Whatever you want in life

rainbow2

 

Whatever you want in life, other people are going to want it too.

Believe in yourself enough to accept the idea that you have an equal right to it.

–Diane Sawyer

Advertisements

Happy Valentine’s Day 2015

valentine 2015

“Don’t wait until it’s too late to tell someone how much you love, how much you care.”
― Auliq Ice

“I love you!”

Merry Christmas

Image

Christmas Prayer

Let Your goodness Lord appear to us, that we
made in your image, conform ourselves to it.
In our own strength
we cannot imitate Your majesty, power, and wonder
nor is it fitting for us to try.
But Your mercy reaches from the heavens
through the clouds to the earth below.
You have come to us as a small child,
but you have brought us the greatest of all gifts,
the gift of eternal love
Caress us with Your tiny hands,
embrace us with Your tiny arms
and pierce our hearts with Your soft, sweet cries.

—–by St. Bernard of Clairvaux (1090-1153)

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT!

Lolo ng mga sasakyan

Bago nagkaroon ng makina ang mga sasakyan noong araw, ang mga sasakyan ng tao ay hinihila ng kabayo o mga kabayo.

horse carriage

Sa aking huling pamamasyal sa isang pagtitipon-tipon ng mga lumang sasakyan ay nakita ko ang naunang sasakyang ginawa na inalis na ang kabayo at nilagyan na ng makina at manobela. Ang sasakyang makikita sa ibaba ay ginawa noong 1909.

SDC11148SDC11149SDC11151SDC11152SDC11153SDC11154SDC11155SDC11156SDC11157SDC11158SDC11159SDC11160SDC11161SDC11162SDC11163SDC11165

Ang isa sa mga naunang gumagawa ng mga sasakyan noon ay ang Ford Motors. Ang mga nakikita sa mga litrato na mga sasakyan ay ginawa noong 1921.

SDC11141SDC11142SDC11143SDC11144SDC11145

Pero alam ninyo ba na noong araw ay may electric car na? Opo totoo at ito ay nagsimula pa noong 1925. Ang una naman dito ay tinawag na Baker Electric.

electric car

Litrato mula sa Popular Mechanics

Kaya mga apo ng mga sasakyan…magmano na sa inyong mga lolo.

———-

“The longest journey begins with a single step, not with a turn of the ignition key.”  ~Edward Abbey

-00-

Ang akda na ito ay ginamitan ng Windows Live Writer 2012.

Si Lily

Si Lily(di niya tunay na pangalan) ay kaibigan ng aking anak dito sa Amerika. Kararating lang niya noong 2010 mula sa Pilipinas at kasama siya ng anak ko sa trabaho.

Nag-aaral pa sa kolehiyo si Lily ngunit tumigil muna siya ngayon semestre na ito.

Maaliwalas ang mukha ni Lily at palaging nakangiti. Hindi mababanaag kay Lily ang kanyang pinagdaanan, pinagdadaanan,  at mga kakulangan ngayon sa buhay.

Mula sa konti at maiikling tanong ay naintindihan ko ang buhay niyang pinagdaanan. Sa pag-uusap namin ay iniwasan ko ang mga tanong na pakiramdam ko ay wala akong karapatan na ungkatin at malaman. Pinabayaan ko lamang siyang sumagot at magkuwento sa gusto niya.

-Lumaki siya at kanyang mga kapatid sa kanilang Lolo at Lola…sa Pangasinan. Naikuwento niya kung paano nila pinilit na matutunan ang salita doon sa lugar na iyon.

-Noong magha-hayskul na siya ay lumipat sa siya at mga kapatid sa Cavite. At nai-kuwento niya na bago siya umalis sa Pilipinas ay namasukan siya sa Greenwich bilang isang working-student.

Biniro ko si Lily noong nabanggit niya na taga-Cavite rin pala siya…aba matapang ang mga taga-Cavite. Ang sagot niya sa akin ay di rin daw at madalas ay iyakin rin(marahil may kanalaman ito sa kanyang pamilya).

