Train Train Go Away

Naalala ko ang unang tula sa english na aking natutunan noong bata pa ako sa aming probinsya. Tunay namang palaging umuulan sa amin dahil andun ang aming bayan sa paanan ng bundok Banahaw. Kaya para sa katulad kong isang bata noon na nag-aasam na makapaglaro palagi sa labas ng bahay at makasama ang mga kababatang kalaro ay ito ang nasasambit habang nakasilip sa bintana ng bahay.

Rain Rain Go Away

Come Again Another Day

Pero hindi ulan ang ating pag-uusapan…ito ay Train. Wala kasi akong tula na maalala tungkol sa Train kaya ayun hiniram ko na lang sa Rain Rain Go Away…kaya naging Train Train Go Away.

Tunay naman na parang laging nagmamabilis ang isang Train kaya siguro may sarili siyang daraanan na para sa kanya lamang. Kaya bagay pa rin ang Train Train Go Away…Come Again Another Day. Tunay na kapag nalampasan ka ng Train ay maghihintay kang muli sa kanyang pagdating.

Ang mga sumusunod na mga litrato ay ang mga aking namamasid kapag araw ng aking pagtakbo, bilang ehersisyo, sa umaga. Kaya ayun naalala ko ang Train at kanyang daanan na bakal na may kahoy at malilit na bato.

Old train(1900) never dies, they just fade away…

Old train warning post(1900).

Come Again Another Day…

“And there is the headlight, shining far down the track, glinting off the steel rails that, like all parallel lines, will meet in infinity, which is after all where this train is going.”
–Bruce Catton

10 comments on “Train Train Go Away

  1. salbehe says:

    Nag-enjoy akong tumingin ng pictures!

  2. hello, lolo,

    may ganyan pa rin ho palang rails and train lines sa America… ang gaganda ho ng kuha nyo, ah?

    btw, di ba sabi sa inyo, isa sa mga pangarap ko ay long distance ride sa tren? ahaha, kailan kaya ‘yon matutuloy? anyway, since nga ho di ako natuloy sumakay sa tren no’ng pumunta ako ng Bicol, ang ginawa ko, one early evening nitong March ay sumakay ako sa PNR from Manila to Tutuban, haha. ma-experience lang, as in…

    gusto ko ho ang quote sa dulo ng post… hope you’re enjoying the spring of your life. 😉

    • Oo San at tunay well maintained pa ang train transpo dito, kahit na ang mga riles na iyan sa pagkakaalam ko ay noong 1900s pa. Haha ako man ay isang pangarap na bumiyahe by train from California to New York…parang tip-to-tip ng Amerika ang byahe. Nais kong makita ang mga sceneries sa dadaanan ng train. Punta ka na dito at dito ka na rin sumakay ng train. Musta na lang.

  3. Kapag tren at riles ng tren ang pinag-uusapan, ay naalala ko ang mga barong-barong o home along da riles doon malapit sa amin sa Sampaloc. Hindi tulad dito sa Amerika na malawak, malinis, at kaaya-aya ang mga dinadaanan ng tren.

    • Haha ako man ay napatira ng 7 taon sa may Algeciras, Sampaloc. At di mawawala ang alaala ng buhay-buhay ng mga Pinoy sa home along the riles…kasama pala ako dati duon. Sa totoo lang iisa lang ang pareho sa atin at dito….ang busina ng tren.

      Salamat sa pagbisita Doc PT.

  4. Your post made me remember how my son a toddler then became in love and obsessed with trains after he rode a choo choo train in the mall. Lahat ng gustong laruan eh train, mga video na pinapanood eh train sa history channel ang gustong panoorin eh train and he dreamt of becoming an engineer of a train. Now at 17 maging doctor na ang gustong maging profession. Nice post and pics.

    • Haha naalala ko rin yung pamangkin ko…yung cartoon character na Thomas sa TV ang super fav simula noong bata pa siya. Kaya laging regalo namin ay laruan na train o libro tungkol sa train.

      Ah at nagbago na pala ng gusto ang iyong anak…maging mekaniko na ng tao…di na ng train.

      Maraming salamat sa pag-appreciate at pagbisita. God Bless Kabayan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s