Paghahanda

Kabi-kabila ang mga likas at gawa ng tao na mga kalamidad na nangyari sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Salamat na lang kung nasa mabuti tayong kalagayan sa ngayon. Ngunit maaaring dumating ang isang kalamidad o kagipitan(emergency) nang walang pasabi na nangangailangan ng isang aksyon na may paghahanda.

Kadalasan ay napakabilis ng mga pangyayari na ilang segundo o minuto lang ang hinihingi upang magawa ang dapat gawin. Ang laging kong paalala sa aking mga mahal sa buhay kung sakaling nalalagay sa isang emergency ay isipin muna kaligtasan ng sarili lalo na kung nasa ibang lugar. Na kalmahin muna(ng mabilisan) ang sarili sa mga panahon ng emergency upang maging maayos ang mga desisyon at aksyon. At kung may panahon pang tumulong sa iba ay gawain ng maayos lalo na para sa matatanda at bata.

Kung may pagkakataon naman at may panahon pa upang makalayo at makalikas sa kinalalagyan lalo na kung nasa tahanan o bahay ay dito makakatulong ang mga paghahanda. Kasi kadalasan dahil sa malawak na epekto ng kalamidad ay maaring maging matagal dumating ang tulong. Kaya kailangang gumawa ng paghahanda

Ang sabi nga nung bata pa ay laging handa…parang boy scout. At natatandaan ko pa ang ilang natutunan nung naging miyembro ako ng Fire Brigade dun sa dating kong pinatrabahuhan. Ang isang di kinakalimutan sa aking natutunan ay kung pumapasok ako sa isang establismento o gusali(building) ay inaalam ko agad kung saan ang mga Fire Exits. Malaking tulong na maging may kamalayan sa paligid lalo na kung may mangyayaring kagipitan o emergency. Isa lang ito pero maaring makapagligtas ito ng sarili at ibang buhay.

Nabalitaan ko nga yung isang pamilya na nasunog sa kanilang bahay sa Quezon City. Naaalala ko nuon na naggagawa ko ng fire drill nuon sa aming bahay(kahit maliit lang bahay namin). Kung paano lalabas sa bahay. Madalas kasi sa kabiglaanan ay di alam ang gagawin. Isang paalala ito na puwedeng makapagligtas ng buhay lalo ng mga mahal sa buhay.

Dahil naandito kami sa lugar na puwedeng bisitahin ng mga lindol ay ganap na paghahanda ang kinakailangan. Unang taon ko pa lamang dito ay natutunan ko na ang maghanda para sa isang emergency. Ang aking mga suhestiyon ay puwede rin kapulutan ng iba upang magkaroon ng sariling paghahanda.

Mga bagay-bagay o items na inilagay namin sa isang lugar(sa labas ng bahay) na tinatawag namin na Basic Emergency Supply Kit.

Ang nilalaman ng Basic Emergency Supply Kit ay ang mga sumusunod:

1. Tubig, isang galon bawat tao bawat araw na puwedeng tumagal ng tatlong araw. May tubig din kami sa mga drums para sa sariling kalinisan.

2. Mga delatang pagkain, na tatagal sa loob ng tatlong araw. Kailangan dito ang can opener.

3. Radyo, iyong de baterya. Upang malaman ang mga pangyayari sa kapaligiran

4. Flashlights, na may pasobrang baterya.

5. First Aid Kit at tools na puwedeng gamitin na pampihit(para isara) katulad ng sa gas.

6. Mga ilang makakapal na damit(lalo na kung nasa malamig na lugar). Mga pampalit na mga damit.

7. Tents, kailangan lalo na kung nasira o delikado ang bumalik sa bahay.

8. Kandila at posporo(matches) na nakabalot sa plastic upang di mabasa.

 

Dagdag na paalala:

1. Palagiang ayusin ang mga importateng papeles na nasa isang laglagyan at lugar. Na puwede kaagad bitbitin sa panahon ng emergency. Ipaalam din ito sa mga kasamahan sa bahay.

2. Mga gamot na madalas na ginagamit. At kung gumagamit ng salamin(eyeglasses) ito ay mahalaga lalo na ang mga pambasang salamin(reading glass).

