Blue Sky

Habang naghihintay ay kinunan ko ang napakagandang langit ngayong araw na ito Abril 4, 2011 (9:30 am).

Blue Sky Inspiration

by Cym ( Effortless Flow)

 

The most beautiful
sky is royal blue,
in daytime hours
its deepest hue,
glows bright and luminous,
a reflection of our mind,
unencumbered by hardship,
anxiety, or time.

Aided by sunshine
and the absence of rain,
the cosmic vibrations
reach down to our plane,
uplifting our spirits
and inspiring our minds,
reconnecting our hearts
to the sacred and divine,
the mysteries of the stars
and the wisdom of the ages,
realigning our minds
with the great cosmic sages.

There is wisdom to be found
in this simple observation,
that contemplating nature’s beauty
inspires profound realizations.
As long as your heart is open,
and your mind is clear,
nature’s inspiration
will always be near.

-o-

Paliwanag kung bakit azul ang langit. (please click here)

This entry was posted in Poem and tagged .

17 comments on “Blue Sky

  1. J. Kulisap says:

    Ang ganda ng kalangitan, marilag ang kaniyang kulay na bughaw.

    Maaliwalas at kaliwanagan ang hatid.

    Kamusta ka na Kaberkie?

    • Mabuti naman ako Kaberkie. Salamat sa pagbisita at pangangamusta.

      Yan ang parte ng aking simpleng buhay….ang namnamin ang mga bagay-bagay sa kapaligiran na tunay na kaloob sa atin ng Maykapal. Di na kailangan kung ano pang materyal na bagay ang hanapin…naandyan lang…na naabot ng kaloob na paningin.

      Musta rin sa iyo dyan sa atin Kaberkie.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. kaye says:

    parang ang pure nga po ng langit ano? walang halong smog. ganyan ba diyan talaga, tay?

    tsaka ano pong hinihintay nyo?

    • salbehe says:

      Baka ang tamang tanong ay “sino” ang hinihintay. Ako na ang chismosa!

      • superlolo says:

        Ay buti na lang at napadaan ulit sa Miss Salbe …ang Miss Comments Off…kaya masaya ako at dito man lang ay magkausap tayo.

        Ayun nga parang may laman ang inyong mga tanong ni Kaye. Tama po…………………………babae ang aking hinihintay……………………..mahal ko sa buhay…………………..ang Nanay ko Miss Salbe kasi andun sa 2nd picture ang clinic ng doktor niya.

        Psensya na di ako nakakapasyal sa iyong bloghay.

        Salamat at ikaw naman ang regular na namamasyal dito.

        Musta na….may naghihintay na rin ba sa iyo…o ikaw ang madalas may hinihintay???

        Ingat lagi & God Bless!

      • superlolo says:

        Haha ayos naman pala ang last post mo Miss Salbe…healthy….na rape ka pala ng same sex na doktor. Kaya ka pala sad. ummmm ayos yan drink moderately….baka naman moderately na yung inom mo dati?bawas pa konti Miss Salbe….ipasa sa kainom ang bote…

    • superlolo says:

      Haha…oo totoo ang sabi mo Kaye…pure ang langit dito walang smog…wala ngang editing ang mga pictures…direct from the camera. Kaya talagang ang sarap tumingin sa langit.

      Yung hinihintay ay…………….babae……………..mahal ko sa buhay………………….yung Nanay ko dahil nagpa check-up siya dyan sa clinic sa 2nd picture.

      Haha…salamat sa pagbisita…God Bless!

  3. toni says:

    ngayon lang ba ninyo kinuha pic na yan Tay?
    ang aliwalas ng langit at maberde na paligid.

    dito samen abril na pero di pa tunaw ang yelo at nong isang araw lang bumuhos uli snow, buti at naging maaraw nakalipas na linggo.

    • Hello Toni. Mabuti at napapasyal ka dito…salamat.

