Umaga Na Naman

Umaga na naman.

Ang hirap gumising…malamig kasi…hayy parang Baguio ang klima…masakit ang katawan sa magadamag na pagkabaluktot sa ilalim ng makapal na kumot…nakakatamad pero eto at naisipan ko muli na magsulat sa aking blog.

Kay tagal ko nang binalak bumalik sa pagsusulat pero buti naman at muli naman na sinipag ang aking mga daliri at isip. Kay dami nang nangyari sa aking buhay…kaya salamat sa Diyos at naandito pa rin ang Lolo. Sana ay magtuloy na muli ang aking sipag sa pagsusulat…pero pangalawa ay nagpapasalamat ako sa nagbabasa at napapadaan sa aking mumunting bloghay na ito…God bless you all always!

Hayyy buhay sabi nga ng mga tambay sa isang kanto sa Pinas…at dati rin ako isa sa mga tambay na iyon. Hayyy buhay….25 days na lang ay Pasko na…hayyy kay sarap maghintay sa pagdating ng Pasko 2017…ang sabi nga ng mga announcer sa radyo…sana daw ay araw-araw ay Pasko. Ummm sana nga pero parang mahirap din yata…pero alam ko na mabilis naman iyan kung di naman materyal ang pinag-uusapan…ang pagmamahalan at pagbibigayan ay sana araw-araw nga…di lang sa isang araw ng Pasko…ayyy kay saya ng paligid talaga.

Ang sabi din ng iba ay para lang sa mga bata ang Pasko….ayyy di ah…at dahil senior citizen na ako ay lalo akong umaasam ng masayang selebrasyon ng Pasko…pero kung sa isang bata ay laruan at candy(sabi nga sa isang kanta) ang nagpapasaya sa kanila…tingin ko sa isang Lolo ay masayang pagsasama ng isang lumalaking pamilya…at pagsasalo-salo sa masarap na kainang Pinoy…”Lolo iyong senior card po ninyo…ihanda na malapit na ang bayaran.”

Kababalik ko lang mula sa Pilipinas at tunay na super saya ng mga Pinoy sa kanilang paghahanda sa darating na Kapaskuhan. Iba talaga ang Pinoy…kahit may konting problema sa buhay sa pali-paligid ay di puwedeng maiwan sa Pasko at nakita ko ito sa kay dami ng tao sa mga Mall at lalo siguro kakapal ang mga taong namimili at kumakain sa papalapit na mga araw ng Pasko. Pero wala iyong traffic at siksikan sa mga Pinoy..masaya talaga sa Pinas at ang Paskong Pinoy.

16 days na lang ay simbang gabi na…hayyy nakaka-miss naman ang bibingka at puto-bungbong pagkatapos ng Misa.

O sige sana ay maging super saya ng paghahanda ng lahat sa darating na Kapaskuhan…saan man tayo sa panig ng mundo naroroon.

Kapag may Diyos ay may pag-asa!!

Merry Krismas and A Hapi New Year!!

God Bless You all always!!

Advertisements

Masaya Sa Pilipinas

“It’s more fun in the Philippines!”

May pumupuri at may mga negatibong reaksyon sa nabanggit na bagong advertisement para sa pagpapalawig ng turismo sa bansang Pilipinas.

Kung ako’y tatanungin…yan na rin ang isasagot ko sa magtatanong. Tunay na mas masaya sa Pilipinas.  Palagi ko naman iyang nasasabi sa aking mga nakakausap sa aking lugar ngayon at sa aking matagal na paninirahan sa ating bansa. At hindi maikakaila para sa akin ay ang magagandang pag-uugali ng mga masayahing Filipino ang tunay na nagpapasaya na kasamang nakikita sa mga magagandang lugar na puntahan sa Pilipinas.

Bilang isang Pinoy ay inaaamin ko na marami rin ang mga negatibong kuwento, komento at nangyayari sa ating bansa. At nakikita ko rin ang mga pagkukulang kung turismo ang pag-uusapan. Ngunit hindi dapat masira ang napakaraming magagandang katangian at makikita sa Pilipinas ng mga pasulpot-sulpot na mga negatibong pangyayari sa ating bansa. Umaasa ako na balang araw ay magiging maayos din ang mga negatibong nakikita sa Pilipinas.

Marami na rin akong napuntahang iba’t-ibang lugar at masasabi ko na iba’t-iba rin ang mga ekspiriensya sa mga  bansa na iyon. Bilang Pinoy ay tunay na namamangha ako palagi sa mga magagandang lugar na aking napuntahan sa ibang bansa katulad ng iba’t-ibang lugar sa Amerika, Vienna(Austria), Hong Kong(Asia), at Macau(Asia). Kaya para sa akin ay parang masasarap na pagkain ang mga lugar na ito at ibang luto ang Pilipinas.

