Masaya Sa Pilipinas

“It’s more fun in the Philippines!”

May pumupuri at may mga negatibong reaksyon sa nabanggit na bagong advertisement para sa pagpapalawig ng turismo sa bansang Pilipinas.

Kung ako’y tatanungin…yan na rin ang isasagot ko sa magtatanong. Tunay na mas masaya sa Pilipinas.  Palagi ko naman iyang nasasabi sa aking mga nakakausap sa aking lugar ngayon at sa aking matagal na paninirahan sa ating bansa. At hindi maikakaila para sa akin ay ang magagandang pag-uugali ng mga masayahing Filipino ang tunay na nagpapasaya na kasamang nakikita sa mga magagandang lugar na puntahan sa Pilipinas.

Bilang isang Pinoy ay inaaamin ko na marami rin ang mga negatibong kuwento, komento at nangyayari sa ating bansa. At nakikita ko rin ang mga pagkukulang kung turismo ang pag-uusapan. Ngunit hindi dapat masira ang napakaraming magagandang katangian at makikita sa Pilipinas ng mga pasulpot-sulpot na mga negatibong pangyayari sa ating bansa. Umaasa ako na balang araw ay magiging maayos din ang mga negatibong nakikita sa Pilipinas.

Marami na rin akong napuntahang iba’t-ibang lugar at masasabi ko na iba’t-iba rin ang mga ekspiriensya sa mga  bansa na iyon. Bilang Pinoy ay tunay na namamangha ako palagi sa mga magagandang lugar na aking napuntahan sa ibang bansa katulad ng iba’t-ibang lugar sa Amerika, Vienna(Austria), Hong Kong(Asia), at Macau(Asia). Kaya para sa akin ay parang masasarap na pagkain ang mga lugar na ito at ibang luto ang Pilipinas.

Para sa akin ay napakaraming lugar sa Pilipinas na kapuri-puri lalo na sa mga probinsya. Sana lamang ay hindi maging pangkalahatan ang mga negatibong komento na  nangyayari at nakikita sa Metro-Manila at ibang lugar.

Personal na nakita ko ang pagkagalak sa Pilipinas ng apat naming bisita na mga Singaporeans noong nakaraang Disyempre 2010(unang bakasyon ko sa Pinas). Masasabing wala sa kalingkingan ng bansang Singapore ang Pilipinas kung pag-uusapan ang turismo pero sa ilang araw nilang itinigil sa Metro-Manila ay halos wala akong narinig na reklamo sa kanilang pamamasyal bilang turista at nagsabi pang muli silang babalik.

Nagsasarili lamang sila sa kanilang pamamasyal sa Metro-Manila. Nakakarating sila sa Makati at Ortigas sa pamamagitan ng MRT. Minsan ko lamang silang nakasama noong ipasyal ko sila sa Fort Santiago at Luneta. Namangha sila sa mga kuwento at pangyayari sa nakita nila sa Fort Santiago lalo na ang kuwento ng kabayanihan ni Jose Rizal. Lubos nilang nagustuhan ang pagkain ng mga street foods na nakita  nila sa pamamasyal sa Luneta katulad ng balot, hilaw na mangga na may bagoong, fish balls, at inihaw na pusit. Tuwang-tuwa rin sila sa nakita nilang masasayang Filipino na namamasyal sa Luneta sa harap ng Grandstand(na alam nilang doon naganap ang isang hindi magandang pangyayari). At siyempre hindi rin nila makakalimutan ang iba’t-ibang Filipino restaurant na tunay naman nilang nagustuhan ang mga luto sa kabila nang murang halaga.

Pauna pa lamang ito kung bakit nga ba mas-masaya sa Pilipinas(may susunod pang akda). Pag-uusapan din natin sa susunod ang kasagutan sa isang tanong na kung bakit ba masayahin ang mga Pinoy sa Pilipinas na para sa akin ay siya rin ang kinagigiliwan ng mga turista.

Sana lamang bilang isang Filipino ay mas maraming tayong masabing maganda sa ating bansa kaysa sa mga negatibo.

