About

Ako po ay isang nagsisimulang mag-blog pa lamang. Nagtrabaho sa gobyerno noong nasa Pilipinas pa. Nandito na ngayon nakatira sa US. Walang tambayan dito…kaya eto magblog ang naging tambayan.

Teka palawakin ko ng konti. Ang probinsya ko ay Laguna. Kaya nakapagtapos sa isang Mababang Paaralan. Sinuwerte ng konti dahil sa sipag ng magulang kaya nakapag High School sa ATENEO(pabulong…..de San Pablo…kinuha ng Obispo noong 1978 at iba na ang pangalan ngayon) sa San Pablo City. Nag-college sa FEATI U(san yun??hehe sa may tulay ng Sta. Cruz, Manila. Engineering po. Naka-graduate naman.

Unang trabaho Radio Technician, bago mag-gradute(working student), diyan sa kabila ng tulay sa Manila Post Office sa Lawton. Tumagal ng dalawang taon.

Lumipat sa Napocor dito na nagtagal at di naman nakoryente.

Dumating ang petition ng magulang…ayun kaya pinapunta ni Uncle Sam sa US.

Sana ay may mapulot kayo sa aking blog.Salamat po.

Proudly Pinoy!

80 comments on “About

  1. superlolongpinoy says:

    Actually I am not yet a grandfather. But at my age of fifty-two it is just so near. I love to write for my family. I will call this trip of mine…my trip for the second-half of my life…maybe call it my bonus years trip. This blog will be the venue for the beautiful stories of my life…of my journey in this world. Pictures and sketches will be a part of my blog. The beauty of my experiences and challenging events of my life. May this blog be a thanksgiving to the giver of my life…God.

  2. superlolongpinoy says:

    Salamat po sa 351(Aug 17, 2009) na bumisita sa site na ito. Maraming marami pong salamat.

  3. Nortehanon says:

    Magandang araw po.

    Maraming salamat po sa pagdalaw sa blog ko and for your kind words for my latest post. They are very much appreciated. Ikinagagalak ko pong kayo ay makilala kahit online lamang.

    God bless!

    • superlolongpinoy says:

      Your welcome Mis N. Nice meeting u din dito sa blogosphere. Patuloy akong bibisita at magbabasa sa mga posts mo.

      God Bless!

  4. tagamasid says:

    Magandang araw po sainyo. Napadaan po sa bahay blog ninyo, pakape naman hehe.

    Parehas pala kayo ng aking Tiyuhin sa FEATI rin kasi siya nagtapos, ayun saan-saan na napunta Seaman kasi.

    Tambay ako rito paminsan-minsan.

  5. superlolongpinoy says:

    Tuloy po at magandang araw din sa iyo. Walang kape po…meron lambanog…hehe biro lang…yan kasi ang pangmumog ng mga taga Laguna.

    O baka kasama ko pa ang Tiyo mo sa pagtambay sa ilalim ng tulay ng Sta Cruz.

    Oo welcome na welcome ang pagtambay mo tagamasid.

    Salamat sa pagbisita.

  6. lolo, dumaan po ako sa blog nyo…

    kaawaan po kayo ni Lord!

    regards po ke uncle sam!

    • superlolongpinoy says:

      Father salamat po sa pagbisita, napakasuwerte ko po naman at napadaan kayo dito…salamat po sa blessing.

      Idol ko po kayo dahil sa mission ninyo at sa pagiging active ninyo para ma-reach out ninyo po lahat ng tao…kasama na po kami na naandito sa blogosperyo.

      Haha…makakarating po kay Pareng Barak ang inyong pangungumusta…hehe.

      Daan po kayo paminsan-minsan…kahit alam kong napaka-busy ninyo.

      Salamat & Ingat po kayo lagi diyan…Someday sana ma meet ko kayo in person…God Bless din!

  7. superlolongpinoy says:

    Maraming salamat po sa 668(Sept. 7) na madalas bumisita at mga napadaan sa aking bahay.

