Kung Tatanungin

Madalas sinasabi ng mga matatanda nung araw…”Papunta ka pa lang ay pabalik na ako.” Kaya kapag narinig ko ito nung araw ay tameme na ako. Wa say na. Saludo naman ako lalo na kung pag-uusapan ay ekspiryensya nila sa buhay. Tunay na maraming kapupulutan ng mga aral at magagandang pag-uugali.

Naisip ko naman ngayon…parang di pa kayang sabihin iyon. Nais ko pa na ipapagpatuloy ang aking paglalayag sa aking buhay at ayoko pang bumalik. Ayoko pang tumigil sa paggamit ng kalakasan ng katawan at talinong kaloob ng Maykapal sa pagsasaliksik at pagsubok sa mga bagay na nais ko pang matutunan sa buhay na ito. Napakarami pa pala. Lalo na at umabot tayo sa mga maituturo at maigagabay ng makabagong teknolohiya.

Pero sa ngayon habang tinatahak ang idad na singkwentay-singko. Mayroon na rin akong maibabahagi kahit papaano kung sakaling tatanungin kung ano ba ang ilan sa mahahalagang panuntuyan ko sa buhay upang maging masaya.

Magmahal

Wala na yatang kasing sarap na ekspiriyensya sa buhay ang magmahal at mahalin. Kahit anong klaseng pagmamahal…sa pamilya, kaibigan, kapit-bahay, at ibang mga tao… ay tunay na magbibigay ng mahaba at maligayang buhay.

Isama ko na rin dito ang pagmamahal sa kalikasan o nature. Mas masaya ang buhay kung makikiisa tayo sa ating kalikasan dahil nilikha rin ito ng Maykapal at upang pakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon.

“The most important thing in life is to learn how to give out love, and to let it come in.”

–Morrie Schwartz

“The environment is everything that isn’t me.”
-Albert Einstein

Maging mapagpatawad

Tunay na maraming makulit sa mundong ito pero nasa sa atin kung bibigyan natin sila ng puwang sa ating buhay upang maging pabigat sa ating kalooban. Mas mabuti na ang magpatawad. Mas masarap na isabuhay ang ‘The Lord’s Prayer’.

” And forgive us our trespasses,
as we forgive those who trespass against us. “

Magkaroon ng layunin sa buhay

Kahit anong laki o liit ng ating ginagawa sa buhay…lalo na kung ang mga ito ay ginagawa natin na para bang ang Maykapal ang ating pinagsisilbihan ay tunay na magiging makabuluhan at masaya ang buhay.

When I stand before God at the end of my life, I would hope that I would not have a single bit of talent left, and could say, “I used everything you gave me.”  -Erma Bombeck

Maging mapagpasalamat palagi

Kung titingnan natin ang ating buhay at hindi ikukumpara sa panuntuyan ng materyal na mundo ay napakarami nating ipagpapasalamat. Kung matututo tayong tanggapin na maluwag sa kalooban ang pangkasalukuyang buhay ay magiging panatag at masaya tayo sa ating paglalayag sa mundong ito.

Ang mapagpasalamat daw sa buhay ay nagkakaron ng magandang kalusugan at nagiging matibay sa bawat pagsubok na dumarating sa buhay.

Kasama na dito ang aking palagiang pagsamba sa Maykapal upang magpasalamat.

“When you are grateful fear disappears and abundance appears.” – Anthony Robbins

“Each day offers us the gift of being a special occasion if we can simply learn that as well as giving, it is blessed to receive with grace and a grateful heart.” – Sarah Ban Breathnach

Palagiang bigyan ng panahon ang pamilya at mga kaibigan.

Ang sabi nga kapag darating na ang panahon na kailangan mo ang tunay na pagkalinga at tulong ay maasahan mong tunay ang iyong pamilya at madalas pa nga ay ang iyong di kadugo…ang iyong mga kaibigan. Kaya huwag isawalang-bahala ang pagbibigay ng mga mahalagang oras sa mga mahal sa buhay at kaibigan. Magiging tunay na malungkot kung nag-iisa lang sa buhay at sa puntong ito ay pasasalamatan natin ng buong puso ang Maykapal dahil pinagkalooban tayo ng pamilya at kaibigan na siyang nagbibigay ng lakas na ipagpatuloy ang masaya at makabuluhang buhay.