At sana rin ay maging kaisa tayo sa ikagaganda at ikakaunlad ng Pilipinas…ang ating bansang sinilangan…’in our own little way’.

– – – – – – – – – – – – – –

“Travel and change of place impart new vigor to the mind. ” ~Seneca

10 comments on “Masaya Sa Pilipinas

  1. Tay,
    Para sa akin gusto ko ang bagong campaign slogan ng Pilipinas. Totoong bilang Pilipino kahit saan ka pa tumira at mapunta wala pa ring mas sasaya sa pamamasyal at pagbabakasyon sa Pilipinas.
    Yung mga Singaporeans nating kaibigan ay yes it is confirm babalik sila sa atin at ang napili nilang lugar ay Boracay gusto nilang magcelebrate ng pasko at bagong taon sa atin. Nakapagpasa na nga sila ng leave para sa December ang aga at ang excited nila! Sana ay makasama kami.
    Excited na rin ako na mapanood sa buong mundo ang sa ngayon ay shinushoot na movie ng sequel ng Bourne sa Pilipinas tiyak marami itong maidudulot na magandang resulta sa ating bansa lalo na at lumaban ang Vietnam at Indonesia para sa location ng scenes.

    • Totoo naman talaga Joiz na mas masaya sa Pilipinas…kahit na ano pa ang sabihin ng iba. May kakaiba talagang charisma ang Pinas at katulad nga ng sabi mo ay confirmed na babalik ang mga taga Singapore para muling mag-enjoy sa mga magagandang lugar ng Pilipinas.

      Oo nga nakita ko sa balita na may shooting sa Maynila ang isang foreign film. Ang saya nga ng mga uzis na Pinoys habang inaayos ang set para sa shooting ng movie.

      God Bless!

  2. Yvarro says:

    Yeah!!! Wala pa ring mas gaganda sa Pilipinas!!!😀 hahaha!!! Hindi lang dahil sa Pilipino ako, kundi dahil sa maraming bagay pa rin na magandang masasabi sa atin,

    ung likas na yaman pa lang, kung bakit ninanakaw ng ibang bansa ang mga pisong barya natin noon, para gawin lang sangkap ng mga cellphones, malampaya natural gas sa palawan, at san ka ba naman nakakita ng klase ng lupa kung saan magdura ka lang ng buto ng sampalok sa likod ng bahay nio eh kina umagahan me tumutubo nang usbong… (aba?… gento kataba ang lupa sa pinas..) haiz…

    pangalawa.. matityaga daw ang mga pinoy, yan ang sabi ng mga taga ibang bansa, masipag at may dedikasyon sa trabaho… not to say na masayahin… at always positive ang pananaw sa buhay…

    masyadong maraming magagandang bagay pa rin ang tungkol sa pinas para matabunan ng ibat ibang mga bad news…

    • Maraming salamat Yvarro sa pagbisita.

      Natumbok mo…”matityaga daw ang mga pinoy, yan ang sabi ng mga taga ibang bansa, masipag at may dedikasyon sa trabaho… not to say na masayahin… at always positive ang pananaw sa buhay…”

      Tunay na marami tayong katangian na hinahangaan sa Pinas…katulad ng:

      —may tutulong sa iyo ng may kusang loob kung kinakailangan…di na kailangan ang 911
      —kapag naliligaw ka ay may matatanungan ka…di na kailangan ang GPS
      —palaging may oras ang Pinoy sa gimik at konting inuman plus kantahan…tunay na masayahin
      —pwedeng malibre sa kainan at inuman sa Pinas….ummm basta may kaibigan
      —Makakakain ka ng mga iba’t-ibang pagkain sa mga fastfood sa malls…lalo na ang litsong baboy…sisig…ginataan kohol….hayyy miss ko ang mga ito at ginto into dito sa lugar ko
      —makakabili ka ng pagkain/miryenda sa kahit anong sulok na may sari-sari store…onli in the Pinas
      —atttttt maraming pang iba….
      PLUS
      —tunay na maraming magagandang lugar

      Sana maging responsable din ang ating mga TV News sa pagbabalita na may mga kabuluhan at ikapupuri ng mga Pinoy at ng ating bansa.