3. Kung may baby pa na kasama sa bahay. Ipaghanda ang ilang gamit o pagkain na kakailangin para sa ilang araw.

 

Sa susunod ngang mga araw ay muli naming titingnan ang kalagayan ng aming Basic Emergency Supply Kit. Maaaring palitan namin ang stock na tubig dahil matagal na iyon at maaring iba na ang lasa dahil nakalagay sa plastic. Titingnan din ang kalagayan ng mga delatang pagkain.

Ilan lang ito sa aming paghahanda. Kung may naisip ka  rin kaibigan ay baka puwede rin na maibahagi.

Kung di ka pa nakapaghanda ay baka puwede na rin mag-isip na babagay na paghahanda na babagay sa iyong kinalalagyan.

Ang sabi mga madalas ay “The Life You Save Maybe You Own.” Mas maganda kung kasama rin mailigtas ang iba. Huwag na sanang maghintay na iba pa ang kumilos. Kung kailangang paalalahanan ang buong pamilya ay malamang di naman ito makakasama upang maging handa.

 

 

 

Advertisements

How to live your Life

“”People may not remember exactly what you did or what you said,…but they will always remember how you made them feel””

Life is very short, so break your silly ego, forgive quickly, believe slowly,
love truly, laugh loudly & never avoid anything that makes you smile.

When I woke up this morning lying in bed, I was asking myself;
What are some of the secrets of success in life?
I found the answer right there, in my very room..

Carry a Heart that Never Hates.

Carry a Smile that Never Fades.

Carry a Touch that Never Hurts.

Fake virus alerts

Tutal napapag-usapan ang tungkol sa security.

Gusto kong i-share itong one-month old na na-experience ko sa laptop namin.

Kung sakali na makalusot din itong virus  sa inyong computer ay alam ninyo ang gagawin at kung paano siya tatanggalin.

Dahil ang dami nga pong virus na ginagaya ang tunay na mukha ng mga ligitimate na screen o display. Medyo sana mabilis tayong makiramdam na kung itong pop-up na display ay totoo ba o fake?

Ganito yung unang mukha ng lumabas na fake virus alert

Fake_antivirus_1

Tapos susundan ng mukhang ganitong display, yung may mga sinasabi na maraming siyang nakitang virus.

Fake_antivirus_2

Sa unang tingin ay parang totoo, pero tingnan mabuti at huwag pipindut ng kung ano man sa loob ng fake na display. Kung maki-click ang close button ay mabuti, ngunit yung pumasok sa akin ay hindi, at dahan-dahan ng bumabagal ang computer.  Kasi kung maisasara siya, puwede pang magpatakbo ng antivirus/anti-malware/anti-spyware…mag-scan tapos siyempre i-delete. Pero matindi yung nakapasok dahil hindi na mapagbukas ng kahit anong program. Halos nakatigil na ang computer…sobrang bagal na.

Ang una kong naisip ay magtanong kay Mr. Google(ayan ang term namin nuon sa opis na kapag may kakaibang problema ay i-search agad sa Google).

Yung nga isinulat ko ang description ng aking nakikita sa display at dami palang ganito na nangyayari sa mga computer. Kaya lang ang dami nilang mga suggestions at mga solutions. Marami po mga suggestions sa mga forums tungkol sa ganitong problema pero ingat din po at kailangan din maintindihang mabuti kasi gawin lang yung kayang gawin dahil delikado rin po kung di sigurado o reasonable ang ipinagagawa. Dahil wala naman akong mapapagtanungan…eh pumili na lang ako ng isang suggestion na solution na di delikado at hawig na hawig sa aking problema. Kailangan ding makita sa mga forum kung successful ang ginawa na solution.

Ito ang aking solution na ginawa na mula din sa mga trusted blogs and websites.

–Dahil nga no-choice na ko kasi yung program na pang-scan ng virus ay ayaw ng tumakbo dahil sa tindi ng virus na pumasok.

–Kailangan ng i-restart, then pindot sa F8 para sa Safe Mode ay hindi na tatakbo ang ilang programs. Kailangan magawa ang System Restore. Ang idea kasi dito ay maibalik sa maganda at malinis na computer data at ito ay iyong nakaraang araw o mga araw.

Naito ang definition ng System Restore:

A Windows utility allowing a user to restore their computer data to a specific former state, or restore point, undoing changes made since that time. System Restore periodically creates automatic restore points to protect data from unexpected problems.

Kaya ang ginawa ko ay ibalik ng isang araw, kasi sigurado naman ako na one-day before ay wala namang ganitong problema. Ayun nga naibalik na sa malinis…sa walang ng pop-up na fake virus alerts.

