Paghahanda

Kabi-kabila ang mga likas at gawa ng tao na mga kalamidad na nangyari sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Salamat na lang kung nasa mabuti tayong kalagayan sa ngayon. Ngunit maaaring dumating ang isang kalamidad o kagipitan(emergency) nang walang pasabi na nangangailangan ng isang aksyon na may paghahanda.

Kadalasan ay napakabilis ng mga pangyayari na ilang segundo o minuto lang ang hinihingi upang magawa ang dapat gawin. Ang laging kong paalala sa aking mga mahal sa buhay kung sakaling nalalagay sa isang emergency ay isipin muna kaligtasan ng sarili lalo na kung nasa ibang lugar. Na kalmahin muna(ng mabilisan) ang sarili sa mga panahon ng emergency upang maging maayos ang mga desisyon at aksyon. At kung may panahon pang tumulong sa iba ay gawain ng maayos lalo na para sa matatanda at bata.

Kung may pagkakataon naman at may panahon pa upang makalayo at makalikas sa kinalalagyan lalo na kung nasa tahanan o bahay ay dito makakatulong ang mga paghahanda. Kasi kadalasan dahil sa malawak na epekto ng kalamidad ay maaring maging matagal dumating ang tulong. Kaya kailangang gumawa ng paghahanda

Ang sabi nga nung bata pa ay laging handa…parang boy scout. At natatandaan ko pa ang ilang natutunan nung naging miyembro ako ng Fire Brigade dun sa dating kong pinatrabahuhan. Ang isang di kinakalimutan sa aking natutunan ay kung pumapasok ako sa isang establismento o gusali(building) ay inaalam ko agad kung saan ang mga Fire Exits. Malaking tulong na maging may kamalayan sa paligid lalo na kung may mangyayaring kagipitan o emergency. Isa lang ito pero maaring makapagligtas ito ng sarili at ibang buhay.

Nabalitaan ko nga yung isang pamilya na nasunog sa kanilang bahay sa Quezon City. Naaalala ko nuon na naggagawa ko ng fire drill nuon sa aming bahay(kahit maliit lang bahay namin). Kung paano lalabas sa bahay. Madalas kasi sa kabiglaanan ay di alam ang gagawin. Isang paalala ito na puwedeng makapagligtas ng buhay lalo ng mga mahal sa buhay.

Dahil naandito kami sa lugar na puwedeng bisitahin ng mga lindol ay ganap na paghahanda ang kinakailangan. Unang taon ko pa lamang dito ay natutunan ko na ang maghanda para sa isang emergency. Ang aking mga suhestiyon ay puwede rin kapulutan ng iba upang magkaroon ng sariling paghahanda.

Mga bagay-bagay o items na inilagay namin sa isang lugar(sa labas ng bahay) na tinatawag namin na Basic Emergency Supply Kit.

Ang nilalaman ng Basic Emergency Supply Kit ay ang mga sumusunod:

1. Tubig, isang galon bawat tao bawat araw na puwedeng tumagal ng tatlong araw. May tubig din kami sa mga drums para sa sariling kalinisan.

2. Mga delatang pagkain, na tatagal sa loob ng tatlong araw. Kailangan dito ang can opener.

3. Radyo, iyong de baterya. Upang malaman ang mga pangyayari sa kapaligiran

4. Flashlights, na may pasobrang baterya.

5. First Aid Kit at tools na puwedeng gamitin na pampihit(para isara) katulad ng sa gas.

6. Mga ilang makakapal na damit(lalo na kung nasa malamig na lugar). Mga pampalit na mga damit.

7. Tents, kailangan lalo na kung nasira o delikado ang bumalik sa bahay.

8. Kandila at posporo(matches) na nakabalot sa plastic upang di mabasa.

 

Dagdag na paalala:

1. Palagiang ayusin ang mga importateng papeles na nasa isang laglagyan at lugar. Na puwede kaagad bitbitin sa panahon ng emergency. Ipaalam din ito sa mga kasamahan sa bahay.

