Makabuluhan ba?

Isang pagninilaynilay para sa darating na mga araw at linggo muli sa karamihan sa ating mga Pinoy.

Dahil ako ay lumaking isang Katolikong Kristiyano, nagsisimula ang Cuaresma(Lent) ngayong darating na Miyerkules(Marso 9) ang Ash Wednesday  o Miyerkules de Abo.

Sa araw na ito, nilalagyan tayo ng mga pari ng abo sa ating noo at pinapaalala na sa alabok tayo nagmula at sa alabok din tayo magbabalik.

Bibilang ng 40 araw mula dito hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay(Easter Sunday).

Naisipan kong gamitin ang makabagong teknolohiya mula sa Internet sa aking pagninilaynilay na ito at maibahagi rin ito upang maging lubos at makabuluhan ang mga darating na araw hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay. At magiging mas makabuluhan kung patuloy na magiging gabay din ito sa pang araw-araw na buhay.

Nagbabasa ako sa english na bibliya mula sa libro o sa aking computer. Naito ang aking ginagamit na mula sa Internet. Na puwede rin ninyong i-download sa inyong computer.

Pagkatapos kong magbasa dito ay pumupunta naman ako sa isang website  Tagalog na Bibliya upang lalo kong maintindihan ang magandang balita na mula sa ating sariling wika. Naito naman ang website mula sa Internet ng Tagalog na Bibliya.

Nagbibigay ako ng ilang minuto bawat araw sa pagbasa ng bibliya bago ako magsimula ng mga gawain.

Kung may libro ka ng isang Bibliya, ito ay sapat na upang basahin sa araw-araw.

Ang aking suhestiyon lang naman na pagbabasa ng bibliya mula sa bagong teknolihiya ay isang dagdag upang magkaroon din ng makabuluhang oras kahit sandali dahil halos sa panahon ngayon ay kumikilos tayo sa harapan ng ating mga computer.

Salamat kaibigan…sana kahit sandali ay magkaroon ka rin ng makabuluhang oras para sa Salita ng Diyos.

Ang sabi nga….

“Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.” Juan 15:7

“If you remain in me and my words in you, you may ask whatever you want and it will be given to you.” John 15:7

 

Salamat Po!

10 comments on “Makabuluhan ba?

  1. salbehe says:

    Isa lang naman ang ibig sabihin sa akin ng Cuaresma, yun ay tulog. Maraming tulog! =)

    • Ganyan din ako nung binata pa Miss Salbe.

      Takbo na sa sakayan ng BLTB bus sa Pasay…sa bintana ng bus ang daan…lalo na kapag Holy Week na. Inuman na at bakasyon grande na.

      Pero ayun nga sa pagdaan ng panahon ay nahinog ng lahat kasama na ang pananalig sa ating Maykapal.

      Naging gabay ko na ang pananampalataya sa mga pagsubok na dinaanan sa buhay. Ganun yata habang tumatanda dahan-dahang naghahanda sa susunod pang buhay na walang hanggan.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. J. Kulisap says:

    Napakabuti ng iyong puso kaberkie.

    Wagas na wagas sabi nga ni Salbe.

    Kamusta ka?

    Mas nagbabasa ako ng mga praktikal na babasahin pero hindi naman lumilihis sa kagandahang turo ng bibliya, sa bibliya kasi, masyadong malalim, dapat talaga kapag nagbasa ka nito, may bihasa na magpapaliwanag.
    🙂

    • Maraming salamat Kaberkie.

      Tama ka Kaberkie. Malalim nga ang bibliya.At katulad ng sabi mo…isinasabuhay ang turo ng magandang pamumuhay…na nagmula din sa bibliya.

      Walang epek kung puro basa lang….kailangan maisagawa sa ibang tao ang natutunan sa bibliya.

      Ingat lagi & God Bless!

  3. Hi Lolo Jem,

    Thank your sharing these apps to us… At season of Lent na nga… I wish for you a meaningful Lent…

    Btw, kung gusto nyo pong makatanggap ng daily gospel reflections, you can always email me po…

    God bless…🙂

  4. sphere says:

    😦 hindi mo mararamdaman nag holy week dito sa kinatitirikan ko pag easter sunday half day naman ang mga christian sa work hihihi

    kmusta kpo tay? malamig parin po ba jan? yngat po kau lagi at God bless you po patin na din sa family mo po.:-)

    • superlolo says:

      Mabuti naman ako dito Anne. Di na masyado malamig…tama lang.

      Salamat sa pagbisita. Dito man ay di naman holiday ang holy week(Maundy Thursday at Good Friday). Ayun masaya naman kapag Easter Sunday. May Easter Egg Hunt ang mga bata. At dahil maraming Pinoy dito…ayun puno naman ang simbahan.

      Maraming salamat sa pangangamusta at ingat ka rin dyan lagi.

      God Bless!

  5. cinco says:

    ang galing meron na palang bible sa net, kung sabagay ano nga ba naman ang imposible sa makabagong panahon, LOLO kailan po ba bawal kumain ng karne ngayong lent, the whole season or every friday only? thanks

    • Maraming salamat sa pagbisita Cinco.

      Oo natutuwa nga ako sa new technology. Kaya nung nakita ko itong apps sa bible ay inilagay ko agad sa aking laptop at ganun din sa akin ipod para kahit saan ako ay may pagkakataon ako na makabasa ng word of God.

      Ang simbahang Katoliko ay nagsaad na dalawang araw sa isang taon lang ang fasting. Iyon ay kung Ash WEdnesday at Good Friday. Nasa kanya kanyang pananaw ang pagpa-fasting. Sa madaling salita sa ordinaryong tao…ito ay pagbabawas sa normal na kinakain sa buong araw. Kung tatlong beses ay puwedeng gawing isang beses lang. At pwedeng simpleng pagkain lang ang kakanin…kaya nababanggit ang hindi pagakin ng karne.

      Ang di pagkain ng karne naman ay tinatawag na abstinence(di pagkain ng karne). Ito ay parang pakikipag-sakripisyo sa nakakaraming tao sa mundo na dumadanas ng hirap…na alam natin ay di nakakain ng karne sanhi ng kahirapan.

      Ang punto ng lahat ng ito ay upang mailapit natin ang sarili natin sa ating Panginoong Diyos. Kaya ang mga sakripisyo na ginagawa during Lent ay nakakapagpalinaw at nakakapagpatibay sa ating relasyong ispirituwal sa ating Maykapal.

      Sana naipaliwanag ko ng konti ang iyong katanungan. Muli maraming salamat sa iyong pagbisita dito. Balik ka lang. Dadalaw din ako sa iyong bloghay.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s