Boses ng isang kabataang Pinoy

Nagbibigay puwang ang Blog Ni Lolo sa mga kabataang Pinoy na nais magpahayag sa pamamagitan ng sanaysay o tula.

Ang Blog ni Lolo ay sumusuporta sa mga pangarap at adhikain ng mga kabataang Filipino para sa mga susunod na henerasyon.

Ang sumusunod na tula ay isinumite ng isang mag-aaral sa kolehiyo mula sa Pilipinas.

 
Uy, Teka lang!
sinulat ni Kris ng Polytechnic University of the Philippines
Oktubre 2, 2011

Uy, Teka lang! Saglit lang…
Matanong ko lang,
Kilala mo pa ba si Juan?
Kasi parang nalimot  mo na.

Iba na kasi ang iyong kaanyuan, 
Para ka ng taga-ibang bayan.
Oo, makabago na nga ang panahon ngayon,
Pero dapat din bang magbago ang mga taga-nayon?

K-Pop, Hip hop, at kung anu-anu pa
Anu man ang makahiligan mo,
Panatilihin mo ang pagiging Pilipino mo,
Dapat pa nga ipagmalaki mo ito.

Rizal, Mabini, Bonifacio, at Ninoy
dapat sila ang tingalain mo,
Hindi ang kung sino
na hindi mo naman kaanu-ano.

Gumising ka nga,
Pilipino ka naman talaga,
Bakit nagpapanggap ka pa?
Para lang ba masabing sikat at “in” ka?
—o—

“Never doubt that a small group of thoughtful, committed people can change the world. Indeed, it is the only thing that ever has.” – Margaret Mead

3 comments on “Boses ng isang kabataang Pinoy

  1. Maraming salamat sa iyong tula Kris.

    “Iba na kasi ang iyong kaanyuan,
    Para ka ng taga-ibang bayan.
    Oo, makabago na nga ang panahon ngayon,
    Pero dapat din bang magbago ang mga taga-nayon?”

    Ang galing naman nito…sa tingin ko kahit taga-ibang bayan ay napakagandang panatilihin ang mga katangian ng isang Pinoy. Napakarami nating napakagandang katangian mula sa ating kultura na nararapat lang panghawakan at ipagmalaki sa ibang bansa.

    Tuwang-tuwa nga ako kapag nakakakita ako ng mga kabataan dito na kahit napapaligiran sila ng kulturang banyaga ay makikita mo pa rin na ninais ng mga magulang na ang mga ugali nila ay isang kabataan na may mga magulang na nagmula sa bansang Pilipinas. Ang halimbawa dito ay ang ‘Opo’, ang pagmamano sa mga nakakatanda, ang pagsimba ng sabay-sabay g buong pamilya…

    God Bless!

  2. Good day Lo! I think that outward appearances are bound to change with the impact of globalization. Outward signs of cultural boundaries are now becoming blurry and boundaries are rapidly being crossed.

    But I think that we should not be stereotyping people of not being “Filipino” enough by the clothes they wear, by the songs they sing, or by the people they idolize. Bottomline, our values and personal character would define us – at dyan po papasok ang inyong sinabi na maraming Filipino immigrants ang nagsisikap na panatilihin ang kaugaliang Pinoy sa kanilang mga anak kahit pa sila’y namulat sa kakaibang kultura ng kanilang bansang sinilangan…

    The word “stereotype” stuck with me today, because I had a long discussion with one of my FB friends, accusing me of stereotyping people, based on my post about the death of Steve Jobs, that there’s nothing wrong with mourning for him, but the fact remains that many people (especially those who had used their hands to raise, breed and prepare the food we eat everyday) – unknown people – have more significant links to our daily lives – underpaid, overworked, unrecognized – unmourned.

    • Hello Mark at maraming salamat sa iyong pagbisita.

      Oo tama ka nga siguradong magiging mahirap nga na panatilihin ang ating mga orihinal na kultura dahil nga sa salitang globalization…maaring magiging mixed na nga ito…pero sana nangingibabaw pa rin ang kulturang Pinoy…at di tuluyan ng makalimutan.

      Ang punto ng ‘stereotyping’ ay talagang masalimuot sa panahon ngayon…ummm madalas ako man ay nagkakaroon ng mga katanungan sa mga pananaw ng mga tao…parang ganyan din noon kay Michael Jackson…parang mga kamag-anak yung mga fans sa pagluluksa.

      Yung nabanggit mo na….”unknown people – have more significant links to our daily lives”…tunay na mahalaga ito at magandang bigyan ng punto ng mga tao…medyo nalilibang na yata ang mga tao sa tinatawag na …’digital world’.

      Ingat lagi and God Bless Mark.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s