Bigla ko ngayon naalala ang isang kaibigan sa isang Senior’s Home.

Bumibisita ako dun sa Senior’s Home bilang isang volunteer pianist, once a week  lang ito, mga dalawang oras sa hapon ako dun…pagkatapos kumain nila ng tanghalian ay tumutugtog ako sa piyano at nandun naman nakikinig ang mga 30 na matatanda…Lola at Lolo. Hindi pangkaraniwang matatanda sila ngunit silang lahat ay may mga sakit na Alzeimer’s.

Hindi ako professional na piyanista pero nag-aral ng konti nung bata pa ako kaya nakakabasa ako ng mga nota. Dahil matatanda ang aking audience…siyempre oldies but goodies ang aking selection…yung mga music nila Nat King Cole, Frank Sinatra, Tony Bennett, Platters at iba pa.

piano man

Mga na-obserbahan ko sa may mga sakit na Alzeimer’s habang ako ay tumutugtog:

1. May parang tulala lang na naka-upo na parang walang tumutugtog o naririnig.

2. May isang matandang babae na lagi siyang andun sa may telepono na parang laging may tinatawagan.

3. May usap lang ng usap sa sarili.

4. May lakad lang ng lakad…uupo tapos lakad ulit.

5. May isang matandang babae na laging nagbubukas ng mga pinto…na tingin ko ay parang gusto niyang lumabas. Ang lugar kasi ng may mga Alzeimer’s ay naka-electronic lock…kasi minsan nga daw ay lumalabas na lang bigla ang mga ito.

6. May ilan na nakasubsob lang sa mesa…gising sila pero yung subsob nila ay yung parang lasing na walang pakielam sa mundo.

7. May biglang nakadapa lang sa sahig o sa carpet…hindi na babangon…itatayo na lang ng caregiver.

8. May isang pasaway na matandang lalake  na kapag talagang sinusumpong ay parang bata…nang-aagaw siya ng pagkain ng iba…ayun magagalit naman ang inagawan at talagang parang bata na mag-aaway sila na palo-palo lang naman ng kamay…hindi naman suntukan.

Sila ba ang gusto ninyong audience kung kayo ang tumutugtog?

Kapag tumutugtog ako duon ay isa lang lagi ang nasa isip ko ang makapagpasaya sa kahit isang matanda lamang…masaya na ako. Malungkot ang buhay ng mga matatanda dun kasi walang dumadalaw sa kanila. At ang tunog ng piyano ang minsan nakakapagbigay sa kanila ng kaligayahan.

Pero sa totoo lang…mabibilang sa daliri ng mga kamay ang nakikinig sa akin…pero sila ay nakakapagpataba na sa aking intensyon na makapagpasaya sa pamamagitan ng musika.

May pumapalakpak naman kapag alam nila ang aking tinugtog…o awtomatik kaya ang palakpak kapag natatapos lang ang bawat tugtog? May kumakanta kapag alam nila ang musika…pero dulo-dulo lang ang nakakanta o yung refrain lang.

Basta okay lang sa akin lahat sila basta alam ko sa ilang sandali ay naging anghel ako sa buhay nila sa pamamagitan ng konting talento na ibinigay sa akin ng Diyos

Pero ano nga ba ang Alzeimer’s? Ito na ba ang ulyanin sa atin? Tingin ko mabuti pa kung ulyanin kasi sa atin sila ay malilimutin pa lamang at di pa buo ang pagkalimot.

Naito ang isang article tungkol sa Alzeimer’s na napakanda. Bigla tuloy akong nagpasalamat sa Diyos dahil bigla ko rin ngayon na-realize ang ganda ng ating utak o brain. Mayroong tour sa article na iyan tungkol sa mga function ng ating brain.

http://www.alz.org/alzheimers_disease_4719.asp

Napansin ko lang walang Filipino doon na may Alzeimer’s. Ibig sabihin ba ay di nagkakasakit ng Alzeimer’s ang Filipino o  naalagaan pa ng pamilya ang may Alzeimer’s na Filipino? Tingin ko ang sagot ay nagkakasakit din ang Pinoy at inaalagaan sa bahay…dahil may kakilala akong Filipinong lalaki, maidad na siya at yun nga may Alzeimer’s at inaalagaan siya ng kanyang asawa sa bahay.

Teka sino nga ba yung kaibigan ko?

