Poem: What Will Matter

What Will Matter
Author: Michael Josephson

Ready or not, some day it will all come to an end.
There will be no more sunrises, no minutes, hours or days.
All the things you collected, whether treasured or forgotten, will pass to someone else.
Your wealth, fame and temporal power will shrivel to irrelevance.
It will not matter what you owned or what you were owed.
Your grudges, resentments, frustrations and jealousies will finally disappear.
So too, your hopes, ambitions, plans and to-do lists will expire.
The wins and losses that once seemed so important will fade away.
It won’t matter where you came from or what side of the tracks you lived on at the end.
It won’t matter whether you were beautiful or brilliant.
Even your gender and skin color will be irrelevant. 

So what will matter? How will the value of your days be measured?

What will matter is not what you bought, but what you built; not what you got, but what you gave.
What will matter is not your success, but your significance.
What will matter is not what you learned, but what you taught.
What will matter is every act of integrity, compassion, courage or sacrifice that enriched, empowered or encouraged others to emulate your example.

What will matter is not your competence, but your character.
What will matter is not how many people you knew, but how many will feel a lasting loss when you’re gone.
What will matter is not your memories, but the memories that live in those who loved you.
What will matter is how long you will be remembered, by whom and for what.

Living a life that matters doesn’t happen by accident.
It’s not a matter of circumstance but of choice.
Choose to live a life that matters.

Thanks to Josephson Institute & charactercounts.org for this beautiful video

– – – – – – – -0 – – – – – – –

Kung Ano ang Pahahalagahan
Akda ni Michael Josephson
(Salin ni Taribong)

Handa man o hindi, balang araw ang lahat ay magtatapos
Wala nang bukang-liwayway, wala nang mga minuto, mga oras o mga araw
Ang mga bagay na inipon, pinagyaman man o kinalimutan, ay maisasalin din sa iba
Ang kayamanan, ang kasikatan at ang dagliang kapangyarihan ay manliliit tungo sa kawalan
Hindi na mahalaga kung ano ang iyong pag-aari o kung ano ang iyong inutang
Ang iyong mga angal, pinagsisisihan, panghihinayang at kinaiinggitan ay tuluyang mawawala
Ganon din naman ang iyong pag-asa, pangarap, plano at ang mga kailangang gawin ay matitigil
Ang pagkapanalo at pagkatalo na dati ay tila napakahalaga ay kukupas din
Hindi na mahalaga kung saan ka nanggaling o kung saang banda ng daan ka tumira sa wakas.
Hindi na mahalaga kung maganda ka o matalino
Pati ang iyong kasarian at ang kulay ng iyong balat ay wala na ring saysay

Kaya ano ang pahahalagahan? Paano masusukat ang halaga ng iyong mga araw?

Ang pahahalagahan ay hindi ang iyong nabili, kundi ang iyong itinatag; hindi ang iyong nakuha, kundi ang iyong ibinigay
Pahahalagahan hindi ang iyong tagumpay, kundi ang iyong kabuluhan
Pahahalagahan hindi ang pinag-aralan mo, kundi kung ano ang iyong naituro
Ang pinahahalagahan ay ang bawat gawaing may karangalan, kagandahang-loob, katapangan at pagsisikap na nagpayaman, nagpalakas o nanghikayat sa iba na tularan ang iyong halimbawa.

Papahahalagahan hindi ang iyong kakayahan, kundi ang iyong asal
Pahahahalagahan hindi kung ilan ang kakilala mo, kundi kung ilan ang matagal na mangungulila sa iyong pagkawala
Pahahalagahan hindi ang iyong alaala, kundi ang alaala na nananatili sa mga taong nagmahal sa iyo
Pahahalagahan kung gaano katagal kang matatandaan, nino at para saan.

Ang mabuhay ng may kabuluhan ay hindi nangyayaring parang aksidente lamang.
Hindi ito dulot ng pagkakataon lamang, kundi dahil sa ito ang pinili mo.
Piliing mabuhay na may kabuluhan.

– – – – – – -0 – – – – – –

MARAMING SALAMAT TARIBONG!

26 comments on “Poem: What Will Matter

  1. athena says:

    what will matter mag visit ako dito sa bhay nyo… hehehe
    nice post po…

  2. J. Kulisap says:

    Buhay na mag-iiwan ng marka sa mga maiiwan ang mahalaga.

    Hindi marka ng galit,tampo, hinanakit o pagkamuhi kungdi marka ng pag-ibig,pagbibigay at inspirasyon.

    Kaberkie.

    Maligayang pasko

    • Maligayang Pasko rin Kaberkie. Dito ay Thanksgiving bukas…pangatlo ko na ito dito. Parang Pasko na ito sa mga Kano…turkey ang menu bukas.

      Legacy at di currency ang mahalagang maiwan sa puso ng ating iiwanan sa mundong ito.

      Salamat sa pagbisita. God Bless!

  3. Nortehanon says:

    “Choose to live a life that matters.”>>>>>I hear it loud and clear, Lolo Jem🙂

    Na-mermerize ako sa photo! Parang di pa ako nakakita ng personal ng ganyang color ng sky. Ganda!

