Halo-halo

Halo-halo…yan ang hinahanap namin ngayon dito.

Kung turista ka mula sa Pilipinas at nagbabakasyon dito ngayon sa amin ay malamang maitatanong mo na…”akala ko ba malamig sa Amerika?”. Ay sorry…nawala ang lamig ngayong linggo na ito. Tunay na Pinas kami ngayon dito at maghapon at magdamag tumatakbo ang electric fan(walang aircon po kami).

Ilang araw na sumumpong ang mainit na klima dito sa amin. Ang tawag daw sa klima na iyan ay ‘Indian Summer’.

Ang sabi ang ‘Indian Summer’ daw ay…

An unseasonably warm, dry and calm weather, usually following a period of colder weather or frost in the late Autumn (or in the Southern hemisphere, where the term is less common, the late Spring).

At ang paliwanag naman mula sa Wikipedia( pls. click here).

Dahil baguhan din ako dito sa bayan ni Ankel Sam ay nakiki-Indian Summer na rin ako…ahhhh basta ang alam ko ay maiinit at kakaiba talaga ito sa ordinaryong init dito. Tulo talaga ang pawis sa kili-kili kahit di ka gumagalaw. At naghahanap ako ng halo-halo. Pero dahil malayo ang bilihan ng halo-halo…ay pwede na ang kahit anong ice-cream.

Naito sa ngayon ang klima sabi sa balita.

At para makuha ang Centigrade ay gamitin ang formula mula sa ating titser sa elementarya.

Celsius = (Fahrenheit – 32) x 5/9

Kaya ang temperatura sa ngayon mula sa 89F ay 31.6C.

Kinunan ang litrato na ito nang alas-tres ng hapon(Sept. 21, 2011).

Kaya habang kumakain ako ng ice-cream ay ito naman ang nasa aking isipan.

Yan ang wala dito sa bayan ni Ankel Sam ang isang sakay lang sa tricycle ay makakarating ka na sa malapit na Chowking.

Na miss ko talaga ngayon ang halo-halo sa Chowking.

 

“Life is so brief that we should not glance either too far backwards or forwards…therefore study how to fix our happiness in our glass and in our plate.”
— Grimod de la Reynière

21 comments on “Halo-halo

  1. salbehe says:

    31.6C is not that bad. Kasi dito sa Pinas umaabot ng 38C ang init. Pero dahil hindi siguro sanay sa init dyan kaya ang ganyang klima ay mainit na.

    Sabi ng kaibigan ko, ang sagot sa init ay init din. *wenk*

    • Oo tama ka Miss Salbe dahil di nga sanay na sa init ang mga tao dito eh medyo kapag sumumpong ang 30C dito eh parang yung 38C na dyan sa atin.

      At yun nga ang sabi kapag mainit ay magkape daw….ah basta ako halohalo…hehe.

      Maraming salamat sa pagbisita. God Bless!

  2. Pinaglaway mo ako ng halo-halo kabayan……

    • Haha oo kabayan medyo may mga restaurant naman ang mga Pinoy dito na mayroong halo-halo…ang halaga ay mga 4 dollars. Marami na yun sa Chowking sa atin.

      Maraming salamat sa pagbisita. God Bless!

  3. Kahit na anong panahon, all year round po ang halo-halo dito sa atin..🙂
    Kaya, cravings can be served, maulan man o maaraw…… hehehehe…

    May Indian summer pala dyan sa inyo… Actually, I first encountered that phrase sa comic strip na Peanuts… Then I researched, kasi akala ko di totoo… Meron pala talaga…🙂

    Dito naman sa po Cebu, inuulan po kami almost every other day… It usually starts as a sunshiny day in the morning and progresses to gloomy skies in the afternoons then heavy rains in the late nighttime. Ngayon, naririnig ko na ang malalakas na kulog sa labas at ang unti-unting pagpatak ng ulan… Since andito pa ako sa office, di na ako makakauwi ng maaga dahil sa ulan… Kaya gala muna sa blogosperyo…🙂

    • Oo Mark tama ang sabi mo all year round ang halo-halo sa atin at mabilis makahanap ng restaurant na nagse-serve ng halo-halo…tunay na only in the Philippines. Dito syempre kapag malamig na ulit ang klima ay iwas muna sa malamig na pagkain.

      Ngayon ko rin lang naiintindihan ang Indian summer. Madalas ang sabi ng mga tagarito ay yan ang signal na patapos na ang summer at ilang araw pagkatapos ng Indian summer(sandali lang naman ang Indian summer, mga 1 week lang, at tunay na mas mainit sa pangkaraniwang klima ng summer, ay susulpot na ang panahon ng lamig dahil papasok na ang autumn…hanggang mag winter na sa December).

      Ang ulan dito ay halos di napapansin, sobrang dalang at nabibilang sa mga daliri. Kaya nakaka-miss din ang tag-ulan dito.

      Ingat na lang at masama pala ang panahon ngayon dyan sa atin.

      Maraming salamat sa pagbisita Mark. God Bless!

  4. athena says:

    oh lala.. ang sarap nman…
    im glad im back sa blog….

  5. Kanina lng po kumain kmi ng halo-halo sa isang pinoy resto dito. Wala nman tlga ako balak kumain nito dahil busog na busog kmi sa lunch naming bulalo kaso nainggit ako dun sa katabi namin. Hehe. At totoo po, kkamiss ang halo halo ng chowking..