    God Bless!

  8. naku, paki-add po ako dun sa visitors ninyo… will be a regular visitor…๐Ÿ™‚

    • superlolongpinoy says:

      CWW,

      Ay maraming salamat sa iyong pagbisita, it is an honor Sir, kayo din i-add ko, ang ganda ng iyong dalawang site, marami akong matututunan sa inyo. Ang galing ninyong magsulat at ang mga pictures ang gaganda. Based ka pala sa Cebu, once lang ako nakapunta ng Cebu, I still have some friends dyan sa dating Napocor, dun sila nag-office sa may Banilad.

      Sana kung may suggestions ka kung paano ko ma-improve itong site ko…sana matulungan mo rin ako. Dahil nga medyo nung nagsimula ako kasi akala ko personal journal ko lang ito…pero nung tumatagal ay ngayon ko rin lang na-experience itong sa blogosperyo. So iyon nga ngayon ang ginagawa ko tinitingnan ko kung paano ang pagsusulat ng iba. Salamat.

      Ingat lagi dyan & God Bless!

  9. darbs says:

    So dito nagtatago si superlolongpinoy. Bisita lang po lolo. Kung hindi ka pa nilagay ni Fr. Fel sa blogroll nya di ko mahanap hanap ang link mo. Napadaan lang.

    • superlolongpinoy says:

      Salamat Darbs sa pagbisita…talagang hinanap mo ang naka first base ha. Oo nga nakalimutan ni Father na ilagay ako sa blogroll niya pero ok na, baka sabihin ng iba ay haker ako ng base…hehe. Balik-balik ka lang sa munting bahay ng Lolo.

      Ingat & God Bless!

      • superlolongpinoy says:

        Darbs…i-add na rin kita sa blogroll ko. Salamat ulit.

      • darbs says:

        Superlolo, napadaan uli. alam mo na routine na yan. pabasa basa sa mga ka blagista baka may mga ideas na pueding nakawin. hehehe.

        salamat sa pag add mo. dahil active ako doon sa exodians blog doon ko na lang i-add ang superlolongpinoy. okey man sa iyo o hindi di kita mapipilit dahil i-add na kita.

        totoo hinanap ko ang first base dahil inaabangan kong talaga. kaya lang, well naunahan mo ako. kaya congrats. ganyan talaga ang buhay. try again next time.

        balik na lang uli.

      • superlolongpinoy says:

        Darbs,

        Haha…its an honor na napapadaan ka sa katulad kong baguhan sa blog. Ako ang kukuha ng mga teknik at stayl sa pag-blog sa katulad mong batikan na dito.

        It’s an honor agen na masama sa blogroll mo. Salamat! Dito ka rin pala sa US. And enjoy ako dun sa post mo kay Kurt Elling…Mahilig ako sa Jazz pero nalampasan ko yata si Kurt…kaya nire-review ko na ang music niya ngayon. Medyo namana ko sa Tatay ko ang Jazz ko from BigBand to Present na mga Jazz fusion….pero mas love ko sa mainstream jazz.

        So totoo lang di ko inaasahan ang mag first base kasi ang nasa isip ko ay Sept 12 pa(Sept. 10 pa kasi dito sa atin…ung post niya ay Sept 11), nalito nga ako…akala ko di pa dun sa post na iyon magbe-beys…kasi isip ko imposibleng wala pang nagsisimula sa pag-beys…tingin ko na-tsamba rin lang ako kasi bigla lang akong nag-online kay Father…oo ngayon ay excited ulit ako…sabi ko nga ay panalo na sa kasayahan sa palaro ni Father…oo try agen ulit tayo.

        Ako din babalik sa iyo sa exodians…off kasi comment dun sa kay Kurt..appreciate ko stayl niya.

        Salamat ulit!

