Simpleng Pangarap ni Nanay Z

Wala pang isang taon kaming magkakilala ni Nanay Z ngunit halos buong buhay niya ay nai-kuwento na niya sa akin. Magkapitbahay kami dito sa bayan ni Ankel Sam. Iisa ang punto ng kanyang kuwento…ang lubos na pagmamahal niya sa kanyang mga anak at sa ngayon ay sa kanyang mga apo.

Nagsimula ang lahat ng siya ay magdesisyon na pumasok bilang isang DH sa Hong Kong. Lubha daw napakirap ng buhay sa kanilang probinsya kaya kahit maliit pa ang apat na anak ay nagdesisyon na iwan sila sa piling ng kanilang ama upang di sila magutom at maipagpatuloy ang pag-aaral.

Ipinakita niya minsan ang kanilang family picture bago siya lumisan patungong Hong Kong at tunay na larawan pa si Nanay Z ng kabataan at ang kaliliitan ng kanyang apat na anak.

Sa Hong Kong

Mula sa kanyang mga kuwento ay naramdaman ko ang mga taon nang kanyang mga pagsisikap at lungkot bilang isang DH sa Hong Kong.

Dahil sa kanyang pagsisikap at mabuting trabaho sa kanyang mga amo ay naisipan siyang isama sa Amerika. Inasikaso ng kanyang amo ang kanyang mga papeles upang makarating ng Amerika. At dito na nagsimulang
mangarap si Nanay Z.

Nagpatuloy siyang manilbihan sa kanyang mga among Chinese ngunit lumipas ang ilang taon ay di na siya sumama sa kanilang pagbabalik sa Hong Kong.

Sa Amerika

Naging matapang si Nanay Z upang pasukin ang kahit anong trabaho dito sa Amerika upang patuloy na buhayin ang kanyang naiwang pamilya sa Pilipinas.

Nilakasan ni Nanay Z ang kanyang loob sa kanyang pag-iisa at sa lamig sa Amerika upang balang araw ay maisama niya ang kanyang pamilya dito. Ngunit di na nakapaghintay ang kanyang asawa. Pangkaraniwan na itong nangyayari sa mga magkakalayong mag-asawa sa atin. Napilitan siyang magdesisyon na idiborsiyo ang ama ng kanyang mga anak. Malungkot man ang kanyang desisyon ngunit kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay.Tumakbo ang panahon at nagkaroon siya ng pangalawang pagkakataon na tumibok ang kanyang puso. Muli siyang nagpakasal sa isang Pinoy din dito.

Unti-unting natupad ang kanyang mga pangarap ng nai-petition ng kanyang bagong asawa ang kanyang tatlong anak na di pa lumampas sa idad na bente-uno at sandali lamang ay nakapiling na niya sila sa Amerika. Naiwan ang kanyang panganay sa Pilipinas dahil lumampas na siya sa itinakdang idad upang makapunta sa Amerika.

Panibagong buhay lahat sa kanyang tatlong anak. Dito na sila lahat nag-aral, nakapaghanap-buhay at sa ngayon ay nagpamilya.

Sobrang ligaya na ni Nanay Z para sa kanyang tatlong anak dahil habang binabalikan niya ang kanyangmunting pangarap na maka-ahon sa hirap bilang isang DH sa Hong Kong ay naandito na rin sila sa ‘land of opportunity’. Ngunit di tumigil si Nanay Z upang ang panganay na anak ay makuha at makapiling rin niya at nang mga kapatid dito sa Amerika.

Sa Ngayon

Kadarating lang ng kanyang panganay na anak at kasama ang dalawang apo. Inaasikaso naman ni Nanay Z na makapunta na rin dito ang asawa ng kanyang panganay na anak.

Maligaya ang mga magkakapatid dahil sa muli ay nagkasama-sama na rin sila na nuon ay napaghiwalay ng mga pangarap at pagsisikap ni Nanay Z.

Madalas sabihin sa akin ni Nanay Z na kung inipon niya ang kanyang kinikita simula nung tumapak siya sa Amerika ay siguradong mayaman na siya dahil sa patong-patong niyang trabaho. Ngunit dahil sa kakulangan ng kanyang presensiya sa kanyang pamilya nuon ay walang damot niyang ipinagkaloob ang ikaluluwag ng buhay ng mga naiwan sa Pilipinas.

Hindi siya nagsisi sa kabila ng ilang malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay. Natupad naman ang kanyang minimithi na makarating din sa ‘Land of Opportunity’ ang lahat ng kanyang mga anak.