    Ilang weeks n lng matititikman ko ulit ang Chowking halo halo🙂

    Ingat lng po sa tag- init. Drink more water at wag palamig agad after mbabad sa initan. Mdali po mgkasakit pg ganyan.

    • Maraming salamat sa payo ng isang bagong Ina…MrsGBP. Yun nga daw ang mainam ang painom-inom ng tubig and yun nga kailangan na balansehin kaagad ang temperatura ng katawan. Ito nga ang mga panahon dito ang medyo kailangang maingat sa katawan dahil medyo magpapalit na dahan-dahan ang klima.

      Aba at mukhang home sweet home ka(palagay ko ay kayo) na ulit sa Pinas ah…bakasyon na! Kaya makakatikim ka na ng mga original na halo-halo at lalo na yung sa Chowking.

      Aba sabi mo eh napaibig kang kumain ng halo-halo…aba baka may kasosyo ka na sa iyong kinakain na gusto rin ng halo-halo…baka malapit na kayong madagdagan sa pamilya ah….magandang balita yan.

      O sige maraming salamat sa pagbisita. Ingat lagi & God Bless!

      • Ay sana nga po mgdilang anghel kayo, superlolo. Gusto na din namin ng munting anghel at ito ang aming laging pinagdarasal na ibigay sa amin.

        Ingat po lagi jan, superlolo. Ilang linggo n lng lalamig na ulit ang klima jan..

  6. duking says:

    sobra po palang baba ng humidity kaya walang water activity sa hangin kaya kahit hindi naman ganoon kaiinit ang 31 degree C, magiging maalinsangan po talaga.

    iwas na lang po siguro sa sakit, saka inom ng maraming malamig na tubig. business opportunity po iyan, sir. baka kailangan ninyo na pong magbukas ng franchise ng chowking jan sa area niyo, hehe!

    magandang araw!

    • Oo Duking tama ang term mo maalinsangan…tapos medyo parang walang hangin dahil di gumagalaw ang mga dahon sa puno.

      Oo ingat na ingat talaga mahirap magkasakit lalo na nga sa pabago-bagong panahon. Kaya tama tubig na may konting juice at Vitamin C.

      Meron naman na mga restaurant dito na nagse-serve ng mga Pinoy desserts katulad ng halo-halo pero talagang minsan eh masakit sa bulsa…hehe. Tama na akin ang scrabble yun, ginadgad na yelo na lalagyan ng kulay pulang syrup…ayos…Pinoy na Pinoy.

      Salamat sa pagbisita Duking. God Bless!

  7. ahaha! ayaw gumastos ni lolo ng four dollars para sa halu-halo…🙂

    gusto ko ho ang sabi nyo sa bandang dulo na ang nami-miss nyo ay ang isang sakay lang ng traysikel at pwede nang maghalu-halo….

    sana po ay tapos na ang inyong Indian Summer at umpisa na ng fall in the big apple, ahehe…🙂

    • Haha….kahapon dahil mainit muli ang klima…ayun bumili na talaga yung anak ko ng halo-halo na special pa…may ice-cream sa ibabaw…nakatikim din ng 4 dollars na halo-halo…hehe.

      Oo yun ang nakaka-miss ang kapag naisipan mo ay mararating o mabibili mo kaagad ang iyong gusto….basta may traysikel at jeep.

      Humihirit pa ang mainit na klima sa ngayon…pero ok lang…ini-enjoy na rin namin…kasi kapag lumamig na ay balik na ulit kami sa 3 hanggang 4 na patong na damit….grrrrr.

      Dati ang araw dito ay lumulubog ng 8:30pm(naka daylight savings kasi). Pero ngayon 7pm pa lang ay nagdidilim na(6pm kasi yun sa tunay). Kaya naaalala ko rin ang sa atin…maiikli na ang araw at mahaba na ang gabi…ibig sabihin malapit na ang Pasko.

      Nakit ako nga ang countdaown sa TV Patrol kahapon….88 days ay Pasko na….hayyy 2012 na.

      Maraming sa salamat muli & God Bless San!

    • Haha…oo natikman din ang halo-halo.

      Ah yung tatlong damit plus pa yung jacket kapag lumalabas ako sa umaga kapag kalamigan, may bonnet sa ulo at guwantes pa sa kamay. I-kodak natin kapag nag hit na ang winter dito.

  8. balot says:

    even here in the philippine super duper init nadin po……

    • Hello Tin! Naku sa ngayon eh malamig pa dito sa lugar namin. Ini-expect namin ang summer mga 3 months pa siguro. Tunay na naaalala ko ang init ng klima dyan sa atin kapag palapit na ang Holy Week.

      Salamat sa pag-visit sa aking blog.

      God Bless!

  9. lea says:

    bigla naman po ako nagcrave pagkakita sa litrato ng Chowking Halo-halo hehe! lalo ngayo’t pumo-40 to 50 degrees ang temps dito hehe, tustado pag maexpose hehe. may mga pinoy resto po dito serving halo-halo kaso Ramadan kaya after sunset pa. iinom nlang muna ko ng tubig with madaming ice cubes, hehe🙂

    • Dito naman ay summer din pero hanggang 37 lang kami sa lugar namin. May mga chowking dito pero mga 20 minutes drive. Kaya ayun dahil may mga Pinoy resto rin, may halo-halo rin, $6 yata. Oo epektib pa rin ang tubig sa ganyang super maiinit na panahon. Salamat sa pagbisita. God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s