Sandaling Pasyal

Naisipan kong mamasyal sa Sausalito, California, mga tatlumpung minuto ang layo sa aming lugar. Matagal na rin ako dito sa bayan ni Ankel Sam pero ang sabi sa mga balita ay maganda ang lugar na ito at tunay na dinadayo ng mga turista. Kaya ayun natuloy din ako noong Lunes.  At medyo sinipag na rin umikot sandali sa Golden Gate Bridge at isang pasyalan sa San Francisco City.

Ang mga bahay dito ay nasa gilid ng mga bundok na nakaharap naman sa dagat na nagbibigay talaga ng magandang view sa kanilang mga bintana.

 

Maraming lumang gusali at mga tindahan.

 

Upuan sa harap ng isang tindahan ng kape.

 

Golden Gate Bridge.

 

Isang lugar na pasyalan sa may San Francisco City.

“Don’t be a tourist. Plan less. Go slowly. I traveled in the most inefficient way possible and it took me exactly where I wanted to go.” — National Geographic’s Andrew Evans, on his 40 day, 40 bus journey from Washington D.C. to Antarctica. Watch his refreshing TEDx Talk (18 min).

13 comments on “Sandaling Pasyal

  1. J. Kulisap says:

    Lahat ba ng lugar sa ‘merika, malinis Kaberkie?

  2. Haha…ang ganda ng tanong mo Kaberkie. Para sa akin ay malinis nga. Regular ang kuha ng basura at ang paglinis ng mga kalye. Siguro rin dahil maraming basurahan sa mga publikong lugar kaya naiiwasan ang kalat sa mga kalye. Salamat sa pagbisita.

  3. Kailan kaya magiging ganyan din kalinis ang Pinas? haha asa pa ko😀

    • Salamat sa pagbisita Alla.

      Sa totoo lang eh noong nakita ko noon ang Marikina ang sabi ko aba ang linis ng Marikina parang Amerika. Palagay ko kaya naman kaya lang tunay na disiplina.

      God Bless!

  4. BON says:

    SuperLo, kamusta kana? bigla kitang naalala at namiss ng magbackread ako sa mga comments sa bonistation… kaya napadalaaw ako dito! hope ur doin’ fine there. keep on rockin’ superlolo!

    • Hello Bon! Mabuti naman ang Lolo dito at tunay na maraming salamat sa pag-alaala. Musta rin sa iyo.

      At tunay naman na di ko nalilimutan ang ating paglalaro sa pakontes ni Father Fiel noon.

      At ang bilis na panahon pero pinagpapasalamat ko na okay na okay naman tayo at naito at nakapagkakamustahan pa rin.

      Minsan nakikita kita sa mga blogging contest at kasama mo ang mga blogger sa Pinas.

      Ikaw din Bon keep on rockin sa iyong lugar.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. Sarap naman ng gala ninyo… Masarap talaga gumala kung ganito kalinis ang lugar na papasyalan…🙂 At gusto ko po yung mga upuan sa labas ng coffee shop… May mga unan pa… Sarap maupo, yumakap sa unan, uminom ng mainit na kape, at magbasa… Perfect bum moments…🙂

    At napanood ko po yung video ni Andrew Evans sa Ted Talk… The guy and his adventures are inspiring! Sana makagawa rin ako ng mga adventures gaya ng sa kanya…🙂

    • Hello Mark.

      Medyo matagal na ako kasing naintriga sa kung ano ba ang makikita sa lugar na iyan. Kasi madalas ang description sa lugar ay haven daw ng mga artist…yung mga nagpe-painting at ibang creations mula sa kamay. At isa pa nga ay dyan daw tumira iyong ayaw ng ingay ng siyudad. Mayron ding mga bahay dyan na sa tubig itinayo…floating ika nga at marami rin na sa yate sila nakatira. Yung mga artist daw ay kadalasan iyong mga hippies noong seventies sa San Francisco City.

      Ah oo malinis nga kasi nga parang mga conservatives ang mga nakatira sa lugar na iyan…nature loving din.

      Haha oo natuwa nga ako sa mga upuan na iyan…naiisip ko kung sa atin iyan ay palagay ko maalikabok na.

      Ayy ako man ay nais mag adventure travel din…pero nais kong unahin na libutin ang ating Inang Bayan.

      Muli maraming salamat sa pagbisita Mark. God Bless!

  6. arvin says:

    malinis talaga ang mga kalye sa Amerika..

  7. p0ks says:

    gusto kong makita ang famous na tulay na yan!! kailan kaya?! sarap ng gala nyo ah…

    • Kuha na ng visa PokS at ipapasyal kita sa tulay na iyan. Ah nakatyempo lang kaya nakapasyal sandali. Ang buhay namin dito ay parang taga Quezon City kami na di pumupunta sa Makati…ang Makati ang katulad ng San Francisco City dito…kaya ayun parang feeling turista palagi kapag nakakapunta sa SF City.

      Salamat sa pagbisita. God Bless!

  8. hello, Lolo,

    Dito ako magsusumbong, ahaha. Sinagot ko ng mahaba ang recent comment nyo sa last post ko. Hindi nag-apir. Nawala lang, shaks na ‘yan…

    Sinubukan kong mag-comment sa iba, gano’n din. Nawawala ang comments ko pagkaka-submit. Kainis lang…

    Sasagutin ko na lang ho uli ang comment nyo ro’n pag nasa mood na akong mag-repeat, ahaha. Hope things are well. Sana mag-rehistro ito…😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s