Disneyland – June 2012

Sabi sa komersyal nila ang Disneyland daw ang “The happiest place on earth.”

At para sa akin ay totoo ito dahil lahat na yata na klase ng tao ay nagpupunta sa lugar na ito. Buong pamilyahan at iba’t-ibang lahi na kung saan-saan galing. Mula umaga hanggang gabi ay parang walang kapaguran ang lahat ng mga tao na nagnanais talagang suutin ang bawat sulok ng ng dalawang parke…ang Disneyland at DisneyCalifornia Adventure sa Anaheim, California.

Ang Disneyland sa Anaheim, California ay nagbukas noong July 17, 1955. Sa ngayon ay may halos sampung theme parks sa loob ng Disneyland.

Makikita sa ibabang litrato ang tuktok ng sikat na kastilyo ni Cinderella. Ang kastilyo na ito ang simbolo naman ng mga pelikula na ginawa ng Wal Disney Productions. Na kapag nakikita ko noong bata pa ako sa telebisyon ay pinapangarap ko palagi na marating.

Ito naman ang tinatawag na Main Street USA. Pagkapasok sa Disneyland ay ito na kaagad ang tatambad sa mga mamasyal, may mga tindahan ng souvenirs at kainan.

Ito naman ang isang ride sa Tomorrow Land.

Ang mga naggagandahang mga prinsesa ng Disneyland. Kilala ninyo ba sila?

Kuha ito sa bagong atraksyon sa Disney California Adventure ang Cars Land mula sa pelikulang Cars.

Ito naman ang malaking ferris wheel at ang makatindig balahibong roller coaster sa loob din ng Disney California Adventure. At sa pagsapit naman ng gabi ay dito ginaganap ang bagong palabas na Wonderful World of Colors at tunay naman na napakanda. Dito ay ginagamit na screen ng palabas ang mga nagsasayaw na mga tubig.

Ang karakter na si Woody mula sa Toy Story na nagpapaunlak na magpakuha ng litrato.

Ang parada naman ng mga karakter mula sa mga sikat na pelikula ng Walt Disney.

Ito naman ang isang bagong lugar sa Disney California Adventure…ang Cars Land. Malawak pa ang lugar na ito ang numerong pinagkakaguluhan sa ngayon ng mga taong gustong makita at masakyan. Noong kami ay nagpunta ay ikalawang araw pa lamang ng simula ng atraksyon na ito at super-haba talaga ng pila.

Ito ang karamihan sa loob ng Disneyland. Ang magulang bitbit ang kanilang anak.

Ito naman ang isang parte ng Mickey’s Toontown.

Makikita at masasakyan naman ang mga ito sa Fantasy Land.

Ang entrada sa Mickey’s Toontown.

Ito naman ang ilang qoutes ni Walt Disney, ang creator ng Disneyland.

“I am interested in entertaining people, in bringing pleasure, particularly laughter, to others, rather than being concerned with ‘expressing’ myself with obscure creative impressions.”

“We are not trying to entertain the critics. I’ll take my chances with the public.”
“You can design and create, and build the most wonderful place in the world. But it takes people to make the dream a reality.”
“All cartoon characters and fables must be exaggeration, caricatures. It is the very nature of fantasy and fable.”

“When you’re curious, you find lots of interesting things to do. And one thing it takes to accomplish something is courage.”
“I don’t like formal gardens. I like wild nature. It’s just the wilderness instinct in me, I guess.”—Walt Disney

16 comments on “Disneyland – June 2012

  1. ang gaganda ho ng pics ninyo… kasama nyo ho ang eldest nyo at inyong apo sa Disneyland, Lo? btw, gusto ko ang pic ng giant saucers and cups, ganda…😉

    • Maraming salamat San. Kasama ko ang 2nd at si bunso…in the making pa si apo…hehe. Sumuot talaga ako sa lahat ng pasyalan kahit pambata…nag feeling bata muna ako ng araw na iyan…lalo na dyan sa may mga giant saucers & cups. May part 2 pa ang mga pics sa disney. God Bless!

