Waiting

Palagi na lang sa ating buhay ay kasama ang paghihintay. Madalas nga ay eksperto na tayo sa paghihintay. At di naman natatapos ang paghihintay. Meron lagi tayong hinihintay.

Nung bata pa ay naghihintay tayong maka-graduate sa elementarya.

Nung hayskul ay naghihintay tayong maka-graduate.

Kapag may hinahanap ay naghihintay tayo…katulad ng mamahalin sa buhay. At kapag nakita at natagpuan ay naghihintay muli tayo para sa pagpapakasal.

Pagkatapos makasal ay naghihintay naman tayong magkaroon ng mga anak. At ito ang pinakamalupit at pinakamasaya sa buhay ay kapag nagka-anak na…sari-saring paghihintay na ang ating daraanan habang lumalaki ang mga bata. Parang bumabalik ulit ang nangyari sa ating buhay…umiikot lamang at iyon naman ang hinhintay natin para sa ating mga anak.

Hindi na yata matatapos ang paghihintay sa mga susunod pa na mangyayari sa ating buhay at mga mahal sa buhay.

At pagkatapos ng mahabang taon at umabot na sa katandaan ay patuloy pa rin ang paghihintay. Paghihintay upang muling makita ang mga dating kaibigan, kaopisina, at kaeskuwela. Paghihintay sa pagdalaw ng mga  mga anak at apo na ngayon ay nasa malalayong lugar na. Paghihintay sa mga mahal sa buhay na nais natin kahit sandali ay muling makapiling.

Naghihintay ako ngayon na makapiling sa aking buhay ang mga apo na darating pa sa mundong ito. Upang muling maghintay at masundan ulit ang cycle ng buhay. Mula sa paglaki ng bata, pag-aaral,….at bantayan ang pagguhit nila ng kanilang mga pangarap.

Pero habang naghihintay sa huling yugto ng buhay…na doon naman lahat pupunta…ay patuloy kong pagyayamanin at nanamnamin ng kaligayahan ang buhay na ito sa gabay ng Maykapal. At patuloy na maghihintay na makamit ang buhay na walang hanggan.

At sa huling hininga ay masasabi ang mga katagang…

“I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.”–2Timothy 4:7

– – – – – – – – – – – – – – – – – –

Yet those who wait for the LORD Will gain new strength; They will mount up with wings like eagles, They will run and not get tired, They will walk and not become weary.–Isaiah 40:31

He that can have Patience, can have what he will – Benjamin Franklin

Patience and perseverance have a magical effect before which difficulties disappear and obstacles vanish.–John Quincy Adams

Patience and fortitude conquer all things-Ralph Waldo Emerson

6 comments on “Waiting

  1. duking says:

    natutuwa po ako sa post na ito,sir. reflection din sa buhay ko now that i’m in my mid life. nagiging expert na nga yata ako sa paghihintay. patience is a virtue daw. ngingitian ko lang muna, sa pilit ng kakayahan ko, ang anumang darating, inaasahan man o hindi.

    magandang araw!

    • superlolo says:

      Salamat Duking sa pagbisita.

      Talagang sa buhay nga natin virtue ang paghihintay…kung papansin lang natin lahat may paghihintay…kahit instant na ay naghihintay pa rin tayon kahit sandali….ummm oo nga ano.

      naalala ko tuloy yun kasabihang…”when the going gets tough…the tough gets going”…tuloy lang ang buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. salbehe says:

    May pelikula akong napanood, European film na may English subtitle. Kaya namin pinanood dahil libre sa Shangrila Cinema. Shangrila! Nanonood lang ako dun kapag libre.

    Ang pamagat ng movie ay ay Alles is liefde, in English Love is All. Isa sa nagustuhan kong linya ay ito:

    Boy: Can I give you a ride home?
    Girl: No. I’m actually waiting for my true love.
    Boy: Who isn’t? Now the question is. What do we do in the mean time?

    Oo, lahat tayo naghihintay, pero sana gawin nating makabuluhan ang paghihintay. Ang seryoso ko. Boooo!

    • superlolo says:

      Ummmm…What do we do in the meantime????….ummm…ayun naalala ko na ang mga words dyan….”seize the moment”….wag sayangin ang mga sandali….oo nga seryoso nga..pero salamat sa inyo ni Duking kayo na lang yata ang fans ko ngayon dito…hehe….salamat po sa inyo. Gos Bless!

  3. Shirura Rigoru says:

    Whenever I see people who got to have a happy ending story, I can’t help to ask myself: “When would it be my turn?, and I thought that I need to wait for that right person who will be my greatest love. I am not losing any faith because I know God is stii here, no matter what. Kaya antay lang ako, darating din siya.🙂

    • Thank you sa pag visit sa simple kong blog Sheng. May maganda talagang plano si God sa ating buhay…alam ni God ang tamang panahon para matanggap natin ang ating mga dalangin…lalo na ang mga matters of the heart natin. Have faith ang trust God always. God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s