Stuffed Toys

Isang mission accomplished ang nangyari noong December 4, 2011.

Matagal ng nag-iisip ang aking mga anak kung ano nga ba ang isang magandang project, na hindi naman kalakihan, ngunit magiging isang memorable sa mga makakatanggap ng kanilang regalo bago matapos ang taong 2011.

Habang tumatakbo ang mga buwan ng taong 2011 dito sa bayan ni Ankel Sam ay unti-unting nakakaipon ang aking mga anak ng mga stuffed toys mula sa mga kaibigang nagbabawas ng mga laruan sa kanilang mga bahay. At dahan-dahan na rin na napupuno ang balikbayan box ng mga stuffed toys ay dito na nga naisipan na ipamahagi ang naggagandahang mga stuffed toys sa mga bata sa Pilipinas. Pero sinong mga bata?

Naalala ng aking mga anak ang isang project ng kanilang pumanaw na Ina na magsilbi sa mga batang may sakit na kanser sa Kythe Foundation sa Pilipinas noon. At dito na nga nila binalak na ipamahagi ang mga naiipon ng mga stuffed toys para sa mga batang may sakit na kanser sa Pilipinas.

Dahil gusto ng mga anak ko na sulitin ang pagpapadala ng balikbayan box. Kailangang maging punong-puno ito at mabigat na mabigat ay naisipan nila na mamili ng mga librong mga pambata mula sa isang Book Sale sa isang library dito. At iyon nga ang nangyari…may mga libro na…may mga stuffed toys pa.

Nang sumapit na ang buwan ng Oktubre 2011 ay ipinadala na sa door-to-door ang isang balikbayan box na makakapagligaya sa mga batang may mga sakit na kanser. Dumating ang kahon ng November sa Pilipinas at inayos na ang schedule ng pagpapakain, pagbigay ng masayang programa at pamimigay ng mga libro at stuffed toys na tinawag nilang Hugs Project(ka-partner ang ilang miyembro ng isang religious group).

Dalangin namin ang kagalingan ng mga batang ito.

Na maging malakas na sila sa darating na bagong taon.

Na sana’y yakapin nila ang mga stuffed toys na kanilang natanggap habang nakakaranas sila ng kalungkutan sa kanilang pagtigil at pagpapagaling sa hospital.

Dahil isinilang na ang Hugs Project ngayong 2011. Nakaplano na ipagpatuloy ito. Nakaplano na ang sa pagpasok ng 2012 ang muling pag-iipon ng mga stuffed toys at mga librong pambata.

– – – – – – – –

“Let us not be satisfied with just giving money. Money is not enough, money can be got, but they need your hearts to love them. So, spread your love everywhere you go.”
Mother Teresa

4 comments on “Stuffed Toys

  1. Sigurado akong nakapagpasaya at nakapag-bigay ngiti ang inyong proyektong ito. Patuloy nawa kayong pagpalain.

    • Maraming salamat po Doc PT. Tunay ang inyong sinabi. Isang simpleng proyekto ito para sa mga batang may mga karamdaman…at hindi ito simpleng karamdaman.

      Maaaring sa ating kinalalagyan ay mararangyang gadgets ang pinagkakaguluhan ng mga bata pero ang mga batang ito sa atin ay napapaligaya na ng mga simpleng bagay katulad ng mga stuffed toys.

      At sa tingin ko ay ang pagbibigay ng panahon at oras sa mga batang ito ang isang nakakadagdag sa kanilang kaligayahan lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

      God Bless din sa inyong lahat dyan at Happy New Year!!

  2. alasais says:

    wow! ang generous ni superlolongpinoy! super ka talaga! superman sa puso ng mga batang may kanser!

    masarap at masaya talagang magpasaya ng tao. merry christmas at happy new year po sa inyo.

    – alasais boyband

    • Hello Alasais. Salamat sa iyong pagbati at salamat sa iyong pagbisita.

      Naku super-alalay lamang naman ako sa project na iyan dahil andito kami sa bayan ni Ankel Sam. Driver, kargador at taga-impake ng stuffed toys at mga libro. Ang dalawang anak ko ang nagkaroon ng pagkakataon na makauwi dyan sa atin at sila ang nag-asikaso sa lahat-lahat na gift-giving program sa mga batang may karamdaman.

      Pero totoo ang sabi mo kahit milya-milya ang layo namin dyan sa atin ay ramdam namin na kahit papaano ay ‘we made a difference’ ika nga….nakapagpaligaya.

      At abot pa ako sa pagbati rin ng Maligayang Pasko at Happy New Year!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s