An apple a day

An apple a day keeps the doctor away…

Yan ang sabi ng mga matatanda…kapag kumain ng isang mansanas daw bawat araw ay di magkakasakit. Sabagay ang sabi nga ngayon ay maraming sustansyang makukuha sa prutas na ito.

Pero ewan ko ba. Sa bibliya naman ay dyan sa pagkain ng mansanas napalo si Eva at Adan. Di kaya nabalitaan na nila noong araw na magaling sa katawan ang mansanas kaya sila kumain ng mansanas? O kaya sila napalo sa pagkain ng mansanas ay dahil di pa Pasko?

Kasi naman noong araw sa aming bayan ay tuwing Pasko lang ako nakakakita at nakakakain ng mansanas kaya akala ko tuwing Pasko lang lumalabas ang mansanas(galing pala yun sa ibang bansa at marami rin sa Maynila kahit di Pasko). Mula doon sa napamaskuhan ay doon naman mangagaling ang pambili ng isang mansanas…aba ginto yata ang presyo ng mansanas noong araw sa aming bayan.

Pero teka gumugulo ang aking kuwento. Di naman sa mansanas lang ang aking kuwento.

Ang aking kuwento ay tungkol sa aming pamamalengke tuwing Sabado at sa mga masustansiyang mga pagkain sa Farmers’ Market sa aming lugar. Na kung saan lahat ng paninda ay organic. Organic(paliwanag mula sa Wikipedia) dahil hindi ginamitan ng mga pesticides ang mga aning prutas at gulay. Dahil napag-aralan na napagaling sa kalusugan ng tao ang pagkain ng mga organiko at tunay na maganda sa kalikasan.

O tayo na at samahan na ninyo ako sa pamamalengke.

Mga panindang iba’t-ibang gulay.

Mga iba’t-ibang prutas.

Magkita tayo muli sa susunod na Sabado sa Farmers’ Market.

“It is vitally important that we can continue to say, with absolute conviction, that organic farming delivers the highest quality, best-tasting food, produced without artificial chemicals or genetic modification, and with respect for animal welfare and the environment, while helping to maintain the landscape and rural communities.”
–Prince Charles

14 comments on “An apple a day

  1. kaye says:

    Tay, peaches po ba yung nasa pictures? gusto ko nun e! bihirang bihirang bihira ang fresh peaches dito. kadalasan yung mga nasa lata ang mabibili mo, nakakita lang ako ng fresh peaches sa rockwell lang yata sa makati. hehe.

    Napakasasarap tingnan ng mga prutas at gulay at siguradong di lang sila masarap tingnan, masarap pa silang kainin kasi nga organic. Dito rin tay marami nang mga nagsusulputang organic vegetables. Ang problema lang talaga, mas mahal sila nang di hamak kesa sa mga usual vegetables. Minsan gustuhin mo mang bumili sa kanila di mo magawa kasi nga mashadong mahal.😦 kung sana magawa nilang mas mura ang mga organikong prutas at gulay, palagay ko mas maraming bibili at lahat ay magiging healthy.

    • Tama ka Kaye…mga peaches at plums(yung iba sa picture) ang in-season na mga prutas. Pagkatapos ng summer eh mawawala na sila. Kaya sinasamantala naming makakain ng mga peaches, plums at strawberries. Ay ako man nung andyan ay di ko kilala ang fresh na peaches…at madalang naman akong makapunta sa mga social na Mall noon sa atin.

      Oo yan ngang mga organic na pagkain ay mahal din dito. Pero talagang kapag iisipin mo naman ang ganda sa katawan ay pwedeng ng makasanayan sa budget. At tama ang sabi mo iba talaga ang lasa ng mga organic na pagkain.

      Sana nga magmura ang mga presyo ng organic. Magmumura ang mga iyan kapag lumaki na ang suporta ng mga tao…yun bang i-patronize talaga.

      Dito sa San Francisco ay usong-uso ang mga restaurant na talagang organic ang mga ginagamit sa pagluluto…mga health buff na ang mga tao dito at mga environmentalist sila talaga.

      Maraming salamat sa pagbisita Kaye and God Bless sa buong family.