Isa siyang dating professor sa isang sikat na university dito sa California. 80 plus na ang kanyang idad…pero wala siyang Alzeimer’s. Naging magkaibigan kami kasi mahilig din siya sa pagtugtog sa piyano.

Kung wala siyang Alzeimer’s ay bakit siya andun?

thenotebook

Kung napanood ninyo ang movie na “The Notebook”….ayun ganun…pareho din sa movie yung babae ang may Alzeimer’s…at dahil mahal niya ang kanyang asawa…sinamahan niya sa Senior’s home siya. After four years na magkasama sila duon ay namatay ang asawa niyang may Alzeimer’s…pero hindi na siya lumabas dito kahit may bahay pa siya…dahil nga siya ay nag-iisa na at minarapat ng mga anak niya na duon na siya tumira.

At yun ang ginagawa ko pagkatapos ng aking tugtog ay dinadalaw ko siya sa kanyang kuwarto. Tuwang-tuwa siya dahil mayroon siyang nakakausap kahit sandali lamang.

Siya ang aking kaibigan na walang Alzeimer’s.

24 thoughts on “Alzeimer’s o Ulyanin?

    1. Base nga… 🙂 Alzheimer’s is still one condition whose cure eludes science…

      I think that this disease possess a challenge on the human family, especially on the Filipino setting…

      Nakakahanga ang ginawa ng kaibigan nyo… 🙂

      1. Haha…base ka CWW.

        Oo nakakatakot nga ang sakit na ito…pero parang may itinuturo ang siyensiya para ma-slow down ang epek nito sa mga matatanda.

        And yun nga mabuti naman ang pamilyang Pinoy parang di problema ito…kinakayang alagaan ang matatanda sa atin…hindi iniiwan na lamang.

        Ah oo bilib ako dun sa kaibigan ko na iyon…sa susunod ay may ikukuwento pa ako sa buhay niya.

  1. bilib ako sa inyo ng kaibigan mo. sa kanya dahil sa panghahawak nia sa pangako nia. at sau na hnd nagsasawang dumalaw at tumugtog para maaliw ang mga taong iniwan ng mga kani2lang mga mahal sa buhay..

    paturo pong mg piano?! ^,^

  2. Precious,

    Salamat po.

    Ay korek ka…talagang saludo ako sa ibinigay niyang pagmamahal sa kanyang asawa…sobra.

    Siguro next time, ikuwento ko pa ang buhay ng fren ko.

    At yun nga dahil nga Pinoy tayo ay talagang nakaka-antig ang makita sila ng ganun na lamang. Kaya sa akin okay lang basta mapangiti ko lang sila ng simple kong pagbati at pagtugtog.

    Haha…oo matiyaga akong magturo ng piyano.

  3. Wow nakaka-inspire naman itong entry mo. Parang napaisip tuloy ako kung ano yung maliit na tulong na pwede ko magawa dito o sa barangaya namin. Salamat!
    May nabasa nga ako e, sabi doon hindi mo daw kayang iligtas ang buong sangkatauhan, iilan lamang o minsan isa lang..pero hindi importante kung marami o kaunti, ang mahalaga ay mayroon kang puso na marunong magpahalaga.

    Gusto ko rin matutong mag-piyano kaso walang marunong sa Barangay namin noong kabataan ko at walang may piano kaya gitara lang ang natutunan kong tugtugin. pero gusto kong matutunan ng anak ko ang tumugtog niyan, enroll ko siya sa iyo ha?

    Aabangan ko iyang kuwento ng kaibigan ninyo, napakaganda ng istorya niya. Busilak na pag-ibig ay talagang madalang matagpuan.

    1. Salamat Ferdie,

      Ito yata ang isa sa aking “Making a Difference” na gawain. Tama ka hindi ito kapansin-pansin at di malalagay sa dyaryo pero sa puso ng napaligaya ko kahit sandali ay lubos na simpleng accomplishment na sa aking simpleng buhay.

      Ako naman ay gusto kong matutong mag-gitara pero di ako nagtagumpay.

      Haha..Oo puwede akong magturo pero basic lang…hindi yung pang konsiyerto. Puwede mo siyang simulan sa simpleng eletronic organ turuan. Para magkaroon siya ng feel sa musika. Ang kapag talaga mayron dating sa kanya ang tunog ng piyano ay mabilis na lamang siyang matuturuan.

      Ah oo…susubukan ko nga kung puwede ko siyang makuhanan ng picture para sa artikel na gagawin ko pa sa kanya next time.