  10. kaye says:

    hello, malapit nang maging lolo.๐Ÿ™‚

    naku, taga-laguna pala kayo. ako, sta. rosa, pero tubong calauan ang aking ina at sta. rosa namang talaga ang aking ama. ngayon, sa sta. rosa kami naka-base. dun nako nagkamalay at hanggang ngayon ay dun pa rin ako nakatira kahit may sarili nang pamilya. di naman nagkakalayo ang age nyo ng tatay ko. 54 na siya kaya mas tamang tatay ang itawag ko sayo๐Ÿ™‚

    ingat po kayo diyan!

    • superlolongpinoy says:

      Haha salamat Kaye…kabayan pala tayo…at puwede pala kaming magbarkada ng Tatay mo. Haha ok din ang Tatay…salamat. Bye muna mag-add ako ng kuwento ko dito bukas.

      Salamat & God Bless!

    • Teka Kaye…dagdagan ko ang istorya ko…

      Liliw ang bayan ko. Hanggang haiskul dito nakatira. College ay sa Manila na. Nag-asawa ng kababayan after college. Umupa ng apartment sa Sampaloc…mga 7 years. Nagkabahay sa TSora, QC…dito nakatira hangang bago pumunta dito. 3 ang bunga ng pag-iibigan namin.

      Siguro iisa ang mga type naming music ng Tatay mo…mga 60’s, 70’s & 80’s.

  11. Maraming salamat po sa 1,770(Oct. 14, 2009) na madalas bumisita at mga napadaan sa aking bahay.

    God Bless!

  12. Maraming salamat po sa 2,185(Oct. 26, 2009) na madalas bumisita at mga napadaan sa aking bahay.

    God Bless!

  13. J.Kulisap says:

    Hindi mo nabanggit ang kabuuang talambuhay Super Lolo.

    Ano ba ang iyong kapangyarihan at ikaw ay tinawag na super lolo…bukod sa nagpapaputok ka..ano pa?

    Magandang araw at paglalakbay sa ‘merika.

    totoo po bang maraming kano dian sa merika?

    • Haha…Salamat muna sa iyong pagdaan JKulisap sa aking simpleng bahay…kalaro nga pala kita sa laruan ni Padre.

      Teka bigla mo akong napag-isip sa iyong tanong…teka bakit nga ba ako Super Lolo…tama ka pumuputok pa naman paminsan-minsan.

      Para sa iyo sisimulan ko ng mag kuwento(sa susunod ha)…tama bitin yung kuwento ko sa buhay ko…ummm kasi akala ko nung nagsimula ako…mga anak ko lang ang magbabasa dito…yun pala may makakapansin.

      Naku JKulisap…ang Amerika…ewan ko..dun sa tanong mo kung maraming kano sa merika…eh kapag nagsisimba ako at nag-iikot ako sa pali-paligid dito ay mas maraming Pilipino…hehe ipapaliwanag ko nex tym ito ha JK.

      Salamat at Ingat & God Bless din dyan sa atin.

      Isama na kita sa blogroll ko ha para makabisita rin ako sa iyo.

  14. johnonline says:

    thanks thanks sa pag-add. i’m subscribing din po sa blog niyo. yung blogroll ko po kasi puno na. hehe magdelete nga ako ng mga walang kwenta…hehe

    • Salamat John…Teka gaano ka ba kabata? pakiramdam ko bata ka pa…tama ba ako…?

      • johnonline says:

        hulaan niyo? 20+ na me… pero malayo pa sa 30…

      • Oo nga bata ka pa John…kasing idad mo yung bunso ko…enjoy lang sa buhay muna…then kasi pagkatapos kailangan medyo seryus na kapag nagpamilya na.

        Dahan-dahan nakapag browse na ko sa bahay mo…buti ka ang galing mo sa Inglis….ako medyo hinahasa ko pa ulit ang Inglis ko. Gusto ko rin makagawa ng isang blog sa Inglis para ma reach ko rin yung iba.

        Matagal ka na rin pala sa pag-blog…ako sandali pa lang pero buti na lang kahit medyo Lolo na ay umabot sa pa-blag blag.

