Si Lily

Si Lily(di niya tunay na pangalan) ay kaibigan ng aking anak dito sa Amerika. Kararating lang niya noong 2010 mula sa Pilipinas at kasama siya ng anak ko sa trabaho.

Nag-aaral pa sa kolehiyo si Lily ngunit tumigil muna siya ngayon semestre na ito.

Maaliwalas ang mukha ni Lily at palaging nakangiti. Hindi mababanaag kay Lily ang kanyang pinagdaanan, pinagdadaanan,  at mga kakulangan ngayon sa buhay.

Mula sa konti at maiikling tanong ay naintindihan ko ang buhay niyang pinagdaanan. Sa pag-uusap namin ay iniwasan ko ang mga tanong na pakiramdam ko ay wala akong karapatan na ungkatin at malaman. Pinabayaan ko lamang siyang sumagot at magkuwento sa gusto niya.

-Lumaki siya at kanyang mga kapatid sa kanilang Lolo at Lola…sa Pangasinan. Naikuwento niya kung paano nila pinilit na matutunan ang salita doon sa lugar na iyon.

-Noong magha-hayskul na siya ay lumipat sa siya at mga kapatid sa Cavite. At nai-kuwento niya na bago siya umalis sa Pilipinas ay namasukan siya sa Greenwich bilang isang working-student.

Biniro ko si Lily noong nabanggit niya na taga-Cavite rin pala siya…aba matapang ang mga taga-Cavite. Ang sagot niya sa akin ay di rin daw at madalas ay iyakin rin(marahil may kanalaman ito sa kanyang pamilya).

-Nakarating silang magkakapatid sa Amerika dahil sa petition ng kanyang Ama, na may pamilya ng iba dito sa Amerika. Hindi ko na itinanong ang mga detalye at pumasok na lang sa aking isipan na mabuti at inasikaso ng kanyang ama ang kanilang papeles upang makarating siya at mga kapatid sa Amerika sa kabila na may pamilya ng iba ang kanyang Ama.

– Ang Ina naman ni Lily(at mga kapatid niya) ay nasa Dubai. At malamang matagal na rin siya sa ibang lugar bilang OFW dahil sa kuwento niya na nakatira sila sa kanilang Lolo at Lola noong bata pa.

– At sa ngayon ay naalalayan siya at ng kanyang mga kapatid ng kanilang Tiya dito sa Amerika.

Mga nabanggit rin ni Lily…

“Hindi niya akalain na makakarating sa Amerika siya at kanyang mga kapatid.”

“Naaawa siya sa kanyang Ina dahil magkakahiwalay sila at ganun na lamang ang pag-iisip at pag-aalala sa kanilang mga magkakapatid dito sa Amerika.” Habang ang bunsong kapatid sa ngayon ay nasa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kolehiyo doon.

“Sa susunod na lang na semestre po ako papasok at ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.”

“Matatangkad ang mga kapatid ko sa bagong pamilya ng kanyang Ama.”

Mga naisip ko….

Palagay ko matibay na si Lily sa buhay dahil sa pinagdaanan at mga pagsubok ng kanyang pamilya.

Palagay ko tunay na nagabayan at naalagaan siya at kanyang mga kapatid ng kanilang Lolo at Lola. Dahil sa magandang pag-uugali at panuntuyan sa buhay sa kabila na wala sa piling nila ang mga gagabay na magulang.

Palagay ko at dalangin ko ay mararating ni Lily ang kanyang pangarap dahil sa kabila ng pagtatrabaho niya at hindi niya kinalilimutan ang makatapos sa pag-aaral.

Palagay ko ay makakasama niya pagdating ng panahon ang kanyang Ina dito sa Amerika. Dahil nabanggit niya na hihintayin niyang maging US Citizen siya at sa panahon na ito ay ipe-petition niya ang kanyang Ina. Malapit na rin iyon…mga dalawang taon na lamang iyon.

Palagay ko ay magaan na kay Lily ang  relasyon niya sa Ama dahil naikukuwento niya ang kalagayan ng kanyang mga bagong kapatid sa bagong pamilya ng Ama.

….

Maraming mga pangyayari at marami dito ay di na maibabalik at mababago ngunit sa kabila nito ay may mga umuusbong muling mga panibagong buhay, magagandang pangarap, pag-asa, at hindi magmamaliw na pagmamahal ng Anak sa Magulang…ng Magulang sa Anak.

–0–

When things go wrong as they sometimes will,
When the road you’re trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit
Rest if you must, but don’t you quit.
Success is failure turned inside out,
The silver tint on the clouds of doubt,
And you can never tell how close you are,
It may be near when it seems afar.
So, stick to the fight when you’re hardest hit
It’s when things go wrong that you mustn’t quit.
-Author Unknown

2 comments on “Si Lily

  1. mmc.XD says:

    Mahusay nga ang pagpapalaki kay Lily🙂

    Madalas sa mga kabataang produkto ng broken family ay mayroong hinaharap sa struggles sa sarili at nagdudulot ng pagkarebelde o kung hindi man ay nagbubunga ng isang mahinang kalooban. Ito’y mali.

    Proud ako sa kanya! Sana’y malagpasan nya ang kung anuman ang pinagdadaanan nya at ng kanyang pamilya🙂

    • Salamat Maryrose sa pagbisita.

      Ako man ay saludo kay Lily dahil sa panibagong pakikibaka sa Amerika ang kaniyang hinaharap na kitang-kita ang tamang mga desisyon at direksyon. Malayo na siya sa mga kamag-anak at dating kaibigan…tunay na tatag ng damdamin at pananampalataya ang kanyang sandigan dito sa mundo ng ibat-ibang lahi.

      Dalangin ko rin ang kanyang tagumpay.

      God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s