      Eto bigyan kita ng pahapyaw na kulitan namin…nagjajamming kami sa kanyang silindro at ako naman ay sasabay ng tono ng kanta…at yung mga Filipino Classic songs ang aming nire-review. Amerkano siya pero may mga alam siyang Filipino songs na gustong-gusto niya naman…katulad ng Dahil sa Iyo, Ikaw at ilang folk dances music.

  4. Sige gagawin ko iyong suggestion mo, pag-ipunan ko n ayung pambili ng e-organ. Naalala ko tuloy yung movie na “The Pianist at The Piano” parehas kong gusto ang mga movie na ito. Pero ang gusto kong matutunang piyesa talaga ay ang “Claire de lune” ni Debussy, para akong natutunaw at nasa ibang mundo kapag naririnig ko iyon, dahil sa pagkagusto ko sa piyesa na ito ay sinamahan ko tuly ng pangatlong pangalan yung name ng baby ko, hehe di kaya siya magalit sa akin?

    Wow, talaga naman may patikim pa sa sunod na artikulo..talaga naman kumbaga sa pagkain naglalaway ako. Aabangan ko iyong istorya ng kaibigan mo.

    1. Ferdie,

      Ah oo e-organ muna sa simple. Kasi yung ibang magulang ay bumibili agad ng bagong piano. Tapos yung anak pala ay wala namang interes sa pag-piyano…sayang lang kung minsan. Minsan mahirap pilitin ang isang anak sa ayaw naman…mas masarap kung nasa may katawan talaga ang pakagusto sa isang bagay.

      Dahil nga sa Internet technology natin…puwede na mag-aral ang bata sa guide ng mga nasa Internet. Iba talaga ngayon…sa Internet pa lang ay matuto ka na.

      Oo narinig ko na ang Claire de Lune sa mga plaka ng Tatay ko. Sa lawak na rin ng gusto ko sa musika…ang classical music ang di ko puwedeng iisang-tabi. Nalala ko rin yang “The Pianist” & “The Piano” mga French movie yata sila at magagaling.

      Palagay ko maiintindihan naman ng baby mo ang na maisama sa pangalan niya ang isang bagay na mahal-na-mahal mo sa buhay…ang musikang ito. At maaring isang pangarap din ito mula sa iyo na mapamahal din siya sa mundo ng musika.

      Siguro sa una magagalit siya sa iyo lalo na kung una pa lang siyang nag-aaral sumulat. Yung iba tapos na…siya ay nasa pangalawang name pa lang….hehe joke lang.

      Naalala ko tuloy yung opis mate ko…dahil mahilig siya sa James Bond movies…ayun pinangalan niya yung panganay niya ng Sean Connery(yan ang first name) den apelyido. Pero di naman naging NBI o artista yung anak niya…hehe.

      Ito naman ang mga tugtog 0 piano classics na naalala ko na mga gusto ko….Moonlight Sonata(Beethoven), Blue Danube(Strauss), & mga waltzes ni Strauss, ilang Mozart & Bach…hirap tandaan ang mga title nila kasi yung bang in Cmajor, in D minor, in B# minor…hehe

      Ito naalala ko tuloy…naging trivial na naman ako. Kasi sabi mo kapag nakikinig ka ng classical music ay para kang nasa ibang mundo. Eto naalala ko ang movie na “2001 a space odyssey” by stanley kubrick. Nung 70’s lumabas ang movie na ito at yun nga ginamitan ito ng mga classical music sa background. Katulad ng “Also Sprach Zarathustra” at “Blue Danube”. Grabe itong movie na ito kasi nuon ay isang kathang-isip pa lang ito…pero biro mo ngayon ay totoo na ito….may space lab na tayo. Kung interesado ka siguro maraming write-up nito sa Internet…para makita mo ang presentation nila for the future. Naka forward nga ito sa 2001 pero yun nga…akala ko nuon ay matagal pa iyon…pero lampas na tayo ngayon…at reality na ito.

      O sige ako man ay na-amaze sa katauhan ng kaibigan ko sa senior’s home.

  5. Wow! That was so totful of you(text spelling, operamini gamit). Hehe. GraBe u go der para tumugtog sa kanila. I like you for doing that,. Grabe nakakalungkot nga eh na alzheimers disease is an auto immune disease that there is no other way to cure it. Atleast your there playing piano so sana naman maka reminisce cla.Btw napan0od ko na yan the n0teb0ok.