        Babalik ako sa bahay mo & Salamat…God Bless!

  15. orville says:

    lolo salamat sa very encouraging na comment sa blog ko… more power sayo… you have a very good and influential blog… God bless..

    • Salamat Orville sa pag-appreciate sa aking simpleng blag…ito yung ‘in my own little way’ na para mai-share ang aking simpleng buhay. Hamo Orville kapag normal na kami dun sa lilipatan na bahay ay makapag-ikot muli sa iyong blog….keep on blogging Orville.

      Salamat & muli God Bless!

  16. Maraming salamat po sa 4,060(Dec. 21, 2009) na madalas bumisita at mga napadaan sa aking bahay.

    Di ko po akalain na aabot sa ganito ang nagbibigay ng panahon at oras(o minuto) para sumilip sa bahay ng inyong Lolo. Muli salamat.

    Maligayang Pasko sa inyong lahat.

    God Bless!

  17. Hi! Pwede po ba makipag link exchange? Ang website ko po ay ito:
    URL: http://www.walakasaloloko.info
    Title: Sikat ang Pinoy – Wala ka sa LOLO ko

    Mangyaring paki-email po ako sa walakasaloloko@gmail.com para mabigyang pansin agad namin ang iyong mabilis na pag aksyon. Maraming Salamat!

    http://www.walakasaloloko.info

  18. Albert says:

    A good blog! Congratulations.
    If you are a poet, you can participe in a poetry project in Europe. You can write me!
    Best regards from Barcelona (Spain).

  19. themizpah says:

    superlolo pwede ko po ba kayong ma-add sa aking link?

    • Pasensiya ka na Mizpah ngayon ko lang nakita itong komento mo sa ‘about me’ page. Kahit fren na kita sa ngayon ay magpapasalamat ako sa iyo at talagang ikaliligaya ko na makasama sa link mo at ikaw rin sa akin.

      God Bless!

  20. Maraming salamat po sa 10,041(May 15, 2010) na madalas bumisita at mga napadaan sa aking bahay.

    Di ko po akalain na aabot sa ganito ang nagbibigay ng panahon at oras(o minuto) para sumilip sa bahay ng inyong Lolo.

    Muli salamat. God Bless!

  21. geylii says:

    hahaha ! i get it .. laguna ka po pala๐Ÿ™‚
    sayang nasa US kana po .. sta.cruz po ako ..
    mag kaka SM na po sa San Pablo hehehehe uwi na po kayo

    • Geylii salamat sa pagbisita.

      Oo dun kami sa maraming tindang tsinelas…at nagkakaroon ng Tsinelas Festival every year.

      Maraming memories pa rin sa akin ang Sta Cruz. Dyan ako unang nakapanood ng sine with my barkaba(sa Columbia…ewan ko kung buhay pa). Madalas every Saturday dyan kami namamalengke ng Nanay ko. Nung maganda pa ang BLTB bus ay dyan ako sumasakay kapag papunta akong Maynila.

      Naku at first news sa akin yang sinabi mo na magkakaroon ng SM sa San Pablo…meron ba sa Sta Cruz???alam ko may Mall dun sa may paglabas ng Sta Cruz pero di SM.

      Sige Ingat lagi & God Bless! Balik ka lang dito.

      • geylii says:

        wahahah ! wala na po ung Columbia cinema e, naging novo na po sya ngaun, department store po .. pati po un Laguna cinema wala na din po .. sayang nga e, dina uso un sine na may ka-double hahah!

        BLTBCo ? heheh wala na un eh pati Kapalaran bus station wala na po , HM Liners na po maganda un .. malinis
        dati mat St. Rose pa eh . meron parin po ata kaya lang marungis e . hahaha

        tapos po, sa Sta.Cruz wala SM dapat SM sa pagsanjan kaya lang si Ningning Lazaro gov. nun kaya d inapruv haha pano sya pala ang magtatayo ng Sunstar mall dun po sa gatid malapit sa Sambat ..
        haha!

        tanong ka lang po uupdate kita hahah . pasalubong lo paguwi ha ?:)

        LiLiw po kayo, tama ?