Patuloy pa rin namamasukan si Nanay Z bilang isang caregiver. Iika-ika na siya sa paglalakad ngunit punong-puno ng ligaya at pag-asa sa hinaharap pa ng kanyang buhay sa piling ng kanyang mga anak at apo.

Masasakit na ang kanyang tuhod dahil sa atraytis ngunit patuloy niyang pinupuno ang mga panahon na nawalay siya sa mga anak at sa ngayon ay wala pa ring pahinga upang maligayang harapin, alagaan at yakapin ang kanyang mga apo.

Patuloy po kayong bigyan ng lakas at pagpalain ng Panginoong Diyos Nanay Z.
– – – – – – – – – – –

Samasaludo ako sa buhay na tinahak ni Nanay Z bilang isang Ina na
nangarap maiahon sa hirap ang pamilya. At sa maraming katulad ni Nanay
Z sa ibat-ibang panig ng mundo bilang OFWs.

34 comments on “Simpleng Pangarap ni Nanay Z

  1. salbehe says:

    Epic OFW story ito. Pwedeng isapelikula!

    • superlolo says:

      Talagang makulay nga ang istorya ni Nanay Z at marami pa ngang dramatic moments na di ko na isinama sa kuwento. Tama Miss Salbe pwedeng pang movie.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

  2. Arnie says:

    Wala talagang tatalo sa pagpupursige at pagsusumikap ng isang Pilipinang Ina…

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbisita Arnie.

      Tunay Arnie ang sinabi mo…gagawin ang lahat para sa pamilya. Madalas kahit di na inuuna ang pangsarili basta mapabuti ang mga mahal sa buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. Nortehanon says:

    Lolo Jem, ang kwento ni Nanay Z ay isang pagpapatunay ng kadakilaan at walang hanggang pagmamahal ng isang ina. Ipagdadasal kong sana’y hindi masayang ang kanyang mga sakripisyo.

    • superlolo says:

      Naku tunay na tunay ang sinabi mo Miss N. Kulang na lang talaga ay ipagawa ng mga rebulto ang mga Ina na nagtataguyod ng kanilang mga pamilya lalo na yung mga nasa ibang bansa.

      Ako man ay laging nanalangin sa kanya dahil itinuring na rin niya akong isang anak dito. Masasabi kong pangalawa ko na siyang Ina dito sa Amerika.

      Ang kanyang pananampalataya sa Panginoong Diyos ang isang nagpatibay sa kanya upang tanggapin ng magaan ang mga pagsubok niyang dinaanan.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. -=cuteberl=- says:

    this is great pero kawawa naman yung asawa. inisip ko nalang na may dahilan at sobrang lubha noon na kailangan niyang iwan ang ama ng kanyang mga anak. great post super lolo….

    • superlolo says:

      Tunay ang iyong sinabi Berl at maraming salamat.

      Mabigat ang kanyang desisyon para sa ama ng kanyang mga anak. Tinanggap niya ng magaan ang mga pangyayari…ang realidad ng buhay ng mga Pinoy na ama na madalas na naiiwan ng matagal. Dahil sa kabaitan nga ni Nanay Z ay di naman niya kinamumuhian ang ama ng kanyang mga anak…nawa’y inintindi at pinatawad ang nangyari. Siyempre sana talaga ang wish natin sa ending ng story ay “they happily ever after” pero talagang madalas ay may mga kapalit ang mga pagsusumikap at pagsubok lalo na ng mga nagta-trabaho saibang bansa.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. athena says:

    wawa nmn si nanay Z.. pero gnun tlga mga nanay lhat gagawin para sa mga anak.
    nice post.
    slmt sa pgbisita sa bhay ko ha…

    • superlolo says:

      Walang anuman Athena.

      Sa isang banda ay parang nakaka-awa si Nanay Z dahil halos ibinigay na niya lahat para lang sa kanyang mga mahal sa buhay. Ngunit ganyan talaga katibay ginawa ng Diyos ang mga Ina…at dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos ay nagiging matibay din siya sa lahat ng pagsubok…lalo na ang mga sakripisyo para lang sa mga anak.

      Salamat din & God Bless!

  6. toni says:

    ipinagkaloob sa atin ang lahat ng kasangkapan upang maitaguyod at magtagumpay sa buhay at kapag hangad ay mas masagana dobleng sakripisyo ang katumbas.

    sana maalagaang mabuti si Nanay Z sa panahong di na nya kaya ang sarili.

    • superlolo says:

      May kapangyarihan talaga Toni lalo na kung may pananampalataya. Ang hirap umusog kapag may mga pagsubok ngunit talagang namang sa pagsusumikap ay may aanihin sa bandang huli…ang lahat talaga ay natatapos sa pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil nairaos ang lahat…kayang-kaya pala.