    • Maraming salamat sa pagbisita Miss N.

      Yes…wag talagang sayangin ang regalong buhay…live a life that matters.

      Yung photo ay mula sa sample photos ng Windows. Di ko rin mapigilan na hiramin para iposte kasi parang akmang-akma sa unang linya ng poem…

      —“Ready or not, some day it will all come to an end.
      There will be no more sunrises, no minutes, hours or days.”

      Ingat lagi & God Bless…Advance Merry Christmas Miss N!!!

      • Nortehanon says:

        Salamat sa greetings, Lolo Jem. Advance Merry Christmas din po!🙂 Malamig na siguro dyan kaya I am sending this greetings with extra warmth🙂

    • Naku salamat din sa extra warmth sa greeting Miss N. Medyo nagpaparamdam na talaga ang lamig ng Pasko dito…pero wala namang yelo…minsan -1C lang ang lamig…ayos pa rin basta walang yelo…grrrrr…hehe.

      Hayyy nakakamiss na ang Paskong Pinoy Miss N….

  4. taribong says:

    Kung Ano ang Pahahalagahan
    Akda ni Michael Josephson
    (Salin ni Taribong)

    Handa man o hindi, balang araw ang lahat ay magtatapos
    Wala nang bukang-liwayway, wala nang mga minuto, mga oras o mga araw
    Ang mga bagay na inipon, pinagyaman man o kinalimutan, ay maisasalin din sa iba
    Ang kayamanan, ang kasikatan at ang dagliang kapangyarihan ay manliliit tungo sa kawalan
    Hindi na mahalaga kung ano ang iyong pag-aari o kung ano ang iyong inutang
    Ang iyong mga angal, pinagsisisihan, panghihinayang at kinaiinggitan ay tuluyang mawawala
    Ganon din naman ang iyong pag-asa, pangarap, plano at ang mga kailangang gawin ay matitigil
    Ang pagkapanalo at pagkatalo na dati ay tila napakahalaga ay kukupas din
    Hindi na mahalaga kung saan ka nanggaling o kung saang banda ng daan ka tumira sa wakas.
    Hindi na mahalaga kung maganda ka o matalino
    Pati ang iyong kasarian at ang kulay ng iyong balat ay wala na ring saysay

    Kaya ano ang pahahalagahan? Paano masusukat ang halaga ng iyong mga araw?

    Ang pahahalagahan ay hindi ang iyong nabili, kundi ang iyong itinatag; hindi ang iyong nakuha, kundi ang iyong ibinigay
    Pahahalagahan hindi ang iyong tagumpay, kundi ang iyong kabuluhan
    Pahahalagahan hindi ang pinag-aralan mo, kundi kung ano ang iyong naituro
    Ang pinahahalagahan ay ang bawat gawaing may karangalan, kagandahang-loob, katapangan at pagsisikap na nagpayaman, nagpalakas o nanghikayat sa iba na tularan ang iyong halimbawa.

    Papahahalagahan hindi ang iyong kakayahan, kundi ang iyong asal
    Pahahahalagahan hindi kung ilan ang kakilala mo, kundi kung ilan ang matagal na mangungulila sa iyong pagkawala
    Pahahalagahan hindi ang iyong alaala, kundi ang alaala na nananatili sa mga taong nagmahal sa iyo
    Pahahalagahan kung gaano katagal kang matatandaan, nino at para saan.

    Ang mabuhay ng may kabuluhan ay hindi nangyayaring parang aksidente lamang.
    Hindi ito dulot ng pagkakataon lamang, kundi dahil sa ito ang pinili mo.
    Piliing mabuhay na may kabuluhan.

    • Sobrang Salamat Tars sa iyong pagkakasalin ng tula sa ating wika. Salamat sa mga oras na iyong ginugol upang mabuo ang napakagandang tula na lalong naging makahulugan sa ating wika.

      Para sa ating lahat…

      —”Piliing mabuhay na may kabuluhan.”

      Ingat lagi & God Bless!

  5. taribong says:

    Walang anuman po, Tats. Maraming salamat din sa inyong pagbabahagi ng mga tula, kanta, atbp. na may hatid na aral.
    Paumanhin po na minadali ko ang salin at hindi ako nakapag-iwan ng bahagyang mensahe. May pinagawa kasi at kailangang asikasohin agad hehehe.
    Hanggang sa muli po. Pagpalain po kayo parati ng Dakilang Maylikha.😀

  6. @ SUPER LOLO..!
    i know..,
    super off topic ito..!
    pero..,
    i need everyone’s help..!
    hinahanap ko po…
    si..:
    SPHERE..!
    nakita nyo po ba siya..?
    i badly need her now..!
    help me..!😥

  7. Pong says:

    ang galing ng pagkakasalin ni kuya tarbs,
    naalala ko lang ang kantang Seasons of Love dito superlo po.
    525, 600 minutes how do we measure our lives?
    Pagmamahal po siguro ang sagot, mas magiging makabuluhan kung ang bawat yapak natin ay may pagmamahal.
    be blessed po!