      • Haha nakakatuwa naman Geylii puro pala antik na yung mga alam ko dyan sa Sta Cuz. Salamat sa pag update.

        Oo sige pag-uwi..puwede na ba ang tsokoleyt?

        Tama Geylii..Ingat lagi kabayan dyan sa atin & God Bless!

      • geylii says:

        yehey! yehey! sige lo,. tsokolate !
        hmm , wala pong nuts or almonds ha ?
        hehe , ok lang po milk choco .. pero ok lalo kung dark
        hehehe ! lo! uwi kana๐Ÿ˜€

      • Ok yun dark choco…healthy daw yun.

        Ummm yun ang problema maghihintay pang makaipon at maka-tiempo ng murang tiket ang Lolo.

        Bigla tuloy nangarap ako ng pag-uwi…huhuhu…lungkot minsan dito kasi lalo na pagbalik ng lamig.

      • geylii says:

        haha . oo nga po kasi la ata un sugar, meron man onti lang po ..
        ay lo, mura bukas! inauguration discount daw po hehe . bili na ticket dali!

        lo, paguuwi ka ba mag sasabi ka ? baka naman maglihim ka para d mo bigay pasalubong mo huh ? hehe

        malungkot nga daw po jan. un mga wala jan gustong gusto naman, gusto mo lo, palitan tayo ? hehehe
        gusto ko kasi makaranas ng snow, puro lang kasi ako kinaskas na styro hahaha !

  22. jenny ann belmoro says:

    Anu poh Ang unAng pupunTAhan kPag gAgawA k Ng web Site……????

    • Hello Jenny. Salamat sa iyong pagbisita dito sa simple kong bloghay.

      1. Kung may email account ka na(ito ang unang hinihingi kapag nag-aapply sa mga libreng website).

      2. Mamimili ka na kung anong libreng website provider ang iyong gagamitin. Puwedeng WordPress or Blogger(i-google lang para mapuntahan sa Internet). I suggest para sa isang beginner ay okay maggawa sa Blogger, mabilis sundan ang procedures.

      Yan lang muna Jenny. Kung may katanungan ka pa ay ikagagalak kong mai-share ang munti kong kaalaman sa paggawa ng website. Email mo lang ako. Salamat.

      Ingat lagi & God Bless!

  23. Ar-Ar says:

    Padaan po! Na minss ko tong blog nyo!๐Ÿ˜‰

    • superlolo says:

      Hello Ar-Ar. Maraming salamat sa pagbisita.

      Ako ay medyo may kaabalahan kaya ayun di kapag-kapitbloghay. Musta na rin sa iyo.

      Ingat lagi & God Bless Ar-Ar!

  24. hello, lolo!

    parang ang simple ng ikinwento nyo… malamang kumplikado ‘yan sa totoong buhay, ahaha…

    matagal pala kayo sa napocor, aha. hala, mayaman kayo – hula ko lang. ๐Ÿ™‚

  25. Zyra says:

    Magandang araw po, wow ang ganda po pala ng inyong pinagdaanan๐Ÿ™‚
    Heee — salamat po sa pagdaan sa aking blog๐Ÿ™‚
    Add ko po kayo sa listahan ng aking mga kapitbahay na bloggers๐Ÿ™‚
    Salamat marami๐Ÿ™‚

    • Magandang araw din sa iyo Zyra(kahit mukhang may bagyo yata ngayon dyan). Medyo makulay nga ang aking buhay at patuloy pang sumusuong sa pagsubok…hanggat may buhay sa gabay ng ating Maykapal.

      Walang anuman Zyra, pasensya ka na rin at ngayon lang ako napadaan sa iyong bloghay.

      Hamo at magpapabalik-balik na rin ako sa iyong bloghay. Salamat at na-add na rin kita sa aking blogroll.