Para sa akin ay napakaraming lugar sa Pilipinas na kapuri-puri lalo na sa mga probinsya. Sana lamang ay hindi maging pangkalahatan ang mga negatibong komento na  nangyayari at nakikita sa Metro-Manila at ibang lugar.

Personal na nakita ko ang pagkagalak sa Pilipinas ng apat naming bisita na mga Singaporeans noong nakaraang Disyempre 2010(unang bakasyon ko sa Pinas). Masasabing wala sa kalingkingan ng bansang Singapore ang Pilipinas kung pag-uusapan ang turismo pero sa ilang araw nilang itinigil sa Metro-Manila ay halos wala akong narinig na reklamo sa kanilang pamamasyal bilang turista at nagsabi pang muli silang babalik.

Nagsasarili lamang sila sa kanilang pamamasyal sa Metro-Manila. Nakakarating sila sa Makati at Ortigas sa pamamagitan ng MRT. Minsan ko lamang silang nakasama noong ipasyal ko sila sa Fort Santiago at Luneta. Namangha sila sa mga kuwento at pangyayari sa nakita nila sa Fort Santiago lalo na ang kuwento ng kabayanihan ni Jose Rizal. Lubos nilang nagustuhan ang pagkain ng mga street foods na nakita  nila sa pamamasyal sa Luneta katulad ng balot, hilaw na mangga na may bagoong, fish balls, at inihaw na pusit. Tuwang-tuwa rin sila sa nakita nilang masasayang Filipino na namamasyal sa Luneta sa harap ng Grandstand(na alam nilang doon naganap ang isang hindi magandang pangyayari). At siyempre hindi rin nila makakalimutan ang iba’t-ibang Filipino restaurant na tunay naman nilang nagustuhan ang mga luto sa kabila nang murang halaga.

Pauna pa lamang ito kung bakit nga ba mas-masaya sa Pilipinas(may susunod pang akda). Pag-uusapan din natin sa susunod ang kasagutan sa isang tanong na kung bakit ba masayahin ang mga Pinoy sa Pilipinas na para sa akin ay siya rin ang kinagigiliwan ng mga turista.

Sana lamang bilang isang Filipino ay mas maraming tayong masabing maganda sa ating bansa kaysa sa mga negatibo.

At sana rin ay maging kaisa tayo sa ikagaganda at ikakaunlad ng Pilipinas…ang ating bansang sinilangan…’in our own little way’.

– – – – – – – – – – – – – –

“Travel and change of place impart new vigor to the mind. ” ~Seneca

Halo-halo

Halo-halo…yan ang hinahanap namin ngayon dito.

Kung turista ka mula sa Pilipinas at nagbabakasyon dito ngayon sa amin ay malamang maitatanong mo na…”akala ko ba malamig sa Amerika?”. Ay sorry…nawala ang lamig ngayong linggo na ito. Tunay na Pinas kami ngayon dito at maghapon at magdamag tumatakbo ang electric fan(walang aircon po kami).

Ilang araw na sumumpong ang mainit na klima dito sa amin. Ang tawag daw sa klima na iyan ay ‘Indian Summer’.

Ang sabi ang ‘Indian Summer’ daw ay…

An unseasonably warm, dry and calm weather, usually following a period of colder weather or frost in the late Autumn (or in the Southern hemisphere, where the term is less common, the late Spring).

At ang paliwanag naman mula sa Wikipedia( pls. click here).

Dahil baguhan din ako dito sa bayan ni Ankel Sam ay nakiki-Indian Summer na rin ako…ahhhh basta ang alam ko ay maiinit at kakaiba talaga ito sa ordinaryong init dito. Tulo talaga ang pawis sa kili-kili kahit di ka gumagalaw. At naghahanap ako ng halo-halo. Pero dahil malayo ang bilihan ng halo-halo…ay pwede na ang kahit anong ice-cream.

Naito sa ngayon ang klima sabi sa balita.

Continue reading

Bloggers, People, Travels, and Foods

Ang aking simpleng bakasyon sa Pilipinas.

Konting Kain…Konting Pasyal sa SM North at Tinoma…Konting Inom at maraming kuwentuhan with Miss Salbe and Tars.

Pagbisita sa aking sinilangang bayan sa Laguna.

Organic Farm ng aking kapatid sa Laguna.

Sandaling pagbisita sa Ilog Maria(Bee Farm) sa Silang, Cavite.

Sa Centris Sunday Market(EDSA corner Quezon Avenue). Every Sunday ay naandito kami upang matikman ang iba’t-ibang mga masasarap na pagkaing Pinoy. Di na kailangang bumiyahe pa ng malayo upang matikman ang mga sari-saring pagkaing Pinoy.

Mga pagkaing Pinoy na Pinoy.

Enjoy ako sa unlimited rice…hehe.