Pero para sigurado ay nagpatakbo na ako ng panglinis pa rin ng virus ang Malwarebyte’s Anti-Malware.

Simula naman nuon ay hindi na bumalik ang fake na virus alert.

Ganito ang mukha ng legitimate microsoft security center.

Legitimate MS security

Kayo po ang nakaka-alam sa mga dapat gawin sa inyong computer. Marami po paraan para malaman ang problema at solusyon. Ang akin pong experience ay maaring di katulad ng inyong problema. Kung di sigurado…Magbasa o magtanong muna bago gumalaw sa computer.

Kung gagawa po kayo ng System Restore…magbasa po sa mga trusted websites.

Kung may napansin po kayo na mali, ay ipaki-tama lang po.

Nais ko lang po makatulong sa iba.

Paano ingatan ang email account – 1

Paano nga ba iingatan ang email account natin?

How to protect you email accounts?

Ang daming ganitong articles sa Internet kaya lang ako man simula ng gumamit ako ng aking email ay tiwalang-tiwala naman ako na kayang protektahan ito ng provider ng account at ng kung anu-anung anti-spam at anti-virus sa loob ng computer.

Pero yun nga kung iisipin natin na parang bahay natin ang email na may mahahalagang bagay sa loob ay talagang gagawa tayo ng paraan para bigyan pansin na pahalagahan ang seguridad ng ating email account.

Sabi nga ng iba kahit sobrang tibay na ng mga seguridad sa bahay at may maiiwang isang pinto o bintana na bukas ay talagang makakasingit ang magnanakaw…ganun din ang paggamit ng email, may mga seguridad ito sa paggamit at sa gumagamit.

Kaya nga nang nauso ang mga virus…kapag nasa loob na siya ng inyong bahay o email ay dun na siya magsisimulang gumawa ng di maganda sa loob ng computer na madalas sa email siya nakakadaan o sa mga galing sa pinupuntahang website sa Internet.

Mga basics lang itong tips ko at maaring marami nang nakakaalam…pero para rin ito kay Tatang at Nanang…kay Lolo at Lola…

Kung ang mga sulat sa Post Office ay nabubuksan para makuha ang mga perang nakasingit ay halos ganito rin ang balak ng mga nagbubukas ng email na walang pahintulot…may mga nais silang makita sa loob ng mga email…puwede ito mga account sa bangko, PIN number ng mga ATM card…

Ang mga tips ko ay napulot ko rin sa pagbabasa ko sa Internet at ito rin ay sa aking sariling paggamit ng email at Internet.

Sigurado ako lahat ng makakabasa nito ay may email account.  Ito na talaga ang in-na-in sa lahat ng tao maliban sa cell phone.

Sa ngayon ang sabi nila sa Internet ang pinaka-safe daw na email account ay ang mula sa Gmail. Pero dahil sa nauna ang Yahoo, yun nga napakarami ng may Yahoo email account.

May nabasa ako sa Internet na ang suggestion niya ay dalawa hanggang tatlong email accounts.

Yung isa ay puwedeng yun ang primary na email account…na kung saan ito ay gagamitin sa mga importanteng bagay…pagsulat sa pamilya/kamag-anak/kaibigan(trusted friends), paggamit sa mga bank/credit card accounts, mga transaction sa business at pang-apply sa trabaho. Nasabi ko na primary email ito kasi malamang yung email username dito ay may initial, first name, or surname ng may ari kasi mas pormal ito kaysa mga username na di maintindihan. Ito yung mga email address na inilalagay sa mga calling card.

Yung pangalawang email account, ito naman ang puwedeng pambigay sa mga nakikita sa mga website or sa mga social networking na website. Puwede itong email na walang mga mahahalagang transactions. Kasi kapag naka-expose ang email, dito na po papasok na ang mga spammers(mga gumagawa ng spam). Ipapaliwanag ko ang spam sa susunod po.

And siguro ang pangatlong email account ay para naman sa mga may blog…siguro puwede rin ang 2nd email account.

Siyempre kung may email address, siguradong may password. Sa dalawang ito ang pinakamahalaga ay ang password…ito ang susi sa pinto ng iyong bahay o susi para mabuksan ang email account kahit saan lupalop ka ng daigdig na may koneksyon sa Internet naandoon…yung nga mga Astronaut  sa buwan ay nagagamit  ang account nila sa Twitter. Kung password ang susi mas maganda ay talagang maging mahirap ito na makuha o mahulaan ng iba. Ang isang example dito ay kay Senator Palin ng US na kaylan lang ay nabuksan ng iba ang kanyang email…kasi gumamit siya ng mga words at numbers na related sa kanyang buhay.