2. Mga gamot na madalas na ginagamit. At kung gumagamit ng salamin(eyeglasses) ito ay mahalaga lalo na ang mga pambasang salamin(reading glass).

3. Kung may baby pa na kasama sa bahay. Ipaghanda ang ilang gamit o pagkain na kakailangin para sa ilang araw.

 

Sa susunod ngang mga araw ay muli naming titingnan ang kalagayan ng aming Basic Emergency Supply Kit. Maaaring palitan namin ang stock na tubig dahil matagal na iyon at maaring iba na ang lasa dahil nakalagay sa plastic. Titingnan din ang kalagayan ng mga delatang pagkain.

Ilan lang ito sa aming paghahanda. Kung may naisip ka  rin kaibigan ay baka puwede rin na maibahagi.

Kung di ka pa nakapaghanda ay baka puwede na rin mag-isip na babagay na paghahanda na babagay sa iyong kinalalagyan.

Ang sabi mga madalas ay “The Life You Save Maybe You Own.” Mas maganda kung kasama rin mailigtas ang iba. Huwag na sanang maghintay na iba pa ang kumilos. Kung kailangang paalalahanan ang buong pamilya ay malamang di naman ito makakasama upang maging handa.

 

 

 

12 comments on “Paghahanda

  1. J. Kulisap says:

    Napakagandang paalala nito Kaberkie.

    Tama ka, unahin ang sariling pangkaligtasan.

    Kung maaari ‘wag mataranta, ‘yan ang magliligtas sa atin.
    🙂

    • Oo Kaberkie yung presence of mind ika nga kapag may mga emergency na pangyayari. Naalala ko dati nauso dyan sa atin yung mga sumisigaw(walang mga magawa sa buhay) ng sunog sa sinehan. Ang lagi kong paalala nuon ay wag kaagad tatakbo. Mag-obserba muna sa paligid. Alamin ang mga fire exits at kung di naman kailangang magmadali ay mahinahon na lumabas sa gusali.

      Salamat sa pagbisita Kaberkie. God Bless!

  2. salbehe says:

    Hindi mo naman talaga alam kung dadating ang mga sakuna. Okay na ang maging handa. Mas okay para sa akin ang mag-party like its the end of the world. =)

    • Sama ako sa party Miss Salbe…pero two bottles of beer lang ako ha. Pero alamin din kapag may party sa isang gusali kung saan ang mga fire exits. Mabuti na rin ang nag iingat at tama laging handa. God Bless!

  3. Salamat sa paalala Lo… May mga kaibigan din akong nasalanta ng mga kalamidad. Based on their experience, napakahalaga po (gaya ng idinagdag ninyo sa inyong listahan) na mailagay sa isang safe na lugar at madaling makuha ang mga importanteng papeles… Talagang nahirapan silang magprocure uli nun…

    But then, dapat una sa lahat ang pansariling kaligtasan at ang kaligtasan ng mga mahal natin sa buhay…

    naalala ko po sa post nyo itong website na nakita ko dati:

    http://www.survivalist.info/

    • Oo Mark…maaaring makaligtas nga tayo ng walang problema sa isang kalamidad o kagipitan pero yun nga ang matindi naman ang pagbalik sa normal na buhay lalo na kung di naingatan ang mga importanteng papeles. Mabuti nga ngayon Mark sa makabagong teknolohiya ay maitatago natin ang mga copy ng files sa Internet(yung safe lang din) at makakagawa tayo ng copy sa mga cd/usb upang kahit papaano ay may mga copy na puwedeng pagbasihan ng mga nadisgrasyang mga imporateng papeles.

