Nais kitang mahalin

Nais kitang mahalin bawat araw, at sana ay ganun ka rin sa akin. Maaaring hindi natin matutunan ang lahat tungkol sa pag-ibig, ngunit sa araw-araw na ito na tayo’y magkasama ay matuturuan tayo ng konti-konti  tungkol sa ating sarili at ang ibang klaseng kaligayahan na maibibigay sa atin. Nakita ko sa iyo at ako’y natuto maging tapat at makapag-usap ng mula sa ating nararamdaman. Gusto ko ang ating pagkakakilala na kung saan nakita ko ang kagaanan kapag ika’y kasama. Kapag kita’y laging kasama, lalong dama ang kaligayahan. Nais kitang mahalin bawat araw.

Bakit kailangang pag-usapan ang tungkol sa palagi at sabihin ang di kasiguruhan sa ibig sabihin, pero puwede namang pag-usapan ang tungkol lamang sa araw na ito at maiparating ang nais sabihin. Nais kong pahalagahan natin ang bawat pagsikat ng araw bilang isang bagong pasimula…at subukan nating punuin ng pag-ibig ang bawat araw…hanggat kaya nito. Alam kong hindi ka palaging magiging isang damdamin lang  mula Linggo hanggang Sabado, Enero hanggang Disyembre, at maging ako man. Kailangan natin ang panahon ng tawanan at panahon ng kalungkutan…at iba’t-ibang damdamin sa gitna ng dalawang panahon na iyan. Ang pinakamahalaga ay maipaparamdam mo ng totoong-totoo ang iyong nadarama at ako may ay magiging ganoon. Maaaring ito ang nagbibigay ng kagaanan kapag tayo’y magkasama…at ito rin ang nagbibigay upang mapahalagahan natin ng sobra ang isa’t-isa. Nais kitang mahalin bawat araw.

Huwag sana tayong maging mapag-isip kung hanggang kailan magtatapos ang pag-ibig na ito ngunit sa kung paano ba ito mapapalago pa. Ibigay sana natin sa isa’t-isa ang pinakamaganda at umasang may mga milagro sa dalisay na pagmamahalan. Kapag ika’y aking kasama ako’y nakakaramdam ng pagmamalaki, pinagpala, mapagpasalamat sa bawat oras na ating pagsasaluhan. Nais kitang mahalin, hindi sa sinasabi ng mga libro o sa mga sinasabi nilang dapat gawin…ngunit sa kung sino ka lamang at kung paano kita tinanggap sa aking buhay. At sana’y ako’y iyong mahalin, hindi sa kung paano ako magiging, pero kung ano ako ngayon sa pangkasalukuyan. Sana’y huwag mo akong asahan maging isang taong palaging maiintindihan…isang taong maging perpekto.  Ako’y tao lamang katulad ng iba… at ako’y nagpapasalamat dahil ikaw din. Sana ay ating alalahanin na ang pagmamahalan ang mag-iisa sa pag-iisip at damdamin…hindi lang salita ang maririnig at maiintindihan, ngunit ganun din ang damdamin sa likod ng sinasabi… makikita hindi lang ang mga ngiti at lungkot ngunit ganun din ang kirot at kaligayahang nadarama sa likod ng pinagmulan noon.

Nais kitang mahalin bawat araw, simula ngayon. Sana’y magkaroon tayo ng tapang sa pagsubok na baguhin ang mga dapat baguhin sa atin, ang kaliwanagan na malaman ang mga dapat hindi na kailangang baguhin. Na naniniwala sa ating mga sarili at sa ating kakayanan na mahaharap natin kung ano ang dala-dala ng bukas…at punong-puno ng pagtitiwala sa pagmamahalan na ito ay magpapatuloy sa matibay na paglago sa bawat darating ng mga taon…Isang magandang araw sa bawat isang araw ng buhay.

=0=

Sinubukan na isalin sa Tagalog mula sa isang orihinal na akda na “Let me love you one day at a time“.

12 comments on “Nais kitang mahalin

  1. lea says:

    ang sweet naman po nire… made my morning!🙂

  2. J. Kulisap says:

    Kaberkie, kala ko tumi-tweens ang puso mo. Hahahaha. Kamusta po?

  3. hala, ang ganda ng inyong salin, Lolo… tumu-tweens nga, ahaha.😉 btw, ano ho pala ang nakapaskil sa bulletin board na tuong binabasa ng ale sa pic? ^^

    • Maraming salamat San. Naki-tweens lang ako kay Jkul. Ang binabasa ng ale na aming bisita last week ay ang paliwanag sa paggawa ng red wine sa pinuntahan namin na isang winery sa Napa, Ca. Ingat sa paglilinis ng dulot ng baha dyan sa atin.

  4. bagotilyo says:

    One of the sweetest post na nabasa ko sa blogsphere… ayiiieee❤

  5. Lolo, akala ko liham pag-ibig nyo ito… Hehehe… Ang sarap basahin… Ang ganda ng pagkahubog ng mga salita… Sinadya ko pong hindi basahin ang orihinal…😀

    • Hello Mark! Maraming salamat. Parang ganun na nga ang intensyon ng pagkakasalin parang liham at yun nga ang sarap palang maghagilap ng mga angkop na tagalog na salita para di lumayo sa orihinal na akda.

      Haha parang napaibig lang na mag sulat naman na may love ang tema.

      Maraming salamat sa pagbisita Mark. God Bless!

  6. sphereq says:

    Tay!!! PBB Teens US xD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s