Anim na Piye

Walang mayaman o mahirap.

Walang bata o matanda.

May mansyon man o wala.

Mestiso o mestisa man o hindi.

Nagpa-Belo man o hindi.

May Luwi Biton man o wala.

May IPhone man o wala.

May natapos man sa pag-aaral o wala.

May blog man o wala.

Kahit sinong nabubuhay na tao balang araw ay makakamit din ang ‘Anim na Piye’. Walang exempted dito.

Lahat ay pare-parehas na sa huling sandali. Isang kahon na eksakto lang sa katawan ang paglalagyan at pagkatapos ay ihuhulog na sa ‘Anim na Piye’ ang lalim sa lupa…sa Inglis ay “Six feet below the ground.”

Pero teka huwag naman kayong matakot kapag kamatayan na ang pinag-uusapan. Kasi iyan ang pangyayari sa ating buhay na siduradong-sigurado na mangyayari. Kung sa pelikula ay palaging may ‘The End’ o ‘Wakas. Wala lang nakakaalam sa ating buhay kung kaylan.

At ang sabi nga rin ay hindi ka daw makakatakas sa mundong ito ng buhay.

Para sa akin ang kamatayan ay importante para mapahalagahan ang kagandahan ng buhay. Hindi iyong nakakatakot. Kundi ang malaman na ang isang pisikal na buhay ay may katapusan. Ang pagtanggap na ang ating buhay ay maiiksi lamang para makapagmahal at matuto sa mundong ito. Upang malaman natin na balang araw ang lahat na pinanghahawakan natin sa mundong ito ay mawawala. Na ang kamatayan ay isang kaibigan na nagpapa-alaala upang hindi tayo kumapit nang mahigpit sa ating posisyon sa buhay at mga materyal na pag-aari na nagiging tingin natin ay siyang pinanggagalingan ng seguridad at halaga ng buhay.

Ang sabi nga sa aking nabasa mula sa Royal Path of Life.

Ah, it is true that a few friends will go and bury us; affection will rear a stone and plant a few flowers over our grave; in a brief period the little hillock will be smoothed down, and the stone will fall, and neither friend nor stranger will be concerned to ask which one of the forgotten millions of the earth was buried there. Every vestige that we ever lived upon the earth will have vanished away. All the little memorials of our remembrance – the lock of hair encased in gold, or the portrait that hung in our dwelling, will cease to have the slightest interest to any living being.

We need but look into the cemetery and see the ten thousand upturned faces; ten thousand breathless bosoms. There was a time when fire flashed through those vacant orbs; when warm ambitions, hopes, joys and the loving life pushed in those bosoms. Dreams of fame and power once haunted those empty skulls. The little piles of bones, that once were feet, ran swiftly and determinedly through twenty, forty, sixty, seventy years of life, but where are the prints they left? He lived – he died – he was buried – is al that the headstone tells us. We move among the monuments, we see the sculpturing, but no voice comes to us to say that the sleepers are remembered for any thing they have done. A generation passes by. The stones turn gray, and the man has ceased to be, and is to the world, as if he had never lived.

Ummmm….malinaw ang mensahe. Hindi tayo makakapagtago sa kamatayan. Kukuhanin niya lahat ang ating posisyon sa buhay, materyal na pag-aari, ang posisyon natin sa iniikutang buhay, ang kung sino man tayo sa ibang tao—-lahat ay ipawawalang halaga ng kamatayan.

Hindi naman sinasabi na iwanan na ang lahat ng materyal na pag-aari at mga kung ano tayo sa buhay kundi upang makita lamang ang tunay na mahalaga sa ating maiikling buhay habang tinatanggap natin ang reyalidad ng kamatayan ay matutunghayan natin na napakaganda ng regalong buhay sa atin.

At upang makita na masarap at napakagandang mabuhay ay mula naman sa isang akda ni Nadine Stair na If I had my life to live over again.

 – – – – – – – – – –  o  – – – – – – – – – – –

“If I had my life to live over… I’d dare to make more mistakes next time.”–Nadine Stair

“Just moments one after another.”–Nadine Stair

“Almost everything–all external expectations, all pride, all fear of embarrassment or failure–these things just fall away in the face of death, leaving only what is truly important. Remembering that you are going to die is the best way I know to avoid the trap of thinking you have something to lose. You are already naked. There is no reason not to follow your heart.” ~Steve Jobs

-o-

Sinulat ito para sa pag-alala sa Araw ng mga Yumao sa Pilipinas sa November 1, 2011

11 comments on “Anim na Piye

  1. Sangayon ako, “lahat ay pare-parehas na as huling sandali.” Pero kung masusunod ang aking hiling ay ayaw kong sa anim na pie ibaon. Gusto kong ma-cremate at ang labi ay isabog sa tubig (kahit sa tubig baha).

    • Oo at ganun nga talaga at sabi nga rin “the great eaqualizer” ito.

      Ako siguro sa ngayon parang naiiisip ko na kung may pagkakataon ay sana lang dun na rin ako mailagay sa bayan kong sinilangan. At kung saan makakatipid ang pamilya ko ay okay na sa akin…kung ‘sunog’ o ‘hulog’…hehe.

      Mraming salamat sa pagbisita & God Bless!

  2. salbehe says:

    Gusto ko ang mensahe ng tula ni Nadine Stair. Lalo na yung part na “Travel lighter”.

  3. joiz says:

    Tama Tay, “Life is too Short”…

    Thank God for every day in your Life and enjoy every second of it!

  4. hey, ang ganda-ganda nito, lolo… 🙂 maganda ho pareho ang sinulat, ang Royal Path of Life at ang tula ni Nadine Stair.

    ang saya po ng sabi ni Nadine, ahaha. sobrang dami ko hong mali sa buhay. ibig sabahin, may tama rin do’n? ahaha… 🙂

  5. duking says:

    carpe diem. seize the day. minsan, sala-salabat yung direksiyon na pwede nating puntahan, sala-salabat na desisyon na pwedeng piliin. sa tingin ko, hindi naman importante kung maging tama o mali tayo ng lugar o pasyang napili. mas mahalaga siguro yung bagay na nakita natin mula sa paghakbang sa isang lugar patungo sa pupuntahan o ang matututunan sa pagpili ng desisyon. tapos, ganun lang ulit. magpatuloy, tumuklas, maging abala, matuto, harapin ang takot. at sinong makakapagsabi talaga kung ano ang buhay?

    carpe diem. seize the day. suck the marrow of life.

    -dead poets society

    • Yes Duking Amen!…”seize the day. suck the marrow of life.”

      “…tumuklas, maging abala, matuto, harapin ang takot. at sinong makakapagsabi talaga kung ano ang buhay?”

      Sabi nga ni Steve Jobs…”There is no reason not to follow your heart.”

      Napanood ko ang movie na ‘Dead Poet Society’. Naaalala ko yung teacher(r. williams) sa last part ng movie na nakatayo sa ibabaw ng mesa sa harap ng klase niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s