-Nakarating silang magkakapatid sa Amerika dahil sa petition ng kanyang Ama, na may pamilya ng iba dito sa Amerika. Hindi ko na itinanong ang mga detalye at pumasok na lang sa aking isipan na mabuti at inasikaso ng kanyang ama ang kanilang papeles upang makarating siya at mga kapatid sa Amerika sa kabila na may pamilya ng iba ang kanyang Ama.

– Ang Ina naman ni Lily(at mga kapatid niya) ay nasa Dubai. At malamang matagal na rin siya sa ibang lugar bilang OFW dahil sa kuwento niya na nakatira sila sa kanilang Lolo at Lola noong bata pa.

– At sa ngayon ay naalalayan siya at ng kanyang mga kapatid ng kanilang Tiya dito sa Amerika.

Mga nabanggit rin ni Lily…

“Hindi niya akalain na makakarating sa Amerika siya at kanyang mga kapatid.”

“Naaawa siya sa kanyang Ina dahil magkakahiwalay sila at ganun na lamang ang pag-iisip at pag-aalala sa kanilang mga magkakapatid dito sa Amerika.” Habang ang bunsong kapatid sa ngayon ay nasa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kolehiyo doon.

“Sa susunod na lang na semestre po ako papasok at ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.”

“Matatangkad ang mga kapatid ko sa bagong pamilya ng kanyang Ama.”

Mga naisip ko….

Palagay ko matibay na si Lily sa buhay dahil sa pinagdaanan at mga pagsubok ng kanyang pamilya.

Palagay ko tunay na nagabayan at naalagaan siya at kanyang mga kapatid ng kanilang Lolo at Lola. Dahil sa magandang pag-uugali at panuntuyan sa buhay sa kabila na wala sa piling nila ang mga gagabay na magulang.

Palagay ko at dalangin ko ay mararating ni Lily ang kanyang pangarap dahil sa kabila ng pagtatrabaho niya at hindi niya kinalilimutan ang makatapos sa pag-aaral.

Palagay ko ay makakasama niya pagdating ng panahon ang kanyang Ina dito sa Amerika. Dahil nabanggit niya na hihintayin niyang maging US Citizen siya at sa panahon na ito ay ipe-petition niya ang kanyang Ina. Malapit na rin iyon…mga dalawang taon na lamang iyon.

Palagay ko ay magaan na kay Lily ang  relasyon niya sa Ama dahil naikukuwento niya ang kalagayan ng kanyang mga bagong kapatid sa bagong pamilya ng Ama.

….

Maraming mga pangyayari at marami dito ay di na maibabalik at mababago ngunit sa kabila nito ay may mga umuusbong muling mga panibagong buhay, magagandang pangarap, pag-asa, at hindi magmamaliw na pagmamahal ng Anak sa Magulang…ng Magulang sa Anak.

–0–

When things go wrong as they sometimes will,
When the road you’re trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit
Rest if you must, but don’t you quit.
Success is failure turned inside out,
The silver tint on the clouds of doubt,
And you can never tell how close you are,
It may be near when it seems afar.
So, stick to the fight when you’re hardest hit
It’s when things go wrong that you mustn’t quit.
-Author Unknown

Masaya Sa Pilipinas

“It’s more fun in the Philippines!”

May pumupuri at may mga negatibong reaksyon sa nabanggit na bagong advertisement para sa pagpapalawig ng turismo sa bansang Pilipinas.

Kung ako’y tatanungin…yan na rin ang isasagot ko sa magtatanong. Tunay na mas masaya sa Pilipinas.  Palagi ko naman iyang nasasabi sa aking mga nakakausap sa aking lugar ngayon at sa aking matagal na paninirahan sa ating bansa. At hindi maikakaila para sa akin ay ang magagandang pag-uugali ng mga masayahing Filipino ang tunay na nagpapasaya na kasamang nakikita sa mga magagandang lugar na puntahan sa Pilipinas.