    1. Salamat Super Jenniffer.

      Talagang yan ang isa sa mga prayers ko na magkaroon ng healthy brain hanggang maging very old na. Parang ang hirap ng sakit na iyan dahil may healthy body ka nga pero hindi mo alam ang nangyayari sa buhay at paligid.

      Oo tingin ko yun nga ang nangyayari kapag tumutugtog ako ng mga super luma na songs…yun bang alam ko sa panahon nila…parang tingin ko naaalala nila yung nakaraan nila with that songs. Minsan titingin sila sa akin…na parang sinasabi na na-appreciate nila ang tinutugtog ko.

      Very mysterious nga ang buhay na ito. Na parang sinasabi…live in the moments…live life to the fullest….live one day at a time…live with a grateful heart…love as you live…talk to God always…

      Kasi mawawalan na ng saysay ang buhay kung biglang may ganitong sakit na dadapo sa isang katawan.

      At yun nga di ko nabanggit sa aking sinulat…natalagang mayroon na umiihi at dumudumi na sila na di nila alam.

      Salamat sa pagbisita. Ingat & God Bless!

  6. That’s right! Every momment kailangan natin icherish, kc who knows right? Kahit sabihin mong may diary ka online man or by the classic one, di natin masasabi kung maaalala natin yun.. Paran the notebook lang db?

    1. Ay totoong-totoo po. Kung tayo ay namuhay ng maayos at nagmahal ng 101% sa araw-araw ..ito na ang pinakamagandang iiwan natin sa mundo na ito.

      At posibleng hindi tayo pabayaan ng ating mga napagsilbihan at minahal. Katulad ng sa “The Notebook”…pagmamahal ang nagpatibay sa lalaki upang hindi iwanan ang babaeng kanyang minahal.

      Habang binibigyan tayo ng buhay ni Lord…be thankful talaga & use it for His Glory. Kapag binawi na niya ang pinahiram niyang buhay na ito..talagang let go na.

      Thy will be done.

    1. Wow…salamat!

      Gusto ko lahat…iba-iba ang dating sa akin…pero mas malalim ang dating sa akin ng Violin na may background na piano.

      Maghahanap nga ako ng piano piece na iyan at mapag-aralan para matugtog ko sa senior’s home.

      Salamat ulit!

    1. Your welcome & salamat po Father.

      Opo at ito pong experience na ito ay lalo akong nagiging humble at thankful sa blessings na ipinagkakaloob ni Lord sa akin.

      Ingat po kayo palagi diyan.

  7. Dear Superlolo. Sa America, it is alzeimer – a desease. Sa pinas well, what can I do but it is called ulyanin.

    Iiwan ko naman sa iyo ang isang awit for the occasion. Sana magustuhan nyu po.

    1. Salamat Darbs. Haha…nice video…sakto ang message..one of my favorite tune from the Beatles(adik pa rin ako sa Beatles).

      Nung bata pa ako sa probinsya, yung Lolo ko ganun, sasabihin ng Nanay ko, pasensiya ka na anak…ulyanin na siya…80 na siya nung time na iyon. Kaya ganun na nga siguro class na ang dating dito…Alzeimer’s.

      Ngayon yung Nanay ko 78, medyo nagpaparamdam na ng pagka-malilimutin. Minsan kumain siya di niya napansin natapos na siyang kumain parehong tinidor ang ginagamit niya. Minsan tumatawag siya sa Pinas kala niya umaga rin dun…hehe kawawa naman yung natutulog dun.

      Yung magaling na ex-mayor namin sa bayan, nung 70++ na siya, ayun bumigay, talagang nabura ang memory. Ang pinaka-grabe niyang ginawa ay naglakad papuntang bundok, dire-diretso hanggang bumulagta na lang sa putikan, ilang araw ding nawala, almost mamatay siya sa dehydration, buti may napadaan na magbubukid sa lugar. Simula nun ikinulong na lang sa bahay. Nakakaawa.

      Yung mga Pinay na caregivers duon sa pinupuntahan ko…sabi nila ay parang may 3 levels pa iyang mga resident nila. Yung grabe…yung burado na talaga & yung hindi medyo nakakabalik pa ang memory pero bumibitaw din. Siguro ang isang grabe ay yung mga umiihi & napupu-pooh na…kasi naririnig ko sila dun pag alam nila na nagpupu-pooh si Lolo o Lola…parang baby may amoy.