Di masaya ang kuwentuhan kapag walang konting inuman.

….hanggang sa paborito kong lambanog.

….at konting kantahan.

 

“The World is a book, and those who do not travel read only a page.”–St. Augustine

“If the divine creator has taken pains to give us delicious and exquisite things to eat, the least we can do is prepare them well and serve them with ceremony.”–Fernand Point

“A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out.”–Walter Wichell

Sa muling pagkikita mga kaibigan. Salamat!

At ang sabi nga ng isang blogero…

“Why did the chicken cross the road? So that bloggers can blog about it.”

Enjoy Life…Keep on blogging!

I’m dreaming of a Pinoy Krismas

Mula sa saliw ng pamaskong awitin na ‘White Christmas’ ay lubhang naaalala ko ngayon ang Paskong Pinoy. Kaya naisipan kong isalin sa sariling nating wika. Medyo bilisan lang ang pagsalin ko at puwedeng po na magbigay ng maayos na mungkahi.

White Christmas

(PINOY KRISMAS by Slolo)

I’m dreaming of a white Christmas

AKO’Y NANGARAP NG PINOY KRISMAS


Just like the ones I used to know

KATULAD NG AKING DATING KRISMAS


Where the treetops glisten,

KUNG SA’N ANG MGA TAO’Y MASAYA


and children listen

AT MGA BATANG UMAAWIT


To hear sleigh bells in the snow

SA ILALIM NG PAROL NG BAHAY  

I’m dreaming of a white Christmas

 

AKO’Y NANGARAP NG PINOY KRISMAS


With every Christmas card I write

SA LAHAT NG LUGAR NA PUNTAHAN


May your days be merry and bright

LAHAT MAY KASAYAHAN AT KAINAN


And may all your Christmases be white

AT  PASKONG PUNO NG KAPAYAPAAN  

I’m dreaming of a white Christmas

 

AKO’Y NANGARAP NG PINOY KRISMAS


With every Christmas card I write

BAWAT PAMILYA’Y MAY AWITAN


May your days be merry and bright

PUNO NG PAG-ASA’T TIWALA


And may all your Christmases be white

MULA SA KRISTONG ISINILANG SA SABSABAN

 

-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-

 

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT AT MASAYANG PAGSALUBONG SA BAGONG TAON!!!!


MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT

GOD BLESS YOU ALL ALWAYS

 

PEACE!!!!

 

 

 

 

 

…..Ito ang wala sa bayan ni Ankel Sam….kitakits tayo sa lugar na iyan sa UP Diliman…only in the Pinas talaga!

 

….Tenk Yu…Tenk Yu…ang babait ninyo…Tenk Yu(sa tono ng mga batang nagkakaroling)!

 

Notes:(Wikipedia)

The song White Christmas is undoubtedly the most famous and popular of all the Christmas songs. The music and lyrics for White Christmas were written by Irving Berlin in 1942 and originally featured in the movie Holiday Inn starring Bing Crosby. The lyrics of White Christmas struck a chord with the soldiers fighting in the Second World War and their families who were waiting for them back home. The song and recording of White Christmas by Bing Crosby with John Scott Trotter’s orchestra and the Ken Darby Singers was so popular that it was later reprised in the movie called after its name – White Christmas. The film White Christmas once again starred Bing Crosby together with Danny Kaye, Rosemary Clooney and Vera-Ellen.



 

Only in the Philippines #4

Teka medyo matatapos na ang series ko ng ‘Only in the Philippines’.  Di ko lang matiis itong isang bidyo na ito kasi marami kayong makikita na ‘Only in the Philippines’. Siguro po lampas ng tatlo ang sitwasyon sa bidyo na talagang kakaiba talaga.

Marami ba kayong nakitang kakaiba?

– – – – – – – — – – – – – – – – – – – – – – –

Muli ang aking Pasasalamat sa inyong lahat!

Only in the Philippines #3

Kapansin-pansin ang malikhaing isip ng mga Pinoy at isa na rito ang paggamit ng riles kapag wala ang tren.

Naisipan ng mga Pinoy na nakatira sa malapit sa riles na gumamit ng padyak  sa riles o ‘trolley’.

Dahil madalang lang naman ang biyahe ng tren kaya ayun ginagamit ang ‘trolley’ ng mga nakatira duon na isang ‘means of transportation’.

Only in the Philippines!

– – – – – – – – – – – – – – – – – — – – – — – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

PASASALAMAT PO ITONG BIDYO NA ITO  SA INYONG LAHAT NA NAKILALA KO DITO SA BLOGOSPERYO…SA MGA LAGING BUMIBISITA NA DI KO PA NAKIKILALA AT SA MGA MAKIKILALA PA.

Pink Diaries…kasama na. Painumin Mo ko(di ko ma-copy site..virus daw?)

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!