Isang Simpleng Araw ng Linggo

Isang simpleng araw ng Linggo ito sa aming buhay dito sa bayan ni Ankel Sam.

Ang magsimba ang aming unang ginagawa kung araw ng Linggo. Dahil ilang hakbang lang ang simbahan mula sa aming tinutuluyan ay talagang tinatawag kami ng kampana kapag oras na ng Misa

Ayan dahil kami man dito ay dinadalaw ng masamang panahon, unang pagsama ito ng panahon dito sa aming lugar. Maulan at parang bagyo na daw ito dito sa amin. Kapag ganito ang klima ay di na kami nagpupumilit lumabas at tunay na tinatamaan na magtigil na lang sa bahay.

Kaya naito ang naisipan namin na kainin sa tanghalian.

Kamatis at itlog na pula.

Talbos ng kamote.

Pritong tilapia.

Bagoong para sa talbos ng kamote.

Leche plan.

At makikinig ng mga Klasikong ย musika ng Pinoy.

 

At pagkatapos umidlip sandali.

Ang aking miryenda. Tinapay na may palaman na pansit.

Pinoy na Pinoy po di ba? Da Bes!

29 comments on “Isang Simpleng Araw ng Linggo

  1. toni says:

    talaga naman si Tatay at nanginggit pa oh.
    sarap pa lalo kung me tinadtad na hilaw na mangga at sibuyas ung kamatis sama bagoong. yum!

    minsan Tay hinahalili ko ihalo sa sawsawan ung cilantro, mint, o thai basil tas lagyan konti olive oil, toyo at kamatis.
    mapa porkchop o pritong isda masarap.

    kumusta po.

    • superlolo says:

      Haha…Naku na miss kita Toni ah.

      Naku di ako nangiinggit. Madalas na ganyan talaga ang menu namin dito sa bahay. Lalo na kung weekend.

      Tama yung sabi mo…manggang hilaw….medyo mahal yung mangga dito eh…pero minsan me nabibili na prepared na ganyan…tunay na pampagana. Yung me cilantro sa kamatis da bes yan…lalo na kung may pork chops.

      Mabuti naman ang Lolo dito…medyo biglang nagbago ang klima dito…parang biglang bumitaw na ang summer at nagparamdam na ang fall talaga…umulan na at parang bagyo na ang paligid.

      Kaya ayan naglabasan na ang mga nakatagong mga jackets. Pero parang di pa malamig kasi di pa tumakbo ang heater.

      Musta rin sa iyo. Uwi ka ba Pinas??

      Ingat lagi & God Bless!

  2. Len says:

    ang simple nga lolo, nakaka miss yang mga food na nasa pics!๐Ÿ™‚

    • superlolo says:

      Haha…dahil maraming Pinoy sa aming lugar Len ay available lang ang mga ganitong food kaya medyo nakakabawas ng pagka miss sa Pinas. Kaya basta feeling miss ang Pinoy food ay takbo na sa isang Pinoy na tindahan.

      Ingat lagi & God Bless!

      • Len says:

        ay opo lolo, kasi ditu din eh, may isang resto na pinoy food tlaga, kaya kapag miss na namin, punta lang din kami don.

  3. Wow, I envy your simple Sunday Lolo Jem…
    Nakakatakam ang pagkain…๐Ÿ™‚

    I had slumber Sunday yesterday… 3 days kasing walang work due to the brgy election. DVDs, fruits and some fastfood….

    Buti pag may work kasi nakakain ako ng healthy foods.
    Hirap kasi hindi ako nakakapagluto…

    • superlolo says:

      Salamat sa pagbisita Mark.

      Ako man ay di masyadong nakakapagluto pero kapag ganyan ang menu sa bahay ay kayang-kaya ko na basta kumpleto ang mga gagamitin. Konting prito, konting steam lang sa talbos at hiwa-hiwa lang sa kamatis at itlog na maalat.

      Ayun ang di rin nawawala dito ang manood ng Pinoy dvd movies. Yan ang trip ng mga anak ko.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. ishna says:

    Ang saya kapag Sunday! Sobrang chill lang. Nagutom ako sa leche flan! Paborito ko yun eh.๐Ÿ˜€

    • superlolo says:

      Haha… yung leche plan naman ay ginawa ng Nanay ko Ishna. Kaya may Pinoy dessert pa kami.

      Yan ang aming trip sa bahay kapag Sunday. Pinoy menu madalas.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  5. duking says:

    pinoy na pinoy ka pa rin talaga,sir!

    hindi ba mahirap hanapin yang mga yan jan sa kuta ni dubya?

    ingat po lagi.magandang araw!

    • superlolo says:

      Ay naku tunay ang sinabi mo Duking. Walang pagbabago sa akin…yung address lang ng bahay…lahat parehong-pareho….at walang balak baguhin.

      May tinatawag na Farmers Market dito sa malapit sa bahay namin tuwing Sabado. Kaya naglalakad lang kami sa pamimili ng mga gulay at prutas. Dahil maraming Asians kaya available ang mga gusto lalo ng mga Pinoy. May Pinoy nga na ang bisnes niya ay itlog, may balot, itlong na maalat at may tinapa pa. Kaya available lang yan.

      Maraming salamat sa pagbisita & God Bless!

