Lolo’s Wish

Isa lang ang wish ng inyong Lolo…ang PEACE o KAPAYAPAAN!

Hindi lang naman kapag walang giyera ay nakakamtam ang kapayapaan. Napakaraming bagay sa buhay ng tao na kapag nakamit ang kapayapaan ay nagiging makabuluhan ang bawat parte ng ating buhay.

Di ba ang sarap kung may kapayapaaan sa ating mga puso kasi matatanggap natin kung ano ang ibinibigay sa atin ng mundo sa pangkasalukuyan?

Di ba nagkakaroon ng puwang sa ating mga puso ang tunay na pagmamahal kung may kapayapaan?

At di ba sa lahat ng ito ay ang pagkakaroon ng tunay na kaligayahan sa ating buhay kasama na ang mga mahal sa buhay?

Aanhin natin ang karangyaan ng buhay kung wala kapayapaan sa ating mga puso at sa mga taong nakapaligid sa ating buhay.

Ito ang isang palagiang paalala ko sa aking buhay kung may kapayapaan…

Money can buy the most expensive bed, but can’t buy good sleep.
Money can buy lots of books, but can’t buy intelligence and cleverness.
Money can buy medicines, but can’t buy health.
Money can buy a big house, but can’t buy a family’s happiness.
Money can buy sex, but not love.

At ang aking gabay na dalangin sa kapayapaan…ang PSALM 23.

THE LORD IS MY SHEPHERD

The Lord is my shepherd,
I shall not want;
He makes me lie down in green pastures.
He leads me beside still waters;
He restores my soul.
He leads me in paths of righteousness
for His name’s sake.

Even though I walk through the valley
of the shadow of death,
I fear no evil;
for You are with me;
Your rod and Your staff, they comfort me.

Surely goodness and mercy shall follow me
all the days of my life;
and I shall dwell in the house of the
Lord forever.

 

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!!!!

 

Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe


 

37 comments on “Lolo’s Wish

  1. salbehe says:

    Money can buy bed, gusto ko ng bagong bed, pero wala akong money. Booooo.

    Maraming salamat sa pagsali! =)

  2. taribong says:

    Nagandahan ako dito (kaya lang po ay parang masagwa sa dulo hehhehe)

    Makakabili ng mamahaling higaan, ngunit hindi ang mahimbing na tulog.
    Makakabili ng maraming, maraming aklat, pero hindi ang dunong (talino) at galing (husay) .
    Makakabili ng gamot, ngunit hindi ang kalusugan.
    Makakabili ng marangyang bahay, ngunit hindi ang saya ng isang pamilya.
    Makakabili ng (tooot), pero hindi ang ligaya (este pag-ibig pala).

    PG muna(thanks Toni)

    • Haha ayos na naman ang iyong pagsalin sa ating wika Tars.

      Ummm…medyo censored lang natin yung huli…baka may mga bata na makabasa.

      Salamat muli Tars & God Bless!

      • toni says:

        Tay maari kayang ipalit ang salitang pagtatalik o pakikipagtalik don?

        iba iba din kasi kahulugan ng salitang ulayaw at niig.

      • taribong says:

        heheheehe mas ginusto kong gamitin yung (toooot) dahil ito ay salitang balbal o salitang kalye (kanto-speak or kanto-talk?? wahahahaha ooops). Isang malaking konsiderasyon dito ang pananaw na hindi dapat binibili ang (tooot) dahil pwede namang libre ito o kusa itong ibinibigay ng mga taong nagmamahalan😀
        Magandang gabi/araw po!😀

  3. jobo flores says:

    ”Di ba nagkakaroon ng puwang sa ating mga puso ang tunay na pagmamahal kung may kapayapaan?”
    i’ll think about it…hehehehe ang kyut naman ng hiling ni lolo hindi makasarili…nahiya tuloy ako bigla sa wish list ko.

    • Salamat sa pagbisita Jobo.

      Yung puso kasi natin kapag di payapa ay parang wala sa focus sa tunay na pagmamahal…yung bang puwedeng sa ibang bagay ang inuuna kaysa sa isang taong masarap mahalin…ummm kaya ‘peace love joy’ yan daw ang magkakasama.

      Yung wish ko….ganyan na yata ang wish ng isang tumatanda…hehe.

      Iadd kita sa blogroll ko para mabisita kita sa iyong bloghay.

      Ingat lagi & God Bless!

      • jobo flores says:

        salamat po sa inyo…ito yung first time na nasali ako sa blogroll…totoo…bago pa lang kasi ako hehehe…pag alam ko na kung pano gawin yung ganyan ganyan i aad ko po kayo…sa ngayon i fofollow ko na lang kayo….pasensya medyo ignarante…nangangapa pa sa bagong discover na mundong ito heheheh

      • Naku okay lang jobo…basta keep on blogging.

        Merry Christmas!

  4. athena says:

    nice post po… hindi lahat nabibili ng pero lalo na ang kapayapaan sa buong mundo,,,,

    MALIGAYANG PASKO DIN SA INYONG LAHAT…

  5. Nortehanon says:

    Idadalangin kong ang mga wish mong ito ay matupad, Lolo Jem. Pero sa tingin ko, matagal nang natutupad ang mga ito sa buhay mo. Sana’y matupad din sa mas maraming tao.

