simpleng buhay lang.. napaka ironic kase medyo complikado pinasok kong career, masyadong teknikal… pero sa loob loob ko gusto ko lang ng simpleng buhay.. gusto ko nga sana tumira sa tabing dagat.. malayo sa magulong syudad..

    • superlolo says:

      Naku Gerald tingin ko hanggat may hangarin ka ng simple living eh di magiging mahirap na magawa mo kahit may pagka komlikado ang iyong work.

      Ganyan din ako noon sa dati kong work sa SCADA. Pagkatapos ng 8-5 work ay ayoko ng humawak ng something electronics o sa computers. Nais ko na lamang namnamin ang paligid at makipag huntahan sa mga mahal sa buhay.

      At noon lagi ko rin pagkatapos ng Friday ay nais kong bumiyahe sa probinsya para namnamin ang kasimplehan ng buhay sa malayo sa siyudad.

      Ituloy mo rin ang hangarin ng simple living upang makamtan ang tunay na kaligayahan ng dulot ng mga bagay na makikita lang sa paligid.

      Ingat lagi & God Bless!

  15. jason says:

    wow… nakakainspire naman talaga mga quotes na yan. so sad minsan kasi binabalewala ko mga quotes na nababasa ko sa fb stats o text..

    buti i tried to internalize sa mga kowts mo superlolo🙂

    thanks for these

    • superlolo says:

      Walang anuman Jason. Naku salamat at napabisita ka.

      Muni-muni kasi ako sa konting pagbabago na gusto kong i-apply sa aking buhay…kaya gusto ko igabay ako ng mga qoutes na ito. Para rin sa lahat ito na medyo naguguluhan sa modernong buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  16. ganda ng mga quotes. mai-save nga. kailangan ko ang mga ganito.

    “Be Content with what you have; rejoice in the way things are. When you realize there is nothing lacking, the whole world belongs to you.” – Lao Tzu

    meaning, live within your means.

    • superlolo says:

      Father salamat po sa pagbisita.

      Masarap nga pong balik-balikan ang mga quotes na ito at para sa akin at sa iba na gustong mag-adjust upang maging simple ang buhay mula sa kaabalahan sa modernong buhay.

      God Bless po Father!

  17. J. Kulisap says:

    Paborito mo pala si Lao Tzu.

    Tama po. Isimplify ang buhay, pwedeng pwede ‘yon.

    At maraming benipisyo ‘yon.

    Kamusta ka?

    • Oo Kaberkie at okay lang ako dito…ayos na ayos lang.

      Yun talaga ang punto ng simple living ang benipisyo…marami…maraming oras ang malalaan para sa tunay na mahahalaga sa buhay lalo na ang mga mahal sa buhay.

      Ingat lagi & God Bless! Musta rin Kaberkie!

  18. ROSE says:

    hello po.. pde po bng mkipag link exchange? kung ok lng.. slamt…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s