Pasyal sa Tahoe

Dahil ang California ay hindi naman binibisita ng malalakas na pag-ulan ng yelo. May ilang matataas na lugar sa California ang kapag talagang panahon na nang taglamig ang inuulan ng yelo at nanatili ito ng matagal sa kanilang lugar dahil napakalamig sa lugar na iyon at dahil na rin ang mataas na lokasyon nito. At isa na nga dito ang Tahoe sa California at Nevada. Dalawang State ang nakakasakop sa Tahoe dahil ang lugar na ito ay nasa pag-itan nito. Kaya iyong sikat na Lake Tahoe sa lugar na ito ay pag-aari ng California at Nevada.

Maikukumpara ko ang lugar ng Tahoe sa ating Baguio City sa Pilipinas. Isang pasyalan ang mga ito dahil sa kanilang malamig na klima. Ang elevation ng Baguio City ay 3,000 feet above sea level at ang Tahoe ay 7,000 feet  naman. Ang pagkakaiba nga lang ay may yelo sa Tahoe. At sikat ang Tahoe sa skiing kapag panahon na nang tag-yelo. Parehong lang naman kung pag-uusapan ang kagustuhan ng mga dumadayo sa lugar na ito na upang makatakas sa maiinit na klima sa kanilang pinanggagalingan.

Mula sa aming lugar ay tatlong oras din ang biyahe upang makarating sa Tahoe.

Inaasahan na uulan na daw ng yelo sa susunod na Linggo. Sa isang banda ay tama na sa akin ang ganitong klima dahil tunay namang malamig na ito sa isang Pinoy. Pero sabi nila ay masarap daw talaga makakita ng pag-ulan ng yelo.

Ang yelo sa lugar na ito sa ngayon ay man-made pa lamang dahil hindi pa masyadong umuulang ng malakas na yelo. Napapanatili lamang ang mga ito dahil sa malamig na klima sa lugar na ito.

Naalala ko rin ang Baguio City sa aming tinuluyan. Naalala ko ang Teacher’s Camp sa Baguio City sa Pilipinas.

May mga cable car rides upang makarating sa mga lugar na pwedeng mag-skiing.

Mga hotel na sikat naman upang makapaglaro sa kanilang mga casino.

May skating rink sa labas ng isang Mall.

Konting pasyal.

Konting yelo.

Konting lamig.

Uwian na. Kaylan kaya muli makakabalik?

– – – – – – – – – – –

The World is a book, and those who do not travel read only a page.–Saint Augustine

 

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!!!!

2 comments on “Pasyal sa Tahoe

  1. hello, superlolo…

    wow na wow! tila wow po ang experience, wow ang lugar at ang gaganda ho ng shots ninyo. kayo na ang panalo. hmmn… parang sulit ang inyong pasyal.

    may mga nababasa lang ho akong kwento about lake tahoe pero ganyan pala ka-breathtaking ang mismong lugar… glad for you ho na nakapasyal kayo ryan.🙂

    • Hello San….salamat!

      Haha…oo medyo nakapag-unwind sandali sa isang lugar na talagang ang ganda naman ng pali-paligid. After 10 years ay nakabalik ulit ako sa lugar na ito. Noong una ay turista pa lang ako.

      Nature trip ika nga ang lakad na ito. Talagang di ko maalis sa isip ang Baguio City. Noong bata pa kasi ako eh…ang pumunta lang ng Baguio City ang aking pangarap marating.

      Salamat muli at Maligayang Pasko na rin sa iyo at sa iyong family dyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s