      Gumagamit din sila ng term na Dementia…pero parang mga kapatid na rin ito ni Alzeimer’s…hehe

      I just pray na makaiwas tayo sa sakit na ito…pero ito yata ay kasama sa perks ng old age minsan…hehe.

    1. nung isang araw lang ibinalita sakin ng tiya ko na may nangyari sa amin..umuwi daw na tulala ang tatay di kumakain kung di susubuan, nung madaling araw nagwala inihinagis mga damitan at sa lapag lang ng semento nahiga..kinabukasan ok naman siya..parang walang nangyari..tapos ng txt uli si tiyang, buhos daw ng buhos ng tubig ang tatay sa may bintana ng banyo namin..kaya sinara nila yung control ng tubig tapos natulog na din cia..bakit kaya tuwing madaling araw siya sinusumpong ng ganun? hindi namin alam ang gagawin e…ngayon lang siya nagkaganyan..dati naman ay malakas pa siya..nagtatabas pa nga siya ng mga damo sa bukid e..ano po ba dapat namin gawin..takot namn ang nanay sa kanya ninenerbyos na din sa kanya…ako nman po ay dito sa manila nakatira at nagtatrabaho..ako lang po ang nagiisang nilang anak , di nila ako tunay na anak pero mahal ko sila higit pa sa buhay ko..kailangan ko po ng payo nio..maraming salamat..rudy.

      1. Hello Rudy,

        Maraming salamat sa iyong pagbisita sa aking munting blog.

        Ang maipapayo ko sa iyo ay mula din sa aking mga nabasa at napanood patungkol sa Alzheimer’s na sakit.

        Unang-una ay kailangan mapatingnan sa isang doktor ang iyong ama upang masiguro nga kung ano ang sakit niya.

        Kung Alzheimer’s o Dementia nga ang sakit niya ay talagang kailangan niya ng 24 hour na kasama na titingin sa kanya. Kasi mula sa mga nakita ko duon sa isang bahay na kung saan nakatira ang mga may Alzheimer’s ay talagang parang binura na kasi ang memorya nila…at ito ang pinakamalala. Ginagabayan sila sa lahat ng kanilang gagawin….sa pagkain….sa pagtulog…madalas kasi ay di na nila alam na kaiangan pang kumain at matulog. Madalas din sa kanila ay nakalampin na dahil di na nila kontrol ang pagdumi at pag-ihi. At madalas nga ay lumabas sila ng bahay dahil di nila alam kung nasaan sila…kaya madalas ay naka-lock palagi ang bahay.

        Sana kung may kamag anak kayo sa probinsya ay sana may makatulong ang iyong nanay sa pagalinga sa iyong ama.

        Nakakaungkot nga ang sakit na Alzeimer’s dahil ang sabi nga dito ay wala pang lunas. May gamot daw pero pang delay lang ng pag-lala ng sakit na ito.

        Maraming babasahin sa mundo ng internet para sa sakit na ito at lubhang makakatulong ang mga ito. Ang sakit na ito ay nangangailagan ng isang pag-aaral upang maharap ng maayos. Iba-iba din kasi ang level ng sakit na ito.

        Sa kabila ng lahat ay sabayan ng dalangin ang pangyayari sa iyong ama na sana’y magkaroon ng kagalingan.

        Sige Rudy nawa’y magkaroon ng tamang diagnosis ang sakit ng iyong ama.

        God Bless!

  8. maraming maraming salamat sa iyong pagsagot sa mensahe ko tungkol kay tatay..bukas nga pauwi ako ng probinsya para malaman ang mga nangyari at nang sa ganun e..kahit pano ay di man masolusyunan e magabayan ang maiiwan sa tabi ng nanay at tatay….God Bless po sa inyo..

    1. Walang anuman Rudy. Oo yung gagabay sa iyong Nanay at Tatay ang tingin kong unang gawain At pangalawa ay magkaroon ng lubos na kaalaman sa sakit ng iyong Ama ang mga mag-aalaga sa kanya upang maharap nila ng maayos ang iyong Ama. Pangatlo para sa akin ay kahit sinasabi ng medisina na walang lunas ang sakit na dementia ay sana ay mabigyan ng dignidad ang dumadanas ng ganitong sakit.sa pamamagitan ng maayos na pag-aalaga at pakikitungo sa may mga karamdamang ganito.

      Maraming salamat Rudy at ingat palagi dyan sa atin.

      God Bless muli sa iyo at sa iyong pamilya.

Leave a reply to superlolongpinoy Cancel reply