      God Bless!

  26. Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

    superlike ko po ito, superlolo. ganito din kasi ang principle ko sa buhay. i want to make the most of my short, borrowed life. kaya hangga’t may oras at kakayahan pa, i’ll do my best to make God happy and proud at para masabi ko sa huli i made my life worth living..๐Ÿ™‚

    • Salamat at nagustuhan mo rin ang aking patakaran sa buhay MrsGBP. Kapag yan ang patakaran sa buhay ay magiging ay hindi na magiging ‘life is short’ kasi mapupuno na ng mga importanteng bagay ang buhay. At sabi nga..”this is the day that the Lord has made, let rejoice and be glad in it”. Regalo ang bawat araw mula kay Lord, i-enjoy natin ang mga regalong ito lalo na ang ating buhay. At Amen sa iyong mga sinabi & God Bless!

  27. mrbeancent says:

    Sa FEATI ka pala? Anong engineering ka? Hehehe! Pangarap ko ring makapunta sa ibang bansa.

    • Oo Feati…noong araw sabi dun sa poster sa may tulay ng Sta Cruz ay ‘Look Up Young Man, Look UP’

      ECE ako batch 78. Marami nang pagkakataon ngayon para makarating sa ibang bansa. Ako di ko akalain

      na makakatira pa sa ibang bansa.Salamat sa pagbisita.

      Ingat and God Bless!

      • mrbeancent says:

        Wow ECE. Ako naman COE. Oo nandoon pa yung message na, ‘Look Up Young Man, Look Up.’

        Graduating na ako this school year.

        Godbless rin lolo. Hehehe!๐Ÿ™‚

    • Wow congrats BeanCent…graduating ka na pala. Ano ba tawag sa atin ‘Featinians’?

      Nanumbalik tuloy ngayon sa aking alaala ang buhay-buhay at iskul bukol ko sa Feati. Hayyy 1973 noong pumasok ako dun. Ibang-iba ang buhay noon, pero sa awa naman ng Diyos ay nakaraos ng maayos naman sa loob ng limang taon. Miryendang sagimis lang araw-araw sa labas at basa ng komiks kapag naghihintay ng klase. At yun nga sa hirap ng buhay ay nag-working student na ako noong fourth yr. Ayun tuloy-tuloy na ang trabaho.

      Nakita ko sa listahan ng PRC examiner sa ECE ngayon ay dati kong kaeskwela si Joel Bajador.

      Sa hirap ng ECE noong araw, seven subjects yata ang exam noon. Hindi ko yun nalusutan. Dahil sa experience ko sa trabaho ay nakakuha ako ng exam sa Electrical…kaya ngayon ay registered EE ako. Ang gulo ano?…hehe.

      O sige kwentuhan ulit tayo next time.

      Ingat & God Bless!

      • mrbeancent says:

        Mali ata ang interpretation mo. Hindi ako taga-FEATI. Malapit lang kasi school namin doon. ANg pinagkapareha lang natin Lolo ay pareho tayong Engineering students.

        Parang kaunti na nga ang estudyante ngayon ng FEATI, di tulad dati na yun raw ang nangunguna pagdating sa Engineering.

        Magandang araw! Padaan lang.

      • Ah okay sensya na BeanCent. Pagbutihin ang pag-aral…malapit ka ng maging Engr BeanCent. Tama ag sinabi mo…noong patapos na kami ay parang humihina na nga ang standing ng mga graduates ng FEATI. Salamat at magandang araw din.

        Happy long weekend dyan sa atin. God Bless!

      • mrbeancent says:

        Yes! Oo nga long weekend! Happy halloween Lolo!๐Ÿ™‚

  28. hala, Lolo, nagpalit kayo ng theme. ang ganda ng larawan ng SF bridge sa itaas, kayo na… btw, dati ko pa hong sinusubukang maglagay ng ganyan, di ko magawa. turuan nyo ako, pag may libre kayong oras, hehe.

    hope the new season is treating you kind… malamang, sarap mamasyal dyan ngayon – senti-senti, picture-picture, lol.

    happy Sunday, superlolo…๐Ÿ˜‰

    • Haha at napansin ko kapareho pala ito ng sa iyong 35andup…salamat.