    • superlolo says:

      Tunay ang sabi mo Pong….feel na feel ang dating sa ating sariling wika.

      Yes…at tunay din LOVE…upang maging kakabuluhan ang buhay natin….at dagdagan ko pa ng Living In Christ para sa pang araw-araw na buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  8. busyok says:

    ang ganda po. ‘yong iiwanan nating alaala e sya ang magsasabi kung ano at sino tayo.

    • Salamat Eli sa pagbisita.

      Ito na ang isang napakagandang misteryo ng buhay…ang ma-appreciate ng mga tao ang ating kabutihan kapag wala na tayo sa mundong ito. Di ba ang sarap gumawa ng kabutihan na parang nagi-impok sa bangko…na pagkatapos na ng buhay ang makukuha ang interest at mga nadeposito?.

      Ingat lagi & God Bless…Merry Christmas Eli!

  9. davmel says:

    Sa totoo lang doon ako nagbasa sa wikang tagalog, hindi naman sa hindi ko maintindihan ang english version, para sakin mas may dating at puno ng kabuluhan kung itoy babasahin mula sa puso…

    Super Lolo thanks for sharing this…. napaka ganda at makabuluhang tula😀

    • Walang anuman Davmel at salamat din sa pagbisita.

      Tunay na ang sarap pagmuni-munihan ang tulang ito…parang ang tanong na…ano ba ang iiwan natin legacy o currency sa mundong ito??

      Ingat lagi & God Bless…Merry Christmas Davmel!

  10. We made a video of this and put it on youtube as well, http://www.youtube.com/watch?v=Y-Lm_U9yEP0

  11. djchins says:

    ang ganda..

    ive learned something po..:))

    • Walang anuman Djchins at maraming salamat sa pagbisita.

      At maraming salamat din sa ‘special mention’ sa iyong blog…sa pag repost ng aking isang koleksyon ng mga magagandang tula. Super salamat.

      Iadd pala kita sa aking blogroll para mabisita ulit kita sa iyong bloghay.

      Merry Christmas!

  12. Hello, Lolo,

    Napakaganda ho nitong tula maging iyong salin -pinag-isipan, pinaglimian at lapat, ‘ika nga… ^^

    Tunay nga hong minsa’y napag-iisipan kung paano nga ba natin dapat ginugugol ang ating buhay ng may kabuluhan, ng ang mga sandali ay hindi nasasayang bagkus ay tila yamang napapalago. Hindi ho mahirap gawin ang mabuhay ng masigla, may panuntunan at may maliwanag at patag na daan anuman ang pagnanais nating sana ay ganoon nga.

    Paano nga ba natin ipupuwesto ang sarili in the great and complicated scheme of things, tayo, sa suson ng mga ugnayan natin – pamilya, mga kaibigan, trabaho, mga kakilala, komunidad, lipunan at mundo sa pangkalahatan. Gusto nating mabuhay ng puno at may saysay, may silbi. At paano natin gagawin at isasabuhay ang ganito sa araw-araw? Tayo, ang maliit na tayo… ^^

    Sa panahon ngayon, isa sa pinakamahirap ay ang maramdamang kabahagi tayo ng daloy at pulso ng buhay – na kailangan tayo ng iba at tayo rin naman ay nangangailangan ng iba at nakakatulong sa kanila at tayo ay nagkakaunawaan, maski papaano. Lalo pa nga at ang itinuro sa atin ay panghawakan at kontrolin lamang ang maliit na bahagi nito – yaong mga parteng direkta at kagyat lamang tayong naaapektuhan. Kaya kung minsan, nararamdaman nating ang mga iyo’y kulang, makitid at kapos…^^

    Salamat at regards sa inyo!🙂

    • Tama ka Ms San. Mas naramdaman ko ang mensahe sa isinalin sa ating wika.

      Katulad ng sabi mo…”Gusto nating mabuhay ng puno at may saysay, may silbi. At paano natin gagawin at isasabuhay ang ganito sa araw-araw? Tayo, ang maliit na tayo…” Malawak ang kasagutan at may pagka-komplikado kung ipapaliwanag sa punto ng kasagutan mula sa mga sinulat na libro ni Eckhart Tolle na ‘A New Earth’ at yung ‘The Power of Now’. At mukhang para sa akin ay ito nga siguro ang isang kasagutan…ang ‘the power of Now’. Ang mabuhay sa pangkasalukuyan lamang na naaayon sa iginawad ng Maykapal na purpose ng ating buhay…na maipapaliwanag ang kung sino talaga tayo sa mundo na ito na hindi ginagamit ang mga pag-aari at titulo na nakamit…

      Opppps teka muna….susubukan ko siguro na isulat sa isang post ang punto na ginamit ni Eckhart Tolle….pero parang kailangang mag review ako sa pinunto ni Tolle. Nalalaliman kasi ako sa banat ni Tolle sa kanyang mga libro na parang ang hirap tagalugin.

      Salamat din sa iyo…God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s