Si Jorge…isang refugee

                                                 tripod.com

Habang naghihintay sa Postal Office kanina ay may kumausap sa akin. Nagpakilala siya at si Jorge nga siya isang  Vietnamese refugee noong dekada sitenta na sa pagtakas nila sa kanilang magulong bansa noong panahon na iyon ay napadpad sa Pilipinas.

Noong una siyang nagkukwento at di pa sinasabi kung bakit siya nakapunta sa Pilipinas at doon nga daw siya nanirahan sa magandang isla ng Palawan. Tinanong ko kung parte ng trabaho ang pagtigil niya sa Palawan? At dito na nga niya sinabi na isa siyang ‘boat people’ (paliwanag from wikipedia) na nagmula sa Vietnam. At doon nga siya napatira sa ‘refugee camp’ sa Palawan. Dumating siya sa Palawan ng 1979. Doon siya naghintay na ma-process ang papeles at tumawid siya ng Amerika ng 1981.

Sa panahon ngayon sa Pilipinas ay maaring di na ito alam ng mga kabataan na nangyari ito.  Ang alam ko lang na ‘refugee camp’ sa Pilipinas noon ay sa Bataan. Sa refugee camp’ iniipon ang lahat ng mga galing sa Vietnam at Laos. Dito sila inaasikaso ng gobyerno at ng United Nations. At kay Jorge ko na lamang nalaman ngayon na mayroon na ‘refugee camp’ pala sa Palawan.

Ang dami-dami namin na pira-pirasong istorya na napagusapan….

Ang sabi ni Jorge ay kayganda ng Palawan. At alam niya na napakaraming isla sa Pilipinas.

Galit siya sa isyu ng Spratly island na kung saan ay may nakikialam na ibang bansa. Ang bansa man niya ay inagawan daw ng dalawang isla ng mga Intsik.

Nabanggit niya ang salitang ‘freedom’…ang kalayaan. Kaya nga daw sila tumakas sa kanilang bansa dahil sa paghahanap ng kalayaan. Kaya daw na kahit anong hirap ay kanilang ginawa upang makamtan lamang ang kalayaan.

Sabi niya ay babalik ulit siya sa Vietnam upang dun manirahan pagkatapos ng kanyang obligasyon sa kanyang anak sa Amerika. Iba pa rin daw talaga ang buhay sa sariling bansa.

Tinanong niya ako kung balak ko rin na bumalik at manirahan sa Pilipinas. Oo ang sagot ko at katulad rin niya ay sabi ko tatapusin ko rin lang ang aking pag-aasikaso sa aking mga anak.

At nang umuwi na ako ay napaisip ako at nagpasalamat sa Diyos. Pareho kaming nakarating sa Amerika mula sa Pilipinas ngunit sobrang hirap ng kanyang dinaanan…isang ‘boat people’…isang ‘refugee’…

 

“The secret of happiness is freedom. The secret of freedom is courage.” –Thucydides


Our greatest happiness does not depend on the condition of life in which chance has placed us, but is always the result of a good conscience, good health, occupation, and freedom in all just pursuits. 

–Thomas Jefferso
n

10 comments on “Si Jorge…isang refugee

  1. magandang araw ho, superlolo.

    maganda at payak ang isinasaad ng inyong kwento. walang pagkukunwari, walang palabok – isang payak na paglalahad. nagustuhan ko po ito.

    sana ay nasa maigi kayo at ang inyong pamilya.🙂

    • Maraming salamat DPSA sa pag-appreciate ng aking simpleng pagsusulat.

      Mabuting-mabuti naman ang lolo dito at aking mga anak. Musta rin sa iyo dyan sa atin.

      Ingat lagi & Godbless!

  2. J. Kulisap says:

    Mga tao sa Asya na napadpad sa Amerika, nandon ba ang kalayaan o babalik sa sariling lupa at doon matitikman ang mas matamis na kalayaan.

    Ganda ng infos mo Sir. Hindi ko alam ito.

  3. Sphere says:

    at kailangan kong magback read…
    🙂

    Congratulations kay Bunso! hang hirap kaya magaral sa America lahat english pero sya kayang kaya kaya saludo ako sayo bunso…

    at kay Boat man congratulations din,…

    at sayo tatay ko congratulations din dahil nakatapos na si bunso…

    yngat kapo lagi jan…

    • Maraming salamat Anne sa pagbisita. Ayy ako man ay kailangang maghabol sa pagbabasa at pag bloghop.

      Haha…salamat sa pagbati…ayy totoo ang sinabi mo parang olympics sa pag-aaral ang mga kolehiyo dito…ibat-ibang lahi ang mga kaeskwela…tunay na isang pagsubok…iba rin talaga ang Pinoy…magaling mag-adopt sa paligid.

      Si boatman ah oo…bilib din ako sa kanya….

      Aba at kasali pa ako sa kongratulesyon pala…salamat…tunay na walang kapalit na kaligayahan ang makapagpatapos ng isang anak.

      Ingat din dyan sa lugar mo at God Bless!

  4. Mabuhay ang Pilipino! babalik ka rin!🙂

  5. rose says:

    ang ganda ng kwento na nbasa ko nga un

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s