Bilang isang Pinoy ay inaaamin ko na marami rin ang mga negatibong kuwento, komento at nangyayari sa ating bansa. At nakikita ko rin ang mga pagkukulang kung turismo ang pag-uusapan. Ngunit hindi dapat masira ang napakaraming magagandang katangian at makikita sa Pilipinas ng mga pasulpot-sulpot na mga negatibong pangyayari sa ating bansa. Umaasa ako na balang araw ay magiging maayos din ang mga negatibong nakikita sa Pilipinas.

Marami na rin akong napuntahang iba’t-ibang lugar at masasabi ko na iba’t-iba rin ang mga ekspiriensya sa mga  bansa na iyon. Bilang Pinoy ay tunay na namamangha ako palagi sa mga magagandang lugar na aking napuntahan sa ibang bansa katulad ng iba’t-ibang lugar sa Amerika, Vienna(Austria), Hong Kong(Asia), at Macau(Asia). Kaya para sa akin ay parang masasarap na pagkain ang mga lugar na ito at ibang luto ang Pilipinas.

Para sa akin ay napakaraming lugar sa Pilipinas na kapuri-puri lalo na sa mga probinsya. Sana lamang ay hindi maging pangkalahatan ang mga negatibong komento na  nangyayari at nakikita sa Metro-Manila at ibang lugar.

Personal na nakita ko ang pagkagalak sa Pilipinas ng apat naming bisita na mga Singaporeans noong nakaraang Disyempre 2010(unang bakasyon ko sa Pinas). Masasabing wala sa kalingkingan ng bansang Singapore ang Pilipinas kung pag-uusapan ang turismo pero sa ilang araw nilang itinigil sa Metro-Manila ay halos wala akong narinig na reklamo sa kanilang pamamasyal bilang turista at nagsabi pang muli silang babalik.

Nagsasarili lamang sila sa kanilang pamamasyal sa Metro-Manila. Nakakarating sila sa Makati at Ortigas sa pamamagitan ng MRT. Minsan ko lamang silang nakasama noong ipasyal ko sila sa Fort Santiago at Luneta. Namangha sila sa mga kuwento at pangyayari sa nakita nila sa Fort Santiago lalo na ang kuwento ng kabayanihan ni Jose Rizal. Lubos nilang nagustuhan ang pagkain ng mga street foods na nakita  nila sa pamamasyal sa Luneta katulad ng balot, hilaw na mangga na may bagoong, fish balls, at inihaw na pusit. Tuwang-tuwa rin sila sa nakita nilang masasayang Filipino na namamasyal sa Luneta sa harap ng Grandstand(na alam nilang doon naganap ang isang hindi magandang pangyayari). At siyempre hindi rin nila makakalimutan ang iba’t-ibang Filipino restaurant na tunay naman nilang nagustuhan ang mga luto sa kabila nang murang halaga.

Pauna pa lamang ito kung bakit nga ba mas-masaya sa Pilipinas(may susunod pang akda). Pag-uusapan din natin sa susunod ang kasagutan sa isang tanong na kung bakit ba masayahin ang mga Pinoy sa Pilipinas na para sa akin ay siya rin ang kinagigiliwan ng mga turista.

Sana lamang bilang isang Filipino ay mas maraming tayong masabing maganda sa ating bansa kaysa sa mga negatibo.

At sana rin ay maging kaisa tayo sa ikagaganda at ikakaunlad ng Pilipinas…ang ating bansang sinilangan…’in our own little way’.

– – – – – – – – – – – – – –

“Travel and change of place impart new vigor to the mind. ” ~Seneca

Anim na Piye

Walang mayaman o mahirap.

Walang bata o matanda.

May mansyon man o wala.