  2. toni says:

    purple calabash, brandywine, valencia, beefsteak at ibang kauri nila ang laman ng heirloom box, mejo matamis at masarap panghalo sa salad, gawing sawsawan o igrill mga yan.
    yang katabing early girl heirloom din kaya lng bahagyang matigas balat nyan pero nauunang mamunga at maagang anihin,
    ngaun ko lang narinig at nikita yang shady lady, meron din siguro dito pero di ko lang napapansin.

    lam nyo Tay pag ako namimili ng gulay, maliban kung unang ani…pinipili ko ung bahagyang me bakas ng inuod o katamtaman ang laki ng dahon. kapag makinis mga dahon tas malalaki duda ako kung organic.

    masarap igrill mga gulay pati sibuyas at kamatis. pagkahiwa haplosan ng konting olive oil at paminta. di kelangan ng asin dahil sadyang matamis lasa ng bagong ani.

    Tay kumusta po mga tanim nyo ngaun?

    • Naku maraming salamat sa pagbisita Toni. Namiss kita ah. Musta rin sa iyo dyan sa lugar ninyo.

      Talagang kabisado mo ang mga imported na gulay ah.

      Aba salamat sa tips mo sa pag-grill ng mga gulay. Oo kami din dito ay olive oil ang ginagamit. Madalas naming i-grill or oven ay yung zuchini with olive oil din.

      Yung Farmer’s market na pinupuntahan namin ay certified organic naman daw kaya okay lang.

      Medyo natigil ang pagtatanim ko. Pero nasa planning ulit na magtanim at sa mga paso ko na lamang sila ilalagay sa mga gilid lang ng bahay.

      O ingat lagi ang God Bless!

  3. Gusto ko ng salad – fruit at vegetable!!! Ang ganda naman ng Farmers’ Market nyo dyan ‘Lo…
    Although may namimiss na akong uri ng kamatis na nakita ko dyan sa pics – yung kamatis na parang kalabasa… Dati, napakarami naming tanim na ganyan sa bakuran namin… At para namang nagutom ako sa cherry tomatoes! Pinapapak ko po kasi yan… hehehe…

    At yung carrots din! Dati nagtatanim kami nyan… Parati akong napapagalitan kasi kahit di pa panahon, nagbubungkal ako at bumubunot ng carrots para papakin with matching sweetened mayo… hehehe…

    Pipino! Naalala ko rin dati, pampawi sa init yan kasi malamig siya kahit na sobrang init ng panahon, lalo na kung anihan ng palay… Kasi sa gilid ng aming palayan, may gulayan din… Pipino ang inaatake namin… Masarap pag may konting asin at suka!

    And I can resonate with your associations dun sa mansanas – pasko… Kasi dati, nung naghihikahos kami, Pasko lang din kami nakakatikim ng mansanas… Kasi akala ko, sobrang mahal siya at sa Pasko lang nagiging mura… Yun pala, year round pwedeng kumain ng mansanas… Dati nag-aagawan pa kami nyan ng mga kapatid ko… Hehehe…

    Pasensiya na ‘Lo, ang haba ng comment parang blog post… hehehe… Namimiss ko na ang mga ito… Namimiss ko na ang bukid…πŸ™‚

    • Maraming salamat Mark sa iyong pagbisita at okay lang kung mahaba ang iyong komento. Sigurado naman na may mapupulot na magandang kuwento ang ating mga ka-blog.

      Isang pangarap ko ang iyong mga sinabing mga taniman sa bukid…sa aking pagbabalik na muli dyan sa atin. Iyan talaga ang aking inaasam-asam ang nasa paligid lang ng bahay ang kakaining gulay. Tama ka ang sarap papakin ng carrots, cherry tomatoes, at pipino…lalo na nga at mga sariling tanim…tunay na organic.

      Haha oo Mark…ang apple at ubas ay tunay talagang tuwing Pasko ko lang natitikman. Naging madalas na akong makakain niyan noong nasa kolehiyo na ako sa Maynila. At ang mansanas palagi ang pasalubong ng isang nanggagaling mula sa Maynila pauwi sa probinsya.

      Hayyy tunay ang sinabi mo Mark…ako man ay sobrang miss ang bukid…ang simpleng buhay.

      Ingat lagi ang God Bless!

  4. duking says:

    ang tagal kong tinitignan yung mga pictures ng carrots. dito kasi hindi ganun kahahaba yung mga carrots. ang daming fruits na iba-iba. napansin ko lang na walang saging at mangga. o santol kaya at atis. ang magkakalayong bansa, sana parang magkakapit bahay lang. abutan lang ang palitan. di sin sana, sawa rin ang pinoy sa epols at grapes at oranges.

    although kasama sa globalisasyon ang malayang kalakalan sa mababang taripa, tingin ko binabarat pa rin ang produktong pinoy sa merkado.

    panigurado pong mas lalo pang hahaba ang inyong buhay sa kakakain ng organic na mga prutas at gulay.

    ingat po lagi at magandang araw!

