Autistic Ako

Paalala : Nais ng akda na ito na iparating at baka sakaling makatulong sa makakabasa na may anak o kakilala na may sakit na Autism‘(Wiki).  Ang mga nasusulat dito ay mga ekspiriensya, pagsisikap ng mga magulang at mga gabay mula sa doktor at guro na makamit ang kagalingan sa sakit na ito sa tunay na buhay. Isang paglalahad din ito upang magkaroon ng awareness sa karamdaman na ito. Salamat po.

“Autistic ako….” Ito ang isang akda ni Boy(di tunay na pangalan) noong siya ay nasa high-school. Walang makapaniwala na totoo ang kanyang kuwento dahil hindi naman siya nakakitaan ng mga kaeskwela niya na may ganun nga siyang karamdaman noong pumasok na siya sa regular na eskwelahan.

Dahil ang sakit na ‘Autism’ ay parang bago sa pandinig ng mga Filipino noong dekada otsenta ngunit naging pamilyar na lamang dahil sa ito ay nababasa na sa mundo ng internet at kompyuter sa ngayon.

Ang tawag sa mga taong may karamdamang ‘autism’ ay ‘autistic’.

Ang Kuwento ng Buhay ni Boy

Ang litrato sa itaas ay kinunan noong baby pa si Boy at walang kaalam-alam ang mga magulang niya na may kakaibang pag-uugali na pala si Boy mula sa karamdamang ‘autism’. Ang madalas na sinasabi sa karamdaman na ito ay may sariling mundo ang isang bata na nagkakaroon ng karamdamang ito.

At ganun na nga kinakitaan si Boy noong baby pa siya na walang interes sa mga taong nasa malapit sa kanya, kakawag-kawag lamang ang kanyang mga kamay, at palaging nakatingin sa sa kisame kapag nakahiga. Normal naman ang kanyang paglaki mula sa pagkain noong baby pa siya.

Buti na lamang ay magaling ang doktor ni Boy noong bago ito magdalawang-taon, dahil maagang napatingnan si Boy sa isang espesiyalista na doktor na timitingin sa ganitong karamdaman. Ang bata kasi para magkaroon ng mataas na pag-asa na gumaling ay kailangan ma-detect agad ng isang doktor ang sakit na ito na mas maaga na kadalasan ay bago magdalawang-taon ang isang bata.

Ang mga sunod-sunod na pangyayari…

– Regular ang konsulta ni Boy sa doktor noon dahil may mga ilang gamot siyang iniinom para sa karamdamang ito noong bata pa siya. At may mga bawal siyang mga pagkain.

– Naging instumental talaga sa buhay ni Boy ang kanyang mga magulang dahil natutukan siyang mabuti. Dahil noong tatlo o apat na taon siya ay pinagsikapan ng kanyang magulang na ipasok siya sa isang special school na kung saan ang kasama niya ay may mga karamdaman din na ‘autism’.  At tuloy-tuloy rin siya ng kanyang elementarya sa isang special school .

– Hindi natapos sa special-school ang pag-aaral ni Boy. Pinagsikapan ng mga magulang ni Boy na ipasok siya sa isang magaling na guro na nakakaintindi ng mga batang mga ganitong karamdaman…one-on-one ika nga ang istilo naman ng pagtuturo na kung saan dito talaga nakakitaan ng malaking pagbabago si Boy sa kanyang buhay bilang isang mag-aaral.

– Naisipan na ng mga magulang na isama si Boy sa isang regular school noong kalagitnaan ng elementarya dahil sa malaking pagbabago sa ugali, pakikitungo sa mga kamag-aral, at naging focus na siya sa pag-aaral. At dito na nagtuloy-tuloy ang regular na pag-aaral ni Boy hanggang natapos siya ng high-school sa paaralan na ito. Na dito nakakitaan si Boy ng kagalingan sa pagsusulat…hanggang sa sinulat nga niya ang isang akda na ‘Autistic Ako’. Naisulat ni Boy iyon dahil sa kuwento at nakita niyang pinagdaanan niya sa buhay noong bata pa siya.

– Lahat ay nanalangin para kanyang paggaling.

Kay bilis ng panahon. Ako man noong nakita ko si Boy nong bata pa at kasama sa iskul ng mga batang may mga karamdaman ng ‘autism’ ay di makapaniwalang malalampasan at makakamit ang kagalingan sa sakit na iyon.

Sa ngayon ay graduate na si Boy mula sa kanyang kurso sa  kolehiyo sa isang Unibersidad sa Maynila at sa ngayon ay naghahananap ng trabahong mapapasukan.

Naalala kong ikuwento ito dahil sa aking napanood na documentaryo patungkol sa karamdaman na ito. Hindi lahat ay nakakamit ang buong kagalingan sa karamdaman na ito. Documentary Video( here).

Hindi lahat ay makakadama at makakamit ng tunay na mga pangarap at makikita ang tunay na mundo…na katulad ng nakamit at nakita ni Boy sa kanyang buhay.

-0-

“Life is an opportunity, benefit from it.
Life is beauty, admire it.
Life is a dream, realize it.
Life is a challenge, meet it.
Life is a duty, complete it.
Life is a game, play it.
Life is a promise, fulfill it.
Life is sorrow, overcome it.
Life is a song, sing it.
Life is a struggle, accept it.
Life is a tragedy, confront it.
Life is an adventure, dare it.
Life is luck, make it.
Life is too precious, do not destroy it.
Life is life, fight for it.”
― Mother Teresa

3 comments on “Autistic Ako

  1. ah, di naman kayo mukhang autistic, Lolo. masyado nga kayong normal, wari ko…😉 sa totoo lang, di ko inisip ‘yon, whahaha. hello and kumustasa po…🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s