
Isang linggo na ang nakaraan at sumubok na rin ang inyong Lolo sa mundo ng vlogging.
Marami din ang preparasyon bago ipinanganak ang Youtube channel na ito. Maraming panonood at pakikinig ang aking ginawa na mula sa mga kakayanan ng mabubuting tao sa maraming video sa loob ng mundo ng Youtube.
Bakit bigla akong sinipag sa pagpasok sa vlogging?
Sa loob kasi ng apat na taon ay ginampanan ko ang tunay na Lolo at napakaraming videos ang aking naipon mula sa apo ko ay nasa tiyan pa ng kanyang ina hanggang sa pangkasalukuyan. kaya mula day 1 ng aking apo sa mundo na ito ay nagsimula ng gumiling ang mga kamera para sa katuwaan ng lahat. At dahil nga ang aking apo ay apat na taon na, muling nagkakaroon ng oras ang inyong Lolo sa paggamit ng computer, habang siya naman ay naglalaro ng kanyang mga laruan.
At isa pang dahilan ay naisip ko na mas mabuting sa youtube na ako magbuo ng parang journal ng buhay ng aking apo, kasi kung ano man ang mangyari sa mga digital files ko sa aking computer at telepono ay sigurado akong sa youtube ay puwede ko itong ipakilagay. Dahil sa malaking kompanya ang youtube(google) ay di nila pababayaan na basta ito mabubura o madidisgrasya.
- Photo by Pixabay on Pexels.com
Isang linggo pa lamang ang aking youtube channel na ito…kaya parang baby na kailangang bantayan at alagaan ng maayos.
Dahil bago ako sa mundo ng vlogging ay baka may suhestiyon kayo para maging maganda at maayos din ang aking pagpasok sa mundo ng vlogging.
Maraming salamat sa inyong lahat. God bless!
Maraming salamat din sa mga dating kabloggers na napadaan at napabisita sa Blog ni Lolo…pasensiya na kayo kung ngayon ko lang kayo napasalamatan.
https://www.youtube.com/channel/UCKhOhN10-1vT-KzQT9VewJw/featured