Father and Son

 

“It is not flesh and blood, but heart which makes us fathers and sons.” – Friedrich von Schiller

15 comments on “Father and Son

    • Natumbok mo Lea ang mensahe ng mga litrato. Noong buhay pa ang Tatay ko ay siya ang gumugupit sa akin at sa aking mga kapatid…isang magaling na barbero ang kanyang trabaho noon sa aming bayan.

      Ang mga litrato ay isang pag-alaala ko sa masayang nakalipas na parte ng buhay ng aking ama.

      Tama ka na miss ko rin ang aking Tatay.

      God bless Lea.

  1. leandra says:

    ako naman ay palaging sumasama pag nagpapagupit sa barbero ang aming tatay at mga kpatid kong lalaki (only girl kasi hehe)….

    kakamiss nga po talaga ano? (insert malalim na buntunghininga)

    3 yrs na mula nung mawala si tatay… at birthday nya pala sa 22… hays…..

    Godbless us and our tatays po…

  2. leandra says:

    at naiiyak na naman ako…. waaaa… haist..

    • Pareho ang lungkot natin Lea. Kasi si Tatay naman ay almost 5 years ng siya ng suma-kabilangbuhay. Isang kalungkutan din para sa akin na di ko na siya nasilayan sa huling sandali hanggang sa ilibing(nasa Pinas pa kasi kami noon at si Tatay ay nasa US). Ang birthday naman ni Tatay ay Aug 4. Prayers para sa ating mga Tatay…August celebrants pala sila. God Bless!

  3. pogi si bunso, Lo… medyo kailangang mag-exercise ni Tatay na thoughtful enough para gupitan ang batang pilyo at malikot, hehe. sayang din nga naman – 12 dollars din daw. senga ho?

    ganda po ng shots, haha. hello, superlolo…😉

    • Haha maraming salamat San. Parang human interest kuno ang mga shots.

      Oo tama mga 12 dollars ang savings ng mag-ama. Mga kapit-bahay ko sila.

      Musta na lang at ingat dyan sa ating mabagyong lugar.

      • why, they really depict human interests and ordinary scenes that are not really ordinary from a different perspective, ahaha. napadugo ko ba ang ilong nyo, ‘Lo? pasensya naman… aba e, parang nasa kapitbahayan lang natin ang mag-ama, wala sa abroad, hehe.

        cute at mukhang pilyo si Totoy… btw, naku, bumaha ho uli over last Saturday ng madaling araw. tapos, yesterday, after lunch, ulan ng walang-awa, haha. i was out and had to endure several hours waiting out the rain, patatawarin. pakikumusta na lang ho ako sa padating na susunod na season dyaan, babay sa summer, hihi. hello, superLolo…😉

      • Haha dumugo nga San. Yun nga ang isang punto ng pektyur nilang mag-ama na parang nasa isang kanto lang sa Sampaloc. Mabait naman si Totoy, alam mo ba na ang mga batang iyan after two years ay slang ng mag inglis…kaya ayun kinakapos tuloy ang lolo.

        Nakow parang naalala ko ang nangyari sa iyo noong andyan pa ako. Hindi rin ako makauwi dahil walang daraanan na walang baha ang sasakyan kaya ayun kailangan pang maghntay ng pagbaba ng baha. Eh ang ulan naman kasi sa atin eh parang pumasok ka sa Mall eh maganda pa ang panahon pero paglabas ay ayun may tubig na sa paligid.

        Urong sulong pa ang panahon parang ayaw pang bumitaw ng summer(buti naman). Sige at sana naman ay maglubay na muna ang ulan at baha dyan sa atin.

      • haha, sorry naman ho… hoho nga, parang sa Sampaloc area lang, sa may labas ng bahay, may naggugupitan, hehe…hala, patatawarin, ini-slang kayo ng kabataan at kids dyaan. good luck naman, Lolo.😉

        hala pa, nasa CCP area ho ako noong linggo. bale, nag-family lunch kami sa Ortigas area tapos, sinamahan ko lang mag-drive sa CCP complex si kapatid kasi, sya ang may papanoorin. the plan was, pagdating doon, babyahe na me pabalik. biglang umulan ng bongga, wala akong payong, jacket lang. 3hours akong stranded sa Harbor Square (tapat ng CCP). anyway, the kapatid and I had dinner there later. pero, naubos na ang Sunday, ahaha. almost midnight na ako nakauwi and bangag and hilo lang ako no’ng Monday, hihi. inconvenient nga ho…

        anyway, sabi ng PAGASA, better daw ang weather this week. sana nga… hala, summer pa rin? shaks!😉

      • Ay kasi naman kasi dapat may taga dala ng payong at taga sundong gentleman sa mga pagkakataong ganyan eh…hehe biro lang po. Ummm parang nakapunta na ako dyan sa harbor square. At salamat naman at still Sunday ka pa nama nakauwi.

        Ay mabuti naman pala at sisikat naman ang haring araw. Magdala pa rin ng payong….hehe.

      • ah, nagkataon lang, Lo. naibaba pala lahat ng payong sa loob ng awto, patatawarin… sobra hong lakas ng ulan last Sunday – basa maski ang mga may payong – that bad… makulimlim pa rin ho. hellow!😉

      • Naku talagang palang di na iginalang ni ulan ang mga payong. Simula ng napatira kami dito eh pag sinabing may bagyo daw eh siguradong mahinang ulan lang iyon(ang hambing ko sa ating mga ulan). Ang 3 inches na tubig ay balita na…hehe.

        Nakow…sana hanggang kulimlim na lang naman iyan…pass muna ang malakas na ulan.

        Dito naman ngayon ay pwede pa ang isang tshirt sa gabi…kaya ayun friendly weder pa.

  4. ELIment says:

    noong bata ako. si tatay din ang nanggugupit sa akin. pero nung nagbinata si kuya at natutong manggupit siya na ang naging barbero ko.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s