Ang Kalye ng Powell

Ang aking kuwento at mga litrato ay nagmula sa isang kahilingan ng isang kaibigang nagngangalang Taribong.

Dahil madalas akong namamasyal sa San Francisco City, California ay nahiling ni Taribong na kung maaari ay maipakita ko naman daw ang lugar na Powell Street sa siyudad na ito.

Dito daw kasi nagsimula at ipinangalan ang isang librong naisulat patungkol sa mga beteranong Filipino na sa kanilang katandaan ay nakipagsapalaran sa panibagong buhay sa Amerika upang makamit man lang ang mga ipinangakong mga benipisyo bago man lang sila bawian ng buhay. Mga benipisyong pangarap nilang maipamahagi sana sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

Ang pinaikling kuwento ng libro ay mababasa dito.

Ilang araw din akong nagawi sa lugar ng Powell noong isang linggo pero hindi ko na napansin ang mga beterano ng Powell. Wala na rin ang mga tabi-tabing mesa na kadalasan ay may mga chessboards at may mga Pinoy na naglalaro ng chess. Dati ko na rin napapansin noong araw ang mga matatandang Pinoy naka-istambay at nagkukuwentuhan pero wala na rin sila.

Maraming tanong sa aking isipan sa ngayon na kung nasaan na kaya sila?

Ang sabi sa libro ay dahil sa katandaan ng mga beterano ay namatay na daw ang ilan sa kanila.

Naisip ko rin na siguro natanggap na nang mga beterano ang mga benepisyo nilang hinihintay kaya muli na silang bumalik sa Pilipinas.

Nais ko pa naman makunan ng litrato ang mga beterano, ang mga bayani ng giyera, pero wala na sila kaya’t pinagpatuloy ko na lamang ang pagkuha ng litrato sa paligid ng Powell Street.



Sikat ang Powell Street dahil sa mga sinaunang Cable Car ng San Francisco City. Sa Powell Street nagsisimula ang biyahe ng mga Cable Car at dito rin sila bumabalik.

Ang biyahe ng Cable Car paalis ng Powell Street.

Ang riles ng Cable Car sa Powell Street.

Dito ibinubuwelta ang mga Cable Car sa dulo ng Powell Street upang isakay ang mga pasahero.

May nagtitinda ng mga souvenirs sa Powell Street.

Mga ilang tao na nagpapalabas ng kanilang talento sa Powell Street. At alam ko dati ay dito ko rin nakikita ang mga chesstables na kung saan din naka-istambay ang mga beteranong Filipino.

Mga ilan pa rin na nagtitinda sa gilid ng Powell Street.

Dito ko rin noong araw nakikita ang mga beteranong Filipino malapit sa sakayan ng Cable Car sa Powell Street.

Madalas din ang mga beteranong Filipino dito harap ng gusaling ito na nasa gilid ng Powell Street.

Dahil hindi ko na nakita ang mga beteranong Filipino sa Powell Street…naalala ko na lamang ang kanilang mga kabayanihan at kagitingan mula sa mga watawat ng Amerika, na nakasabit malapit sa Powell Street,  na kung saan buong tapang nilang ipinagtanggol sa nakaraang huling giyera laban sa mga Hapon.

Naalala ko rin si Tatay. Katulad ng kuwento sa libro ng ‘Mga Gerilya ng Powell St.’. Isa rin siya sa mga katulad ng mga beteranong naghintay sa Powell Street…sa isang pangako. Isa rin siya sa hindi na nakakita ng katuparan ng isang pangako.

18 comments on “Ang Kalye ng Powell

  1. taribong says:

    Wow!!!
    Labis ang aking kagalakan dito sa opisina…
    Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po, Tats!!!
    Mabuhay ang lahing Pilipino!
    God bless you always po!😀
    Kailan po balik niyo rito sa ‘pinas?!?!?

