Sometimes A Goodbye is Forever

 

photo from Wikipedia

 

Goodbyes are not forever.
Goodbyes are not the end.
They simply mean I’ll miss you
Until we meet again!
~Author Unknown

 

You and I will meet again
When we’re least expecting it
One day in some far off place
I will recognize your face
I won’t say goodbye my friend
For you and I will meet again
~Tom Petty

 

Farewell! God knows when we shall meet again.  ~William Shakespeare

 

Some people come into our lives and quickly go.  Some stay for a while, leave footprints on our hearts, and we are never, ever the same.  ~Flavia Weedn

 

“True love doesn’t have a happy ending, because true love never ends. Letting go is one way of saying I love you.”

 

Ever has it been that love knows not its own depth until the hour of separation.  ~Kahlil Gibran

 

If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden.  ~Attributed to Claudia Ghandi

 

A goodbye isn’t painful unless you’re never going to say hello again.  ~Author Unknown

 

Don’t cry because it’s over.  Smile because it happened.  ~Theodor Seuss Geisel

 

– – – – – – – – – – – – –

Isang pag-alaala ito sa mga mahal sa buhay na yumao.  Dahil Pinoy ako naaalala ko ang  araw ng Novermber 1 na iniaaalay para sa mga yumao taon-taon.

 

– – – – – – – – – – – – – – –

Isinalin naman ni Taribong sa ating sariling wika.


MINSAN ANG PAALAM AY WALANG HANGGAN.
(Mga kasabihang sinipi ni Superlolongpinoy)
(isinalin ni Taribong)

Mga paalam ay hindi magpakailanman
Mga paalam ay hindi katapusan.
Ibig lang sabihin ay mangungulila ako
Hanggang sa muli nating pagtatagpo.
~Di- kilala Ang May-akda

Ikaw at ako’y muling magkikita
Kung kelan hindi natin inaasahan
Isang araw sa isang malayong lunan
Makikilala ko pa rin ang iyong mukha
Hindi ako magpapaalam, kaibigan
Dahil ikaw at ako’y muling magkikita.
~Tom Petty

Paalam! Alam ng Diyos kung kailan tayo muling magkikita. ~William Shakespeare

May mga taong dumadaan sa ating buhay ngunit umaalis din kaagad. Mayroong nanatili sandali, nag-iiwan ng bakas sa ating mga puso, at tayo’y hinding-hindi na katulad ng dati pa. ~Flavia Weedn

“Ang totoong pag-ibig ay walang masayang wakas, dahil ang totoong pag-ibig ay hindi nagwawakas. Ang pagpaparaya ay isang paraan ng pagsasabing mahal kita.”

Mula pa sa simula ay hindi alam ng pagmamahal kung gaano ito kalalim hanggang sa oras ng paghihiwalay. ~Kahlil Gibran

Kung may isang bulaklak ako sa bawat sandaling maiisip kita, walang hanggan ang paglalakad ko sa aking hardin. ~Tinukoy na kay Claudia Ghandi

Ang paalam ay hindi masakit maliban kung hindi na magkikita pang muli. ~Di-kilala ang May-akda

Huwag umiyak dahil natapos na. Magalak dahil naganap na.. ~Theodor Seuss Geisel

 

 

Maraming Salamat Taribong!


16 comments on “Sometimes A Goodbye is Forever

  1. toni says:

    lam mo Tay meron akong tita na 11 yrs ng patay pero hanggang ngayon ginagawa ko pa ring gabay ang mga pangaral nya saken.
    normal ding banggitin pangalan nya sa mga usapan.

    di man sila pisikal na umiiral pero maari nating patuloy na buhayin ang kanilang alaala.

    • Totoo yan Toni.

      Kapag daw mabuti at mabait ang isang tao ay nabubuhay din siya sa buhay natin lalo na ating alaala…ang kanilang mga kabutihan at pangaral nung sila ay nabubuhay pa ay patuloy na naging gabay nating nasa mundo pa.

      Kaya nga ang sabi ay mas importante daw ang ‘legacy’ ang maiiwan ng isang tao…kaysa ‘currency’. Madalas kasi yung ‘currency'(kayamanan) ay pinag-aawayan pa…hehe.

      Salamat sa pagbisita & God Bless Toni!

  2. Mental Climax says:

    nakakatats naman.

  3. duking says:

    pinalibutan mo na naman ako ng napaka gagandang quotes ng pag-asa at pag-ibig.salamat po.