“The family is a haven in a heartless world.”  -Attributed to Christopher Lasch

“Your friend is that man who knows all about you, and still likes you.” -Elbert Hubbard

Tumawa…Sumayaw…Kumanta

Kung Pinoy ka…ito na yata ang katangian di mawawala sa ating mga kasayahan. Tunay na sangkap ito upang maging maligaya sa buhay na ito. Ang sarap maging Pinoy dahil ang lahat na iyan ay mabilis maisakatuparan. Tumambay ka lang sa kanto ay siguradong may makakausap ka na at malamang may biruan at tawanan. Videoke lang naman ang katapat ng kantahan at sayawan. Ang madalas ngang sabihin ay… “All work and no play makes a dull boy.”

“Dance like nobody’s watching; love like you’ve never been hurt. Sing like nobody’s listening; live like it’s heaven on earth.” – Mark Twain

Maging mapagbigay

Isa rin itong katangiang Pinoy ang mapagbigay o matulungin…nang walang bayad o kapalit. Tunay na ibang antas ng kaligayahan ang naidudulot ng nagbibigay o tumutulong ng mula sa puso.

“You give but little when you give of your possessions.  It is when you give of yourself that you truly give.”

– Kahlil Gibran

Kumain ng masustansya

Kung nais nating makapiling ng matagal ang ating pamilya, mga kaibigan, at maging masaya habang nabubuhay ay kumain ng tunay na masustansyang pagkain. Kasama na rin dito ang palagiang pag ehersisyo.

“The greatest wealth is health.”  -Virgil

Tungkol naman sa pera

May kanya-kanyang antas ng kaligayahan sa kung pag-uusapan ang pera. Pero ang sa akin ay tama na ang sapat lang sa aking pangangailangan…hindi ko naman kailangan ipagpalit at isakripisyo ang mga mahahalagang  oras ng kaligayahan para sa mga mahal sa buhay at kaibigan para kumita ng maraming pera.

“Once you get basic human needs met, a lot more money doesn’t make a lot more happiness,” notes Dan Gilbert, a psychology professor at Harvard University

Maging  Malikhain

Maging mapaglikha sa buhay(be creative). Napakaraming bagay ang masarap matutunan katulad ng pagsusulat(mag blog), mag gitara, mag piyano, mag drawing, mag pinta, mag luto at marami pang iba.  Sana huwag lang ubusin ang oras sa harapan ng telebisyon at computer. Isang libangan na puwedeng magbigay ng kakaibang kaligayahan.

“I am always doing that which I can not do, in order that I may learn how to do it.”
– Pablo Picasso

“Success is not the key to happiness. Happiness is the key to success. If you love what you are doing, you will be successful.”
– Albert Schweitzer

10 comments on “Kung Tatanungin

  1. J. Kulisap says:

    Kaberkie. Tunay at wagas ang iyong mga sinasabi.
    Hindi ka pa pabalik, sumusulong ka pa para mas maging makabuluhan ang iyong buhay dito sa mundo.

    Kamusta?

    • Maraming salamat at salamat sa pagbisita Kaberkie.

      Oo Kaberkie kung loloobin ng Diyos ay patuloy kong tatahakin at pagyayamanin ang kalusugan at talentong kaloob upang maging makabuluhan din ang aking buhay para sa kapakanan ng ibang tao.

      Mabuti naman ako Kaberkie. Ayos lang lalo na ang klima dito na alam kong dyan sa atin ay walang tigil ang takbo ng electric fan.

      Ingat lagi & God Bless!

  2. taribong says:

    Marami pong salamat sa paalala! This post gives us a refreshing insight to how to live life in a world of brewing issues and unresolved conflicts!