    • Haha…at totoo yun kahit pambatang roller coaster ay sumakay ako…hehe. At first time ay pumasok ako sa bahay ni Mickey Mouse(pics next time). Oo nagbatang potograper…hehe. Yun bagong attraction nila ay sinuot din namin ang Cars Land(inspired sa movie na Cars). Salamat San.

  2. hu-WOW naman.. yan lang ang masasabi ko. nararamdaman ko po yung saya nyo nung kinukuhanan nyo yung mga pictures na yun. naalala ko yung pasyal namin sa Universal Studios dito saka sa Hongkong Disneyland..

    stay happy and young, superlolo !🙂

    • Ay tunay ang sabi mo MrsGBP…nagpakasaya ang lolo…kasi di madalas para sa amin ang makasaglit sa Disneyland…may kalayuan ito sa amin. Ah oo nga meron kayung Universal Studios dyan at isang hakbang lang papuntang HongKong. Kailangang i-enjoy ang mga ganitong pagkakataon sa ating mga buhay lalo na nga hanggat nasa kalakasan ng katawan. Salamat & God Bless!

  3. bagotilyo says:

    ayos nagkaron na din ako ng idea kung ano ba ang totoong itsura ng disney land. .hehehe

    thanks for sharing :))

    • superlolo says:

      Maraming salamat sa pagbisita bagotilyo.

      Walang anuman. Ahh darating din na mararating mo ang pangarap mong disneyland. Ako man ay akala ko noong araw na puro sa tv at litrato ko lang makikita ito.

      May isusunod pa akong ilang mga litrato.

      Ingat lagi & God Bless bagotilyo.

  4. Dorm Boy says:

    Hi Super Lolo! It’s been a while since I last visited your blog! Parang nakapasyal na rin ako sa Disney Land thru your pictures. Sana makapasyal ako jan soon. Ipon muna hehehe! Back read muna ako sa blog mo. Dami kong namiss eh. =)

    • Hello DB. Naku salamat sa pagbisita. Sensya rin at ako ay di rin makabloghop. Sabihin mo lang kapag nagawi ka rito sa amin at ipapasyal kita sa SF. May kasunod pa itong mga pictures sa Disney din.

      Ingat lagi & God Bless!

  5. lolo, ano ho iyon at dumaan na kayo sa may ami’y di pa kayo pumili o bomoto aling tula? naman… balik kaya kayo, say? ahihi… hala pa naman, ang dalang nyo na ngang mag-post recently tapos, no time pa rin sa bloghopping? kainaman na… ^^ ahaha, biro lang po.😉 boto kayo, lo. teynks and regards!

    • Haha…sensya na po Mam. Eh talagang dumaan lang ako sa iyong bloghay at sumilip lang. Parang sa kapitbahay na dumaan ako na naki-amoy na kung ano ba ulam sa iyong bahay…at iyon nga walang balak kumain pero babalik na lang…hehe. O sige babalik ako at di lang sisilip…didiretso na ako sa bangerahan at kukuha ng aking pinggan at didiretso na sa pinagtaguan ng kanin at ulam. Salamat at musta rin.

  6. lea says:

    Wow! pangarap ko po ito nung ako’y munting bata pa. nipanood ko yata halos lahat ng Disney films hnggang ngayon hehe.. salamat po sa mga larawan, pakiramdam ay nakapamasyal na rin!🙂

  7. Walang numan Lea. Para sa akin ay talagang walang kupas ang mga Disney films. Ako man hanggang ngayon ay nagi-enjoy sa disney films. Dahil mamasyal ka pala sa HongKong at Singapore bago matapos ang taon ay siguradong masasaglit mo na ang Disney at Universal Studios. God Bless!

  8. sphereq says:

    tatay, gusto ko po pumunta dito..😀

    kamusta po kayo?

    • Mabuti naman Anne ako. Salamat. Musta rin sa iyo.

      Aba oo punta ka dito. Kaya lang hanggang SF City lang kita pwede ipasyal. Kasi ang Disneyland ay 7 hours mula sa amin.

      Sensya na at di ako makabloghop. Ingat lagi & God Bless anak!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s