    God bless po! At good luck sa entry mong ito.

    • Maraming salamat po Miss N sa prayer.

      Tama ka Miss N na mas gusto ko na ma ekspiryens ng maraming tao ang aking kapayapaan mula sa aking simpleng buhay.

      Merry Christmas Miss N!

    • Haha…salamat Miss N. Maaga talaga ang Paskong Pinoy. Dito ay nakikita ko pa lang ngayon yung mga sasakyan ng mga Kano na may mga sakay na christmas tree. Konti lang ang may christmas lights sa mga bahay…medyo malungkot. God Bless Miss N.

  6. busyok says:

    tama po kayo dyan…ang peace ay ma-enjoy natin mismo kung tayo’y may kapayapaan sa sarili natin. ‘yong pwde tayong matulog ng mahimbing at walang inaalala.

    maligayang pasko po!

  7. J. Kulisap says:

    Maligayang Pasko sayo kaberkie at sa mga mahal mo sa buhay.

    Kapayapaan sa sarili ang dapat na manaig, dahil kung meron nito, tiyak na payapa ang mundo.🙂

  8. Ar-Ar says:

    Merry Christmas!

  9. Len says:

    sana lahat ng tao yan din ang wish lolo..🙂

    merry xmas po in advance! miss u Lo, keep safe po! God Bless!

    • Maraming salamat at Maligayang pasko din sa iyo dyan sa Thailand. Sana maging masaya rin ang celebration ninyo ng Pasko dyan.

      Palagay ko naman ay karamihan ng tao ang wish ang kapayapaan…lalo na kung isasapuso kung sino talaga ang Bida ngayong darating na Pasko.

      God Bless din Len!!

  10. marzie says:

    praise God!super like =)

  11. duking says:

    hello po sir.

    nag ka catch up ako sa mga post mo. isang buwan din halos akong hindi nakapagbasa eh. i would say na yan din ang wish ko, peace within me. kahit sa sarili lang muna. magandang araw!

  12. Sows says:

    maligayang pasko sa lahat!

    • Salamat Sows at Merry Christmas sa iyo.

      Salamat din sa pagbisita rin. Naku pasensya ka na at di kita masyado mabisita…sa dami mo ng bloghay. At nakita ko nagpapaalam ka na pala sa isa mong bloghay. Pero wag kang mag-alala susundan kita sa iyong DATCOM…nabasa ko ang email mo at dun kita hahanapin sa iyong paglipat bloghay.

      God Bless!

  13. ang ganda po ng wish nyo superlolo. sana ako si Fairy God Mother para mabigay ko agad ang butihin nyong hiling.

    kung may kapayapaan sana sa mundo, lahat tayo lubos na masaya.

    ay syangapala, thank you po superlolo, sa mga comments and insights sa blog ko. i appreciate them. kasama ka din po sa garapon of happiness ko🙂

    • Maraming salamat Miss GBP at walang anuman(maligaya ako dahil naging magkaibigan tayo sa simpleng mundo ng blogosperyo) at nakasama pala ako sa iyong garapon ng Happiness…Yehey!

      Para talaga sa ating lahat ang hiling na iyan…upang makamtam natin ang makahulugang pag celebrate natin ng kapaskuhan(at sa habangbuhay)…Maligayang Pasko Miss GBP!!

      God Bless!

  14. DeejSpeaks says:

    Bihira na ang ganyang wish ngayon. AAng alam kasi nila eh hindi na makakamtan yan kaya nakiki-uso na lang sila at nag wiwish ng PSP, ipod, ipad atbp.

    Saludo ako sayo lolo! PEACE!😀

    • Maraming salamat DeejSpeaks.

      Yang kasing mga materyal na bagay ay temporary lang at mga ‘optional lang sa buhay’…di kasi yan ang magde-define ng buhay ng isang tao. Kaya ako nais kong hiling ay yung makikilala ako na wala ang mga external na bagay sa buhay ko…nais ko yung makikita sa buhay ko at puwede ring maipamahagi ng walang katapat na pera.

      Maraming salamat sa pagbisita & Maligayang Pasko!!!! Peace be wth us all!!!

  15. Goodluck sa iyo sa contest lolo!😀 Sana manalo ka. Nabasa ko ung mga wish ng iba and I must say na unique etong sayo.

    • Maraming salamat LJ.

      Itong wish ako ay ninanais din naman ng lahat kaya lang siguro dahil sa ating maka materyal ng mundo ay akala ng iba ay makakamtam ang tunay na kapayapaan ng buhay kung makakamit muna ang mga inaalok ng ating mundo.

      Sana mauna talaga sa buhay ng tao ang kapayapaan ng puso ng bawat isang naghahangad ng tunay na kaligayahan dito sa ibabaw ng mundo.

      Maligayang Pasko!!!!!

  16. Pong says:

    Maligayang Pasko po sa iyo Superlo
    Wala ng tatalo pa sa kapayapaang hatid ng ating Maykapal.

    God bless po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s