2011

“We make a living by what we get, we make a life by what we give.” –Winston Churchill

– – – – – – – –

Maraming tao ang di na nakatawid ng 2010 at nabuhay para makita ang taon na 2011. Isa ito sa aking pinagpapasalamat at malamang sa lahat ng nakakabasa pa ng aking blog na ito dahil nakasama pa tayo upang maging parte ng bagong taon na ito.

Sasayangin ko ba ang regalong buhay na ito?

Hindi po!

Patuloy akong magmamahal.

Patuloy akong magpupuri sa lumikha nitong buhay.

Patuloy akong mananampalataya. At naniniwala na ang kabutihan ay may pagpapala.

Patuloy kong gagawin ang gusto kong buhay na naaayon sa buhay na nais ng Maykapal.

Patuloy kong pagyayamanin ang talento na pinagkaloob ng Maykapal para sa kaligayahan at kabutihan ng ibang tao.

Patuloy pa rin akong magsusulat sa blog na ito. Kahit isa na lamang ang bumabasa upang maparating ko ang ilang kabutihan na napulot ko sa aking paglalayag sa mundong ito.

Salamat po Panginoong Diyos sa taon na 2011.

– – – – – – – – – – – –

Nakalimutan ko yata na sabihin sa poste ko na…”This is the day that Lord has made…Let us rejoice and be glad in it.”(Psalm 118:24)…Kaya kasama ang patuloy na magsaya bawat araw siyempre dahil regalo yan ni Lord sa atin. Enjoy! Smile!

9 comments on “2011

  1. salbehe says:

    Happy Chinese New Year Tats. Inspirational talaga ang blog mong ito, ipagpatuloy mo. =)

    • superlolo says:

      Haha..napatapat pala sa Chinese New Year ang poste ko na ito. Salamat Miss Salbe. Naku medyo hilo pa ang Tats mo…kaya eto nahuli na ako. Hinahalukay ko pa ang mga pektyurs to follow follow pa ang mga gimik dyan sa atin.

      Nakalimutan ko yata na sabihin sa poste ko na…This is the day that Lord has made…Let us rejoice and be glad in it(Psalm 118:24)…Kaya kasama ang magsaya bawat araw siyempre dahil regalo yan ni Lord sa atin. Enjoy!

      Kaylan kaya ulit tayo magkikita…punta ka na lang dito ha.

      Ingat lagi & Gd Bless!!!

  2. taribong says:

    Maligaya at masaganang bagong taon po!!!
    (Haha parang OA, pero tina-translate ko sa Ingles ang sinulat ninyo, ang ganda talaga! Maski sa anong wika, tumatagos po ang post na ito!)
    Maraming salamat po muli at God bless you always po!!!

    • superlolo says:

      Salamat Tars at isang di malilimutan pangyayari ay nagkita tayo kahit ilang oras sa taong 2011.

      Kahit medyo nahuli ako ng poste para sa pasasalamat sa bagong taon ay pinilit ko upang maging gabay ko ito sa panibagong paglalayag sa taong 2011.

      Naku Tars sa susunod na ang poste ko para sa di makalimutang pagkikita natin…pero promise Mr. Secret(no pic pa rin ikaw)…kamay lang ang makikita sa iyo…hehe.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. J. Kulisap says:

    Hello Kaberkie.

    I answered your email, I just don’t know if you happen to read it.

    How are you?

    Thank you for sharing your life.🙂

    • Salamat din Kaberkie.

      Nabasa ko kaya lang sa kaabalahan ko ay di na ako nakapagreply.

      Mabuti naman kaya lang siyempre may bitbit na lungkot sa balikbuhay dito sa bayan ni Ankel Sam.

      Pero ayun mangangarap ulit na makabisita sa bayang sinilangan.

      Eto medyo nilalamig dito…pero wala naman yelo…mabuti na lang.

      Naghahabol pa ako sa balik-blogosperyo…

      Ingat lagi dyan & God Bless!

  4. ELIment says:

    happy new year po.
    sana maging mapayapa at puno ng blessing ang new year nyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s