    Ang inittt!!! Ingat po kayo lagi at God bless you always po!!

    Mabuhay!!!

    • superlolo says:

      Walang anuman Tars.

      Tama ang sabi mo…medyo sa panahon ngayon ay mailap yata ang kapayapaan sa buhay ng tao…pero may mga simple at basic na paraan naman upang maging masayaat maayos pa rin sa pamumuhay sa mundong ito.

      Ang sabi nga…”We can’t control outcomes but we can’t let outcomes control us.”

      Ingat lagi & God Bless!

  3. Nortehanon says:

    Magandang araw, Lolo Jem. Amen sa lahat ng sinabi mo. Kanina pa ako nag-iisip kung ano pa ang maaari kong maidagdag pero parang wala na akong maisip. Lahat na yata ng panuntunan kung paano mabuhay nang masaya ay nabanggit mo na rito. Maraming salamat sa pagbabahagi.

    • superlolo says:

      Walang anuman Miss N at maraming salamat din sa pagbisita.

      Siguro kung may idadagdag pa ako ay yung tinatawag na ‘simple living’. Medyo bago ko pa lang ina-apply ito sa aking buhay at tunay naman na nakakapagbigay ng focus sa tunay na mahahalaga sa ating buhay.

      Ingat lagi & God Bless!

  4. Lolo Jem, ang inyong post ngayon ay hitk na hitik sa aral… I actually printed it kanina sa office at binasa ko uli pagdating ko dito sa bahay habang akoy kumakain… Ang ganda po talaga… Kumbaga, “completos recados” na kung paanong mabuhay nang masaya…

    I was especially struck by the quotes from Erma Bombeck – ibang pananaw naman sa “talent” o yaman at pagbabahagi ng sarili… Pangarap ko po na sana pagdating ng panahon na akoy mabiyayaang makaharap Siya sa susunod na buhay, gusto kong masabing naubos ko po ang lahat ng yamang ibinigay niya at naibahagi ko ang mga ito sa iba…🙂

    • superlolo says:

      Maraming salamat Mark. Nakakataba naman ng puso ang iyong komento na ito.

      Sa totoo lang Mark ganito na yata ang magiging tema ng aking mga poste sa ngayon. nais kong mag iwan ng mga gabay para sa babasa lalo na sa mga kabataan…lalo na yung values na angkop sa mga Pinoy. Na tingin ko ay kailangang buhayin para mapanatili ang magagandang ugali ng mga Pinoy.

      Oo Mark tunay ang sinabi mo tungkol sa ating talento…hindi ito itinatago…ito ay ginagamit na naaayon sa buhay bilang isang tunay na Kristiyano.
      Ang sabi nga ay sana… tayo ay parang isang lampara na palagiang nagbibigay liwanag sa iba…nagiging isang blessing para sa ibang nilalang sa mundong ito.

      Ingat lagi & God Bless Mark!

  5. duking says:

    tunay ka, sir!

    at my early 30’s, gusto kong isipin na nagsisimula pa lang din ako sa napakalawak na lansangan ng buhay at mga bagay na pwede pang tuklasin at matutunan.

    yung wisdom, yung experience, marami pang pwedeng pag gamitan na bagong adventure. hindi pa sapat para sabihing i am done.

    magandang araw po!

    • superlolo says:

      Oo Duking tunay na tunay ang sinabi mo.

      Yang idad mo na 30’s ay napakarami pang daraanan at matutunan sa buhay na ito. Ang sarap tuklasin at di dapat matakot sa biyahe ng buhay. Na sabi nga hawig tayo na ginawa sa ating Creator. Ibig sabihin napakarami na kaya nating gawin at tunay na tayo may natatagong kakayanan at kapangyarihan upang matupad ang mga balakin natin sa buhay lalo na kung naaayon sa plano ng ating Maykapal.

      Maganang araw din Duking. Maraming salamat sa iyong pagbisita. Sensya na naghahabol din ako sa pag-bloghop.

      Ingat lagi & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s