      Nung Monday morning ko kinunan yan at talagang ako man ay tuwang-tuwa dahil pakiramdam ko ay papasok na talaga ang spring yata…pero medyo babalik pa daw ang lamig bukas at baka may hail pa daw( Thursday April 7) kaya medyo nagparamdam lang din ang magandang panahon. Oo maganda na nga rin ang mga bulaklak talagang tag-sibul na.

      Naku nabanggit mo ang yelo talgang di ko talaga maisip ang pakiramdam kapag may yelo pa…kaya ako kahit medyo lamig at ulan ay maligaya na dito.

      Kumusta na rin sa iyo…Ingat lagi & God Bless!

  4. BONISTATION says:

    naalala ko lang dito superlo ung kanta ng CUESHE na BlueSky hihi.

    ganyan pala ang kulay ng langit sa america ^^ salamat sa pag share =)

    • Walang anuman Bons at maraming salamat din sa pagbisita.

      Natuwa nga rin ako kasi parang laging kulimlim ang panahon dito at nung napansin ko ang langit ay parang nagpaparamdam na ang pagbitaw ng lamig at yun nga parang nakikita ko na papasok na ang summer ng maaga na dito man ay excited na rin ang maraming tao.

      Maraming tao rin dito ang may Easter break kaya ganun na lamang din ang paghihintay ng mga tao sa magandang panahon para sa kanilang bakasyon.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. erjegarimbao says:

    ganyan talaga pag maaliwalas ang panahon, maaliwalas din ang mukha.

  6. hello po, nakikiraan lang…ang ganda ho ng post nyong ito…🙂

    isa sa ikinamamangha ko sa kalikasan ay ang kakayahan ng langit na mag-iba-iba ng kulay na wari baga ay isang tanghalang may lighting director. at tama ho, sa mga lugar ngang hindi foggy nakikita ang ganito – kung minsan ay rosas, minsan ay ube, minsan ay kahel at bihira, nagiging asul. truly, a splendor to behold!

    sana ay mas maraming bata pa ang makakita ng ganitong kakayahan ng kalikasan…🙂

    • Maraming salamat naman sa pagbisita dito sa mumunti kong bloghay.

      Tunay na tunay ang sinabi mo…”truly, a splendor to behold!”…At para sa akin naman ay ‘enjoying every moments’ ng buhay.

      At tunay na kumpletos rekados na talaga ang ating buhay…sa paligid pa lang natin ay makakapagbigay na nang tunay na kaligayahan…para sa ating lahat.

      Ingat lagi & God Bless!

      • ay, okey lang ho, nakakasalubong ko na dati pa ang inyong gravatar, hihi…

        parang hindi pa naman ho yata kayo senior citizen e, superlolo na ang itinawag nyo sa inyong site…🙂

        sa roxas blvd ho, sa ilang piling hotel doon, nakikita pa ‘yang pagpapalit-palit ng kulay ng langit. ganoon din sa UP Quezon Hall at sa ilang piling gusali sa ortigas avenue (do’n sa mamahalin, hehe).

        thank you for your kind words po. sana nga ay singganda ng natural na kalikasan ang ating buhay e, disin sana’y ang sarap ngang damhin ng araw-araw. kung hindi man, e, we must sail on…

        regards po sa inyo at sa family…🙂

    • Hello ulit…sensya ka na at na-late ulit reply ko.

      Oo totoo ang sinabi mo na mae-experience din sa atin ang mga magandang tanawin ng kalikasan. Noong huling umuwi ako dyan ay talagang ninamnam ko ang paligid lalo na dun sa papunta sa probinsya namin.

      At tunay ang sinabi mo…”we must sail on”…at idagdag ko ang…”we must sail on…a life without regrets”…Talagang i-enjoy ang kaloob na buhay sa araw-araw.

      Haha…inadvance ko lang ang aking titulo…darating din siguro yan in a few years…di naman tayo bumabata…ma-accept ko na iyun na dun naman sa pagiging lolo ang susunod na level ng aking buhay.

      Salamat at musta na rin dyan sa atin. God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s