      Palagay ko ay di naman siya pababayaan ng kanyang mga anak at apo sa kaniyang pagtanda.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. Indie says:

    Grabe po ang pagmamahal ng nanay na to.. Na tocuh ako sa sinabi nya na “kung iipunin lang niya lahat ng pera na kinita nya sa trabaho ay mayaman na sya pero di sya nagdamot.” Ang gandang experience po. Kahit na matanda na sya ay di maikakaila na masaya siya sa piling ng kanyang mga anak at apo. At alam din natin po na pinagpapala ang may ganyang klaseng puso. Grabe. Wala po akong masabi sa kabaitan nya at sipag.

    • superlolo says:

      Amen sa iyong sinabi Indie…

      —“At alam din natin po na pinagpapala ang may ganyang klaseng puso.”

      Sampalataya talaga ako dito kasi talagang ganyan talaga ang Panginoong Hesus ang ibigay ng buong-buo ang sarili at magsilbi na isang servant sa atin. At maaaring isinasabuhay niya ang maging isang servant sa lubos niyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Kaya siya pinagpapala.

      Salamat sa pagbisita Indie. Inadd pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita. God Bless!

  8. J. Kulisap says:

    Kapag nanay ka, gagawin mo ang lahat para sa iyong pamilya.

    Saludo ako. Wala akong masabi kungdi I love you nanay z

    • superlolo says:

      Tunay Kaberkie ang iyong sinabi.

      Ang sabi nga:

      “Motherhood is priced
      Of God, at price no man may dare
      To lessen or misunderstand.”~Helen Hunt Jackson

      Saludo tayo sa lahat ng Inang Pinoy na nagsusumikap na itaguyod ang pamilya lalo na sa ibang bansa.

      God Bless!

  9. Saludo ako sa yo, Nanay Z.. isa kang huwarang ina.
    Sana biyayaan ka pa po ng mahabang buhay para makasama mo pa ang mga anak at apo mo to make up for the times na napalayo ka sa kanila.

    Thanks for sharing, superlolo. Kakapost ko lang din po about sa pinsan ko naman nag nagwork abroad at nawalay sa anak nya..

    God bless po..

    • superlolo says:

      Kasama ka na rin sa susunod ay sasaluduhan bilang isang Ina Miss GBP….malapit ka na rin na magtaguyod ng iyong pamilya sa ibang bansa…na sinisikap ang lahat para sa pagmamahal sa pamilya sa values ng isang Pamilyang Pinoy.

      Sige bibisita rin ako at babasahin ang kuwento ng iyong pinsan.

      Walang anuman & God Bless!

      • Salamat po superlolo. Pinagsisikapan ko tlga na mgkaron ng maayos na buhay ang magiging pamilya ko. At sisisuraduhin ko na sama sama kami. At sana maging huwarang ina din ako gaya ni nanay Z. Paki-hug po ako sa kanya. God bless po…

    • The Best na plano yan Miss GBP ang laging magkakasama ang pamilya. Nung 80s kamuntik na akong makipagsapalaran sa Saudi. Pero pinili ko ang aking pamilya. Maaring wala akong milyones pero milyon naman ang hatid ng kaligayahan sa piling ng mga mahal sa buhay…sa araw-araw. God Bless!

  10. Pong says:

    likas po siguro sa mga Nanay na kagaya ni Nanay Z na ibigay ang serbisyo sa mga anak at maging sa mga apo. Napakadakila po niya. Mula Hongkong hanggang Amerika, sa mga anak, apo at asawa. Kinikilabutan po ako sa kabila ng paika-ika at pagod na katawan ni Nanay Z ay nagpapatuloy pa rin siyang magtrabaho. Mapalad po ang pamilya ni Nanay Z at mapalad at proud ako bilang Pinoy dahil may mga kagaya ni Nanay Z na binata at binabata ang init at lamig, sakit at sakripisyo sa ibang bansa.

    Saludo po ako sa kanya. Kung makakwentuhan niyo po siya mamaya ikumusta niyo po ako ha.

    be blessed po superlo!

    • superlolo says:

      Siguro isang simple rin lang si Nanay Z at di niya alam na sinasaluduhan natin siya sa kanyang simpleng pangarap na puspos ng pagsisikap at pagsubok.

      Oo Pong makakarating ang iyong paghanga kay Nanay Z…na alam ko ramdam mo rin ang mga pagsubok na dinadaanan ng mga katulad niya sa kinalalagyan mo ngayon.

      Maraming salamat Pong. May utang pa ako sa iyong poste…sa susunod malamang mabuo ko na ang aking akda sa ‘Versatile Blogger Award’. Di ko makakalimutan ang iyong award…dahil unang award ko na marecognize ako na isang blogger na nagmula sa isang iginagalang sa mundo ng mga blogero.

