Hi-Tech Na Si Lolo

Binalikan ko ang nauna kong sinulat sa Blog ni Lolo. Na ang purpose ko pala ay magturo ng kompyuter sa mga Lolo at Lola sa salitang Tagalog o Taglish.

Napakarami naman na gabay sa pagtuturo ng kompyuter sa mundo ng internet kaya lang ang mga ito ay nasusulat sa wikang banyaga…sa English.

At noong nakita ko ang video na ito ay naisipan ko na ituloy na ang aking balakin ng pagtuturo sa pamamagitan ng isa pang blog.

Dahil pakiramdam ko sa ngayon ay marami pa rin sa ating mga mahal sa buhay ang hindi naasikasong maturuan sa paggamit ng kompyuter lalo na ang mga nasa idad na 50 at pataas. Naturuan man sila ay palagay ko kaunti lamang at nais ko pang mapalawak kahit konti ang kanilang kaalaman sa paggamit ng kompyuter.

Mayroon akong mga kakilala na mga nasa idad 70 at talagang email lang ang kanilang nagagawa sa computer.

Kaya ipinanganak ang isa pang bagong blog na ‘Hi-Tech Na Si Lolo’.

Sana lang ay magabayan natin ang mga magulang, Lolo, at Lola na matuto sa paggamit ng kompyuter para naman hindi na lang naiiwan sila sa harap ng telebisyon. Na sana maging malikhanin pa sila sa mga matutunan nila sa mundo ng kompyuter at internet. Nais ng ‘Computer for Tatay and Nanay’ na madagdagan ang kaalaman ng mga Tatay, Nanay, Lolo, at Lola dahil maaaring marunong na sila kahit papaano na gumamit pero di nila naman naiintindihan ang mga bagay-bagay sa kanilang paggamit ng kompyuter.

Kung may kakilala kayong makakatulong ang ‘Computer for Tatay and Nanay’ sana ito ay maibahagi rin sa kanila.” In my own little way” ika nga …kahit isa lang ang aking matulungan sa pamamagitan nito ay isang ng kaligayahan mula sa akin. Tunay na matutupad ang sinasabi din na “making a difference”.

Ang inyong mga suhestiyon sa ikakaayos ng blog na ‘Hi-Tech Na Si Lolo’ ay aking hinihingi rin at pauna nang pinagpapasalamat.

– – – – – – – – – – –

“Always walk through life as if you have something new to learn and you will.”  ~Vernon Howard

“The illiterate of the 21st century will not be those who cannot read and write, but those who cannot learn, unlearn, and relearn.” ~Alvin Toffler

“You can teach a student a lesson for a day; but if you can teach him to learn by creating curiosity, he will continue the learning process as long as he lives.“ ~Clay P. Bedford

“Anyone who stops learning is old, whether at twenty or eighty. Anyone who keeps learning stays young. The greatest thing in life is to keep your mind young.” ~Henry Ford

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s