Mestiso o mestisa man o hindi.

Nagpa-Belo man o hindi.

May Luwi Biton man o wala.

May IPhone man o wala.

May natapos man sa pag-aaral o wala.

May blog man o wala.

Kahit sinong nabubuhay na tao balang araw ay makakamit din ang ‘Anim na Piye’. Walang exempted dito.

Lahat ay pare-parehas na sa huling sandali. Isang kahon na eksakto lang sa katawan ang paglalagyan at pagkatapos ay ihuhulog na sa ‘Anim na Piye’ ang lalim sa lupa…sa Inglis ay “Six feet below the ground.”

Pero teka huwag naman kayong matakot kapag kamatayan na ang pinag-uusapan. Kasi iyan ang pangyayari sa ating buhay na siduradong-sigurado na mangyayari. Kung sa pelikula ay palaging may ‘The End’ o ‘Wakas. Wala lang nakakaalam sa ating buhay kung kaylan.

At ang sabi nga rin ay hindi ka daw makakatakas sa mundong ito ng buhay.

Para sa akin ang kamatayan ay importante para mapahalagahan ang kagandahan ng buhay. Hindi iyong nakakatakot. Kundi ang malaman na ang isang pisikal na buhay ay may katapusan. Ang pagtanggap na ang ating buhay ay maiiksi lamang para makapagmahal at matuto sa mundong ito. Upang malaman natin na balang araw ang lahat na pinanghahawakan natin sa mundong ito ay mawawala. Na ang kamatayan ay isang kaibigan na nagpapa-alaala upang hindi tayo kumapit nang mahigpit sa ating posisyon sa buhay at mga materyal na pag-aari na nagiging tingin natin ay siyang pinanggagalingan ng seguridad at halaga ng buhay.

Ang sabi nga sa aking nabasa mula sa Royal Path of Life.

Ah, it is true that a few friends will go and bury us; affection will rear a stone and plant a few flowers over our grave; in a brief period the little hillock will be smoothed down, and the stone will fall, and neither friend nor stranger will be concerned to ask which one of the forgotten millions of the earth was buried there. Every vestige that we ever lived upon the earth will have vanished away. All the little memorials of our remembrance – the lock of hair encased in gold, or the portrait that hung in our dwelling, will cease to have the slightest interest to any living being.

We need but look into the cemetery and see the ten thousand upturned faces; ten thousand breathless bosoms. There was a time when fire flashed through those vacant orbs; when warm ambitions, hopes, joys and the loving life pushed in those bosoms. Dreams of fame and power once haunted those empty skulls. The little piles of bones, that once were feet, ran swiftly and determinedly through twenty, forty, sixty, seventy years of life, but where are the prints they left? He lived – he died – he was buried – is al that the headstone tells us. We move among the monuments, we see the sculpturing, but no voice comes to us to say that the sleepers are remembered for any thing they have done. A generation passes by. The stones turn gray, and the man has ceased to be, and is to the world, as if he had never lived.

Ummmm….malinaw ang mensahe. Hindi tayo makakapagtago sa kamatayan. Kukuhanin niya lahat ang ating posisyon sa buhay, materyal na pag-aari, ang posisyon natin sa iniikutang buhay, ang kung sino man tayo sa ibang tao—-lahat ay ipawawalang halaga ng kamatayan.

Hindi naman sinasabi na iwanan na ang lahat ng materyal na pag-aari at mga kung ano tayo sa buhay kundi upang makita lamang ang tunay na mahalaga sa ating maiikling buhay habang tinatanggap natin ang reyalidad ng kamatayan ay matutunghayan natin na napakaganda ng regalong buhay sa atin.

At upang makita na masarap at napakagandang mabuhay ay mula naman sa isang akda ni Nadine Stair na If I had my life to live over again.

