Philippines…missing you!

Beautiful Manila
Teka bakit ba ganyan…naalala ko tuloy nung bata pa ako ay ang pangarap ko ay makarating ng Maynila…wow di ba sikat ka sa mga barkada mong taga promdi kung makakarating ka ng siyudad. Pakiramdam mo ay nakarating ka na ng Amerika kung nakarating ka ng Maynila.
Pero talaga yatang ang sarap mangarap lalo na kung ito ay nagkakatotoo. Nung nakarating na sa Maynila ang naging pangarap naman ay makarating ng Baguio City. Kasi ang klima daw dun ay parang Amerika. Bakit na nga lang ba Amerika ang laging inihahalintulad ang mga pangarap.
At nung natikman na ang Baguio City…oo nga parang Amerika malamig na…amoy pine tree pa. Ayun na… sumunod na ang pangarap….makapagbakasyon sana nga sa Amerika. Hindi ko rin akalain na makakatungtong ako ng Amerika nung 1990. Nagkataon lang na napasama ako sa training sa Vienna, Austria. Habang nasa Vienna ay sinubukan ko na kumuha ng US Visa. Ayun yun na ang kasagutan sa pangarap na makarating ng Amerika. Binigyan ako ng single entry na 3 months visa. Kaya takbo agad Amerika. Bago ako umuwi sa Pilipinas from Vienna ay ginamit ko na agad ang US visa. 3 weeks na bakasyon agad. Suwerte lang at may kapatid ako sa San Francisco City, California.
Ang bilis ng panahon…ngayon dito na ako nakatira.
Kaya eto na ang buhay…nangangarap makapagbakasyon sa Pilipinas.

Hayyy…okay lang mabait si Lord…binibigay lahat…sa tamang panahon.

Kaya eto ang gandang video ng isang parte ng Pilipinas…nakakapaglaway!

Thanks to City by City

This entry was posted in Travel.

4 comments on “Philippines…missing you!

  1. huwaww! kakamiss po talaga ang pinas! esp. ang manila. hehe. naalala ko nung bata pa ako sabik na sabik ako makapasyal sa Manila Zoo! hehehe..
    Matagal narin po pala kayo sa US katulad ng mga auntie ko.
    Godbless.🙂

  2. superlolongpinoy says:

    Haha…oo Manila pa lamang ang dami ng mapapaasyalan eh yun pang sa mga probinsya. Tama ka nung araw na wala pang mga Malls, Luneta at Manila zoo ay maligaya na ang bata. Nakita ko yung ilang pictures mo sa the Fort, ako nga di pa masyado nakag-ikot sa mga bagong lugar sa The Fort.

    Ummm di pa katagalan sa US kaya lang ganon pala ang feeling katulad mo excited lagi maka-uwi sa Pilipinas.
    Ganun yata talaga.

    O ang bilis ng araw…next month bakasyon mo na. Kaylan kaya ako?…hehe

    Salamat sa pag-bisita Roneth.

    God Bless din!

  3. haha, gusto ko ang ending lolo. fitting na fitting – “heto, nangangarap ngayong makapagbakasyon sa Pilipinas,” ahaha.🙂

    yan nga po ata ang downside ng nangangarap, hihi… – you might just get it! *wink*

    • Tama ka Miss DPSAn…nangyari nga at natupad ang pangarap na iyan nang nakaraan na December. Naka isang buwan din. Hayyy sarap ng feeling. At ngayon ay muling nangangarap ng susunod….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s