Ang sabi nga unang-una ay huwag kayong gagamit ng word na nasa dictionary. At kung pinapayagan ng email provider ang special character ay ihalo ito kapag gumawa ng password. Medyo habaan na ninyo ang password kung 12 characters ang allowed ay i-maximize na ninyo( or kung mahirap mag-memorize siguro puwede na ang 8 characters ang minimum). Basta haluan ito ng mga letters(kung allowed haluan ng capital letters) and numbers. Sana huwag yung numbers na related sa iyo…ang halimbawa dito ay zip code, birth month and birth date in numbers…

Kung maaari ay magpalit ng password every 90 days. Kung Yahoo account kayo ay nasa My Account ito.

Yung mga secret questions para sa email account kung maari ay gumawa ng sariling tanong at yung sagot na medyo ikaw lang nakakaalam o mahirap hulaan. Puwede ring ang sagot ay sagot na hindi matino…basta may sagot na ikaw lang ang nakakaalam…kailangan kasi ito kapag nagkaproblema ang email account.

Yung sa Yahoo Mail options…mas maganda kung naka-ON ang SPAM guard…i check lang ang Automatically send suspected  spam to my spam folder. Sa akin ay naka select din ang Show images only from my contacts.

Ano nga ba ang SPAM? Ito ba yung masarap na palaman sa breakfast?…hehe. Ito po yung sangdamakmak na mga messages na pumapasok sa inyong email…wala po itong paki-alam sa may ari ng email…basta papasok siya un-invited sa iyong messages. Hindi po galing sa mga legitimate na kompanya ang mga messages ng email spams.

Pag-aralan nating mabuti ang ating bakuran…ang ating email account, may mga features ito na puwedeng madepensahan ang puwedeng mangulit sa email account.

Mabilisang notes po muna(ipapaliwanag ko po sa susunod kung bakit):

1. Kung may napansin na kakaibang email message…na di kilala…kung maari ay wag ng buksan…i-delete o i-tag na spam.

2. Kung hindi sinasadyang nabuksan ang isang spam message…i-delete na agad at huwag sagutin ang UNSUBSCRIBE..kasi madalas ito ang nangunguha ng details ng email address na gagamitin ng spammers.

3. Iwasan po ang sumama sa agos…lalo na ang mga email message na nagsasabing mamalasin kapag hindi nag-forward sa sampu o 12 na tao. Pag-aralan mabuti ang email message…puwede dito rin dumaan ang mga nangunguha ng email address para sa mga spam messages.

– – – ang tama po kasing pag-forward ng email messages ay ang burahin ang mga address ng pinanggalingan(lalo na yung mga messages na hindi kailangang makita ang pinanggalingan ng message)

4. Kung magpapadala po tayo ng email sa mga di magkakakilalang tao, gamitin po ang BCC(Blind Carbon Copy)…wag po ang CC(dito po bumabasa ang mga spammers ng mga email address)…at dun sa TO..dito ilagay ang email ng nagpapadala ng email message.

Kasi kapag nakuha ng mga spammers ang email address ay puwede na dito magsimula naman ang mapag-aralan ang password ng email.

Yan lang po muna at talaga po na marami pang puwede gawin para mag-ingat.

Basta wag po kakalimutan na malawak ang Internet…hindi natin alam na may sumisilip pala sa ating email account…

Nasa atin din ang pag-iingat ng sariling bakuran…lalong-lalo na yung pagkatapos sumilip ay tuluyang ng papasok sa ating bahay o email account.

Talagang parang gubat kapag pumasok sa Internet…maganda talaga ang purpose ng Internet…kaya lang katulad ng kutsilyo…ang kutsilyo ay ginagamit sa ating pagluluto…kaya lang nagagamit ng iba ito sa masamang bagay.

Kung may nakita po kayong mali sa nasabi ko, ipakitama na lang po. Hindi po ako eksperto sa mga bagay na ito. Gusto ko lang po makatulong sa iba.

Kung gusto pa ninyong magbasa ng magandang article se email security na nabanggit din ni Prinsesa ng Drama. ( here )