      Ingat din lagi & God Bless!

  11. kaye says:

    tay, wag po kayong magagalit, seryoso ako, akala ko magkakaron na ko ng bagong matatawag na nanay yun pala kwentong OFW at higit sa lahat, Nanay ang post nyo about nanay z. hehe.

    pero tama po na bilang nanay, at bilang magulang gagawin natin ang lahat para sa ating mga anak.🙂 hindi lamang po mga nanay, pati po mga tatay ganyan ang gagawin.🙂

    • superlolo says:

      Haha…napatawa talaga ako sa iyong sinabi Kaye na…”makakaroon ng matatawag na bagong nanay” hehe at talagang binalikan ko ang aking kuwento.

      Kaya pala ganyan ang naisip mo ay sinimulan ko ang aking akda ng….”wala pang isang taon kaming magkakilala ni Nanay Z”…haha.

      Maganda rin itong qoute na ito:

      “Motherhood is priced
      Of God, at price no man may dare
      To lessen or misunderstand.”~Helen Hunt Jackson

      Kaya sabi nung elementarya pa ako…

      Ang Nanay ang ilaw ng tahanan at Tatay ang haligi.

      Ingat lagi & God Bless! Musta na rin kay Bong!

    • bongkito says:

      tama ka d’yan Be! kaya pagmatuloy talaga tayo sa Australia kelangan kasama na talaga kayo. Kung hindi baka ikabaliw kong di ko kayo nakikita araw-araw… huhuhu

  12. bongkito says:

    taaayyy!!!

    natuwa ako sa post mo. nakakagiliw itong kwento. at pede nga syang isa-MMK.

    kung di ko nabasa yung pinadala ni Kaye sa kin na email, malamang iisipin ko rin na si Nanay Z ang next Superlola! Aktuwali, superlola nga s’ya in the truest sense of the word!

    And ang galing ng diskarte nya sa buhay at sa pamilya. Sobrang kahanga-hanga nga sya. Tell her I salute her for her being a Mom who withstand all the odds for the betterment ng family n’ya.

    So tay? Ano na balita? email mo nalang kami ha on the developments!

    Ingats lagi!

    • superlolo says:

      Naku Bong salamat sa pagbisita.

      Medyo maraming pa ngang dramatic moments ang kuwento ni Nanay Z pero nalampasan na niya iyon at larawan na siya ng kaligayahan sa kabila ng kanyang mga pagsubok at sakripisyo.

      O sige email ko kayo sa developments(….inspirasyon kita Bong) yan cut muna at baka mapataas ang kilay ng makababasa….

      Ingat din & God Bless!

  13. ako rin ay sumasaludo sa lahat ng mga pinoy, lalung lalo na ang mga nanay na puno ng lakas ng loob na mangibang bayan upang mabigyang kaginhawahan ang kanilang pamilya. Sa lahat ng mga OFWs, ako po ay nagdadasal para sa inyong good health, good salary, and strong faith in the Lord..always.

    • superlolo says:

      Maraming salamat po sa inyong prayers para sa kanila Father. Ako man po ay patuloy na nagiging gabay ni Nanay Z…in my own little way….sa mga di magampanan na kanyang mga anak ay nagiging alalay din ako sa kanya bilang isang itinuring din isang anak.

      God Bless po!

  14. davmel says:

    Nakaka inspire ang story ni Nanay Z, kahit iniwan nia ang kanyang pamilya, in the end…bumawi sia sa pagkuha nia at sama2 sila ngaun sa mariwasang buhay sa amerika,

    Isa sa mga pangarap ko ang makatungtong at makapagwork sa amerika, simula pa lang ng akoy bata pa, at for sure marami ang naghahangad ng ganito, kaya mapalad si Nanay Z, MABUHAY!😀

    • superlolo says:

      Oo Davmel super ang kanyang pasasalamat at kaligayahan na di niya akalaing matutupad nung siya ay nangangarap pa lamang. Kahit medyo maidad na siya ngayon ay ninanamnam niya ang mga prutas ng kanyang pagsisikap.

      Yes…Davmel…tuloy lang ang pangarap….darating din iyan.

      Salamat sa pagbisita at inadd pala kita sa blogroll ko para mabisita rin kita.

      God Bless!

      • davmel says:

        Sir salamat, add din kita sa blogroll ko,

        baguhan palang ako dito ahihihi, hopefully to gain more friends, at the same time to share also my story…😀

    • Walang anuman Davmel at salamat din. Kaligayahan ko ring dumami ang kaibigan dito sa blogosperyo. God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s