      Ingat lagi & God Bless!

      • Yvarro says:

        Sana maging responsable din ang ating mga TV News sa pagbabalita na may mga kabuluhan at ikapupuri ng mga Pinoy at ng ating bansa. – siya ngang tunay…

        hahaha!!! laughtrip ako sa “kaberkie” para kayong nagmumurang kamatis ni lolokulisap!!! ahahaha!!!

    • Kung magbabago lang ang kalidad ng balita sa Pinas ay ikakatuwa ko Yvarro…sana lang.

      hAHa…namiss ko nga aking Kaberkie

      Salamat sa pagbisita.

  3. J. Kulisap says:

    Kaberkie, it’s more fun in the Philippines, balik na ulit dito. Hahahaha.

    Sabi nila, o ilang porsiyento ng Pilipino gusto makaranas ng “snow” sa buong buhay nila, ganun naman siguro kasi ang disenyo ng buhay ng tao, kapag madalas mo nang nararanasan ang isang bagay o pangyayari, hahanap naman tayo ng iba pa. Yong bago sa paningin, sa panlasa.

    Ganun din siguro ang iba, mas ‘yong ibang tao pa ang makaka-appreciate ng kagandahan bago tayo mismo sa sarili natin na siyang dapat na magbabalita at magpupuri, gaya nga kung paano natin ipagmamalaki ang ating bansa.

    Mahilig ako sa tubig, at ilang baybayin na rin naman ang napuntahan ko sa Pilipinas, at talaga namang it’s more fun sa baybayin ng Pilipinas. Ilang probinsya na din ang napuntahan ko, at ramdam na ramdam mo yong sensiridad ng kanilang pagkagiliw. Ilan lang iyan sa kagandahan ng ating bansa.

    Mapunta tayo sa pagpapaunlad ng turismo, sana lang mas abot-kaya ng mga ordinaryong Pinoy ang mga magagandang lugar dito sa atin, masyado kasing mahal, presyong pang-turista baga, sana bilang mga Filipino naman tayo, dapat mas alam natin, mas naranasan natin, bago natin ibalita sa ibang lahi.

    Napahaba yata.

    Happy New year po.

    • Wow Kaberkie maraming salamat at nagawi ka ulit dito. Happy New Year din at balik blogging ka na ba?

      Totoo ang sinabi mo…may kakaibang magagandang ino-offer ang Pinas para sa mga turista dyan sa atin. May mga puna sa atin pero dapat itong tanggapin at ayusin kung ikakaayos naman ng ating bansa para sa ikauunlad ng turismo.

      Marami na rin akong naikot sa ating bansa at tunay naman na isang kaligayahan ang magtampisaw sa ating mga dalampasigan…di na kailangang lumayo pa.

      Tama yun Kaberkie…sana bigyan ng kahalagahan ng ating lokal ng turismo na mabuyo ang mga Kababayang Pinoy na maging aktibong turista sa sariling bayan…kumbaga sila ang magiging ambassador ng ating turismo.

      Balik ka lang Kaberkie. Ingat lang palagi dyan sa atin.

      God Bless!

  4. eli-ment says:

    ang sarap ng pan de sal.
    it’s really pan (desal) in the Philippines. hehe
    sana naman itong bagong slogan ng Tourism ay suportahan nalang natin. wag na nating hanapan ng negatibong puna.

    • Haha oo Eli it’s ‘pan’ in the Pinas talaga, onli in the Pinas iyang pandesal…wala niyang ganyang kasarap dito sa kinalalagyan ko…kahit may pandesal din dito pero ewan ko ba kung bakit iba pa rin ang lasa ng luto sa atin.

      Yan nga madalas ang nangyayari sa atin…wala ng naitutulong ay magaling pang pumuna sa mga kakulangan ng ating bansa…sana naman ay mabago na ang ganyang pag-uugali.

      Maraming salamat sa pagbisita Eli & God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s