      Nag-email ako sa iyo para dun sa paglalagay ng pic sa background ng title.

      Sa ngayon(oct 29) ay nagbago na ang panahon…pahinga na muna sa pasyal.

      Musta na rin dyan San.

  29. olops001 says:

    Curious lang po bakit po blog ni Lolo name ng blog mo?

    • Hello Olops salamat sa pagbisita sa aking munting bloghay. At salamat din sa iyong tanong….ahhh Blog Ni Lolo ang naging titulo kasi almost ay Lolo na ako…waiting ng apo ika nga. Nais ko lang ipakita sa ibang medyo nagkakaidad na rin na okay lang magblog kahit Lolo o Lola na. Masarap mag share ng buhay=buhay. Bibisita rin ako sa iyong bloghay. Ingat lagi & God Bless! Salamat muli.

  30. binky says:

    kala ko ako na na ang pinakamatandang nagbloblog dito sa WP.. mabuti na lang meron pang higit na nakatatanda sa akin..๐Ÿ™‚ hehehe
    nakidaan nakibasa at nakifollow na din.
    gandang araw!

    • Maraming salamat Binky sa pag follow sa aking munting blog at pagbisita.Haha…kaya Blog ni Lolo…aminadong matanda na. Ako makikibasa rin sa iyo…kaya ayun isinama ko na sa blogroll para makabsita muli sa iyo. Medyo makupad lang ang LOlo sa pagbloghop. Gandang araw din and God Bless!

      • binky says:

        wag mag-alala ako’y medyo mabagal din.. pag medyo maluwag lang ang sched.. kaya babalik balikan mo ang mga nakalipas mong mga post. salamat din sa pagbisita!๐Ÿ™‚

  31. Sachi says:

    Hi superlolo! Nais ko lang sabihin na labis akong natutuwa at humahanga dahil kahit nasa estados unidos ka na, hindi mo nililimot ang ating bansa. Nakakatuwa na sumusulat ka pa rin dito gamit ang ating wika. Daig mo pa ako, lahat ng post ko ay Ingles. Pero dahil ako’y napahanga sa’yo, susubukan kong magsulat gamit ang tagalog paminsan-minsan. Salamat sa pagbahagi mo ng iyong buhay dito sa blog๐Ÿ™‚

    • Maraming Salamat Sachi sa pagbisita sa aking mumunting blog. Maraming salamat din at nagustuhan mo ang mga sinulat ko sa ating wika. Medyo kinakapos na rin ako ng sinusulat pero
      hamo Sachi magiging inspiransyon din ang iyong mga sinabi para makasulat pa ako sa ating wika. Bibisita rin ako sa iyong bloghay. God Bless!

  32. yashikibuta says:

    Ang bongga ng LOLO ko!! panalo! Love seeing other Pinoy bloggers from all over the world. naiibsan ng konti ang pagka lungkot tuwing nakakakita at nakakapag basa ng mga blogs ng ibang kabababayan. Mabuhay ka LOLO๐Ÿ™‚

    • Maraming salamat Yashie. Ay tunay ang sinabi mo nakakabawas ng lungkot ang makasalimuha sa mundo ng blogging ang ating mga kababayan. Salamat din sa pag follow sa aking mumunting bloghay. Ako’y magpapasilip-silip din sa iyong bloghay. Musta na lang sa iyo kabayan. God Bless!

  33. yashikibuta says:

    Lolo, you don’t know how much you “By to a blogger friend” post has opened my eyes. here is my way of saying thank you http://yashikibuta.wordpress.com/2013/06/23/thank-you-2/

  34. Doctor Eamer says:

    Hi there Lolo!๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s