Apat na Tanong

Bata pa ako ay madalas ko ng makita ang mga karatula na ganito ang nasusulat. Nasusulat ito sa English. Ilang salita lamang ang mga ito pero napakaganda ng mensahe na magagamit na gabay sa pang araw-araw na buhay. Naging gabay ko ang apat na tanong na ito sa aking mga mahahalagang desisyon sa aking buhay at patuloy pa rin na ginagamit.

โ€œOf the things we think, say or do:

“Sa lahat ng iisipin, sasabihin o gagawin:

1. Is it the TRUTH?

1. Ito ba ay ang KATOTOHANAN?

2. Is it FAIR to all concerned?

2. Ito ba ay magiging PAREHAS o KATANGGAP-TANGGAP para sa lahat?

3. Will it build GOODWILL and BETTER FRIENDSHIPS?

3. Makabubuo ba ito ng KABUTIHAN at MABUTING PAGKAKAIBIGAN?

4. Will it he BENEFICIAL to all concerned?โ€

4. May KAPAKINABANGAN ba ito sa mga kinauukulan?”

Ang gumawa ng mga karatula na ito ay mula sa mga grupo ng mga Rotarians. Ang mga miyembro ng grupo na ito na nag-isip nito ay nagmula sa iba’t-ibang panig ng mundo. At hindi naman ako naging miyembro nito ngunit tunay na saludo ako sa gabay at karatula na ito.

Subok ang mga gabay na ito na siguradong magiging maayos ang lahat. Puwede rin itong malinaw na gabay sa ating pagsusulat ng blog.

Nakita at nagamit mo rin ba ang mga ito?

17 comments on “Apat na Tanong

  1. joizmac says:

    Tama po Tay maigsi ngunit sapat na karunungan para sa lahat!

  2. hello, lolo,

    ba’t ho di ko makita ang suscribe via email menu dito sa site nyo? dati ko pa hong hanap yon. ^^

    happy weekend!๐Ÿ™‚

  3. p0ks says:

    hmm mukhang ang dali lang isaisip pero hirap gawin,hehehe

    napadaan lang po!!

    • Maraming salamat Poks sa pagbisita.

      Oo medyo mahirap dahil kadalasan eh hindi popular sa nakakarami ang kalalabasan ng isang desisyon pero kapag ginamit naman ay magiging balanseng-balanse ang kalalabasan ng iniisip, sasabihin at gagawin para sa isang tao o malaking grupo ng mga tao.

      Ingat Lagi & God Bless!

  4. bagotilyo says:

    nababasa ko na din yan pag papasok ako sa school..

    sana lahat tayo maisip na hindi lng ito basta bastang post na isinulat kung saan2.

    sana lahat tayo maisip na sa mga panahong ganito ay kailangan natin ng gabay sa ating mga gagawin at sasabihin.๐Ÿ˜€

    • Oo tama ka bagotilyo…marami iyan na mga nakalagay sa mga island, sa gitna ng kalye), dyan sa atin.

      Ahh oo ganun din sa akin nais kong maging makabuluhan itong ating pagba-blog…na para kapulutan din ng aral ng mga magbabasa. Maaring ako’y wala na sa mundo na ito pero baka maiwan itong blog na ito sa mundo ng internet na kung sino man magagawi o babasa balang araw ay di sayang para sa kanila. At isa ngang magandang gabay itong apat na tanong para maging makabuluhan ang bawat poste sa ating mga blog….hehe medyo napa seryus tayo ah.

      Maraming salamat sa pagbisita. Ingat lagi & God Bless!

  5. eli-ment says:

    madalas ko pong mabasa ang mga taong na ito sa highway tapos may logo ng rotary club.
    minsan napapaisip din ako sa mga tanong na ito at sinusubukang sagutin.

    • Oo Eli ako noong araw ay nababasa lang ang mga iyan sa mga magagandang lugar sa mga kalye.

      At natutunan ko na lamang noong nagta-trabaho ako na maging gabay ko sa aking mga ginagawa at desisyon sa opisina ang mga tanong na ito. Simple lang ang mga ito pero mabisa…sigurado ako na magiging maayos ang kalalabsan ng paggagamitan ng mga gabay na tanong na ito.

      Maraming salamat sa pagbisita Eli at God Bless!

  6. chevybo says:

    ayus! anggaling ‘lo! tatandaan ko na ang apat na tanong na ‘yan mula ngayon. Maraming Salamat po sa pag she-share nito. Kamusta na po kayo? Sana’y nasa maayos kayo lagi. God Bless!!

    • Hello din Chevs. Walang anuman. Mabuti naman ako at musta rin sa iyo. Salamat!

      Oo Chevs magandang gabay ang mga iyan. Dahil simple lang… mabilis tandaan at epektibo talaga.

      Ingat lagi dyan sa atin & God Bless din!

  7. mmc.XD says:

    Hello๐Ÿ™‚

    Natuwa ako sa 4 way test na nakita ko dito habang namamasyal sa pahina mo :)))

    Ang mga Rotarians ay mga taong may mabubuting puso at magandang adhikain upang makatulong sa pamayanan na walang hinihintay na kapalit ^^ Meron ding mga kabataang sumusunod sa kanilang yapak na Rotaractors naman kung tawagin๐Ÿ™‚ Share lang po๐Ÿ™‚

    Magandang umaga!๐Ÿ™‚

    • Hello din mmc.XD at maraming salamat sa pagbisita.

      Tunay ang iyong sinabi. Bata pa ako ay talagang very active na ang mga Rotarians sa mga community activities lalo na sa pagtulong.

      Aba at ngayon ko lang nalaman ang pangalan na Rotaractors. salamat sa info.

      Musta rin sa iyo at God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s