  6. salbehe says:

    Nagutom ako sa post na ito. Makapagkape na nga. =)

    • superlolo says:

      Haha…oo Miss Salbe talagang para sa akin ay yang kumbinasyon na iyan ang special sa amin bilang Pinoy dito. Di ko yan ipagpapalit sa steak…hehe. Dyan ako masaya sa pagkain nating iyan. Tunay na healthy pa.

      Salamat sa pagbisita Miss Salbe & God Bless!

  7. Sphere says:

    Dito walang talbos ng kamote but pa jan meron:-( makapunta nga jan din ahahahha

    Tay, parang nagutom akong bigla tapos ganun pa yong panahon sarap lng kumain tpos matulog ng may kayakap ahahahaha

    yngat ka po lagi jan๐Ÿ™‚

    • Tunay na feeling na nasa bukid na umuulan-ulan Anne kaya yan ang gimik namin na madalas.

      May tanim na nga akong talbos sa paligid ng bahay para pipitas na lang kung kailangan…hehe Pinas na Pinas.

      Yun ang kulang ang kayakap…hehe…unan na lang muna.

      Salamat at Ingat din dyan Anne.

  8. Superlolo nagutom ako sa post mo. Saktong lunch time p nman dito:) tapos nakakamay. Samahan nyo na din ng nilagang okra. Tapos madaming sabay sabay nakain, kulitan, kwentuhan. Da best tlga!! Para lang nasa pinas:)

    • Yan ang panalo Miss GBP ang kamayan at kuwentuhan habang kumakain…panalo talaga.

      May okra talaga ako pero reserba ko yun…isinasapaw ko sa sinaing..sawsaw sa kalamansi na may konting toyo.

      Yan nga ang sabi ko kay Duking…address lang ng bahay ang nabago sa akin…hehe. Pinoy na Pinoy.

      God Bless !

      • pritong tilapia po niluto ko kanina, superlolo. at naalala kita. nagluto din ako ng pochero. ayun po, may mainit na sabaw at malutong na tilapiang sinasawsaw sa bagoong na may kalamansi at sili. ayun wapak ang lunch.. hehe.. God bless po..

    • Haha ayos Miss GBP…pochero at tilapia.

      Ummm…kagabi nag request yung mga anak ko. Ihaw daw ng talong…kaya ayun…ihaw na talong sawsaw sa bagoong at ako naman ay sa suka na may paminta. Tapos kombinasyon sa sisig(binili namin sa isang Pinoy store dito) Ayos at nakaraos…hehe.

      Naku palagay ko sa sarap ng mga kombinasyon mo sa ulam ay tataba si Manong niyan.

      God Bless!

  9. JOyo says:

    waaaaah super lolo ang sasarap naman niyan… nakakagutom. mga simpleng pagkain pero talagang mapaparami ka ng kain…. kapag ganyan lagi taob ang kaldero sa bahay namin eh hehehe… hmmm namiss ko ang fresh tilapia… dito kasi halos lahat frozen, nawawala na yung lasa. haizzzzzz isa lang masasabi ko ang sarap kumain!๐Ÿ˜†

    • Ay ang sinabi mo Joyo ang panalo…masarap kumain…simple lang pero masaya dahil ito talaga ang pagkaing kinalakhan nating lahat.

      At may pagka healthy pa ang ating menu…tapos feel na feel pa dahil sa panahon na umuulan…hayyy bawas miss yan sa Pinas.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  10. pinoy na pinoy nga..2 thumbs up po..:) at nkakagutom rin ah

  11. tamang tama ung ulam sa panahon..:)

    • Simple lang ang trip namin dito Ronel kapag ganyan ang panahon…kapag di makapag luto ay madalas ang walang kamatayang Ligo na pula ay katalo na sa ulam dito.

      Ganyan ang feeling ng mga anak ko…naaalala nila kapag masama ang panahon nung nasa Pinas pa kami…ulam ay sardinas kasi ‘brownout’ kaya instant ulam na.

      God Bless!

  12. J. Kulisap says:

    Ahahaha, parang nasa suysal na Pilipinas ka lamang Kaberkie.

    Sarap naman ng buhay.

    Kamusta?

    • Naku sabi ko nga madalas Kaberkie eh address lang ng bahay ang nabago sa amin…lahat same-same lang…hehe.

      “Sarap naman ng buhay.” Dito sa sinabi mo eh…nag e-enjoy lang naman di kailangang magmukmok kahit malayo sa Pinas.

      Ayos lang ako Kaberkie dito..medyo lumalamig na ang panahon pero kaya pa…parang Baguio City pa lang.

      Musta rin sa iyo & God Bless!

  13. davmel says:

    Wow bonding time with family plus… ang mga nakakagutom na pinoy dishes yumyum…

    buti pa dian available lahat ng pinoy food, dito kasi wala eh…

    Godbless po sir!

    • Maraming salamat sa pagbisita Davmel.

      Dahil sa dami ng Pinoy at mga Asians dito sa California at sa aming lugar at tunay na available lahat lalo na ang mga pagkain. May balot nga dun sa nagtitinda ng itlog na pula. Pero iba pa rin ang trip ng mga anak ko…iba pa rin daw ang dun mo kakanin sa Pinas…lalo na ang mga street food natin…wow kaka-miss talaga rin…banana que, fish balls, fried squids, penoy/balot, camote que, dirty ice cream….hayyy nananaginip na naman ako…hehe.

      Ingat lagi dyan & God Bless din!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s