    • Naku Duking ginto ang presyo dito ng iyong mga binanggit na mga prutas ng Pinoy lalo na yung mangga, atis at santol. Kaya kapag nauuwi ako ay nagpapasawa ako ng ating mga prutas.

      At palagay ko ay tunay na hinati ng Maykapal ang mga magagandang prutas. Meron sa Merika at marami din sa ibang bansa katulad ng Pinas. Yang masarap na Durian at Langka ay tunay ka rin na ginto ang presyo dito. Kaya minsan sa atin ay di pinapansin yata ang langka.

      At iyong sinabi mo tungkol sa aking kalusugan. Ang pagkain ng organic na mga pagkain ay isa lang sa magandang paraan upang magkaroon ng mabuting kalusugan. Kasama pa rin dyan ang ehersisyo, magandang pananaw sa buhay at tamang pagbigay ng kapahingahan sa katawan. Isang pangarap nating lahat ang humaba pa ang buhay at sana nga iyong nasa maayos na kalusugan.

      Ikaw din dyan Duking…ingat lagi & God Bless! Salamat!

  5. ahaha! super like ko ang post, lolo…πŸ™‚

    kahawig sya ng salcedo market at velasquez park saturday market sa makati. mas malaki at maluwang lang ang venue dyaan sa inyo, ‘lo. tsaka, slightly iba ang mga produce na ibinebenta, dyaan, ahaha…

    masarap nga pong mamalengke sa open air market gaya nyan lalo pa at di putikan ang grounds (gaya ng usual wet market sa ‘pinas, ahaha). btw, medyo uso na rin ho sa pinas ang organic-organic farming and consumption, lolo. although i’d say na mas patok pa sya sa upper class at sa middle class specifically sa diet-conscious na professionals and long-time city dwellers kasi, may kamahalan ho pag organic. yown…πŸ™‚

    ang susunod hong post ay ang pics ng mga niluto nyo? ahaha.

    hello, superlolo! salamat sa pagdalaw at sa comments, doon sa amin… πŸ™‚

    • Maraming salamat Miss DPSAn.

      Nabalitaan ko rin ang mga organic markets sa atin at dati rin akong namimili dyan sa atin…sa may bandang QC nga lang.

      Oo masarap mamili sa open air market at talaga namang maaliwalas ang kapaligiran. Pero kapag malamig na ay di na rin marami ang natitinda…pailan-ilan na lang.

      Noong last akong umuwi dyan sa atin ay may magandang ring open market(tiangge at may mga organic produce din…sa may Centrix(yung mall sa may edsa at quezon ave). Every Sunday ang market day sa Centrix.

      Ganun din dito…ang reklamo nga ay mas mahal sa ordinaryong gulay ang mga organic produce.

      Hahaha…di pang blog ang aking mga recipe ko po.

      Walang anuman po…at patuloy lang ako sa pagbisita sa iyong bloghay.

      God Bless!

  6. joiz says:

    Tatay, ang ganda ng mga pictures buhay na buhay! Isa ka ng photographer ngayon ah! Namimiss ko ang pamimili natin sa Farmer’s Market. Sana meron din dito sa Singapore ng tulad nyan. Kaya lang ang bawat space dito ay mahal kaya siguro di uso ang mga ganyan.

    • Haha…camera yan ni payat…medyo nakikisama lang noong ginamit ko.

      Oo nga nakaka-miss ang ating pag palengke dito.

      Kaya wala dyan eh dahil wala namang fresh produce na mga gulay at prutas dyan….lahat imported.

      Ingat lagi dyan ang God Bless!

  7. Blotspace says:

    Very healthy.. di ako masyadong vegetarian at fruit lover pero sa post na to mukhang kailangan ko nang mag imbak ng mga ganyang pagkain sa ref ko..πŸ™‚

    • Maraming salamat Blotspace sa pagbisita.

      Oo sa panahon ngayon ay kailangan din natin ng balance sa ating mga kinakain kasi madalas ay di natin din na maiwasan na kumain sa mga fastfoods.

      Di naman kailangan maging vegetarian para magkaroon ng healthy lifestyle lalo na sa mga pagkain.

      Sumilip na ako sa iyong blog at siguradong babalik ako.

      Ingat lagi & God Bless.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s