 – – – – – – – – – –  o  – – – – – – – – – – –

“If I had my life to live over… I’d dare to make more mistakes next time.”–Nadine Stair

“Just moments one after another.”–Nadine Stair

“Almost everything–all external expectations, all pride, all fear of embarrassment or failure–these things just fall away in the face of death, leaving only what is truly important. Remembering that you are going to die is the best way I know to avoid the trap of thinking you have something to lose. You are already naked. There is no reason not to follow your heart.” ~Steve Jobs

-o-

Sinulat ito para sa pag-alala sa Araw ng mga Yumao sa Pilipinas sa November 1, 2011

Boses ng isang kabataang Pinoy

Nagbibigay puwang ang Blog Ni Lolo sa mga kabataang Pinoy na nais magpahayag sa pamamagitan ng sanaysay o tula.

Ang Blog ni Lolo ay sumusuporta sa mga pangarap at adhikain ng mga kabataang Filipino para sa mga susunod na henerasyon.

Ang sumusunod na tula ay isinumite ng isang mag-aaral sa kolehiyo mula sa Pilipinas.

 
Uy, Teka lang!
sinulat ni Kris ng Polytechnic University of the Philippines
Oktubre 2, 2011

Uy, Teka lang! Saglit lang…
Matanong ko lang,
Kilala mo pa ba si Juan?
Kasi parang nalimot  mo na.

Iba na kasi ang iyong kaanyuan, 
Para ka ng taga-ibang bayan.
Oo, makabago na nga ang panahon ngayon,
Pero dapat din bang magbago ang mga taga-nayon?

K-Pop, Hip hop, at kung anu-anu pa
Anu man ang makahiligan mo,
Panatilihin mo ang pagiging Pilipino mo,
Dapat pa nga ipagmalaki mo ito.

Rizal, Mabini, Bonifacio, at Ninoy
dapat sila ang tingalain mo,
Hindi ang kung sino
na hindi mo naman kaanu-ano.

Gumising ka nga,
Pilipino ka naman talaga,
Bakit nagpapanggap ka pa?
Para lang ba masabing sikat at “in” ka?
—o—

“Never doubt that a small group of thoughtful, committed people can change the world. Indeed, it is the only thing that ever has.” – Margaret Mead

Minsan ko silang pinangarap at nakapiling

Naging parte sila ng aking kabataan.

Isang kaligayahan sa aking puso at isipan dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makapiling ko sila.

Sikat na sikat sila noong araw…pinagkakaguluhan…at pinag-iipunan ng salapi makapiling lamang.

Ngunit sa pagdaan ng panahon ay nakalimutan na sila. Madalas ay makikita ko na lamang sila sa tabi-tabi na lamang, napabayaan na. Busabos na at nasa basurahan kadalasan. Hindi na sila pinapansin ngayon.

Hindi ko nasabi sa kanila ang aking pagmamahal dahil minsan sa aking buhay ay nakapagbigay ng hindi maipaliwanag sila ng kaligayahan.

Sila lamang ang aking naging isang bisyo na tunay kong minahal at hanggang ngayon ay di makalimutan.

Kaya naririto ako muli upang sariwain ang aking nakaraan sa piling nila.

Naalala ko pa ang lahat na nagsimula sa pasilip-silip lamang sa eskaparate sa kalye ng Raon, sa Sta. Cruz Manila. Maingay ang mga tindahan dito at parang nanawag na bilhin mo na ako. Sa kalye Raon lamang noon mabibili ang mga ganitong bagay sa Maynila. Sapatos pa lamang ang paninda ng ShoeMart noong una akong nagawi sa kalye ng Raon.

Pabalik-balik bawat araw habang binibilang sa isipan kung kakasya na ang naipon na pera.

Maaring hindi na ninyo sila nakita o nakilala man lamang kaya andito ako na muling binubuhay sila sa aking isipan upang ipakilala sila isa-isa dahil maaring minsan ay pinangarap at dumaan din sila sa inyong buhay.

Read more