      Salamat sa website na ibinigay mo…bibisitahin ko rin yan.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. kaye says:

    Naku Tay, kami nga rin dito sa office nagmeeting na. nakakatakot pa naman ang mga ganitong pangyayari. parang magnanakaw na dadating kung kelan di mo siya inaasahan.😦

    ako rin kelangang icheck ulit ang basic emergency supplies. ginawa kasi namin ito after ni Ondoy at hindi ko pa ulit nababalikan.

    dun po sa emergency kit dapat may kasamang pito or whistle. para mas madaling humingi ng tulong kung kinakailangan.

    I pray we will all be spared from another catastrophe as that experienced recently by Japan. God bless, tay!

    • Oo tama ka Kaye…kailangan nga ang whistle.

      Mabuti nga na di magamit ang mga paghahanda…ibig sabihin lang eh payapa ang kapaligiran. Pero wala namang mawawala talaga sa tunay na handa sa lahat ng oras at panahon.

      God Bless din sa iyong pamilya.

  5. Joyo says:

    … kapag nangalabit si Bro walang pinakahigh-tech na gamit ng tao ang makakapigil nito. Mabuti talaga ang laging handa na sinasabayan ng dasal….

    • Oo Joyo mabuti kung kalabit lang ang pagpaaalala ni Lord…ibig sabihin medyo magaan lang ang pagsubok.

      Ayun ang di talaga mawawala ang manalangin na maging malayo tayo sa mga sakuna sa araw-araw.

      Salamat sa pagbisita.

      Ingat lagi & God Bless!

  6. hello, lolo!

    kami po ay biktima ng ondoy dati. total devastation po ang nangyari sa amin – mga kasangkapan at damit, diploma, passports at lahat ng aming mga larawan ay nangasira. mabilis po masyado ang naging pagdating ng tubig. sa kalapit po lamang na establisyemento (less than a kilometer) ay ilan ang nangamatay.

    na-submerge po sa tubig ang kalapit na palengke at mall, nahirapan kaming mag-source ng pagkain at basic needs. nawala po ang koryente, telepono at internet sa amin ng mahaba-habang panahon. hindi kami makalayo sa pagbili at paghahanap ng flashlights, batteries, sabon at panglinis dahil mismatched po ang aming mga damit at sapatos.

    hindi rin po agad nakarating ang tulong at relief sa amin dahil barado ang mga daraanan sa putik, dumi at tambak na basura. ilang linggo ho kaming walang mapaglutuan noon at tanging transistor radio lang ang aming koneksyon sa labas. pag ganoon ho pala, nase-set back pabalik talaga ang level ng civilization. balik uli sa umpisa…

    shocking po ang nangyaring iyon. parang bangungot ang ondoy. iba-iba na ho ang kalagayan namin sa ngayon but i cannot say with confidence na we’re over the trauma and that we’ve rebuilt our lives na… ayon po….

    • Ang mga pangyayari sa ating buhay lalo na sa dulot ng mga kalamidad ay masasabi natin na puwedeng matapos at mawala sa isang iglap lamang.

      Nakakalungkot din mawala sa ating buhay ang mga mahahalagang bagay at ang masakit pa nga kung may buhay na mawawala na di na mapapalitan…nakakalungkot.

      Habang napapanuod ko rin ang mga nasalanta ng tsunami sa Japan ay di ko rin mawari ang kanilang buhay…ang pagkawala halos lahat ng kanilang ipinundar sa buhay at ang malaungkot pa nga sa karamihan sa kanila ay nawalan ng mga mahal sa buhay…dahil sa isang saglit na pangyayari.

      Ang paghahanda ay sana palagian natin isabuhay at talagang di kalimutan. Tunay na di natin masasabi kung kaylan darating ang isang pagsubok sa ating buhay.

      Sa inyong ekspiriyensa sa pangyayari ay palagay ko lalong nagiging mapagmahal at mapagpasalamat sa buhay sa kasalukuyan…isang pasasalamat na materyal lamang ang nawala at di ang buhay na kaloob ng Maykapal.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s