Sunset

Muling ka na namang nagpapaalam haring araw

Sa isang magiting na pagdalaw

Magkasamang ikaw ay sinilayan

Hinintay at binantayan

Napakabuti mo haring araw

Lilisan ka upang sa iba’y dumalaw

Sa pag-idlip ng mata

Bukas ika’y muling makikita

Sa aking pananabik

Puso’y maghihintay sa pagbabalik

Hininga ko’y malumanay

Sa dagat Pasipiko’y tangay-tangay

Paalam haring araw

Habang pinagmamasdan ang sandaling pagpanaw

Isang pag-asa na may bukas

Sa paglisan mo’y nababakas

Pahinga ka na haring araw

Handa na si buwan upang hindi maligaw

Sa sandaling kadiliman

Ngunit taglay ang kaligayahan

“When I admire the wonders of a sunset or the beauty of the moon, my soul expands in the worship of the creator.” 
-Mahatma Gandhi

12 comments on “Sunset

  1. leandra says:

    lovely photos… nakakapagpakalma po ng isip at kaluluwa…. salamat po sa pagshare!🙂

  2. cheenee says:

    ganda ng mga picture lolo..:)

  3. CrazyFrog says:

    Gustong gusto ko po ang paglubog ng araw…Ang unti unting pagbabago ng kulay ng kalangitan.. Nakakalma…^_^ ganda ng kuha…

  4. hanggaganda ng pics, naman… talagang napahabi ng mga taludtod. hello, Lolo! good day po…😉

  5. bagotilyo says:

    nakakarelax ang picture at ang mga salita🙂

  6. Nice warm sunset shots!

    I am missing sunsets here now… Rainy season na po dito sa atin sa Pinas… Kung magpakita man ang araw, sa umaga lang, at kadalasan maulap at umulan sa hapon…

    • Maraming salamat Mark. Kapag nagbibisikleta ako sa tabing dagat ay laging bitbit ko ang aking maliit na camera. Walang editing ang mga pics na iyan kasi gusto kong maalala ang mga kulay ng paligid as it is.

      Ah oo nga talagang tiyempuhan ang makita ang magandang araw kapag panahon ng tag-ulan.

      Sa totoo lang ay nami-miss ko rin ang ulan. Mabibililang kasi sa daliri ang ulan dito sa aming lugar.

      Salamat sa pagbisita Mark.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s