    ‘If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden. ~Attributed to Claudia Ghandi’

    eto po,natutuwa ako kase ganyan na ganyan ang nangyayari kadalasan kapag may naaalala akong bagay.magsisimula sa payak na pangyayari tapos tuluyan ng magdudugtong dugtong ng napakarami pang masasayang ala-ala.

    at kapag ganun,sabi nga sa linya ni barry manilow ng kantang i write the song…

    ‘i’m young again even though i’m very old’

    salamat po ulit,magandang araw!

    • Ay sakto ang sinabi mo Duking sa…

      —‘If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden.”

      Sa aking ekspirensya…sa aking yumaong asawa ay parang ganyan…kaya siguro di pa rin ako makakita ng papalit niya sa puso ko…dahil naglalakad pa ako sa garden ng kanyang mga bulaklak.

      Paborito ko yan si Barry Manilow at ang kantang yan.

      Bagay yata sa akin yan ah….‘i’m young again even though i’m very old’….lalo na siguro kung makikita ko ang bagong magpapatibok ng aking puso.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. athena says:

    ang ganda nmn po ng mga qoutes nyo…

    • Maraming salamat Athena.

      Dahil sa ganda nga ng mga quotes na yan ay di na ko nagdagdag ng aking mga salita. Natumbok na ng mga qoutes na yan ang nilalaman ng aking puso.

      Maraming salamat sa pagbisita.

      Nakita ko kasama na pala ako sa blogroll mo…maraming salamat. I-add na rin kita sa aking blogroll. Babalik ako sa bloghay mo para magbasa.

      Keep on blogging!!

      Ingat lagi & God Bless

  5. salbehe says:

    Nice quotes. Sad but nice.

    • Maraming salamat Miss Salbe.

      Ummmm ganyan talaga ang buhay ng tao…may lungkot at may saya…wag lang masyadong magtagal sa feeling ng lungkot…dahil pagkatapos ng lungkot magpaparamdam naman ang saya sa buhay. Masaya pa rin ang buhay.

      —-“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened. ”

      Ingat lagi & God Bless!

  6. taribong says:

    MINSAN ANG PAALAM AY WALANG HANGGAN.
    Mga kasabihang sinipi ni Superlolongpinoy
    (isinalin ni Taribong)

    Mga paalam ay hindi magpakailanman
    Mga paalam ay hindi katapusan.
    Ibig lang sabihin ay mangungulila ako
    Hanggang sa muli nating pagtatagpo.
    ~Di- kilala Ang May-akda

    Ikaw at ako’y muling magkikita
    Kung kelan hindi natin inaasahan
    Isang araw sa isang malayong lunan
    Makikilala ko pa rin ang iyong mukha
    Hindi ako magpapaalam, kaibigan
    Dahil ikaw at ako’y muling magkikita.
    ~Tom Petty

    Paalam! Alam ng Diyos kung kailan tayo muling magkikita. ~William Shakespeare

    May mga taong dumadaan sa ating buhay ngunit umaalis din kaagad. Mayroong nanatili sandali, nag-iiwan ng bakas sa ating mga puso, at tayo’y hinding-hindi na katulad ng dati pa. ~Flavia Weedn

    “Ang totoong pag-ibig ay walang masayang wakas, dahil ang totoong pag-ibig ay hindi nagwawakas. Ang pagpaparaya ay isang paraan ng pagsasabing mahal kita.”

    Mula pa sa simula ay hindi alam ng pagmamahal kung gaano ito kalalim hanggang sa oras ng paghihiwalay. ~Kahlil Gibran

    Kung may isang bulaklak ako sa bawat sandaling maiisip kita, walang hanggan ang paglalakad ko sa aking hardin. ~Tinukoy na kay Claudia Ghandi

    Ang paalam ay hindi masakit maliban kung hindi na magkikita pang muli. ~Di-kilala ang May-akda

    Huwag umiyak dahil natapos na. Magalak dahil naganap na.. ~Theodor Seuss Geisel

    – – – – – – – – – – – – –
    God bless you always, Tats!!!
    Maraming salamat po muli! 😀

    • Maraming salamat Tars sa iyong pagsasalin sa ating wika. Nagkaroon tuloy ng mas malalim na kurot sa pusong Pinoy.

      Ayun idinugsong ko na sa itaas.

      Salamat…salamat…salamat…

      Ingat lagi & God Bless!

      • taribong says:

        Walang anuman po Tats! Ang galing po kasi ng sequence, kaya nakaka-inspire din na isalin hehehe. Masarap namnamin ang banat lalo na sa ating sariling wika… Mabuhay po ang lahing kayumanggi!!!! hehehe

  7. Ang gaganda nmn po ng qoutes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s