  2. joiz says:

    Tatay, ang ganda ng kwento mo tungkol sa Powell malamang sa generation namin wala ng nakakaalam ng kwento ng mga beteranong Pilipino tulad ni Lolo kaya kung walang katulad mo na nagbabahagi ng mga kwentong ito ay makakalimutan na lang sila… Sana nga natanggap na nila ang benepisyo na hinihintay nila mula sa gobyerno ng Amerika.

    miss kita Tatay!

    • Oo Joiz at mabuti nga at may nagsulat ng isang libro para sa mga beteranong napadpad sa Amerika at naisadula nga iyan sa entablado.

      Dapat ngang hindi makalimutan ang mga katapangan at kagitingan ang buhay ng mga sundalong Filipino na nakipaglaban sa giyera.

      Naibigay na ang mga benepisyo…pero yun nga sa mga ibang beteranong naghihintay ay binawian na nang buhay bago natupad ang batas sa Amerika.

      Miss you din & God Bless!

  3. salbehe says:

    Tiningnan ko lang ang mga picture! Ang ganda!

  4. aylablahs says:

    loved the photos! pero mas nagustuhan ko yung kwento behind the photos!

  5. Very interesting story. I have visited that place few times before, but never heard of the story of the Filipino veterans in that particular place, until now. Now, I’m intrigue, and would like to read the rest of the story in the book. Thank you for sharing.

    • Walang anuman & salamat din. Matagal ko na silang napapansin noon kapag nagbabakasyon pa lang ako at di pa LPR. At madalas na rin silang naipalabas sa mga documentary sa TV sa atin.

      Mahirap ang buhay ng mga beterano kasi nagsasama-sama sila sa isang kwarto para makatipid at yun nga para maaliwalas na kapaligiran naman eh sa Powell sila naistambay sa araw.

      Naisalibro at nagawa nang isang play ang kanilang buhay-buhay…ang mga ating bayani noong ikalawang digmaan…hanggang sa ikalawang pakikidigma nila sa paghihintay ng kanilang benipisyo sa Amerika.

  6. ang ganda naman jan, superlolo.. buhay ba buhay yung photos na parang nakarating na din kami jan.. sana one day makabisita at makasakay din kami sa cable car na yan sa Powell Street🙂

    • Oo MrsGBP medyo natiempo ng maganda ang panahon kaya naka-kodak ng maayos.

      Sigurado yun…yan ang isang di dapat palampasin kapag napunta kayo dito…ang cable car ng San Francisco…talagang lahat ng turista ay pinipilahan yan.

      Ingat lagi & God Bless!

  7. hello, lolo…

    i like the mood of the narration. naibigan ko rin po ang mga larawan. regards sa inyo… 🙂

    • Salamat Miss Susan…musta rin. Medyo malapit din sa puso natin ang pinagdaanan ng mga beterano kaya nagkaroon tuloy ng kuwento ang isang pamamasyal sa Powell street.

      Salamat din sa palagiang pagbisita & God Bless!

      • wala pong anuman. ang gaganda talaga ng pics, lalo na ‘yong above ground na tren o cable car. parang setting sa period films, lolo, ahaha…

        may utang pa ho ako sa inyong email. sana maasikaso ko na this week. ingat kayo…🙂

    • Oo iyang pagsakay sa cable car ay talagang “a must” sa mga turista dahil sa ang teknolohiya na ginamit dyan ay talagang kopong-kopong pa. May mga kable na nakalatag sa ilalim ng kalye sa siyang humihila sa mga cable car…parang yung mga ferris wheel sa atin…ganun ang paraan para siya makarating sa pupuntahan.

      Ah okay lang po…alam ko rin na busy ka sa iyong work. Salamat & God Bless!

  8. dlysen says:

    Mahilig pala sila sa chess, “strategy games” kung nauso siguro ang dota eh malamang dota mode din sila dyan.

    • Haha..oo Dlysen…chess ang libangan ng mga beteranong Pinoy sa Powell…ay baka nga kung may mga laptop sila habang naka-istambay ay malamang mag-dota na sila rin.

      Salamat sa pagbisita & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s